Share

Chapter 8

Nakaramdam ng pagkauhaw si Kelly nang madaling araw kaya inayos niya ang kaniyang sarili bago bumaba.

"Baka mamaya eh nandoon na naman si gurang," sambit niya saka inayos ang kaniyang white na daster.

Wala ulit siyang suot na bra ngunit naka-nipple tape na siya para hindi masyadong nakakahiya.

Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan dahil mahaba ito at walang ilaw sa hagdanan. Tanging ang ilaw lamang na nanggagaling sa labas ang nagbibigay liwanag sa loob.

Nang makarating siya sa kusina ay kinapa niya ang switch ng ilaw doon at saka binuksan.

Agad siyang kumuha ng baso at uminom ng tubig galing sa dispenser.

"Huk!"

Bigla siyang nabilaukan habang siya ay umiinom nang mapansin niya si Ashburn na nakaupo sa table nila.

Napatingin naman si Ashburn sa kaniya ngunit papikit-pikit pa siya. Magulo rin ang kaniyang buhok at nakabukas ang dalawang pinakamataas na butones ng kaniyang puting polo.

"Bakit kapag bababa ako, nandito ka rin? Tumatambay ka ba rito?" Tanong ni Kelly sa kaniya saka lumapit sa sink.

Nakatingin lang sa kaniya si Ashburn at pupungay-pungay ang mga mata.

"I need to drink. I had nightmare," sagot niya saka siya tumayo at inayos ang kaniyang buhok.

Hinugasan naman ni Kelly ang kaniyang ginamit na baso at inilagay sa lalagyan.

"Binibisita ka na siguro ng—"

"What?" Pamumutol ni Ashburn sa kaniya at nakatingin lang ito sa kaniya nang seryoso habang umiinom ng tubig.

"W-Wala. Binibisita ka siguro ng mga kamag-anak mong dead na," sagot ni Kelly.

"Oo nga pala," sambit ni Ashburn nang lalabas na sana si Kelly sa kusina. Napalingon naman ito sa kaniyang asawa.

"Kunin mo 'yong isang mini ref, ilagay mo sa kuwarto mo para hindi ka baba nang baba," sabi ni Ashburn.

"May mini refrigerator ka rin?" Tanong ni Kelly saka umupo sa upuan.

"May dalawang mini refrigerator na ibinigay ang relative ko. One for your room and one for my room. Hindi ko lang maitaas 'yong sa akin kasi nakakalimutan ko," sagot ni Ashburn at umupo rin sa isang upuan.

"Saan ba nakalagay?" Tanong ni Kelly saka niya sinuklay ang kaniyang buhok gamit ang kaniyang mga daliri.

"Nasa vacant room. 'Yong room malapit sa garden."

Tumango tango naman si Kelly.

"I remember, may kasalanan ka sa'kin," wika ni Ashburn.

Napatigil naman si Kelly sa pagsusuklay ng kaniyang buhok saka napatingin sa kaniyang asawa. Kumunot pa ang noo niya.

"Ano naman po 'yon?" Alanganing tanong ni Kelly.

"You lied to my friends about sa kung paano tayo nag-meet," sagot niya.

Lumabi naman siya saka tumayo sa kaniyang upuan.

"Pareho na nga po tayong nagsinungaling. Ikaw nga, sinabi mo sa kanila na matagal tayong may secret relationship," sabi naman niya.

"Sana nag-usap muna tayo kung ano'ng puwedeng isagot kapag may nagtatanong sa atin ng gano'n. I don't even like your answer to them," wika naman ni Ashburn saka nagbuntong hininga.

"Ako rin naman, ayoko. Sino ba namang may gustong magpahatak sa inyo? Tapos—"

‘Tapos mauuntog sa abs mong iilan lang naman.’

Napangisi pa siya sa naisip.

"Tapos ano?" Tanong ni Ashburn sa kaniya nang hindi niya itinuloy ang sasabihin.

"Tapos makaka-face-to-face ang may edad na," natatawang sagot niya.

Napatigil siya sa pagtawa nang tumayo si Ashburn at bahagyang lumalapit sa kaniya.

Umatras naman si Kelly habang nakatingin pa rin kay Ashburn.

"H-Hoy, kuya. Nagbibiro lang ako," sambit niya nang papalapit nang papalapit si Ashburn.

Tumalikod naman na siya agad saka tumakbo. Sumunod naman sa kaniya si Ashburn at mas lalo siyang kinabahan kaya mas binilisan niya ang pagtakbo papunta sa hagdanan.

"Stop right there," utos ni Ashburn ngunit patuloy pa rin siya sa pagtakbo.

"Ouch!"

Natisod siya sa unang baytang ng hagdanan saka siya nadapa.

Napaupo naman siya agad at hinaplos ang paa.

Hingal na hingal namang tumingin si Ashburn sa kaniya.

Bagaman ilaw lang galing sa labas ang nagbibigay liwanag ay kitang-kita niya ang mukha ni Ashburn at naaaninag niya ang matangkad na katawan ng kaniyang asawa.

Papalapit nang papalapit ito sa kaniya. Siya naman ay hinahabol ang hininga at paatras nang paatras papunta sa itaas.

"Tanga."

"Maka-tanga naman 'to!" Inis niyang sambit.

Kahit madilim ay kitang-kita niyang ngumisi si Ashburn habang nakahawak ang kaliwang kamay niya sa handrail.

Nilagpasan siya ni Ashburn saka umakyat sa hagdanan.

Hindi naman nagpatalo si Kelly kaya hinawakan niya ang kanang paa ni Ashburn nang hahakbang na sana iyon sa baytang ng hagdanan.

"Let go of me."

"P-Patayuin mo muna ako dito, kuya. Ang sakit eh," nahihiyang sambit ni Kelly.

"Kaya mo na 'yan. Sinasagot-sagot mo nga ako eh," wika naman ni Ashburn saka inihakbang na ang paa. Wala namang nagawa si Kelly dahil malakas ang kaniyang asawa.

Iniwan lang siya ni Ashburn doon habang paakyat ito sa mahabang hagdanan.

"Gurang!" Inis na sigaw niya saka siya tumayo at humawak sa handrail para alalayan ang sarili sa pag-akyat

Kinabukasan ay alas otso na siya nagising dahil day off niya.

Agad niyang tinignan ang paa niyang namaga kagabi dahil sa pagkatisod niya sa hagdanan.

Hinawakan niya ang ibaba ng kaniyang tuhod.

"Aw!" Angil niya nang maramdaman niyang masakit iyon kapag nahahawakan.

"Kainis na gurang talaga 'yon!" Sambit niya saka siya dahan dahang bumaba sa kaniyang kama at nag-ayos ng sarili niya sa loob ng banyo.

Nagsuot na siya ng pambahay saka nag-messy bun lang siya.

Pasipol sipol pa siya nang pababa siya sa hagdanan habang nakahawak sa handrail ng hagdanan.

"Sana wala si boss," kanta niya saka iwinawagayway ang kaliwang kamay niya sa ere.

"Sana nga wala si—"

Napatigil siya sa pagkanta nang makapasok siya sa kitchen at nakita niyang nakaupo si Ashburn sa maliit na dining area nila.

Pang-apatang table lang 'yon at separate pa ang mas malaki nilang dining area.

"Bakit ka nandito?" Tanong niya saka siya nagpatuloy sa paglalakad.

Napatingin lang sa kaniya si Ashburn habang umiinom ito ng kape at may hawak na cellphone.

Lumapit si Kelly sa rice cooker at agad na nagsaing ng almusal.

"Day off mo rin?" Tanong ulit niya kay Ashburn habang papalapit siya sa refrigerator.

Tumango lang si Ashburn kaya lumabi naman si Kelly.

Naglabas siya ng dalawang itlog at tatlong malalaking talong.

Nakatingin lang sa kaniya si Ashburn at pinagmamasdan ang mga ginagawa niya.

Inilagay niya sa stove ang tatlong talong na kinuha niya saka siya n*****i ng itlog.

"May electric griller naman," malalim na sambit ni Ashburn.

"Mas sanay ako sa ganito. Uling sana kaso wala naman yatang uling dito," sagot naman ni Kelly habang nagbabati ng itlog.

Nagtimpla pa muna ng gatas si Kelly habang hinihintay na maluto ang talong.

Nang makita niyang luto na ang talong ay hinango niya ang mga 'yon at inilagay sa strainer.

Bago niya balatan ang mga 'yon ay uminom pa muna siya ng gatas.

"What are you cooking?" Tanong ni Ashburn.

"Torta, kuya. Alam mo 'yon? Talong na may itlog," sagot ni Kelly.

Umayos naman ng pagkakaupo si Ashburn at pinagmasdan siyang magbalat ng talong.

"I know. Nagluto na 'yong mga maid namin ng ganiyan," sagot niya.

Hindi naman na nagsalita si Kelly at ipinagpatuloy na lamang ang pagluluto.

Ang kaniyang asawa naman ay nakatingin lang sa kaniya habang nagluluto siya at hanggang sa matapos siya.

Inilapag niya sa harapan ni Ashburn ang niluto niyang torta, sa tabi ng sinandok niyang kanin.

Kumuha siya ng sarili niyang plato saka nagsandok ng kaniyang kakainin.

"Where's mine?" Nagtatakang tanong ni Ashburn.

"Hindi ka po ba makakakuha ng plato mo?" Walang-galang na sambit ni Kelly.

Tinignan lang siya ni Ashburn na parang na-disappoint sa kaniya.

Hindi naman sila nag-imikan habang kumakain sila.

Nang matapos silang kumain ay nagsalita si Ashburn.

"Iakyat na natin 'yong mga mini refrigerator," sambit niya.

Tumango naman si Kelly.

"Follow me," utos ni Ashburn saka siya tumayo at nauna nang naglakad.

Agad namang sumunod si Kelly papunta sa vacant room.

"Wow!" Sambit ni Kelly nang makita ang maraming appliances sa loob.

Napatingin naman sa kaniya si Ashburn.

"Para tayong magbebenta," dagdag pa niya.

"Bilisan mong ma-amaze, may gagawin pa tayo," wika naman ni Ashburn. Kaya napatingin si Kelly sa kaniya saka siya nag-make face.

"Kung sa akin lang 'to lahat, i-oonline sell ko, pambayad ng utang," natatawang wika ni Kelly.

"Hurry up. Palagi kang may side comments," kalmadong sabi ni Ashburn.

Lumapit naman si Kelly sa kaniya habang nakatayo siya sa tabi ng isang mini refrigerator na kulay itim.

"At palagi ka namang may mapupuna," sagot ni Kelly sa kaniya.

Nagtitigan pa muna sila saka nagbuntong hininga si Ashburn dahil sa unti-unting pagkaubos ng pasensya niya kay Kelly.

"Iakyat na natin. May mga gagawin pa ako," sabi niya.

"Okay. Kanino ba 'to mapupunta?" Turo niya sa itim na mini refrigerator.

"In your room."

Sinubukan nilang buhatin ngunit agad namang ibinaba ni Kelly.

"Why?" Tanong ni Ashburn sa kaniya.

"Hinga muna ako. Hindi naman masyadong mabigat pero baka mangalay ako," sagot niya.

Hinayaan naman siya ng kaniyang asawa na huminga muna.

"Sige. Tara na," sambit ni Kelly.

Agad naman nilang binuhat ang mini refrigerator at parang si Ashburn lang ang nagbubuhat, umaalalay lang si Kelly.

"Wait," wika ni Ashburn at napahinto sila sa ibaba ng hagdanan saka nila ibinaba.

"Mababa masyado sa part mo," dagdag niyang sabi.

"Matangkad ka eh," sagot naman ni Kelly.

Bumuntong hininga naman si Ashburn saka umiling iling.

Nang makabuwelo sila ay binuhat nila ulit hanggang sa makarating sila sa tapat ng room ni Kelly.

Binuksan agad naman ni Kelly ang pintuan.

"Where do we place it?" Tanong ni Ashburn nang makapasok sila.

"Dito, dito. Sa tabi ng table ko," sagot naman ni Kelly saka niya itinuro ang space sa tabi ng side table niya.

Agad namang ibinaba ni Ashburn doon ang mini refrigerator.

Nagpamewang si Ashburn saka huminga. Hindi naman niya naiwasang kilatisin ang loob ng kuwarto ni Kelly.

"Don't leave that door open," turo niya sa pintuan papunta sa balkonahe.

"I know po," maarteng sagot ni Kelly.

Nang makapagpahinga si Ashburn ay bumaba ulit sila para kunin ang isa pa.

"Huwag na tayong mags-stop para hindi mas mahirap," sambit niya kay Kelly.

Tumango naman si Kelly.

Pati sa hagdanan ay tuloy-tuloy lang sila sa pag-akyat hanggang sa makarating sila sa tapat ng kuwarto ni Ashburn.

"Buksan mo na," utos naman ni Kelly sa kaniya.

"Ilapag na natin dito. Ako nang bahala magpasok," sambit niya.

Wala namang nagawa si Kelly kaya inilapag na lang nila ang refrigerator.

Tumalikod agad si Kelly at nagpunta sa kaniyang kuwarto.

"Napakaarte. Ayaw pa akong papasukin sa kuwarto niya," sabi niya sa kaniyang sarili.

Bumuntong hininga na lang siya at saka nilapitan ang kaniyang refrigerator.

"Sa mga hotel ko lang 'to nakikita," masayang sambit niya habang hinahaplusan ang refrigerator.

"Syempre hindi ako papayag na wala kang laman," dagdag niya pa saka siya pumalakpak.

Nagmadali siyang bumaba at kumuha ng mga ice cream, dark chocolates, at mga soft drinks, pati na rin ang bottled water.

"Magpapatayo ka ba ng store sa kuwarto mo?"

Nagulat naman si Kelly kaya nabitawan niya ang ilang hawak niya.

Tumawa pa muna siya nang peke saka niya pinulot ang mga nahulog niya.

"Mabilis akong magutom, kuya. Tsaka ayokong makasabayan ka ulit na bumaba rito," sagot niya.

Tumango tango naman si Ashburn at uminom siya ng tubig.

Nilagpasan ni Kelly si Ashburn at nagmamadaling bumalik sa kaniyang kuwarto.

"Perks ng may asawang mayaman," natatawang sambit niya habang naglalagay ng pagkain at mga inumin sa refrigerator niya.

Nang matapos siya ay pinagmasdan pa niya muna ang laman nu'n saka isinara.

Bumalik ulit siya sa kaniyang kama upang humilata.

Napatingin siya sa wall clock at nakitang alas dose na pala ng tanghali.

"Shocks! Hindi pa pala ako naliligo," sambit niya.

Agad siyang kumuha ng kaniyang isusuot sa cabinet.

Hindi siya nagtagal sa loob ng banyo. Inayos niya ang sarili niya sa harap ng salamin at saka isinakbit ang kaniyang bag.

"Where are you going?" Tanong ni Ashburn nang madatnan niya itong nakaupo sa sofa sa kanilang sala habang nakaharap sa laptop niya.

"May pupuntahan lang. Magluto ka na lang ng lunch mo, hindi ako kakain dito," wika ni Kelly.

Busy naman si Ashburn sa pagtatype sa kaniyang laptop.

"Nag-order na ako ng lunch ko."

Tumango tango naman si Kelly.

Bago siya lumabas sa pintuan ay nagsalita pa si Ashburn.

"Don't go home late."

"Opo, kuya." Walang-ganang sagot niya.

"Don't call me kuya," pahabol na sabi ni Ashburn.

"Okay, browny," natatawang wika niya saka pabagsak na isinara ang pintuan.

Nagpunta siya sa isang park at doon tumambay.

"Kuya, twenty pesos pong fishball," sambit niya sa nagbebenta sa gilid ng park.

Habang nag-preprepare ang nagbebenta ng order niya ay napatingin siya sa kabuuan ng park saka siya napangiti nang mapait.

"Miss, oh."

Napalingon naman siya saka nagbayad.

Naglakad siya papunta sa isang swing saka doon naupo at kumain.

Nang matapos siya ay agad niyang ibinasura ang cup sa malapit na basurahan.

"Parang walang nagbago," sambit niya habang patuloy na tinitignan ang mga puno at mga tao sa park.

"Kami lang ang nagbago," dagdag niya pa at biglang tumulo ang kaniyang luha.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status