Share

Chapter 3

Napahawak pa siya sa kaniyang kanang paa, saka siya napaupo sa hagdanan.

"Hindi mo puwedeng kontrolin ang pagmamahal. Kaya huwag mo akong utusan," inis na sambit niya kay Ashburn.

"What are you saying? Ang sabi ko, magpanggap ka na parang mahal mo ako, kahit hindi."

Humakbang palapit si Ashburn sa kaniya at tinignan pa siyang maigi.

‘Hindi man lang ako patayuin ng gurang na 'to.’

Agad naman siyang tumayo kahit masakit ang kanang paa niya.

"Kahit na. Ayokong magpanggap na mahal ko ang isang tao, lalo na kung ikaw," sagot ni Kelly.

Iika ika siyang umakyat sa hagdanan at binalewala ang tingin ni Ashburn sa kaniya.

"Hey! What do you mean?"

"Mas gusto ko pang tahimik ka kaysa sa daldal ka nang daldal," mahinang sabi ni Kelly habang paakyat sa hagdanan.

Nang makapasok siya sa kaniyang kuwarto ay hinilot hilot muna niya ang kaniyang paa bago nagbihis.

Kinabukasan, alas sais pa lang ng umaga ay gising na si Kelly upang maghanda sa kaniyang trabaho. Nag-text ang HR ng restaurant sa kanila na alas otso sila magsisimula hanggang alas singko ng hapon.

Nagluto lang siya ng almusal niya at hindi na ipinagluto ang kaniyang asawa.

Naunang umalis sa bahay nila si Kelly kaysa kay Ashburn kahit pareho silang alas otso ang simula ng duty.

"Nakahanap ka na ng dorm mo?" Tanong ni Kelly kay Niana habang nagpupunas sila ng mga lamesa sa restaurant. Dadalawa lang ang guest nila dahil maaga pa.

Tiniklop muna ni Niana ang pamunas saka nagpunas ulit.

"Hindi pa nga eh. Ihahatid-sundo naman ako ni kuya. Pero maghahanap pa rin ako para hindi mapagod si kuya," sagot niya kay Kelly.

"Eh sa bahay ka na lang kaya? Para may kasama ako, at hindi lang 'yong gurang na 'yon," suhestiyon naman ni Kelly.

Natawa naman si Niana sa kaniya.

"Ayoko nga. Syempre bahay niyo ni Sir Ashburn 'yon, nakakahiyang maging saling-pusa. Tsaka baka makaistorbo ako sa inyo," pang-aasar niya kay Kelly.

"Bakit ka naman makakaistorbo? Wala naman kaming ginagawa."

Lumakad sila papunta sa likod ng counter para ilagay ang mga pamunas nila, at para mag-inventory ng mga soft drinks.

"Paano kung bigla kang tuklawin ng asawa mo, tapos nandoon ako? Ayokong umeksena," natatawang sambit ni Niana. Sinamaan naman siya ng tingin ni Kelly kaya mas lalo siyang natawa.

"Tuklawin niya ang mukha niya! Alam mo ba, kagabi, nadatnan niya akong papasok sa loob. Kung anu-ano ba naman ang sinabi," sabi niya habang nakahawak ng ballpen at papel.

"Oh, ano'ng sabi? Pinagalitan ka?"

Nagsimula silang magbilang at magsulat ng mga bilang ng soft drinks sa loob ng refrigerator.

"Huwag daw akong masyadong magpa-late ng uwi, baka mapagkamalan daw akong magnanakaw," inis na sambit ni Kelly.

"Grabe naman maka-hurt ng feelings. Magnanakaw agad? Kaloka," natatawang komento ni Niana sa sinabi niya.

"Heto pa, kailangan daw magpanggap ako na inlove ako sa kaniya."

Hinampas naman agad ni Niana ang braso ni Kelly.

"OMG! Bakit ka pa niya uutusan kung madali lang naman siyang mahalin? Ang pogi niya kaya," sabi ni Niana at napahawak pa sa kaniyang mukha na parang kilig na kilig.

Nag-roll eyes naman si Kelly.

"Magpanggap nga lang mahirap na eh. Pupunta kasi ang mga barkada niya mamaya sa bahay kaya kailangan kong magpanggap."

"Guwapo rin ba mga friends niya? Baka naman puwedeng—"

Tinignan naman siya ni Kelly nang masama.

"Tumigil ka nga! Mahirap ang madikit sa mga mayayaman. Akala nila, lahat ng bagay ay nababayaran," pamumutol ni Kelly sa kaniya.

"Ilang taon naman kaya ang mga barkada ni Sir Ashburn?" Tanong ni Niana, saka nagpatuloy sa pagbibilang.

"Kapareho niya rin sigurong mga matatanda na. Alam mo 'yong mga vibes ng mga matatandang mayaman? Gano'n siguro sila. Painom inom ng wine habang pinag-uusapan ang mga babae. Feeling ko nga gano'n ang gagawin nila mamaya," sabi ni Kelly habang nagsusulat.

"Napaka-judgmental mo. Pero bakit kaya hindi na nag-asawa si Sir Ashburn? Eh ang sabi naman ng mga tao ay mabait siya, tahimik nga lang."

Napatingin naman sa kaniya si Kelly.

"Tahimik kapag maraming tao. Kung sa bahay, mas madaldal pa yata sa akin. Kung anu-ano ang mga pinupuna. Gano'n kasi ang past time ng mga gurang, papansinin ang lahat ng bagay," sambit ni Kelly saka umiling iling.

"Feeling ko, busy masyado ang asawa mo, kaya hindi na nakahanap ng mapapangasawa," wika ni Niana.

"Baka choosy."

Nang matapos sila ay bumalik na ulit sila sa dining area.

"Hello! Kayo ang mga bagong waitress?" Tanong ng isang lalakeng nakasuot ng puting polo at naka-maong na pantalon.

Nagkatinginan pa muna silang dalawa bago sumagot.

"Yes po, Sir," sagot ni Niana.

"Congratulations! Busy kasi ako kahapon kaya hindi ako ang nag-interview sa inyo. Chill lang kayo," sambit nung lalake.

"Thank you, Sir! Ah, kayo po siguro 'yong may-ari dito," wika ni Niana, saka siya napakamot sa kaniyang batok.

Natawa naman ang lalake sa naging tanong ni Niana, ngunit tumango siya.

"Pagmamay-ari ito ng pamilya namin, pero sa akin nakapangalan ang restaurant. By the way, I'm Kiel John Feddington. And you are?"

Napatingin siya kay Kelly na nakangiti lang.

"I'm Kelly, Sir."

"And I'm Niana, Sir. Nice to meet you po," wika naman ni Niana.

"You look energetic. How old are you?" Tanong nito sa kanilang dalawa.

"I'm 23 years old, Sir. Tapos 22 years old naman po si Kelly. Kayo po?" Tanong ni Niana.

"Oh, I'm 29 years old already," natatawang sagot naman ni Kiel.

"Ang bata niyo po tignan, Sir. May asawa na po kayo?" Tanong ulit ni Niana.

Pasimple namang hinawakan ni Kelly ang likod ni Niana at kinurot nang bahagya.

"Actually, wala pa. I'm happy being single. Paano, maiwan ko muna kayo," paalam niya.

"Sige po," sagot naman ni Kelly.

Ngumiti pa muna si Kiel bago umalis sa harap nila.

Agad namang humarap si Kelly sa kaibigan niya.

"Alam mo, ikaw, hindi ka dapat nagtatanong ng mga personal. Nakakahiya," paalala niya kay Niana. Ngumuso lang si Niana sa kaniya.

"Sa wakas, nakapag-out na rin," sambit ni Niana, saka sila naupo sa bench malapit sa restaurant na pinagtatrabahuan nila.

"Ang sakit ng likod ko. Alas singko na pero ang dami pa ring tao kanina. Mabuti na lang marami tayo," wika naman ni Kelly habang hinihilot ang kaniyang likod.

"Sinabi mo pa. Ang nakakainis lang, porket bago lang tayo ay halos tayo na ang gagawa ng lahat. Ang daming lalake pero tayo ang nag-bus out ng mga lamesa," sabi ni Niana habang tinatanggal ang pagkakatali ng kaniyang buhok.

"Gano'n naman talaga kapag baguhan ka. Kulang na lang eh ikaw na rin maging cashier."

Bigla namang tumunog ang basag na cellphone ni Kelly kaya inilabas niya iyon at nakitang may nag-text sa kaniya.

Nang mabasa niya kung sino ang nag-text ay napangiwi siya.

"Sino 'yan? Si Sir Ashburn ba?" Tanong naman ni Niana sa kaniya at tumingin pa sa cellphone ni Kelly.

"Oo. Nandoon na raw ang mga barkada niya. Hindi na lang ako nag-reply. Alam naman niyang busy ako."

"Wow! Ang haba ng hair mo, Kelly! Ikaw pa talaga ang ayaw mag-reply sa nag-iisang Ashburn Montemayor?" Pang-aasar ni Niana sa kaniya.

"Eh, ano naman? Kahit isa pa siya sa pinakamayaman dito, manigas siya," sagot naman niya.

Natawa naman si Niana.

"Baka iba ang manigas—"

"Alam mo, ang dugyot mo magsalita minsan! Nakakainis," pamumutol na naman ni Kelly sa kaniya.

Hinampas naman siya ni Niana sa braso.

"Tangek! Ang sinasabi ko, baka ikaw ang manigas kapag mamayang pag-uwi mo ay hindi ka na papapasukin ng asawa mo," pangdedepensa naman niya sa kaniyang sarili.

"Tse! Subukan niya lang. Baka magpapustiso siya nang wala sa oras," mataray na sambit ni Kelly.

Pumalakpak naman si Niana sa kaniya.

"Iyan si Kelly, ang matapang at walang inuurungan kong kaibigan."

Tinawanan naman siya ni Kelly, saka umiling iling.

"Eh uuwi ka pa rin ba kahit nandoon ang mga kaibigan niya?" Tanong ulit ni Kelly.

"Uuwi syempre. Hintayin ko na lang na makaalis sila. Hindi naman siguro sila magtatagal. Alam naman nilang may asawang uuwi si Ashburn."

"Naks! So, tinatanggap mo na na asawa ka niya?" Tumaas-baba na naman ang kilay ni Niana sa kaniya.

"Hindi."

"Bakit ba ayaw mong magpakita sa kanila? Wala namang masama kung makipag-chikahan ka sa kanila," wika ni Niana at saka nagsuklay ng kaniyang buhok.

Si Kelly naman ay nakatingin lang sa mga dumadaan sa harap nilang dalawa.

"Ano naman ang gagawin ko do'n? Magpapabebe sa harap ni Ashburn? Magpapanggap na sweet sa kaniya? Ayoko nga! Kahit pa ang akala nila ay may secret relationship kami dati, ayoko pa ring madikit kay Ashburn."

"Pero nakadikit na ang apelyido niya sa'yo," sambit naman ni Niana. Napangiwi naman si Kelly.

"Mas madikit pa sa malagkit," dagdag niya sa sinabi ni Niana.

"Gusto mong mag-food trip muna? Tapos sasabihin ko kay kuya na ihatid ka namin. Hindi pa niya kasi alam kung saan ka ngayon nakatira," sabi ni Niana.

Tumango naman si Kelly. Sabay naman silang tumayo at naglakad.

"Kumusta, Kelly?" Tanong ng kuya ni Niana na si Niño.

Kumain sila ng mga street foods malapit sa plaza, sakto namang susunduin na ni Niño ang kaniyang kapatid.

"Okay naman po, kuya. Kayo po? Mabuti pinagtyatyagaan niyong sunduin ang kapatid niyong maingay?" Natatawang tanong ni Kelly.

Ngumuso naman si Niana sa kaniya.

"Wala akong choice. Kung magbyabyahe pa siya pauwing mag-isa, baka mapano pa siya. Maliit pa naman siya, mabilis lang tangayin," sagot ng kuya niya.

"Napakasama niyong dalawa sa'kin," sambit naman ni Niana. Napatawa naman ang dalawa sa kaniya.

"Kumusta kayo ng asawa mo?" Tanong ni Niño.

Napatingin naman si Niana kay Kelly.

Hindi alam ng kuya ni Niana na hindi magkarelasyon si Kelly at Ashburn, kaya hindi siya makapaniwala noong una.

"O-Okay naman po kami, kuya. Masaya naman. Medyo naninibago lang kasi bagong kasal pa lang kami," kabadong sagot ni Kelly, saka siya nagsubo ng isaw.

"Bakit ka naman niya pinapayagang magtrabaho? Eh hindi ba sobrang yaman nila?"

"Mas gusto ko po kasing may ginagawa ako," simpleng sagot ni Kelly.

Nang matapos silang kumain ay nagdesisyon na silang ihatid na si Kelly sa kanilang bahay.

"Ang lalaki naman ng mga bahay dito," komento ni Niño habang minamaneho ang kanilang traysikel.

Pumasok sila sa isang malawak na subdivision kung saan pagmamay-ari rin ng pamilya Montemayor.

"Diyan sa white na malaking bahay, kuya," turo ni Niana sa bahay nina Kelly. Agad namang pumarada si Niño sa tapat ng bahay nila.

"Thank you, kuya!" Pagpapasalamat ni Kelly nang makababa siya.

"Next time na lang ulit," sagot naman ni Niño.

"Mag-ingat po kayo pauwi," sambit ni Kelly.

Kumaway pa muna siya bago sila umalis.

Tumingin siya sa kaniyang kulay kremang wrist watch, at nakitang mag-aalas syete na ng gabi. Agad siyang pumasok sa loob para hindi siya mapagalitan ni Ashburn.

"Ay! Gurang!"

Gulat na sambit niya nang mapansing nakaupo si Ashburn sa sofa sa sala.

"Who's that guy?" Tanong agad ng asawa niya. Nilagpasan naman niya ito at nagpunta sa kusina upang uminom ng tubig.

"Alam mong kasal ka na 'di ba? Bawal ka nang lumabas kasama ng ibang mga lalake. Baka may makakita sa'yo at mamukhaan ka. Ano na lang ang sasabihin nila sa'yo?"

Inis namang lumingon si Kelly sa kaniya.

"Tumahimik ka nga muna, kuya. Pagod ako sa trabaho, okay? Hayaan mo muna akong huminga saglit," sambit ni Kelly, saka niya pinag-krus ang kaniyang mga braso.

"Are you even listening to me?"

Napakamot ng ulo si Kelly dahil sa pagkayamot.

"Puwede ba? Tigilan mo nga ang pangkokontrol sa akin, kuya. Dahil una sa lahat, asawa lang kita sa papel. Pangalawa, huwag ka nang magpanggap na ayos lang sa'yo ang lahat, kahit alam nating pareho na ayaw mo rin namang ikasal sa akin."

Hindi naman nakasagot si Ashburn sa kaniya.

"Bakit kasi pumayag kang ikasal tayo? Wala ka bang syota? Sa bagay, 27 years old ka na pero wala ka pang asawa kaya pumayag ka na lang sa desisyon nila para sa'yo," hindi napigilang sambit ni Kelly.

"Follow me," utos na naman sa kaniya ni Ashburn at naunang lumabas sa kusina.

"Kakasabi ko lang na huwag akong utusan, tapos—ugh! Kainis!" Mahinang sabi ni Kelly sa kaniyang sarili.

Sumunod naman din siya kay Ashburn, dahil wala naman siyang magagawa.

Umupo si Kelly sa sofa sa harap ng kaniyang asawa habang tinatanggal ang tali ng kaniyang buhok.

"Mag-usap muna tayo nang maayos para magkaintindihan tayong dalawa," kalmadong sabi ni Ashburn.

Tumango naman si Kelly sa kaniya.

"Gusto kong isipin mong Montemayor ka na. Kahit ano'ng galaw mo, puwedeng makaapekto sa akin, o sa'yo," panimula niya.

"Heto na nga ba ang sinasabi ko eh. May consequences talaga ang pagiging Montemayor ko," inis na sambit ni Kelly.

Agad naman siyang napatahimik nang mapansing seryoso ang asawa niyang nakatingin sa kaniya.

"Kahit nasaan ka, isipin mong asawa mo ako, at asawa na kita. Baka kung ano'ng gawin ng ibang tao sa akin o sa'yo kapag may nagawa o nasabi kang mali," dagdag niya.

"Eh ikaw, iniisip mo rin bang asawa mo na ako, kuya?"

Ilang beses kumurap si Ashburn bago sumagot.

"Sadly, yes," sagot niya.

"Wow! Sadly? Parang tuwang tuwa naman ako nang ikinasal ako sa'yo?"

Napatawa na lamang sa inis si Kelly.

"Sadly, kasi may mga pangarap din ako para sa sarili ko. At alam kong ikaw din," wika ni Ashburn.

Napatingin si Kelly sa kaniya at napakagat pa siya sa loob ng kaniyang bibig.

"Kung 'yon lang ang sasabihin mo, kuya, matutulog na ako. At kumain ka na lang mag-isa, hindi ako kakain," sabi ni Kelly, saka siya tumayo.

"Kumain na ako, I didn't even wait for you."

‘Nagyeyelo talaga ang puso ng gurang na 'to!’

"One more thing, stop calling me kuya," dagdag ni Ashburn.

Napalingon naman si Kelly sa kaniya.

"Okay, browny!" Pang-aasar niya.

"Brown ba ako? Mas makinis pa ako sa'yo. Call me by my name kapag may ibang tao."

"Tsk. Ang yabang," mahinang sambit ni Kelly.

"What if, ayoko?" Tanong ni Kelly na may halong pang-aasar.

"Then call me 'honey'."

"Ayoko nga. Mas mukha ka pang bubuyog eh," sagot naman ni Kelly.

Bigla namang tumayo si Ashburn mula sa sofa na ikinagulat ni Kelly.

"Maybe may magagawa ako sa bastos mong bibig," wika ni Ashburn at akmang lalapit sa kaniya.

Dahil sa kaba ay napatakbo si Kelly sa hagdanan at binilisan ang pagpasok sa kaniyang kuwarto.

Alas tres ng madaling araw ay biglang nagising si Kelly dahil sa uhaw, kaya bumaba siya patungong kusina.

"Kaloka. Kung ganoong hagdanan lang din ang aakyatin at bababain ko kapag nauuhaw ako, magdadala na lang ako ng pitsel sa kuwarto," sabi ni Kelly sa kaniyang sarili.

"Ahhh!"

Bigla niyang tili dahil sa gulat nang paglingon niya ay nandoon na si Ashburn sa likod niya.

"Oh My God! Hihimatayin ako sa'yo!" Inis na sambit ni Kelly at hindi makatingin sa mga mata ni Ashburn dahil wala itong suot na pantaas.

"You're going to faint? Baka maglaway ka pa," kalmadong sabi ni Ashburn.

Napatingin naman sa kaniya si Kelly at sinamaan siya ng tingin.

"Ano ako? Aso? Akala mo naman sobrang y-yummy mo! Tumabi ka nga diyan! Bakit ba kasi hindi ka nagdadamit?" Wika ni Kelly at itinulak niya paalis si Ashburn sa daraanan niya.

"Ganito ako kapag matutulog na," sagot ni Ashburn sa kaniya.

"Mabuti na lang hindi tayo tabing matulog," sabi naman ni Kelly at nagsimulang maglakad.

"Have you checked yourself kung maayos ka tignan ngayon?"

Nang marinig iyon ni Kelly ay napatingin siya sa sarili niya. Napatakip agad siya sa kaniyang hinaharap.

Wala siyang bra!

"Inaalipusta mo ang abs ko, pero hindi mo matignan ang dalawang lansones mong akala mo melon," nakangising sambit ni Ashburn.

"Excuse me?!"

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status