Zari's POV
"Paglulutuin mo ako diyan?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nakatitig sa kahoy na may apoy na.
Ang sarap ng tulog ko nang bigla niya akong ginising. He want me to cook our dinner, shempre umayaw ako, pero damn! Hindi ko maiwasang alalahanin kong bakit biglang nandito ako ngayon hawak hawak ang isang palayok.
***
"Ano ba! Natutulog ako!" inis akong bumangon at tinignan ang walang hiyang gumising sa akin.
Hindi ako makapaniwalang nakatulog ako sa ganitong kainit na lugar. Walang aircon, tanging electric fan at ang hanging pumapasok mula sa bintana lang ang nagbibigay ng hangin at lamig.
Napasulyap ako sa labas, kulay kahel na ang langit. Kunot noong binalingan ko siya, may hawak itong palayok at sandok nang tignan ko siya.
"Wala ka sa bahay niyo, Senyorita! Magdidilim na, kanina pa ako gutom!" sambit nito.
"Kung gutom ka, magluto ka! Bakit ba nanggigising ka!" Inis kong sambit.
"Remember, Senyorita, my house, my rule." tugon nito.
"Tsk!"
Imbes na bumangon ay bumalik ako sa pagkakahiga, ngunit bigla niyang hinila ang unan ko kaya napaupo ulit ako.
"My house, my rule. Pag hindi mo ginawa ang gusto ko, matutulog ka mamaya sa lapag," napasulyap ako sa lapag, tinitignan ko pa lang ay ramdam ko na ang lamig at hindi pa ako nakakahiga doon ay ramdam ko na ang sakit sa likod ko.
Hindi ako makapaniwalang natakot niya ako at napahawak ng palayok at sandok.
****
"Lutuin mo ng maigi, gusto ko 'yung malutong," inis ko siyang sinulyapan. Prente itong nakaupo sa likod at pinapanood ako.
Nang mapansin ang titig ko ay tinitigan niya rin ako. "What? Kasal na tayo bukas, kaya magpakitang gilas ka naman sa mapapangasawa mo," sambit nito na mas nagpa-inis sa akin.
Inis ko siyang tinalikuran at hinarap ang sinindihan niya kaninang kahoy.
Dahan-dahan kong isinalang ang palayok at mabilis kong inalis ang kamay ko nang mailagay, subrang init!
Mangiyak-iyak akong sumulyap sa kanya. "Wala ba kayong stove? Like noong bago kayo ma-bankrupt? Don't tell me pati stove binenta niyo noong ma-bankrupt kayo?"
Imbes na magsalita ay isinandal pa niya ang ulo sa upuan, hindi man lang siya nag-abalang sagutin ang tanong ko. Nakita ko rin siyang pumikit kaya napasimangot ako.
Halos magsisisigaw ako nang biglang tumalsik ang mantika, buti na lang at naka-ilag ako agad, kung hindi ako naka-ilag ay baka natamaan na ang braso o mukha ko.
"Buti na lang," mahinang sambit ko.
Kahit naman hindi ko gaanong kasundo si Daddy at si Tita ay hindi nila ako pinagluluto o pinagagawa ng mga gawaing bahay, tanging masasakit na salita at mga desisyon nila ang nagpapasama ng damdamin ko.
Napahagulgol ako nang ginalaw ko lang ng kaunti ang isda ay tumalsik nanaman agad iyon, at sa sandaling iyon, hindi ko na naiwasan.
Para na akong tanga habang umiiyak na nagluluto, tudo sigaw din ako ng aray dahil patuloy itong tumatalsik-talsik, nagulat na lang ako nang may kumuha ng hawak kong sandok.
"Kababae mong tao! Alis, ako na diyan!" Inis nitong sambit kaya inagaw ko pabalik sa akin ang sandok.
Inis ko rin siyang tinignan. "Hindi na-" napahikbi ako kaya pinunasan ko muna ang luha ko bago magsalita, "Baka patulugin mo ako sa lapag," sambit ko at muling binalingan ang niluluto.
"Ak---"
"Nakakainis ka naman kasi! Tignan mo! Nasunog tulo-- ahhh mama!" napatago ako sa likod niya nang muling tumalsik.
Mabilis niyang kinuha sa akin ang sandok at tinignan ng masama.
"Ilang taon ka na ba! Para kang bata!" inis na sambit niya at binalingan ang niluluto.
"Bata!? 23 na ako! How dare you to call me bata? Pasensya na, ha! Unang beses kong magluto--ah tumatalsik nanaman!" mabilis akong lumayo doon.
Nakita ko ang pag-iling niya. Napakagat ako sa labi ko. Saka lang rumehistro sa isip ko ang inakto kanina. Para nga akong bata!
Eh, sa nakakatakot naman kasi yung mantika! Saka unang beses kong magluto! Hindi naman agad magaling na!
"I can't believe that I am marrying a woman like you," napairap ako, alam kong sinadya niyang iparinig iyon.
"I can't believe that I am marrying a probinsyano like you," sinadya ko ring iparinig iyon bago umirap.
Hindi na ako nagmatigas at naupo na sa inuupuan niya kanina. Siya ang tumapos sa pagluluto. May tirang kanin daw siya kanina at 'yun na lang daw ang kainin namin, magpoprotesta sana ako dahil ayaw kong kumain ng kanin na matigas, pero tinignan niya ako ng masama at sinabing gagawin niya daw na sinangag.
"Nagpapatawa ka?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kanya nang maupo ako sa maliit na lamesa.
"Bakit naman ako magpapatawa? Anong akala mo? Ako kakain sa sunog na niluto mo?" masungit na sambit niya at naupo na din sa upuan sa harap ko.
Napasimangot ako. Sunog ang kabilang parte, ang kabila ay hindi, pero kulang sa akin iyon! Kung sana ay malaki yung isda!
Hindi ko maiwasang panoorin siya habang sarap na sarap sa kinakain. Tatawagin ko sana siya nang maalalang hindi ko pa rin alam ang pangalan niya.
Grabe, bukas na ang kasal, pero kahit pangalan ng isa't-isa ay hindi namin alam.
"Psst," sumulyap siya sa akin.
"What?" kunot noong tanong nito.
"I'm not curious about it, but.... kasi ano... hindi ko alam kong anong itatawag ko sayo-" napatigil ako nang dahil sa titig nito. Nagiwas ako ng tingin. "Ang pangit naman kasi diba? Kung lalake ang itawag ko sayo," ibinaba ko ang tingin sa pagkain bago magsalita ulit.
Naalala ko 'yung tinawag ko sa kanya kanina, tinawag ko siyang lalake, tinawag niya rin akong babae.
"Can you just ask what you want to ask?" masungit nitong sambit at sumubo ng pagkain.
Napanguso ako habang nakatitig sa pagkain ko. "Anong pangalan mo?" mahinang tanong ko.
Ang weird ng tanong, grabe!
Inangat ko ang tingin nang hindi siya makapagsalita. Nagsisi ako nang tignan ko siya dahil may kung ano sa mata niya na hindi ko mawari. Napaiwas tuloy muli ako ng tingin. Ano 'to? Bakit parang kinakabahan ako sa titig niya?
"Sebastian," maikling sambit nito. Tumango na lang ako nang tumitingin sa kanya.
Binaliktad ko ang isda, wala akong planong kainin yung sunog! Susubo na sana ako nang bigla siyang magsalita.
"You?" Napaangat ang tingin ko at napakurap kurap.
"Ah-ako?" Takang tanong ko.
"Yes, you," nakataas na kilay niyang tanong.
"Zari, Zariah Fuente," maikli ring sambit ko.
"Zariah-" tumigil ito at matamang tumitig sa akin, "Zariah Sarmiento, hmmm, bagay," halos maubo ako nang marinig iyon.
Nakatitig ako sa puting bistida na nasa harapan ko, nakalagay ito sa kama. Unti-unti ko iyong nilapit at hinaplos.Dahil sa isang desisyon. Dahil sa isang kasunduan malalagay ako sa ganito.Ikakasal na ba talaga ako sa araw na 'to? Mapait akong ngumiti. Hindi pa rin ako makapaniwala. Ayokong umiyak at ayokong ipakitang apektado ako, pero hindi ko mapigilan. Subrang sakit mawalan ng karapatang pumili ng papakasalan.Mula pagkabata, sinabi ko sa sarili ko na maghahanap ako ng taong mamahalin ko at mamahalin ako. Taong papakasalan ko, pero hindi na iyon mangyayare.Mabilis kong pinunasan ang tumulong luha ko nang bumukas ang pinto. Seryoso akong tumingin kay Sebastian, ang taong papakasalan ko."Parating na ang pamilya ko," sambit nito.Tumitig siya sa'kin. Kaawa-awa na ba ako?
I'm at a loss for words. What am I supposed to say? Should I say anything? Haisst! Ewan! Napapikit ako at sinubukang mag-isip. Hindi ako handa sa sinabi niya. Mabuti na lang at hindi na siya naghintay ng sasabihin ko. Hindi ko maiwasang makahinga ng maluwag. Sunod ay isa-isa na ring nagpakilala ang pamilya ni Sebastian. Ang pinakabatang kapatid ni Sebastian ay si Sindy. Aldrin naman ang pangalan na Kuya niya, habang ang papa niya ay si Papa Lito. Napanguso ako. Papa Lito? Kailangan ba tawagin ko silang ganoon? Hindi ako sanay na tawagin na Papa at Mama ang mga taong ngayon ko lang nakilala, pero mainit ang pagtanggap nila, kaya ayaw kong maging bastos. "Let's go. We still have time to decorate the place," bi
Mabilsi akong tumayo, habang siya ay unti-unti nang umupo. Hindi ko alam anong dapat sabihin o dapat sabihin. Subrang gulat ako sa biglaan niyang paghila sa'kin at mas lalo akong nagulat sa naging posisyon namin.Damn! I even touched his chest, and I'm not sure why he's not wearing anything."Ano bang problema mo! Bigla bigla ka na lang gumagalaw alam mong iisang upuan ang kinatatayuan na'tin," nakasimangot na sambit niya.I exhaled a sigh. Is he blaming me? Wait a minute, I'm not at fault! Is he going insane? Nababaliw na nga siguro ito."Eh bakit kasi bigla bigla kang sumusulpot sa likuran ko!" Inis na ring sambit ko.Kahit sino naman ay magugulat sa nangyare. Nailayo ko ang kamay niya dahil promoseso ang nangyare sa isip ko at kahit sino magugulat doon.
"She's pretty naman na, Ma, so I think light make up is better," sambit ni Sindy habang pinapanood ang pagmamake up sa'kin ng mama niya.Pagkatapos nang nangyare kanina ay hindi na ako lumabas, tutal ay patapos na rin naman sila, saka ayokong makita ang lalakeng iyon. Naiinis ako sa pagmumukha niya.Tinignan ko si Sindy na ngayon ay tinitignan ang mga make up. Hindi naman gaanong bata si Sindy, I think nasa 13 years old na siya."Shut up, Sindy. I know what I am doing," seryosong sambit ni Mama Lani habang seryoso ring inaayos ang eyelashes ko.Marunong naman akong mag make up, pero nagpumilit si Mama Lani na siya na raw. Mama? Mabuti pa nga siya gusto niya akong taw
Isang palakpak ang narinig ko, hanggang sa sinundan pa ng ilang palakpak pagkatapos lumayo si Sebastian sa'kin."Congrats, Mr. and Mrs. Sarmiento." Inilahad ng nagkasal sa'min ni Sebastian ang kamay niya.Bilang pagrespeto ay ngumiti ako at tinanggap ang kamay nito.Mr. and Mrs Sarmiento. Mrs. Sarmiento na ako. Kasal na ako. May asawa na ako. Para lamang akong nananaginip sa subrang bilis.Pagkatapos na pagkatapos ng kasal ay nagpaalam muna ako.Mababait sila at alam ko na ramdam nila na hindi ako okay. Oo nga, mainit at maayos ang pakikitungo nila, pero hindi ko pa rin kayang maging masaya. Kaya kong ngumiti sa harap nila, pero sinong niloloko ko? Hindi sila tanga para hindi mapansin ang mata ko."Balik ka rito, Iha, at kumain t
"Iha, kakain na tayo," Mahinahong tawag sa'kin ng Mama ni Sebastian nang magtagal pa ako sa kwarto. Napatayo ako at hindi na mapigilang murahin ang sarili. Hindi ko namalayan na sa pagtatagal ko roon ay ang iniisip ko lang ay ang bagong buhay ko. Ang bagong buhay ko na hindi ko halos na-imagine sa buong buhay ko. Wake up, Zariah! You need to accept the fact na ito na ang buhay mo. Kinuha ko ang phone ko na nasa Kama at inilagay sa maliit na bulsa ng dress ko. "Yes po, lalabas na po ako," sambit ko at tinignan muna ang sarili sa salamin. I force myself to smile bago ako tuluyang lumabas. Nang makarating ay kita kong hindi pa nahahati ang cake. Pwede naman na kasi ni
"Hey! Can you stop crying? Baka sabihin ng pamilya ko na pinapaiyak kita." Hindi ko pinansin si Sebastian na nasa tabi ko pa rin. Patuloy lang ako sa pag-iyak habang binabasa ang mga masasayang komento sa post ni Trixie. May mga nagulat na gaya ko, ngunit karamihan ay masaya. Pati nga mga kaibigan ni Miguel na alam ang relasyon namin ay nag cocongrats. Seryoso ba sila? Alam naman nila na naging kami ni Miguel! "Ano ba 'yan?" Rinig kong tanong ni Sebastian. Muli ay hindi ko siya napansin. Ewan ko ba. I'm already in pain, and my eyes are welling up with tears, but I keep reading the comments, as if expecting someone to say something along the lines of "it's just a joke," "it's just a prank."
Zariah's POV Naitakip ko ang unan sa ulo ko nang makarinig nang kalambog ng isang kaldero. Ano ba ang aga aga! Hating gabi na nang makapagpahinga kami. Ang pamilya naman ni Sebastian ay umuwi rin, ewan ko ba at hindi na lang nagpalipas ng gabi rito, pero sa bagay maliit ang bahay na 'to, wala silang matutulugan. "Gising!" Muli ay mas ibinaon ko ang ulo sa unan. Ang aga aga at halos kakatulog ko lang. Ano bang problema niya? "Gigising ka o ihuhulog kita