KABANATA 3

Sinabi ko ang mga order nila sa counter pagkatapos ay ‘tsaka umalis upang magtungo muli sa taas para tignan kung may bago akong customers sa hawak kong area. May nakita akong dalawang customers sa mag kahiwalay na upuan kaya dali-dali akong nagtungo roon upang kunin ang mga orders ng bawat isa.

“Good evening, Sir! May I take your order po?” tanong ko sa medyo may katandaan ng lalaking naka suot ng coat.

This must be a businessman. I am sure of that. Karamihan sa mga customers naming ay mga businessman. Ang na ito kasi ay isang bar na may restaurant. Pinaghalo nila iyon ng isa kaya ang iba rito ay dito na kumakain ng dinner at pagkatapos noon ay umiinom o ‘di kaya ay nagsasaya na lang pagkatapos hindi gaya sa mga restaurant na pagkatapos mong kumain ay aalis kana.

“Good evening.”

Sinabi niya ang kaniyang orders at sinulat ko naman ito. He ordered the known meal here and some drinks. Ang sabi pa niya ay balikan ko raw ang table niya dahil may dadarating pa siyang kasama. Tumango naman ako bilang pagsang ayon sa kaniyang sinabi bago magalang na nagpaalam sa kaniya. Agad akong nagtungo sa kabilang table para kunin din ang kanilang orders. Isa iyong grupo ng mga babae at lima sila. They get the most big table in my area. Kinuha ko ang mga orders nila at pagkatapos noon ay dali dali nagtungo sa baba para ibigay ang mga order ng dalawa.

Pagkatapos no’n ay kinuha ko naman ang order ng nauna sa counter na at hinatid ito sa itaas. Ganito lagi ang mga gawain ko. Masaya ako sa trabaho at nae-enjoy ko ito ng husto.

“Here’s your order, Ma’am, Sir,” aniya ko sa nauna kong customer.

“Thank you,” pasasalamat ng kasintahan ng lalaki sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya. “You’re welcome, Ma’am! Just call me if you need anything else.” saad ko sa dalawa bago nagpaalam.

Bumaba ako muli para sa order naman ng dalawang customer ko. “Lilith, nasa taas si Ynna?” tanong ni Marcus na isa sa mga naka assign sa counter.

Sila ‘yung mga gumagawa ng drinks at nagsasabi ng mga order na pagkain sa kitchen kung saan nandoon ‘yung mga chef na nasa kaniyang likod lamang.

“Oo, nasa taas.” Sagot ko habang naghihintay na lamang sa mga pagkain.

Tumango siya. Napansin kong tumingin siya sa nakalatag na dalwang tray na may lamang mga drinks sa harapan ko.

“Kaya mo ba ‘yang iakyat?” tanong niya tinutukoy ang dalawang tray sa aking harapan.

“Ah, oo naman!” sagot ko.

Umiling siya at ngumiti. “Ikaw talaga, ayaw mob a aong tumulong?” biro niyang sabi.

Napahalakhak ako sa kaniyang sinabi. “Hindi naman, ayoko lang maka abala sa iyo. May sarili kang trabaho oh, at medyo dumadami na ang mga tao.” Paliwanag ko.

Tumango tango siya habang nandoon pa rin ang ngisi sa kaniyang labi. “Okay lang, may sasabihin din kasi ako kay Ynna.” Sagot niya.

Napatango tango ako. Kaya pala. Sa huli ay hinayaan ko na lang ang gusto niyang gawin. Pagkatapos dumating ang mga order kong dalawang magkaibang putahe ay tinulungan niya nga akong buhatin ang mga iyon. Mabuti pa nga at hindi ako pabalik balik sa pagbaba. Pagdating sa taas ay tinuro ko kung saan niya ito ise-serve. Pagkatapos sabihin ay tumango siya at agad itong nagtungo sa sinabi kong lamesa.

“Hello, Ma’am, Sir! Here’s your order po, enjoy your date,” may ngiting sabi ko sa dalawang mag kasintahan.

Narinig kong bahagyang humalakhak ang babae bago sumagot. “Thank you,” nahihiya niyang sabi sa akin.

I say welcome and after that I excuse myself. Nagtungo ako sa kung saan sila Ynna at Marcus. “Thank you, Marcus ha, sa pagtulong sa akin.

”Bakit? Ano nangyari?” tanong ni Ynna sa akin.

Ang dalawang ‘to ay magkasintahan. Umiling ako kay Ynna. “Wala naman, tinulungan niya akong ilagay ang mga orders dito sa taas.” Sagot ko.

Tumango tango siya bago bumaling kay Marcus. “O sige na, mamaya na lang nasa trabaho tayo!” sabi niya sa kaniyang kasintahan bago bumaling sa kaniyang area. Napatingin tuloy ako sa hawak ko ring area at may nakitang mga bagong customers.

Tumango si Marcus. “Sige, mauna na ako. Lilith,” tumango ako bilang sagot.

Pagkatapos noon ay nagpatuloy na kami ni Ynna sa pagtatrabaho. Sabay kaming pumunta sa kaniya-kaniya naming area para kuhanin ang mga order ng mga customers namin. Nagbubukas ang bar na ito ng alas singko ng hapon at hanggang hating gabi. Laging ala una ng madaling araw na ako nakakauwi. Sa paglipas ng oras ay mas lalo pang dumarami ang mga tao. Naging sobrang busy ko sa pagkuha ng mga order at pag ayos ng mga lamesang tapos ng gamitin.

Nililinisan ko ngayon ang nasa unahang lamesa ng narinig kong tinawag ako ng matandang kanina pa naroon sa table niya. Bumaling ako at ito iyong nagsabi sa aking bumalik ako sa table niya dahil may mga kasama siya pang dadating. Nakita kong nakatalikod nga ngayon sa akin ang dalawang lalaki habang ang matanda ay nakaharap at nakatanaw sa akin.

Dali dali akong nagtungo roon habang hinahagilap ang papel at ballpen sa aking bulsa habang naglalakad patungo roon.

“Hello again, Sir!” bati ko sa matanda nang makarating sa kaniyang table pagkatapos ay ‘tsaka ako bumaling sa dalawang kasama niya sa aking kabila para naman sana ay batiin ngunit naiwan sa ere ang aking sasabihin ng makita ang nasa isang upuan ngayon.

This is the man I have one night stand with! Naalala ko ang kaniyang mukha! Alam ko, nakumpirma kong siya iyon ng makita rin sa kaniyang mukha ang gulat. The fuck? Bakit dito pa? Bigla akong pinamulahan ng hiya ng makitang bumaba ang mata niya sa aking katawan at pabalik sa aking mata. Siguro ay hindi niya in-expect na ang naka one night stand niya ay isang waiter. The judgement in his eyes never escape to me. Hindi ko na dapat inaalala iyon dahil wala akong pakialam kung anong tingin niya pero bakit nakakaramdam ako ng pagka ilang sa paraan ng kaniyang paninitig? Sino ba siya? That night was just a accident! Wala ako sa sarili!

Ngayong nasa tamang pag iisip ako at sa maikling paninitigsa kaniya ngayon ay alam ko na agad kung ano siya. Kung ano ang ugali niya. Mayabang! Mapang mata! At lahat na ng hindi magagandang ugali. Halos mapairap ako at ibinalik ang dating huwisyo. I cleared my throat when I’m about to speak. Hindi na dapat pa alalahanin ang aksidenteng nangyari. Pinilig ko ang aking ulo dahil sa mga naiisip. That just a one night stand and that’s all.

“What’s your order, Sir?” tanong ko sa katabi ng naka one night stand kong mas malapit sa akin.

Sinabi niya ang kaniyang order at mabagal ko iyong isinulat. Ngayon ko lang kasi napagtanto na kkuhanin ko rin ang order ng lalaking nakatalik ko! Eh, ano ngayon Lilith?! Customer mo siya ngayon kaya labas na iyon dito at ‘tsaka gaya nga ng sinabi ko one night stand lang iyon! Giit ko sa aking sarili. Pagkatapos makuha ang order ng nauna ay saka ako bumaling sa kaniya.

Nang pagbaling ko kanina ay nasa akin na ang kaniyang tingin. Hindi ko lang sigurado kung kanina pa iyon.

“Uh, your order, Sir?” I really tried my best to act normal at para ipakitang hindi ako na-aapektuhan dahil sa nangyari noong gabi.

The sides of his lips pursed a bit. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naging reaksiyon niya. Aba may gana pang mang iinis ang loko.

“I’ll get the best steak and wine, Miss...” napatinigin ako sa kaniya galing sa aking sinusulat. Nakita kong tumigin siya sa aking dibdib. Magrereklamo na sana ako na ang bastos naman niya sa paraan ng kaniyang paninitig. Dahil tinitignan niya ang dibdib ko! Pero agad natigil dahil nagsalita siya muli. “Lilith.”

Doon ko narealize na ang tinitignan niya pala sa aking dibdib ay ang aking name tag! Halos palamunan ako ng hiya dahil sa naisip. Tumango na lamang ako at nagpaalam na agad. That bastard! Narurumihan na ang isip ko dahil sa nagyari kagabi.

Agad akong bumaba para magtungo sa counter. Halos napaluwag ako ng hininga dahil sa nangyari. Pagdating doon at nasabi na ang mga order ay umupo muna ako sa upuan sa counter at napahinga ng malalim. Hindi ko akalain na makikita ko siya muli! Eh, ano naman ngayon kung nagkita kami muli ‘di ba? Pero matapos ‘yung nangyari, ang akward!

Naisip ko tuloy ang nangyari at agad akong pinamulanan ng hiya. Alam ko kung ano na ang kulay ng pisngi ko ngayon dahil nararamdaman ko ang init mula rito. Pagdating ng order ay may pag aalinlangan pa akong naramdaman. Hindi koalam kung bakit pero iwinaksi koi yon at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Ngunit mabagal ang lakad ko patungo sa taas. Parang umuurong ang sikmura ko dahil sa kaniya.

Sa huli, wala rin akong nagawa kundi ang magtungo roon. “Here’s your order, Sir,” sabi ko sa unang lalaki bago nilapag ang pagkain niya. Pagkatapos sa kaniya ay sinunod ko naman ang lalaking naka one night stand ko.

Hindi ako nagsalita at nilapag na lamang ang kaniyang pagkain sa harapan niya. At bago umalis ay nakita ko ang nakataas niyang kilay na nakatingin sa akin. Ngayon ko lang napansin kung gaano ka seryoso ang kaniyang mukha. Madilim ang kaniyang mga mata na nakapadagdag sa pagka seryoso ng mukha niya. Alam ko naman na kagabi pero mas naging madepina ito ngayong maliwanag at nasa tamang huwisyo ako. Umiwas ako ng tingin at nagtungo sa lamesang nililinisan ko kanina. Habang naglilinis ay hindi ko maiwasang mapatingin sa banda nila. I am thanking God that he’s not facing me! Nakatalikod sa akin ito at kitang kita ko kung gaano kadepina ang kaniyang balikat kahit na ito’y nakasuot ng coat.

Paano nga ba nangyari iyon sa amin? Hindi ko maalala kung paano ang simula pero naaalala ko kung ano ang mga nangyari sa kamang iyon! Pinilig ko ang aking ulo dahil sa mga naiisip. Bumalik muli ang aking tingin sa nililinisan. Pagkatapos doon ay sa kabilang lamesa naman. Nang may makitang bagong customer sa area ko ay agad akong nagtungoroon para kunin ang order nila. Napahinga ako ng malalim dahil makikita ako ng lalaking iyon. I’ve been telling myself to act normal in front of him dahil kung hindi ay malalaman niya agad na apektado ako sa nangyari sa amin kagabi.

Its obvious that he isn’t affected kaya dapat ganoon din ako. After all, that’s just a one night stand so, dapat gano’n talaga dapat. Nilagpasan ko ang lamesa nila. Its like they’re doing a meeting. I’m sure of it.

“Good evening, Ma’am!” masaya kong bati sa bagong customer.

Bumaling siya sa akin at ngumiti. “Good evening.”

“May I take your order, Ma’am?” tanong ko.

She said her order and I take note of that. Pagkatapos itong isulat sa papel na hawak ay sinabi ko muli ang kaniya order for confirmation. Tumango ito bilang sagot kaya nginitian ko siya bago nag paalam. Pagbaling ko sa kabila kung saan ako dadaan ay agad nagtama ang tingin naming ng lalaking naka one night stand ko. Still, his eyebrows arched and isang pasada muli sa aking kabuuan ang ginawa ng kaniyang mata bago bumalik sa akin ito. Gusto ko siyang irapan dahil sa mapang mata niyang mata! Grabe kung makatingin porket mayaman na siya?!

Nadungisan ba ang ego niya dahil ang naka one night stand niya kagabi ay isang waiter lang? Well, hindi ko na iyon problema! Problema niya iyon! Kalandi landi kasi. Pinigilan kong umirap at umiwas na lamang ng tingin sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad ng parang walang nagyari, na parang hindi ko siya kilala. Hindi ko naman talaga siya kilala eh! Kilala ko lang sa mukha pero sa pangalan hindi.

Nilagpasan ko siya ng diretso lamang ang aking tingin sa dinadaanan ko at hindi na nag-effort pang tumingin sa banda niya kahit na malalagpasan ko ito at ramdam na ramdam kong nakatingin siya. It was successful because I pass their table without even efforting to glance at him. At bakit naman ako titingin? Para saan ‘di ba?

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Luna Espin Alicante
saan ang karugtong nito?
VIEW ALL COMMENTS
DMCA.com Protection Status