Share

Behind Closed Doors
Behind Closed Doors
Author: KarleenMedalle

Prólogo

Prólogo

Ang sabi nila ay sobrang suwerte ko raw sa buhay dahil nasa akin na ang lahat-lahat—ganda, talino, kasikatan, karangyaan, at ang pagiging asawa ni William Saavedra, isang mayamang business tycoon dito sa Pilipinas at Asya.

Ang sabi nila ay wala na raw ako’ng ibang mahihiling pa sa buhay ko dahil nasa akin na nga ang lahat ng kinaiinggitan ng halos lahat ng mga kababaihan pero ang hindi nila alam ay lahat ng iyon ay isang kasinungalingan lamang, isang malaking pagpapanggap dahil ang totoo ay kabaliktaran ng nakikita ng mga mata nila ang totoong mga nangyayari sa marriage life ko.

Behind closed doors I don’t have a perfect life—a far cry from what everyone thought of the life I am living—because behind closed doors, I am the invisible, neglected, and hated wife of William Saavedra.

Isa lang naman sana ang gusto kong makamit sa buhay na ito at iyon ay ang mahalin din ako ni William kagaya ng pagmamahal ko sa kaniya pero ang sobrang hirap na makamit iyon lalo na kung kasal nga kami pero may ibang laman naman ang puso’t isipan niya—si Olivia Vanderhurst, ang peke at mapagpanggap na si Olivia na ginawang kabit ni William para lang makasama niya ang pangit na babaeng iyon kahit na ang kapalit niyon ay ang saktan ako at insultuhin ang pagiging babae ko.

Nakakatawa, ano?

Nakakatawa dahil kung sino pa iyong taong pinakainaasam-asam mo sa buong buhay mo ay siya pa iyong hindi mo makuha-kuha kahit na ano pa man ang gawin mo. Tunay nga ang kasabihang hindi lahat ay kayang bilhin ng pera kahit na gaano ka pa man kayaman.

“Hingang malalim, Sasha. Inhale, exhale. Inhale, exhale,” bulong ko sa sarili kong malapit ng mag-hyperventilate.

Mabilis na pinaypayan ko ng mga kamay ko ang fully made up kong mukha dahil naiiyak na ako sa pinaghalong emosyon—sa tuwa, kaba, at excitement na siyang pumupuno sa buong pagkatao ko.

“Oh Gosh! This is really is it! Finally, magiging asawa ko na rin si William! Finally, ay magiging Mrs. Sasha Miranda-Saavedra na ako. I can’t wait to be called his wife!” Mahinang tili ko habang nakatitig sa salaming kaharap ko.

I heard the door creaked open, so I took a glance at the reflection of the life size mirror I was facing. Isang matamis na ngiti ang kumurba sa mukha ko ng makita kong si Mommy iyon at kasama niya ang second husband niyang si Uncle Oswald. 

“Are you excited for this day, Sweetpea?” malamyos na tanong ni Mommy sa akin bago niya hinaplos ang buhok kong maayos na nakapusod sa ibabaw ng ulo ko.

Mabilis na napatango-tango ako sa kaniya.  “Siyempre naman, ‘My. I mean, sino ba namang babae ang hindi ma-e-excite kung finally ay ilang oras na lang ay ikakasal na siya sa lalaking pinakamamahal niya?”

She chuckled bago niya ako hinarap sa kaniya at marahang hinaplos ang mukha ko. “I’m so happy na makita kang masaya, Anak. Tandaan mong nandito lang kami palagi ng Uncle Oswald mo para sa iyo, okay?” paalala niya.

“Yes, ‘My alam ko naman po iyon kaya super thankful ako sa inyo ni Uncle Oswald.”

Nakuha ni Uncle Oswald ang atensiyon namin ng marinig naming tumawa siya ng malakas. Iyong halakhak talaga. Iyong tipong nang-aasar. “Don’t tell me ay paiiyakin mo ang anak mo sa espesyal na araw niya, Sally?”

Umirap si Mommy at nag-make face dahilan para matawa ako. Nakakatuwa talaga na pagmasdan na magkasama sina Mommy at Uncle Oswald dahil para lang silang magkaibigan kung magturingan.

Sina Mommy at Uncle Oswald ang role model ko para sa magiging marriage namin ni William.

I want my marriage with William and its succeeding years to be just like my Mommy’s and Uncle Oswald’s marriage journey—light, fun, happy as they both respect, trust, and love each other.

“Whatever,” she murmured and rolled her eyes at him.

“Where’s your make-up artist and hair stylist, Anak?”

Nagkibit-balikat ako at humarap ulit sa salamin at in-admire ang sarili ko. “Pinaalis ko muna sila, ‘My dahil gusto kong mapag-isa. Sa totoo lang, ‘My ay naiiyak na ako na hindi ko maintindihan.” Natawa pa ako after kong masabi iyon.

Natawa siya sa sinabi ko at masuyo, puno ng lambing, at pagmamahal na nilingon ang asawa bago ito hinampas sa balikat at mabilis ako’ng binalingan ng tingin. “Aww, Sasha. Anak nga kita. Ganiyang-ganiyan din ako noon nang ikakasal ako kay Uncle Oswald mo pero that’s pretty normal.”

Mabilis na ipinaikot ni Uncle Oswald ang mga braso niya sa baywang ni Mommy at niyakap ito bago marahang isinayaw-sayaw. “Tama ang Mommy mo, Sasha. Normal lang na maramdaman iyan ng mga taong ikakasal na. Lalo na kung ang taong pakakasalan mo ay ang taong pinakamamahal mo,” ani niya bago kumindat sa akin.

“Normal pa rin bang kabahan at matakot kahit na mahal na mahal ko naman po siya? Kahit na gustong-gusto ko naman talaga siyang pakasalan?” nagtataka kong tanong sa kaniya.

“Yes, Sasha normal lang na maramdaman mo iyan kahit pa mahal na mahal mo ang lalaking pakakasalan mo kasi buong buhay mo ang pinag-uusapan natin dito at hindi iyon basta-basta. Dapat kung magpapakasal ka ay iyong siguradong-sigurado ka na talaga sa desisyon mo,” tugon ni Uncle Oswald habang tumatango-tango sa akin. “Ang tanong ngayon ay sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong pakasalan si William? Dahil kung hindi pa at nagdadalawang-isip ka ay may panahon pa tayo para mag-back out,” dugtong niya dahilan para manlaki ang mga mata ko sa gulat sa sinabi niya.

“What?” I exclaimed in a high pitched voice. Maging si Mommy ay nagulat sa sinabi niya kaya hinampas niya ulit sa balikat ang asawa. “Seryoso ka sa sinasabi mo, Uncle? Mahal na mahal ko si William mula noon pang fourth year high school ako at ngayong araw ng kasal namin ay saka pa ako mag-b-back out? No way!”

“Oo nga naman, Oswald. Huwag kung anu-ano ang pinapasok mong mga ideya sa utak ng unica hija ko.”

My head immediately whipped to the door’s direction when I heard that familiar voice.

“Papá!” I screamed in glee bago ako nagtatakbo palapit sa kaniya habang hawak-hawak ko ang mahaba at magardong satin skirt ng puting-puting wedding gown ko.

Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit at ganoon din siya sa akin. I felt him kissed the top of my head, “Hola, Amor excited for your big day?” [Hello, Love.]

“Sí!” [Yes!] I bobbed my head up and down to show my excitement. “Akala ko ba ay hindi ka makakadalo sa wedding ko dahil busy ka sa expansion ng business mo sa UAE?” nakalabi kong tanong dahilan para matawa siya.

“Maaari ba namang hindi ako um-attend sa big day ng pinakamamahal kong unica hija? Of course not!”

Naningkit ang mga mata ko sa suot niya.

Si Mommy ay nakasuot ng A-line purple ombre long gown na may Swarovski crystals mula sa may dibdib niya pababa sa may hem ng gown niya, nakasuot din siya ng glittering purple strap high heels niya, ang manicure at pedicure niyang sunod sa motif ko na plain purple ay kitang-kita ko. Si Uncle Oswald naman ay nakasuot ng purple long sleeve dress shirt na nakapailalim sa suot niyang black three-piece Armani suit. 

Parehas silang mag-asawa na naka-color coordinated para sa kasal ko—purple for a fairy tale-like happy ending with my future husband.

Si Papá ko lang ang naiiba.

“Papá?” I called while eyeing him sharply.

“Hmm?” tanong niya bago umupo sa chesterfield settee ko dito sa hotel room na inookupahan ko. He crossed his legs and took a magazine in the center table and flip on its pages.

“Sinabi ko hindi ba na purple ang motif ng wedding ko? Ba’t naman black suit ang suot mo ngayon?” taas-kilay kong tanong sa kaniya. 

“Because black is my color,” he simply said and shrugged.

“Pero, Papá!” I whined bago ko ipinadyak-padyak ang mga paa kong nakasuot ng nude platform Christian Loubotin high heels sa carpeted na sahig ng hotel room.

Gusto kong baguhin niya ang kulay ng suot niyang damit para sa akin, para sa napakaimportanteng araw na ito, para sa kasal ko!

“No, Sasha you can’t change my mind. Susuotin ko itong black Alexander Amosu’s Vanquish II Bespoke Suit ko sa kasal mo.”

Uncle Oswald snorted. “Kailangan mo ba talagang ipagmayabang iyang suot mo, Domenico?”

Tumiim ang bagang ni Papá sa kaniya. “If it hurts your ego then go close your eyes and ears, Oswald. Hindi ko na kasalanan kung afford ko ang ganito kamahal na suit para sa kasal ng nag-iisa kong anak.”

“Boys, please…” Awat ni Mommy. “We are all here for the same reason. Huwag niyo namang sirain ang kasal ng anak natin.”

Natawa ako nang umismid lang si Daddy sa kaniya. Halatang may hindi pa talaga nakaka-move on dito ngayon.

“Kausapin mo iyang asawa mo, Sally,” banta niya pa.

I sat beside him at naglalambing na yumakap ako sa kaniya. I pressed my made up face on his broad chest clad in his expensive suit.

“Papá, por favor? Palitan mo naman kahit iyang long sleeve dress shirt mo ng purple? Kasi iyan ang motif ng wedding ko. Lahat ng guests except sa amin ni William na all white ay mayroong purple accent ang suot.” [Papá, please?]

“No, Hija at isa pa ay ayaw mo ba noon? Naiiba ang Papá mo.”

Napabuntong-hinga na lang ako sa katigasan ng ulo ng ama ko. Pinapasok na ni Mommy iyong mag-r-retouch sa akin dahil malapit na ang oras ng kasal ko.

Impit na napatili ako dahilan para magtawanan silang lahat.

“Excited na excited ka talaga sa kasal mo, ganda, a?” natatawang tanong ng baklang make-up artist ko.

Humagikgik ako at tumango-tumango. Nawala ang ngiting nakapaskil sa mukha ng make up artist ko ng tumikhim si Daddy at tumalim ang tingin sa kaniya.

“Don’t mind him. He’s just moody and brooding like that all the time,” natatawang bulong ko sa kaniya na ikinangiti niya.

“Gusto mo na bang makita ang itsura mo, gorgeous?”

“Yes!”

Unti-unting inikot ni Niko, ang baklang make up artist ko, ang upuan at ipinaharap ako sa salamin ng vanity table. 

I gasped.

Ang ganda ko!

I also heard my Mommy's happy and excited squeal in the background. Mukhang kagaya ko ay nagustuhan niya rin ang kinalabasan ng make up ko.

Good job, Niko!

Niko only put a light make up and it accentuated my Spanish features. My innocent, round face is covered with light and feathery make up at kagaya ng motif ko sa kasal ko ay purple at glittery rin ang eyeshadows ko na binagayan ng peach pinkish blush on at peach colored lipstick ko.

I glanced at him and said, “Thank you, Niko. You made such a masterpiece!”

“That’s my job, Señorit—” Dad cut him off with a glare.

“Of course, it’s your job, Niko,” sabi niya as he cut poor Niko off.

“Domenico!” saway ni Mommy sa kaniya. Nakangiting binalingan ni Mommy si Niko, “Don’t mind him, Niko he’s just bitter with his life.”

“You mean, better, Sally?” 

Napaikot ang mga mata ko sa ere dahil nagsisimulang magtalo na naman silang dalawa. Hay naku! Kung hindi ko lang talaga alam na mahal ni Mommy si Uncle Oswald ay iisipin kong hindi pa rin siya nakaka-moved on kay Papá.

“Guys, please, huwag na nga kayong magtalo riyan. This is my day and we should celebrate it by being happy, spreading peace, and love!”

William is late!

Unti-unting napalitan ng nerbiyos, anxiety, kaba, at pagkapahiya ang kaninang sobrang saya at excitement na nararamdaman ko para sa araw na ito.

He is damn late!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status