Chapter Two
Zoe's perspective
Nagising na lamang ako sa napakalawak na kwarto, nang mapagtanto ko na nakahiga ako sa isang malaking kama ay agad akong napaupo, halos sinilip ko pa ang katawan ko sa ilalim ng kumot na nakabalot sa akin, at agad akong napabuntong-hininga ng napakalalim, ramdam ko ang ginhawa sa loob ko nang makita kong may suot-suot pa rin akong damit. Akala ko ginahasa na ako ng mga dumakip sa akin. Hindi ko alam kung ilang oras na ba akong walang malay.
Nang tumayo ako ay nakaramdam ako ng bahagyang pagkahilo, hindi ko alam kung bakit, pero sa tingin ko ay dahil may tama pa rin ang gamot na nasa panyong iyon sa akin. Gusto ko mang maupo pero kailangan kong makaalis sa lugar na ito.
Agad akong nagtungo sa pintuan ngunit nang subukan kong buksan ito, napagtanto kong naka-lock ito mula sa labas.
Nakaramdam ako ng takot at pilit kong binuksan ang pinto pero ano mang pilit ko wala rin naging saysay. I'm in panic kaya naman agad akong lumapit sa bintana pero laking gulat ko nang makita kong napakataas pala ng kwartong kinaroroonan ko. Gusto ko mang tumalon ay tiyak mababalian ako ng buto at kung nagkataon madali lang akong huliin ng mga kidnapper at hindi mapapadali sa akin ang sumubok na tumakas muli kung may bale ako.
Tumingin ako sa paligid para sana humingi ng tulong pero puro puno lamang ang nakikita ko, kaya naman, palagay ko nasa isang private property ako. Wala akong makitang kalsada mula sa bintanang ito.
"Anong gagawin ko?" nasa isip ko habang ramdam ko ang kaba sa puso ko. Bumagsak ang mga luha mula sa aking mga mata, hindi ako makapaniwalang nakidnap ako, at hindi ko man lang alam kung nasaan ako o kung sino ang nagpakidnap sa akin, maging ang dahilan ng pagpaparito ko. Ang tanging hiling ko na lang ay ang marelaize sana agad ng tatay ko o kaya ni Kurt na nawawala ako.
Nanlambot ang mga tuhod ko sa takot at naupo ako sa kama nang biglang narinig ko ang pagbukas ng pinto. Agad akong gumilid at rinig ko ang bilis ng tibok ng puso ko habang inaabangan kung sino ang taong nagbukas ng pinto.
Maya't maya pa ay isang matandang lalaki na sa palagay ko ay nasa edad 40 o 50 pataas ang tumambad sa harapan, maputi, matangkad at kahit matanda na ay may hitsura pa rin ito. Well, kasunod niya ang dalawang naglalakihang lalaki na nakasuot ng itim na damit, mukha silang bodyguards ng matandang ito. Tinitigan ko silang dalawa, isa sa kanila ang lalaking nagpunta sa bahay namin. Tumayo lamang ang dalawa sa magkabilang gilid ng pintuan habang ang matanda ay palapit akin.
Napaatras ako mula sa kama, takot pero wala akong matakbuhan, hindi ko alam kung anong balak niyang gawin pero naglakas loob akong magsalita, "Sino ka? At anong kailangan mo sa akin?!" nanginginig kong tanong habang nakatitig sa matanda.
"I'm Herbert Shaw, and to answer your question, you're here because your father used you as a collateral to his debt. Ikaw ang kabayaran sa lahat ng utang niya na hindi niya na kayang bayaran," paliwanag nito.
Nanlaki ang mga mata ko, nagulat ako sa mga sinabi niya. Pero hindi ako naniniwala, hindi iyon kayang gawin ng kinilala kong ama sa akin. Hindi siya ganung klaseng tao!
"Ipinambayad ako ng amain ko? Nagkakamali kayo, baka mali kayo ng taong kinuha, hindi iyon magagawa ng tatay ko," naiiyak kong sabi. Bagama't ayaw kong maniwala, hindi ko pa rin maitatanggi na labis ang kaba ko sa pwedeng mangyari sa akin.
Bumuntong-hininga ang matanda at saka tumitig sa aking mga mata, "You're Ms. Zoe Reyes, and your stepfather, Albert Cruz, right? Ngayon sabihin mo sa akin na nagkamali ako ng taong dinakip?" sabi niya. Napahawak ako ng mahigpit sa kumot na nasa tabi ko at takot na tumitig sa kanya. Alam niya ang buong pangalan ko at ang amain ko, nagpapatunay lamang na may posibilidad na totoo ang sinasabi niya. Pero paano kung gawa-gawa lamang ng matandang ito ang lahat? Hindi ako magpapaloko.
"Hindi! Hindi magagawa ng tatay ko iyon!" sigaw ko at bakas sa mukha niya ang pagka-irita, hindi siya nagsalita bagkus tinawag niya ang isa sa bodyguards niya at may inabot itong isang brown envelope sa kanya.
"Heto, basahin mo," sabi ng matanda at nilapag ang envelope sa may harapan ko, agad ko naman kinuha iyon upang maibsan ang pagtatakang tumatakbo sa isipan ko ngayon.
Binasa ko ng mabuti ang nakasulat sa isang papel at kitang-kita ng mga mata ko ang pirma ng aking amain na nasa hulian, at tulad nga ng sinasabi ng matandang ito nakasaad dito na ako ang magiging kabayaran o ang buhay niya sa milyong inutang niya sa araw na hindi niya iyon nabayaran sa takdang oras. Hindi ako makapaniwala, paano nagkautang si papa ng ganitong halaga? Kilalang-kilala ko ang pirma niya, at sinasabi ng dokyumentong ito na tama ang matandang nasa harapan ko ngayon.
"Hindi! Hindi ito totoo!" sigaw ko, hindi ko kayang tanggapin, napakasakit. Pinunit ang papel na hawak ko at saka itinapon iyon sa sahig.
"Punitin mo man iyan, marami akong kopya. Maniwala ka man o hindi, wala akong magagawa. Kung gusto mo tanungin mo mismo ang tatay mo at nang marinig mo mismo sa labi niya ang katotohanan!"
Parang akong binagsakan ng langit at lupa, ang kinilala kong tatay na akala ko ay mahal ako ay ibinayad ako sa matandang ito. Halos manghina lahat ng buong katawan ko, wala akong magawa kundi ang umiyak. Para akong lantang gulay at hindi ko na alam ang dapat na gawin.
"Palagay ko ay natauhan ka na din," sabi ng matanda.
"Anong kailangan mo sa akin? Bakit ako?!" tanong ko habang humahagulhol pa rin sa sakit, hindi ko matanggap na nagawa ito ng amain ko. Bakit? Bakit?
"Isa lamang ang dapat mong malaman, ikakasal ka, iyon ang kabayaran para sa nautang na tatay mo," sabi niya.
Kasal? Bigla akong napahinto sa pag-iyak. Tumitig ako sa matandang nasa harapan ko. Hindi ako makapaniwala na iyon ang gusto niyang mangyari... ang pakasalan ko siya? Ano naman makukuha niya sa akin? Tila nanlamig ang buong katawan ko. Ano pa nga ba ang maaari niyang gawin? Ang pilitin akong matulog kasama niya? Hindi! Nilukob ng takot ang dibdib ko sa mga iniisip ko.
"Kasal? Hindi, hindi ako papayag," sigaw ko, hindi ako papayag na ikasal sa matandang ito, hindi... hindi maaari.
"Sa ayaw at sa gusto mo, pakakasalan mo ang anak ko, kung hindi buhay ng amain mo ang kapalit! Naiintindihan mo ba ako, Zoe Reyes?"
Para akong estatwa na nakatitig sa kanya, natatakot ako sa maaari niyang gawin sa amain ko, oo, galit ako, galit na galit ako dahil sa ginawa niyang ito pero ang mamatay siya, hindi ko kaya, hindi ko kayang mawalan ulit ng pamilya, siya na lang ang meron ako pero... Napapikit ako sa sobrang sakit.
Matapos kong manahimik ay lumapit ako sa matanda at lumuhod sa harapan niya, "Parang awa mo na, babayaran ko ang lahat ng utang ng tatay ko sa oras na magkapera ko, hindi man ngayon pero babayaran ko kayo, ipinapangako ko," pagmamakaawa ko pero tila hindi man lang nakramdam ng awa ang matandang ito.
"Tumayo ka jan, kahit magmakaawa ka pa o umiyak ng dugo, hindi magbabago ang desisyon ko, papakasalan mo ang anak ko, iyon lamang at wala ng iba," seryosong sabi niya at tinalikuran ako pero bago pa man siya makaalis ay niyakap ko ang paa niya at pilit pa ring nagmamakaawasa kanya.
"Parang awa mo na, hayaan niyo na lamang akong umalis," pagmamakaawa ko pero hindi ito tumugon at bigla na lamang akong hinila ng dalawang lalaking kasama niya pero nagpupumiglas pa rin ako. Ayaw ko siyang bitawan pero tila wala na ata akong lakas. Kinain na ako ng sakit at awa ko sa sarili ko.
Isinara nila ang pinto at patuloy ako sa pagkabog dito.
"Parang awa niyo na pakawalan niyo ako. Ayoko dito! Parang-awa niyo na!" paulit-ulit kong sigaw pero walang nakikinig, halos mamula na ang mga kamay ko sa kakakatok, at wala akong pakialam kung dumugo man ito, dahil ang alam ko lang ay gusto kong umalis sa lugar na ito.Chapter Three Zoe's Perspective Ilang araw na akong nandito sa loob ng kwartong ito. Nagmumukmok at halos mabaliw na ako. May banyo at Cr na sa loob ng silid na ito kaya subukan ko mang magpanggap na naiihi ako upang makatakas ay hindi ko magagawa. Iniisip ko kung kamusta na kaya si Kurt? Ilang araw akong nagdasal na sana may taong magliligtas sa akin pero wala. Sigurado akong nababaliw na si Kurt kakahanap sa akin. At ang amain ko? Wala akong ideya kung ano ba ang nararamdaman niya, pero hindi niya nga siguro ako mahal dahil heto ako, nakakulong sa isang kwarto, at ikakasal sa taong hindi ko naman mahal. Ilang beses akong nagmakaawa na pauwiin nila ako, pero kahit ano pang gawin ko hindi nagpapatinag ang matandang iyon. Hindi siya tumitigil hanggang hindi ako pumapayag na pakasalan ang anak niya, ni hindi ko nga kilala o alam ang pagkatao ng anak niya, kaya bakit ko siya papakasalan? Hindi ko alam kung bak
Chapter 4 Zoe's Perspective Habang nag-iikot kami sa lugar, papunta sa bahay namin ay ramdam ko ang nakaka-awkward na katahimikan sa pagitan namin ni Mr. Herbert. Hindi siya nagsasalita at seryoso lamang siya sa buong biyahe namin. Ako naman ay walang tigil sa pagtingin sa tinted na bintana ng sasakyang ito at minememorize ang bawat lugar na nadadaanan namin. Sinisigurado kong alam ko kung saan ako nanggaling para masabi ko kay Kurt ang lahat. Habang pinagmamasdan ko ang daan ay napansin kong palapit na kami ng palapit sa bahay at hindi ako makapaniwala na medyo may kalapitan lang pala ang lugar kung saan ako kinulong dito sa bahay namin. Maya't maya pa ay huminto ang sasakyan at napagtano ko na lang na nasa tapat na pala kami ng bahay. Nang titigan ko ito, ang kaninang excited kong nararamdaman ay ngayo'y napalitan na ng matiniding kaba. Mabibingi na ata ako sa lakas ng kabog ng dibdib ko. Napakabigat ng bawat paghinga ko.
Chapter Five Daxton's Perspective "Ano? Hindi ako papayag, papa. Hindi ko man lang siya kilala, " sagot ko sa tatay ko nang sabihin niya sa akin na ikakasal ako sa ayaw at sa gusto ko. "Kilala mo man o hindi, ikakasal kayo ngayong Lunes," seryosong sabi niya na siyang ikinagulat ko? Lunes? Tatlong araw mula ngayon? Hindi ko alam kung ano bang nakain ni papa para magdesisyon ng wala man lang akong nalalaman, hindi man lang niya ako tinanong bago niya ako ipakasal. "Enough, dad. Kahit pa pilitin mo ako, hindi ko papakasalan ang babaeng iyon. I didn't even know her name," sagot ko. "Then you have two days to get to know each other before your wedding." Ngumiti siya sa akin. "No, dad. Buo na ang desisyon ko, hindi ko papakasalan ang babaeng iyon!" sigaw ko. "Don't make me mad, Daxton," my father groaned. "Tama ang anak mo, Herbert. Hin
Chapter Six Zoe's Perspective Nakasakay ako ngayon sa isang napakagarang sasakyan, hindi ito ang sasakyang ginamit namin ni Mr. Herbert noong nakaraan- mas maliit ito ng kaunti pero mas mukha itong mamahalin. Napakalamig dito sa loob kahit na napakaaraw sa labas, iyon ay dahil sa air conditioner nito. Ganito nga ata kung mayaman ang isang tao, nagagawa nilang bumili ng ganitong klaseng sasakyan. Mga bagay na hanggang pangarap na lang naming mga mahihirap. "Nandito na tayo," sabi ni Mr Herbert sa akin at bigla namang bumaba ang drayber ng sasakyan at pinagbukasan niya ng pintuan si Mr. Herbert at sinunod naman niyang buksan ang katabi kong pintuan. "Salamat," pagyuko ko sa kanya at tumingin ako sa isang napakalaking restaurant. Isa ito sa mga nadadaanan ko lamang na kainan. Isa sa mga sikat na restaurant dito sa lugar namin. Hindi ko alam kung dapat ba akong mamangha o dapat ba akong matakot dahil sa ora
Chapter Seven Zoe's Perspective "Ma'am, ayos ka lang po ba?" tanong sa akin ng make-up artist na syang nag-aayos sa akin. Tinignan ko siya mula sa reflection niya sa salaming nasa harapan ko. Pinilit kong ngumiti sa kabila ng sakit ng nararamdaman ko. I broke up with Kurt bago pa man ako ikasal. At hindi ko matanggap na ang taong pinakamamahal ko ay kinamumuhian ako. Ramdam ko pa din lahat ng sakit. *Flash back* Nasa isang park ako naghihintay. Hindi sana ko magpupunta dito dahil dalawang oras na lang ay ikakasal na ako, pero buti na lang nagawa kong pakiusapan si sir Herbert na makipagkita ako kay Kurt bago ko tuluyang iwanan ang buhay ko bilang Zoe Reyes. Dahil magiging ganap na Zoe Shaw na ako maya-maya, at ibig sabihin nun ay ako at si Kurt ay wala na ring kinabukasan pa. Hinayaan naman ako ni sir Herbert pero syempre may bantay ako. Sumama sa akin ang isa sa mga maids nila at dalawang body guards. &nb
Chapter Eight Zoe's Perspective Pagkahakbang ko ng simbahan, lahat ng mga mata ay nakatuon sa akin. Napakaunti lamang ng bisita halos nabibilang lang sila. Siguro nasa mga 20 lamang ang bisita kasama na doon ang pamilya ni sir Herbert. Hindi ko alam kung bakit kakaunti lamang sila, marahil kaunti lamang ang may alam dahil isa lang naman itong biglaang kasalan. Pero kahit na kakaunti lamang ang nasa paligid ko pakiramdam ko, mga higit isang daang mga mata ang nakatitig sa akin. Huminga ako ng malalim at patuloy lamang sa paglapit sa altar. My groom is waiting there, wearing a beautiful white suit. Seryoso ang mga tingin niya sa akin at ako naman ay pilit na itinatago ang lungkot. Tulad ng sabi ni Mr. Herbert, huwag kong ipapahalata ang tunay kong nararamdaman, so I am currently faking a smile, napakahirap itago na nasasaktan ako. The wedding continued and it is time for us to say our vows. Humarap ako sa supladong
Chapter Nine Daxton's Perspective Standing in front of me is this girl, I am observing her as she is letting out her vow. And honestly, her words are coming from somewhere. Hindi ko alam kung parte ba ng pagpapanggap niya ang mga sinasabi niya ngayon. When did I become her best friend and later on his boyfriend? Hindi ko alam pero habang pinapakinggan ko ang mga sinasabi niya, imbes na mainis ay nalilito ako, tila pakiramdam ko ay may pinaghuhugatan siya. Her words sound substantial in my ear, like it really happened. She is saying every word with sincerity. 'Come on! Daxton, don't be lost in her facade. She is only acting! That's her nature!' Bumuntong-hininga ako at ramdam ko ang kumukulo kong dugo pero pilit kong kinakalma ang sarili ko. I just let her say what she wants to say at nang ako na ang sumunod na magsasalita. Hindi ko na mapigilan at sinabi ko lahat ng gusto kong sabihin. Ramdam ko ang kaba sa hitsura niya.
Chapter Ten Zoe's Perspective Nakatitig ako sa salamin habang pinagmamasdan ang mamahalin kong wedding dress... Dahan-dahan ko itong hinubad at nagpalamig muna ako sa umaagos na tubig sa shower room. Nakakarelaks ang lamig na dumadaloy sa katawan ko pakiramdam ko naaalis ang mga kinikimkim ko. 'Zoe, kaya mo 'to! Makakaalis ka rin, balang araw makakalaya ka rin!' bulong ko. Nang lumabas ako matapos kong nagtagal sa loob ng shower room ay agad namang tumingin sa akin si Daxton at napakasungit niya kung tumingin, parang kakainin niya ako ng buhay... Kulang na lang masuka siya sa tuwing nakikita niya ako. Kung alam niya lang mas nakakainis siyang tingnan. Nakakairita ang awra niya, lagi na lang seryoso. "Zoe, anak, halika maupo ka," biglang tawag sa akin ni sir Herbert. Pinagmasdan ko ang mukha niya. Isa pa siya, bigla na lamang naging iba ang trato niya sa akin matapos ang kasal, as if we are so c