Share

Chapter 6

NANG makapasok sa silid ng ama ay tahimik na lumapit si Anastacia. Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi dahil tiyak na magtatalo sila ngayon. Alam niya ang iniisip ng kaniyang ama at totoo ang iniisip nito.

“Anong kalokohan ang nakita ko, Anastacia?!” pabulyaw na tanong ng kaniyang ama.

Humugot ng malalim na buntong-hininga ang dalaga. “Anong sabi ni doc sa check-up niyo? Pasensya na't nalate ako.”

“Sagutin mo ang tanong ko!”

Halos napaigtad ang dalaga sa biglaang sigaw ng kaniyang ama. Humugot siyang muli ng isang malalim na buntong-hininga saka sinalubong ang galit na mga mata ng ama. “Kung ano man ang ginagawa ko… para sa inyo iyon.”

“Pucha naman, Anastacia! Hindi ko naman sinabing kumapit ka sa patalim para lang mabuhay ako!”

“TAY!” hindi napigilang bulyaw niya sa ama. Lumunok siya upang pigilan ang nagbabadyang luha. “Hindi mo sinabi pero gusto kong gawin at kahit ano pang sabihin niyo hindi niyo mababago ang desisyon ko dahil ginusto ko ito.”

Marahas na sinipa ng ama ni A
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status