Share

Marrying A Probinsyano?
Marrying A Probinsyano?
Author: cas_airen

Preview - Bankrupt

Sebastian's POV

"Who is she?" Tanong ko sa kaibigan kong bartender habang hawak-hawak ang iniinom kong alcohol.

It's not new for me to see a woman dancing seductively, especially since I've been to a few bars many times, but I can't help but notice the woman in the center. I'm not sure why I can't take my eyes off of her.

"Sino diyan?" Tanong nito.

"'Yung naka pula," sambit ko.

Sumasayaw ito na para bang wala itong pakealam sa paligid niya. Uminom ako ng wine habang hinihintay ang sagot niya.

"I don't know. Ngayon ko lang siya nakita. Type mo? Bago 'yan ah. Kailan ka pa nagkainteres sa babaeng nakita mo rito sa bar?" Tanong nito sabay iling. 

"Sa tingin mo kung ganyan kumilos may boyfriend?" Tanong ko habang nakatitig pa rin sa babaeng iyon.

She's hot. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya. Para siyang nang-aakit sa sayaw niya. At aminin ko, isa ako sa naaakit niya. Maraming nakatingin sa kanya, at isa na ako roon.

"Woah! Type mo nga?" Natatawang sambit niya. 

Nilagok ko ang ang laman ng baso ko bago tumayo. Inilapag ko ang baso sa counter. Lalapit na sana ako, ngunit natigilan ako nang may lumapit na lalake sa kanya. 

Hindi ko natuloy ang paglapit dahil doon. Tsk! Mukhang mali ang hinala ko, mukhang may boyfriend siya. Hindi ko gaanong nakita ang mukha ng lalake, pero ang mukha ng babae ay kitang kita ko dahil sa pagtitig ko sa kanya kanina pa.

Ang malas naman. Minsan na nga lang ako magkainteres. Kumuha ako ng maiinom sa sumaang waiter at walang pagdadalawang isip na nilagok iyon. Ang init.

***

"Okay, Pa. Fine, magpapakasal na ako," sambit ko nang hindi tumitingin sa kanila.

I don't believe in love, but I don't know why I want to feel it. I know it's sounds cheesy, pero gusto kong maramdaman ang pagmamahal ng isang babae, ang mahalin ako, hindi dahil sa mayaman ako, kung hindi dahil ako 'to.

Madami ng babae ang lumapit at sinabing gusto nila ako, but in the end malalaman ko na lang na gusto lang nila ako dahil mayaman ako, kung hindi naman ang yaman ko ang habol, ang katawan ko naman, at ayoko nang ganon. 

Ayoko sa panandalian. Wala ako sa time na makipaglaro sa apoy.

Nakakatawa lang na babae na ngayon ang naghahabol para maikama.

That's the reason I want to do this. I am the CEO of our company. My older brother had his own company in abroad, while my younger sister is still studying, but she said that she doesn't like the company, shempre, sa akin mapupunta ang companya.

I can also make my own company, but this is what my dad wants. He wanted to spend his time with my mom.

Nag-aral ako sa probinsiya ni lola, hindi kagaya ng mga kapatid ko na nagtapos sa mga kilalang iskwelahan sa manila. My grandmother wasn't rich before, our grandfather is the one who are rich.

Pinili kong mag-aral sa probinsya noong second year college na ako. Isang taon ko pa lang hinawakan ang kompanya ay madami nang babaeng lumapit sa akin, karamihan sa kanila ay mga anak ng investors. Lumalapit sila to seduce me I think, of course, ayaw ko ng ganoon. That's also the reason kung bakit walang gaanong nakakakilala sa akin bilang CEO ng kompanya, hindi ako umaattend sa mga gatherings, palaging ang secretary ko ang pinapadala ko.

Mailap na CEO, that is what they call me.

"Are you sure about this?" hindi makapaniwalang tanong ni Mama.

"Yes, pumapayag na akong magpakasal sa anak ng kaibigan niyo, ang kapalit ay..." tinitigan ko ang basong nasa kaharapan ko bago magpatuloy. "Tell them that our companies are failing. Kung talagang hindi pera ang habol nila ay papayag sila, kahit na malamang naghihirap na tayo," sambit ko

"Nababaliw na ang anak mo, Lito!" nanghihinang napa-upo si Mama, kaya mabilis siyang dinaluhan ni Papa.

"I just want to secure our company, paano kong pera lang ang habol nila? I hate gold digger." Napailing ako habang iniisip na tungkol lang sa pera ang lahat.

"They are also rich, Sebastian!" bulyaw ni mama.

"But not as rich as us," simpleng tugon ko

"Sinong matinong tao ang papalabasing bankrupt ang kompanyang pinapatakbo niya!?" Si mama habang nakapamaywang.

"Fine, ipapalabas kong bankrupt na ang companya, but promise me na gagawin mo pa rin ang trabaho mo at huwag itong pabayaan kapag nandoon na kayo sa bahay ng lola mo," seryosong sambit ni Papa.

Wala rin namang magagawa si Papa sa desisyon ko, alam niyang hindi ako papayag pag hindi nasunod ang gusto ko.

"Of course, Papa. I'll still do my job well. I just want to test my fiancé, my soon-to-be wife."

Palipat-lipat ang tingin ni Mama sa amin ni Papa, hindi pa rin ito makapaniwala habang tinitignan kaming dalawa ni Papa.

"What? Pumapayag ka? How about the wedding!? No way, Lito! Kapag pumayag ka, ibig sabihin lang ay walang magarbong kasal!" 

"Hayaan mo ang anak mo, Lyn. Malay mo mahalin niya kalaunan ang magiging asawa niya at sunod ay siya na ang magpapa-ayos ng magarbong kasal." Natawa ako sa sinabi ni Papa.

"Dream on, Papa. Wala sa plano ko ang magmahal, ang mahalin ako ay ayos na. I don't need to love her back," iiling-iling pang sambit ko. "By the way, about the wedding, let's just do it sa tabing dagat, a simple celebrate will be," sambit ko at tumayo na.

 Bago makalabas sa opisina ni Papa sa bahay ay narinig ko pang nagsalita si mama.

"No way! Simple celebration!? N-" hindi ko na narinig ang dugtong ng mga sinabi ni mama dahil sinara ko na ang pinto.

Umaayon nga ang lahat sa plano, kinabukasan pa lang ay pinabalita nang hindi na ang mga Sarmiento ang nagmamay-ari ng companya. Kahibangan iyon, alam ko, pero ayaw kong magkaroon ng asawang pera lang ang habol. Isang buwan mula ngayon, makikilala ko na ang magiging asawa ko.

Sumulyap ako sa letratong nasa kamay ko.

"Not bad," mahinang sambit ko habang nakatitig doon.

Papa gave me before a picture of my future Wife, pero habanv nakatingin sa letratong 'yun, hindi ko maiwasang maisip ang babaeng sa bar. Hindi siya matanggal sa isip ko. Parang naka auto play na sa utak ko ang pagsayaw niya.

Kagagaling ko lang sa pagkuha ng kahoy nang matanaw ko siyang pababa sa kotse. Napailing pa ako nang makitang muntik pa siyang matapilok.

Dahil nanirahan na ako noon dito, nasanay na akong hindi nagluluto sa stove. Mas masarap din kasi kapag iniluto ang pagkain sa kahoy, sana lang at hindi ito maarte.

Kapag maarte ang isang 'to, siguradong sakit lang ng ulo ang dala niya.

"Nandito ka na pala," sambit ko nang medyo makalapit na sa kanya. Hindi ako nag-abalang tignan siya at nagpatuloy sa paglalakad para maibaba na ang buhat kong kahoy na gagamitin ko sa pagluluto.

Nang maibaba ang kahoy ay nagpunas muna ako ng pawis sa mukha. Nang matapos ako sa pagpupunas ay nilingon ko siya.

Hindi ko maiwasang magtaka nang makitang ibang babae ang bumaba sa kotse. Sigurado akong hindi siya ang babaeng nasa letratong binigay ni Papa. Anong nangyayare?

"Ikaw 'yun? 'Yung papakasalan ko?" narinig ko ang pang-iinsulto sa boses nito. Napatitig ako sa kanya dahil doon.

Wait! Damn! Tama ba 'tong nakikita ko? O nag-iilusyon lang ako sa kagustuhang makita ulit ang babaeng iyon sa bar. Paanong ang babaeng nasa harap ko ay iba sa letratong binigay ng ama ko. Paanong ang babaeng nasa harap ko ay ang babaeng ay ang babaeng nakakuha nang atensyon ko sa bar?

Fuck! Tumitig ako at hindi tinanggal ang tingin. Damn! I'm not dreaming right?

"What do you think? Ako lang ang tao dito maliban sayo at sa driver mo," sambit ko, sabay sulyap ko sa kotse at sa driver niya.

"Kung gano'n, uunahan na kita, I'm inlove with someone else, at pumayag lang akong magpakasal sayo kasi wala akong magawa, this is my father's want. Wala akong magawa dahil sa walang kwentang kasunduan ng pamilya ko at pamilya mo!" Tumitig lang ako. 

Siya nga 'to.

Kung naka pormal ako ngayong damit, ganito ba siya makikipag-usap sa akin? Parang wala lang sa kanya ang kasal, casual niya lang itong sinabi.

Imbes na sagutin siya ay linagpasan ko siya para kausapin ang driver niya, wala pa siyang hawak na gamit, maliban sa hand bag niya, kaya sigurado akong nandoon pa rin sa loob ng kotse ang gamit niya.

"Manong, nasaan ang gamit niya?" tanong ko nang makalapit.

"Kukunin ko po, Sir," sambit nito at lumapit sa likuran ng kotse. Nang makuha at maibigay sa akin ay ngumiti ako.

"Salamat, ako na bahala sa kanya."

Hell! I don't even know her name. Nag paalam ito at pumasok sa kotse, pinanood ko lang ang pag-papaandar niya.

Hindi ko maiwasang mapalingon nang biglang sumigaw ang babaeng nasa likuran ko.

"T-Teka, Manong! Saan ka pupunta!" Utal na sigaw nito at sinabayan nang pagtakbo, hindi niya alintana ang lubak lubak na daan.

Nang lalampasan na sana niya ako ay mabilis kong hinawakan ang kamay niya. Inis niya akong tinignan, lalong lalo na ang kamay kong nakahawak sa kanya.

Hindi ko alam kong anong pumasok sa isip ko sa sandaling iyon at gustong gusto ko pa siyang inisin.

"Asawa ko, pagluto mo na ako, gutom na ang mister mo," kitang kita ko ang pamumula ng mukha nito at para bang handa na siyang manakit. Lihim akong napatawa.

Well, I think this makes me enjoy. This will be a challenge for me.

 Hindi ito ang inaasahan ko.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Manuel Tato Botalon jr.
umpissa plng masaya na bsahin
goodnovel comment avatar
Jenifer Padallan Mendoza
hahaha sa asawa ko nakakatuwa namqn
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status