Share

Capítulo Uno: The Transferee

Capítulo Uno: The Transferee

Eight years ago…

“Buenos días, mi amor!” [Good morning, my love!] masiglang bati ni Mommy sa akin pero inismiran ko lang siya at sumubo ng isang kutsarang punong-puno ng chocolate cereal at hindi siya pinansin. “Nagtatampo ka pa rin ba dahil umuwi tayo rito sa Pilipinas?” 

“Sí!” [Yes!] sagot ko bago malakas na napabuntong-hininga. “I-I just can’t understand your decision, ‘My. Why divorce Papá? Why left Spain for this… this...” I paused. Ni hindi ko nga alam kung ano ang tamang salitang idudugtong ko para lang ma-i-describe ko ang bansang ito.

“This is also your country, Sasha. You are a Filipina, like me. Hindi ba’t marapat lamang na malaman mo ang isang parte ng pagkatao mo?”

“Por favor!” [Please!] Sarkastikong pinaikot ko ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Hinding-hindi ko matatanggap ang kasinungalingang sinasabi niya sa akin. “Hindi pa ba sapat na kaya kong magsalita ng language na ito, Mommy? Para lang masabi mong Filipina rin ako? Anyway, I’m going na dahil ayaw kong ma-late ako at ayaw kong makipagtalo pa lalo sa iyo.”

Iyon lang at marahas kong dinampot ang mamahaling black and purple backpack ko at walang lingon-likod na dumiretso ako sa labas ng bahay kung saan naghihintay sa akin si Benito.

“Good morning, Ma’am!” masigla pero may bahid ng sarkastikong bati niya sa akin pero inirapan ko lang siya habang pinagbubuksan niya ako ng pintuan sa backseat. 

Padabog na sumandal ako sa malambot na cushion ng backseat ng sasakyan at nakasimangot na pi-n-lug ko ang earphones ng MP3 player ko sa tainga ko at nakahalukipkip na tumingin sa bintana ng sasakyan.

Naiinis ako sa parents ko dahil bakit hindi man lang nila ako kinonsulta sa paghihiwalay nila? Naiinis ako sa kanila kasi puwede naman siguro nilang i-resolve ang issues nila ng hindi naghihiwalay at ng hindi maapektuhan ang buhay ko. I already had the best life in Spain and dahil nga naghiwalay na sila ay umuwi kami ni Mommy dito sa country niya, sa Philippines and what’s worst is dito na raw kami mag-s-stay for good!

Mommy transferred me to St. Benilde High for my fourth year high school and it sucks kasi panibagong adjustment na naman ang gagawin ko just to fit in and to belong. But, then again no matter where I go, I always belong.

Perks of being a beautiful heiress.

“Ma’am,” Benito called pero hindi ko siya pinansin pero makulit din talaga ang lahi niya at tinawag ulit niya ako. “Ma’am, hoy!”

“Ano, Benito?” asik ko pero natatawang napakamot siya sa ulo niya.

Yuck! Eww! Baka may kuto siya sa ulo niya! Kadiri!

“Kanina pa kita tinatawag at hindi ka namamansin. Sasabihin ko lang sana na nandito na tayo sa school mo.”

Napabuntong-hininga ako at binuksan ang pinto ng sasakyan at niyuko siya. “Ano’ng oras mo ako’ng susunduin mamaya, Benito?” nakasimangot na tanong ko.

“Alas cinco ng hapon, Ma’am at iyon daw ang oras ng uwi mo sabi ni insan.” Tumango lang ako sa kaniya para hindi na siya humirit pa pero dahil madaldal nga siya ay humirit pa rin talaga siya kaya inirapan ko na lang siya. “Grabe, Ma’am ang laki ng bago mong escuelahan, ‘no? Iba na talaga kayong mayayaman, oo!”

“You know what, Benito?” tanong ko dahilan para attentive siyang naghintay ng sagot ko. “Ang daldal mo. Siguraduhin mo lang na hindi mo ako susunduin ng late kundi sisante ka sa akin, okay?”

Tumawa lang siya dahil alam niyang hindi ko siya puwedeng sisantehin dahil bukod sa hindi ko na puwedeng gawin iyon dito sa Pilipinas ay dahil sa pinsan pa siya ni Mommy. See, why I am starting to abhor this country? Nawala ang right ko na mangsisante ng mga empleyadong pangit at hindi ko naman gusto.

Padabog na ini-strap ko sa kaliwang balikat ko ang backpack ko at tuloy-tuloy na hinanap ang classroom ko pero kung minamalas ka nga naman, oo at hindi ko pa talaga mahanap-hanap ang maging classroom ko.

“¡Maldita sea!” [Damn it!] naiinis na bulong ko sa sarili ko at padabog na tumingala sa kisame para kalmahin ko ang sarili ko at marahas na napabuga ng hininga.

This country really brings out the worse in me! I can't really wait to be back in Spain.

“Uhm, excuse me?” Nakasimangot at nakataas ang kilay na nilingon ko ang pangahas na kumalabit sa balikat ko. “Alam mo ba kung nasaan ang IV-Earth? Nawawala kasi ako at hindi ko mahanap ang classroom ko,” mahinahong tanong niya habang awkward na nakatingin sa akin.

“No. No lo sé,” [No. I don’t know.] kibit-balikat na sagot ko sa kaniya. 

“Ah, huh?”

Kinagat-kagat ko ang ibabang labi ko para hindi ako matawa nang makita kong confused na confused itong si Betty La Fea sa sinabi ko, “Ang sabi ko ay hindi ko alam. Naintindihan mo na ba ako, Betty?” 

“Uhm, okay pero hindi Betty ang pangalan ko. Ako si Hannah Rojas, ikaw?”

Napahagikgik ako ng bahagya sa naïvety niya. “Oh! Akala ko ay ikaw si Betty La Fea.”

Napasimangot siya sa akin at napa-irap. Oh, tingnan mo nga naman at uma-attitude pa talaga itong si Betty, ha. Inikutan niya ako ng mga mata.

“Ang sama mo! Hmph!”

“Lo sé. Lo sé.” [I know. I know.]

“Puwede bang huwag kang magsalita ng alien?” pakiusap niya habang nakasunod na parang aso sa akin. 

Tinanggal ko na lang ang earphones ko at ipinasok sa bulsa ng skirt ko dahil sa kadaldalan niya. Nilingon ko siya habang patuloy na naglalakad at hinahanap ang IV-Earth na classroom.

“Hindi iyon lengguwahe ng mga alien, Betty dahil wikang Español iyon.”  

“Edi magtagalog ka at nasa Pilipinas ka!”

Naniningkit ang mga matang nilingon ko siya dahil nainis ako sa sinabi niya dahilan para mamutla at mapalunok siya habang napapaatras palayo sa akin.

“Betty,” tawag ko dahilan para mas lalo siyang mamutla at pahirin ng palad niya ang nagmamantika niyang noo. Eww! Kadiri itong si Betty! “Paalala lang na wala kang karapatang utusan ako, okay?”

“O-Okay.” Pumiyok pa siya sa sobrang kabang nararamdaman niya para sa akin.

Inirapan ko siya bago ako tuloy-tuloy na pumasok sa classroom ko pero may tangang paharang-harang sa daan ko dahilan para sadyang banggain ko ang balikat niya.

“Aray! Ano ba!” singhal niya pero hindi ko siya pinagtuunan ng pansin at tuloy-tuloy at padabog na umupo ako sa bakanteng upuan sa may third row bago ko nilapag ang bag ko sa bakanteng upuan na katabi ko.

Ayaw ko ng katabi, obviously.

Sinugod ako ng babaeng binangga ko sa balikat at pinamaywangan ako at tinaasan ng kilay. Katabi niya ang ilan sa mga kaibigan niyang masama ang mga mukhang nakatitig sa akin. Ang ilan sa mga kaklase namin ay parang nanunuod lang ng pelikula dahil mga nakatanga lang silang lahat sa aming dalawa. 

“Hindi ka ba hihingi ng tawad sa akin?” nagngingitngit niyang tanong sa akin pero inosenteng tiningnan ko siya. 

“Para saan at bakit ko kailangang hingin ang tawad ng isang ordinaryong nilalang na kagaya mo?”

Napasinghap siya maging ang mga kaibigan niya at ibang kaklase namin dahil sa sinabi ko. Ngumuso ako para itago ang nagbabadyang ngiting gustong kumawala sa labi ko. 

“A-Ano? Ano’ng itinawag mo sa akin?” 

“Bingi lang?” pang-aasar ko. Humagikgik pa ako para lalo siyang mapikon sa akin. “Ang sabi ko ay bakit ko kailangang hingin ang tawad ng isang ordinaryong nilalang na kagaya mo?” pag-uulit ko.

Nanggigil siya sa sinabi ko at nakita kong gusto niya ako’ng dakmain at saktan kaya inihanda ko na ang sarili ko sa gagawin niya pero imbes na gawin niya iyong ini-expect kong gawin niya ay matinis na sumigaw lang siya at padabog na nag-walk out.

“Argh! Akala mo kung sino ka! May araw ka rin sa akin!” 

Nakangiting tinaasan ko ng kilay ang mga kaibigan niya at kibit-balikat na inilagay ko sa magkabilang tainga ko ang earphones ko at nakinig na lang ng musika sa MP3 player ko.

Inilabas ko ang sketch pad at lapis ko para gumuhit ng desinyong naisip ko na lang bigla habang nakikipagsagutan sa pangit na iyon. Busy ako at sobrang naka-concentrate sa pag-drawing ng isang one-shoulder long sleeve ruffled asymmetrical black and purple maxi dress ng may pakialamerong humablot ng sketch pad ko dahilan para gumuhit ng madiin at mahabang linya ang lapis ko sa sketch pad at mapunit ito.

“What the—!” Napapaawang ang bibig na bulong ko sa sarili ko.

Magkasalubong ang kilay at kunot na kunot ang noo kong sinalubong ang tingin ng siraulong sumira sa supposed masterpiece ko pero ang hindi ko inaasahan ay ang maka-eye to eye ang lalaking may pinakamagandang pares ng brown, almost golden, eyes dahil sa tinatamaan ito ng sinag ng araw mula sa babasaging bintana sa bandang kaliwa niya, ang masasalubong ko ng tingin pagkaangat ko ng atensiyon ko.

Mahinang napasinghap ako at pinasadahan ng mabilis na tingin ang kabuoan ng gwapo niyang mukha at napakurap-kurap ako ng bigla at agaran kong maramdaman ang mabilis, malakas, at maingay na lagabog ng puso ko. 

Hindi ito ang unang pagkakataong nakakita ako ng gwapong lalaki dahil nga nakatira ako sa Spain and I've been to different places with good looking guys. Admittedly, Spanish boys are super gwapo pero iba itong lalaking ito, e. Siya lang ang una at bukod-tanging lalaking nagpatibok ng puso ko dahil lang nagkatitigan kami. Hindi ko namalayang nakahawak na pala ang kaliwang palad ko sa naghuhuramentado kong puso.

“Akin na ang sketch pad ko,” ani ko sa tahimik at kontroladong boses pagkatapos kong mapakalma ang nagwawala kong puso.

“Ang OA mo.”

Kumunot ang noo ko dahil iyon ang nabasa kong galaw ng bibig niya. “Excuse me?” naiirita kong tanong bago marahas na tinanggal ang earphones sa tainga ko para marinig ko siya ng maayos.

Isang naglalarong ngiti ang sumilay sa mamula-mula at mamasa-masang labi niya dahil sa naging reaksiyon ko. 

“Ang sabi ko ay ang OA mo,” pag-uulit niya sa naglalarong boses. Napaawang ulit ang bibig ko sa sinabi niya. Bago pa ako makapagsalita at maipagtanggol ang sarili ay naunahan na niya ako’ng magsalita at ininsulto. “Para sa ganitong linya lang at kaunting punit ay ganiyan talaga ang naging reaksiyon mo? Tsk. Buti sana kung maganda itong drawing mo, e hindi naman.”

Napapanganga ako’ng nakatingin sa kaniya na kunwari ay binubusisi ang laman ng sketch pad ko. 

Pakiramdam ko ay lalagnatin at hihimatayin ako sa mga pinagsasabi ng lalaking ito. Did he just insulted me, my work, and my creativity?

Díos mío! [My God!]

No one—and I meant that no one—had ever insulted my work in my entire life except this… this uber handsome boy at hindi ko ito mapapalagpas... Kahit pa ang gwapo niya.

I shook my head.

Sapat ko na talagang tigilan ang kalandian ko at itong kakapuri ko sa lalaking ito.

Now that he insulted my work he's now my enemy! And my Papa taught me to never show any act of kindness or mercy toward the enemies.

Padabog na tumayo ako dahilan para mapaatras siya ng tatlong hakbang palayo sa akin. Umuusok ang ilong at tainga kong dinuro siya gamit ang nanginginig kong hintuturo.

“I-Ikaw—!”

Nanginginig ang labi ko sa pinaghalong pagpipigil na galit, pagkapahiya, at inis sa sitwasyon lalo na’t nagtatawanan lang ang mga kaibigan niya.

Pinagtatawanan nila ako’ng lahat.

Pakiramdam ko ay lumaki ang ulo ko na parang inflatable balloon dahil sa insulto niya at sa tawanan ng mga kaibigan niya.

“Yes?” Nangingiti pa ang baliw sa tuwa dahil sa nakikita niyang reaksiyon ko. 

Nandilim ang paningin ko and before he knew it ay naagaw ko na sa kaniya ang sketch pad kong hawak-hawak niya at mabilis at malakas ko itong isinampal sa mukha niya dahilan para mapahiyaw sa tuwa at pang-aasar ang mga kaibigan niyang lalaki at mapatili naman sa gulat ang mga kaibigan at kaklase niyang babae.

“Woah!”

“Oh my God! Is she crazy?”

“How dare that biatch hurt William?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status