"A-Ayoko," sagot ni Kelly saka tumulo na naman ang kaniyang luha. Pinunasan niya agad iyon saka napatingin sa kaniyang asawa na naging maamo ang mukha dahil sa narinig.Napalunok naman si Kelly at nilagpasan na si Ashburn. Ngunit napatigil siya sa pag-akyat sa hagdanan nang tawagin siya nito sa kaniyang pangalan."I want to stay with you, Kelly," sambit niya. Napalingon si Kelly sa kaniya at nakitang sinsero ito sa kaniyang sinabi. Napakagat siya sa kaniyang labi at nakahinga nang maluwag saka ipinagpatuloy ang pag-akyat papunta sa kaniyang kuwarto.Napaupo agad siya sa kaniyang kama nang makapasok siya sa kaniyang kuwarto at hinawakan ang kaniyang dibdib dahil mabilis pa rin ang kabog ng kaniyang puso."Gusto ko ring manatili ka," mahinang wika niya saka binuksan ang side table niya at kinuha ang kaniyang wedding ring.Pingmasdan niya iyon at kumikislap ang malaking diamond nito kapag tinatamaan ng ilaw. Napapunas siya ng kaniyang luha nang mapansin ang pangalan nilang mag-asawa sa l
Hindi pa rin gumalaw si Kelly sa kaniyang kinatatayuan at patuloy pa ring pinagmamasdan si Belinda habang inaalalayan si Ashburn na nakatungo ang ulo at pagewang-gewang maglakad.Kitang-kita niya mula sa ilaw nila ang suot ni Belinda. Puting crop top, maiksing puting maong shorts, at mataas na puting heels.Napatigil naman si Belinda nang mapansin niya si Kelly na nakatayo sa harap ng pintuan. Kumunot lalo ang noo ni Kelly at napayukom ang mga palad.Nanginginig pa ang kaniyang mga tuhod ngunit naglakas-loob siyang humakbang pababa at lumapit sa kanilang dalawa.Walang anu-ano'y kinuha niya ang kaliwang braso ni Ashburn at inilagay sa kaniyang balikat. Pinagtulungan nilang ipasok ang kaniyang asawa sa loob ng kanilang bahay."I h-had fun, but it's more fun when..."Hindi naman natuloy ni Ashburn ang sasabihin at biglang nanahimik. Napalingon naman si Kelly sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.‘Mamaya ka sa'kin, gurang.’Nang maipasok nila si Ashburn at napaupo sa sofa sa kanilang sal
"Thank you po sa pagpunta," nakangiting pagpapasalamat ni Kelly sa kapatid ng kaniyang ina habang nasa pintuan sila ng kanilang bahay.Kumaway pa muna ang tita at mga pinsan niya bago sila tuluyang lumabas."Balik na tayo doon. Hindi ka pa kumakain eh," sabi ni Niana, ang best friend ni Kelly.Inayos naman ni Kelly ang kaniyang wedding gown. Hinawakan niya sa bandang gitna at itinaas upang makapaglakad siya nang maayos."Hindi ako nagugutom, Niana. Gusto kong uminom."Natawa naman ang kaibigan niya sa kaniya."Ano 'yan? Maglalasing ka sa araw ng kasal mo? Baka
Kumunot ang noo ni Ashburn nang makita niya ang sunog na itlog, hotdog, at tocino sa lamesa."Pinaglihi ba siya sa uling? I thought, graduate siya ng Hospitality Management? She can't even fry," sambit niya. Dinig na dinig naman iyon ni Kelly sa may pintuan."Disgusting," dagdag niya pa, saka kinuha iyon at itinapon sa basurahan.Kumuha siya ng mug, at saka nagtimpla na lamang ng kape.Nagmadali namang naglakad paalis si Kelly nang masaksihan niya ang reaskyon ni Ashburn sa kaniyang ginawa.Agad siyang naligo at nagbihis para sa kanilang pupuntahan.Sinigurado
Napahawak pa siya sa kaniyang kanang paa, saka siya napaupo sa hagdanan."Hindi mo puwedeng kontrolin ang pagmamahal. Kaya huwag mo akong utusan," inis na sambit niya kay Ashburn."What are you saying? Ang sabi ko, magpanggap ka na parang mahal mo ako, kahit hindi."Humakbang palapit si Ashburn sa kaniya at tinignan pa siyang maigi.‘Hindi man lang ako patayuin ng gurang na 'to.’Agad naman siyang tumayo kahit masakit ang kanang paa niya."Kahit na. Ayokong magpanggap na mahal ko ang isang tao, lalo na kung ikaw," sagot ni Kelly.
“Akala mo tahimik, pero may itinatagong kamanyakan ang gurang na 'yon! Makapagsabing lansones lang daw. Tsk! Pasalamat siya, hindi ko pa nakikita ang lahat sa kaniya. Nakakainis talaga!"Maagang pagmamaktol ni Kelly sa kaniyang kuwarto habang itinatali ang kaniyang buhok."Kung nandito lang si Papa, hindi niya ako hahayaang bastusin ni gurang," dagdag niya pa nang matapos niyang ayusin ang kaniyang sarili sa harap ng salamin.Nagmadali siyang bumaba upang hindi makasabay ang kaniyang asawa.Pagkalabas niya ng kanilang bahay ay biglang umambon kaya inilabas niya ang kaniyang payong.&n
Agad pumasok si Kelly nang buksan ni Ashburn ang pintuan."Kanina ka pa?" Tanong ni Ashburn sa kaniya. Napalingon naman siya habang nakayakap sa sarili at nanginginig na sa lamig."Mga thirty minutes na. Naiwan ko kasi sa kuwarto 'yong susi ko," sagot niya.Tumutulo na sa sahig ang tubig galing sa kaniyang katawan at nakatingin lang si Ashburn sa kaniya."Tapos ang tagal mo pang magbukas. Hindi mo ba ako naririnig kanina?" Iritadong tanong ni Kelly. Umiling naman si Ashburn.Bumuntong hininga siya at dali-daling umakyat patungo sa kaniyang
Naestatwa si Kelly sa kaniyang kinatatayuan at ilang beses pa siyang napalunok."Ashburn! Your wife's home!" Sigaw ng lalaking may katangkaran at blond ang buhok. Nakangiti ito kay Kelly na parang kilalang kilala niya ito. Kaya kahit nag-aalangan ay napangiti na lang din si Kelly."How's work?" Tanong naman ng isang lalakeng may hawak ng isang beer. Kahit nakaupo siya ay halatang matangkad siya. Agaw pansin ang kaniyang nunal sa ibaba ng kaniyang kaliwang mata."A-Ah, okay naman po. Sorry, hindi kasi sinabi ni A-Ashburn na may bisita siya," alanganing sagot niya.Napahawak siya nang mahigpit sa kaniyang backpack na inilag