Share

Capítulo Tres: The Truth

Capítulo Tres: The Truth

Nakahalukipkip at nakataas ang kilay na tinitigan ko ang maarte at OA na si Olivia habang nanginginig hindi lang ang mga kamay niya kundi maging ang bibig niya sa kaba. Namumutla na rin siya pagkatapos niyang makitang pumasok sa loob ng Guidance Office ang mga magulang niya.

Pfft! Takot siya sa parents niya?

Poor Olivia.

I scoffed loud enough for all of them to stare at me for a good one minute before they looked away after I raised my right brow at them.

“Alam ninyo ba kung bakit ko kayo ipinatawag lahat sa opisina ko, Ma’ams and Sirs?”

Umismid ang pulang-pula na labi ni Mrs. Vanderhurst at matalim at dismayadong tinapunan ng tingin si Olivia na mas lalong napayuko at napaiwas ng tingin. “Ano pa nga ba sa tingin mo, Dr. Herrera? Malamang ay may kalokohang ginawa na naman iyang si Olivia.”

Ooh! Sweet!

Isang ngiti ang sumilay sa labi ko pagkarinig ko sa sinabi ni Mrs. Vanderhurst. Mukhang alam niya rin kung gaano kaloko, kasinungaling, at ka-loser ang anak niya, a.

What a shame!

Naramdaman ko ang palad ni Mommy na bahagyang pinisil ang kaliwang tuhod ko. She leaned in to me and whispered in a hushed voice, “Huwag kang ngumiti, Sasha na para bang wala ka ring ginawang kalokohan.”

Ngumuso ako at nagpigil ng hagikgik lalo na nang magsalita ang Daddy ni Olivia, “Dr. Herrera, hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyo pa kaming ipatawag ng asawa ko para lang sa kalokohan niyang si Olivia. Kung may ginawa siyang kalokohan ay parusahan niyo siya at huwag niyo na kaming istorbuhin pa at nasisira ang schedule naming mag-asawa para sa ganito kaliit na bagay.”

Matamis na ngumiti si Mrs. Saavedra at kinausap si Mr. Vanderhurst sa malumanay na boses. “I’m sure ay may paliwanag sina Olivia at William kung bakit tayong lahat ay ipinatawag dito. And I’m also sure na hindi lang si Olivia ang may kasalanan sa sitwasyong ito,” ani niya sa mahinahong boses.

Sarkastikong tumawa si Mrs. Vanderhurst sa sinabi niya. “Oh, Minda! How naïve you are! I’m sure na ang nagsimula sa gulong ito ay si Olivia rin. Am I right, Olivia?” Baling niya sa anak na kung puwede lang ay sumubsob na lang sa sahig sa sobrang kahihiyan at panliliit sa mga pinagsasabi ng mismong magulang niya ay ginawa na niya. “Olivia, tinatanong kita,” untag ni Mrs. Vanderhurst sa nakatungong anak gamit ang matalim na boses habang may maliit at pekeng ngiting nakaukit sa mukha niyang sure ako na puno ng retoke.

Pinisil ni William ang palad niya dahilan para huminga siya ng malalim at bahagyang sinulyapan ang ina niyang nakataas ang kilay sa kaniya. “H-Hindi ako ang nagsimula ng gulong ito, M-Mommy,” nanginginig ang labing paliwanag niya pero inismiran lang siya ng sariling ina.

“At gusto mong paniwalaan namin ng Daddy mo ang kasinungalingan mong iyan, ha, Olivia?”

Pinanuod ko kung paano’ng mas namutla siya sa hiya at sa panliliit dahil sa sinabi ng Mommy niya sa kaniya—at sa mismong harap pa talaga namin siya pinagalitan kaya sure ako’ng doble ang sakit, panliliit, at pagkapahiyang nararamdaman niya ngayon.

Pumiyok pa muna siya bago sumagot dito. “H-Hindi ho ako nagsisinungaling, Mommy. Kahit tanungin mo pa ang mga kaibigan namin ay iyan din ang sasabihin nila.”

“Of course ay pagtatakpan ka ng mga kaibigan mo, Olivia!”

Tumikhim si Dr. Herrera dahilan para mapatingin kaming lahat sa kaniya. “Hindi pa naman natin alam kung ano ba talaga ang totoong nangyari, Mrs. Vanderhurst. Nandito tayo ngayon para pakinggan ang paliwanag ng mga bata,” aniya bago kami sinulyapan na tatlo. “Ngayon ay sino sa inyo ang gustong maunang magpaliwanag ng totoong nangyari?” mahinahon niyang tanong bago isa-isa kaming pinasadahan ng tingin.

Napabuga ako ng hangin at sumandal sa balikat ni Mommy. Napangiti ako ng maramdaman ko ang marahang paghalik ni Mommy sa sintido ko at ang marahang paghaplos niya sa kayumanggi at kulot-kulot na buhok ko. Hindi nakaligtas sa mapanuring paningin ko ang pagdaan ng kudlit ng inggit at sakit sa mga mata ni Olivia pagkakitang malaya lang ako’ng sumandal sa balikat ni Mommy na para bang wala ako’ng kalokohang ginawa sa first day of school ko.

Ooh! Someone is badly jealous. Napahagikgik ako sa naisip ko dahilan para mas lalong tumalim ang tingin sa akin ni Olivia.

“P-Puwede ho bang ako na lang ang maunang magpaliwanag, Sir Herrera?”

Ngumiti ang lalaki sa kaniya. “Yes, of course, Ms. Vanderhurst. You may go ahead and explain your side. We’re listening.”

“Kaninang umaga bago ang first subject ay binangga ako ng babaeng iyan—” Dinuro niya ako pero tinampal ng Mommy niya ang daliri niyang nakaduro sa akin at agad na humingi ng tawad sa amin ni Mommy ang ina niya. Tumikhim si Olivia pero pumiyok pa rin siya habang naluluha at nagpapaawang tumingin sa mga mata ni Dr. Herrera. “Iyon nga ho, Sir at binangga ako ni Señorita Miranda sa balikat ko kanina at hindi man lang siya nag-sorry sa akin pero pinalampas ko iyon dahil ayaw ko ng kahit na ano’ng gulo pero kanina lang, Sir bago kami dumiretso rito sa office mo ay tinawag niya pa ako’ng bobo at walang utak,” sumbong niya pa na ikinahagikgik ko.

Napailing-iling ako sa sinabi niya.

Sa akin naman natuon ang matiim na mga tingin ni Dr. Herrera, “Totoo ba iyong mga sinabi niya, Señorita Miranda?”

Napangiti ako dahilan para mas lalong mapalunok sa takot at kaba itong si Olivia. Mukhang malalagot siya sa parents niya kapag pinasinungalingan ko ang mga sinabi niya. Mukha pa namang walang tiwala mismong mga magulang niya sa kaniya.

“Ang sabi ko…” Ibinitin ko ang salita ko dahilan para mapasinghap si Olivia sa anticipation at sa paghihintay sa kung ano man ang sasabihin ko. “Hindi marunong umintindi si Olivia at hindi niya ginagamit ng tama ang utak niya pero kung ang pagkakaintindi niya sa sinabi ko ay bobo siya baka nga ay talagang ganoon siya?” mapanuya kong tanong.

Napasinghap ng malakas si Olivia sa gulat at napatayong idinuro ako. “N-Nakita niyo na ho ba kung gaano kabastos ang babaeng iyan? Nakita niyo na, Sir?” hysterical at mangiyak-ngiyak niyang tanong na ikinahagikgik ko ulit.

Masiyado ako’ng pinapasaya ni Olivia sa mga katangahan niya. Siya nga yata talaga ang rason ko para hindi ako mabagot sa bago kong mundo at buhay dito sa Pilipinas.

“Olivia!” saway ng Daddy niya sa kaniya. Poor Olivia at hindi man lang siya pinapaniwalaan ng mismong mga magulang niya. “Tumigil ka na at nakakahiya ka na talagang bata ka!”

Nanghihinang napaupo pabalik sa upuan niya si Olivia dahil pinagalitan na naman ulit siya ng Daddy niya sa harap naming lahat dahilan para kusang tumulo ang mga luha sa mga mata niya.

What a crybaby. I thought in disgust as my stare lingered at her.

Mr. Vanderhurst faced me with a soothing smile. “Huwag kang matakot sa anak ko, Hija. Puwedeng-puwede mong sabihin sa amin kung ano ba talaga ang totoo nangyari. Binu-bully ka ba niya?”

Pinanuod ko kung paano’ng napaawang sa gulat ang bibig ni Olivia sa itinanong ng Daddy niya sa akin. Kitang-kita ko rin ang gulat na rumehistro sa mukha nina Señora Vivero at Dr. Herrera. Awa at kawalang-magawa naman ang nakapinta sa mukha ng mag-asawang Saavedra habang blangko ang itsura ni William pero ang talim ng mga tingin niya sa akin.

Nakakahiwa. Nakakapaso. Nakakapangilo. Nakakakaba at nakakatakot—iyon lang ang tanging puwede kong i-describe sa klase ng tingin na ipinupukol niya sa akin ngayon pero ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at hindi na ininda pa because why would I? I am  Sasha Domingo Miranda and my surname has a bearing, unlike theirs.

Malakas na natawa ako sa nakakalokong tanong ni Mr. Vanderhurst sa akin. “Wala ka bang tiwala sa anak mo, Mr. Vanderhurst?”

Umayos siya ng tayo, pinagpag ang suot na coat na para bang may duming dumapo rito bago niya ako hinarap at kalmadong nagkibit-balikat. “Sabihin na lang natin na alam ko lang—naming mag-asawa—kung ano ang mga kayang gawin ni Olivia.”

“Wala kang dapat na ipag-alala sa akin, Mr. Vanderhurst at hindi ako natatakot sa anak mo. Nagsasabi siya ng totoo kung iyan ang gusto mong kumpirmahin.”

Nagugulat na napatingin sa akin ang lahat. Laglag-panga ang reaksiyon nila sa sinabi ko. Hindi makapaniwalang tinapunan nila ako ng nagdududa, nagtataka, at nagtatanong na ekspresyon.

Oh! Hindi pala sila sanay na makakita ng honest na spoiled brat. Hmm.

“You can just lie and get away with it, so why didn’t you just lie, Hija?” namamanghang tanong ni Mrs. Saavedra.

“I can still get away with this, Mrs. Saavedra, so why the need to lie?” tugon ko na nagpaawang sa bibig  niya.

“Okay, so you’re telling us na nagsasabi si Ms. Vanderhurst ng totoo at sinaktan mo nga siya?”

“Binangga, Dr. Herrera,” I corrected him.

Napangiti siya at napatango-tango. “I stand corrected, then. Inuulit ko ang tanong ko, Señorita Miranda binangga mo ba sa balikat si Ms. Vanderhurst kanina?”

“Sí, sí.” [Yes, yes.]

“Now, that the first problem was settled let’s talk what happened to your face, Mr. Saavedra.” Napabuntong-hininga ako at naiinip na napasulyap sa ginintuang wristwatch ko na ang mismong dial ay gawa sa mamahaling diyamante. “Ano ang nangyari sa mukha mo, Mr. Saavedra at sino ang gumawa sa iyo niyan?”

Malamig na sinulyapan ako ni William na ginantihan ko naman ng matamis na ngiti.

“Siya ang gumawa nito sa mukha ko at saksi ang buong IV-Earth sa ginawa niya.”

“Okay. So, bakit gagawin ni Señorita Miranda sa iyo iyon?”

Napasulyap ulit siya sa kin bago siya napapabuntong-hininga na sumagot. Napalunok muna siya at napatikhim bago nagsalita. “Dahil hinablot ko ang sketch pad niya habang gumuguhit siya kanina. At dahil sa ginawa ko ay gumawa ng malaking guhit at marka ng lapis at punit ang sketch pad niya kaya naman ay nilakumos at itinapon na lang niya iyon sa sahig.” 

“What?” react ni Mommy. “Why did you do that? What did you do that for, young man?”

“William!” hindi makapaniwalang asik sa kaniya ng Daddy niya. “Bakit mo ginawa sa kaniya iyon?”

“Dahil narinig ko ang ginawang pagbangga niya kay Olivia,” simpleng sagot niya dahilan para tumalim ang tingin ko sa kaniya.

Ang OA niya, ha. Kung mag-react siya ay para bang sinaktan ko ng lubos ang pangit at pekeng si Olivia.

“Do you have any idea how much that sketch pad and those sketches matter to my daughter?” galit na tanong ni Mommy sa kaniya at napatayo pa talaga siya just to intimidate him.

“Wait, wait,” hindi makapaniwalang singit ni Olivia sa usapan at napatayo pa talaga siya. “How come na mas nag-m-matter pa sa iyo ang walang kuwentang sketch pad na iyon kaysa sa ginawang pananakit ng anak mo sa aming dalawa ni William?”

“Olivia, tumahimik ka na!” Mrs. Vanderhurst yanked her daughter by the arm and pulled her harshly beside her.

Dahan-dahang napatayo ako at matalim siyang tinitigan. “Ano’ng sinabi mo?” asik ko sa kaniya at mabilis na sinugod ko siya pero mas mabilis si Mommy at napigilan niya ako agad at nahawakan sa mga braso ko.

Hindi muna nagsalita si Mommy pero tinitigan niya ako ng ilang segundo at nang makitang medyo kalmado na ako ay hinarap niya silang lahat habang salubong ang kilay at kunot na kunot ang noo niya.

“I see.” Sarkastikong tumawa si Mommy at napatango-tango pa sa kaniya. “So, Ms. Vanderhurst, are you telling me na kapag ibinagsak ko ang maliit na kompanya ninyo ay ayos lang at wala namang magiging kaso sa inyo iyon dahil hindi ko naman kayo sinaktan?”

Nalaglag ang panga ni Olivia sa gulat sa naging tanong ni Mommy sa kaniya at malakas na napaigik pa siya dahil mas lalong humigpit ang paghawak ng mommy niya sa braso niya. Napangisi ako ng makita ko ang pagbaon ng mahabang kuko ni Mrs. Vanderhurst sa braso ng bwisit na si Olivia. 

Habang natataranta naman ang mag-asawang Vanderhurst sa banta ni Mommy sa maliit na kompanya nila.

“T-That’s not what Olivia meant, Señora Domingo,” ani ng daddy niyang agad na namutla sa simpleng banta ni Mommy.

Mommy scoffed at him. “Huwag mo ako’ng gawing tanga at bingi, Mr. Vanderhurst at alam nating dalawa na iyon mismo ang ibig sabihin niyang anak mo. Sa bibig na nga mismo niyang anak mo nanggaling ang mga katagang iyon ay talagang id-deny mo pa sa harap ko at pagmumukhain ako’ng tanga at bingi?”

Napapahiyang nagpakumbaba siya sa amin ni Mommy. “I-I’m so sorry about what Olivia said, Señora Domingo, Señorita Sasha. Makakaasa kang hindi na ito mauulit pa.”

“Dapat lang, Mr. Vanderhurst dahil kapag naulit pa ito…” Mommy paused for a more threatening effect. Hindi na niya kailangang dugtungan pa ang pasimpleng banta niya dahil tiklop na agad ang mag-asawang Vanderhurst sa kaniya.

Napailing-iling na lang ako.

Agad na napatango-tango ang mag-asawang Vanderhurst kay Mommy na para bang maamong tupa at marahas at pahablot na iniharap sa amin ang mangiyak-ngiyak na si Olivia.

“Humingi ka ng tawad sa kanila, Olivia,” gigil na utos ni Mrs. Vanderhurst sa anak bago niya ito marahas na niyugyog sa balikat.

“Please, this is enough. This has escalated into something more. Away-bata lang ito ng mga estudyante at kaya ko kayong lahat na ipinatawag dito ay para magabayan sila ng tama at hindi para saktan ang anak niyo sa harap naming lahat.”

Walang pumansin sa munting speech ni Dr. Herrera.

“I-I’m sorry, M-Ma’am,” hinging paumanhin ni Olivia kay Mommy. Sinulyapan niya ako at mapait na napalunok siya.

Ooh! Looks like someone just ate her pride and it doesn’t taste good, huh.

Ngumisi ako sa kaniya para mas lalo siyang asarin pero hindi niya iyon pinagtuunan ng pansin sa takot sa mga magulang.

“I am really sorry sa sinabi ko at sa pagiging insensitive ko, Señorita Miranda,” ani niya habang nagkikiskisan ang mga ngipin niya.

Mukhang grabe at katakot-takot na pagkumbinsi ang ginawa niya sa sarili niya para lang humingi ng tawad sa akin, ah?

Umismid lang ako sa kaniya at tamad na sumulyap kay Mommy. “Gusto ko ng umuwi, ‘My,”

Nakangiting inayos niya ang ilang hibla ng kulot-kulot kong buhok na nakatakas mula sa pagkaka-pin ko ng pearl hairclip sa kaliwang bahagi ng buhok ko. “We will, Sweetpea.” Binalingan niya sila ng malamig na tingin. “Now, where’s my daughter’s sketch pad?”

“Itinapon niya kanina sa sahig, Señora,” sumbong ni William dahilan para samaan ko siya ng tingin at bahagyang sikuhin naman siya ng Daddy niya sa tagiliran.

“Nasa lamesa ko sa classroom namin ang sketch pad ng anak mo, Señora,” magalang na tugon naman ni Señora Vivero sa tanong ni Mommy.

Napailing-iling ako dahil talagang magkasabay pa sila ni William sa pagsagot sa tanong ni Mommy. Iyon nga lang at sumbungero si William kahit kalalaki niyang tao.

“I see.”

Tumango-tango siya sa kanila bago binalingan ng tingin sina Dr. Herrera at Señora Vivero at kinamayan bago pinasalamatan sa pagtawag sa atensiyon niya sa pangyayaring ito. 

Iyon lang at agad na tinalikuran na sila ni Mommy pero hindi ako agad na sumunod sa kaniya bagkus ay nginisihan ko pa muna sila at inikutan ng mga mata.

“Sandali lang, Señora Domingo.” Tinawag siya ni Mr. Saavedra dahilan para humarap ulit sa kanila si Mommy. “In behalf of what our son, William did, kami na mismo ni Minda ang humihingi ng tawad sa ginawa ni William na kapangahasan sa anak mo.”

Mr. Vanderhurst stepped forward at bahagyang yumuko kay Mommy. “Ako na rin ang humihingi ng tawad sa sinabi ni Olivia sa inyo ng anak mo at makakaasa kang hindi na ito mauulit pa, Señora Domingo. Iiwas si Olivia sa anak mo sa kahit na ano’ng paraan para hindi na maulit pa ang ganitong klaseng pangyayari.”

Napabuntong-hininga muna si Mommy bago nagsalita. Kilala ko si Mommy. Oo nga at mabait at patas siyang tao at mahaba rin ang pasensiya niya pero kapag ganitong galit na siya ibig lang sabihin noon ay talagang galit siya. At ngayon nga ay nawalan talaga siya ng pasensiya sa kagaguhang ginawa ni William sa akin at talagang proud na inamin niya pa iyon kay Mommy.

“Hindi mo na kailangang iiwas ang anak mo sa anak ko, Mr. Vanderhurst.” Sinulyapan niya ang mag-asawang Saavedra. “Ganoon din sa inyo, Mr. and Mrs. Saavedra.”

“Para wala ng gulo ay iiwas na lang si Olivia kay Señorita Sasha, Señora.”

“Hindi ako nakikialam sa gulo ng mga bata, Mrs. Vanderhurst. Mga bata pa sila at sa ayaw at sa gusto man natin ay mag-c-clash at mag-c-clash sila dahil sa pagkakaiba ng karakter at personalidad nila. At sa totoo lang ay natural lang iyon para sa ganiyang edad nila. Ang sa akin lang sana ay kung away-bata ay away-bata lang hindi iyong pati importanteng gamit ng anak ko ay madadamay pa.”

“Pasensiya na ho talaga kayo, Señora,” singit ni William.

“Hindi ka dapat sa akin humihingi ng tawad, batang Saavedra kundi sa anak ko. Hindi lang basta-bastang sketch pad ang pinakialaman mo dahil regalo pa iyon sa anak ko ng namayapa niyang Abuela kaya sana ay maintindihan mo na bukod sa monetary value ng mga sketches na nakapaloob doon ay ang sentimental value noon. Ang sentimental value na walang katumbas na kahit na ano’ng halaga. Sana ay magsilbing munting aral ito sa iyo, batang Saavedra.”

Tumango si William sa kaniya at yumuko. “Naiintindihan ko ho kayo, Señora at pasensiya na ho talaga kayo.”

“Kung ganoon ay mabuti’t nagkakaintindihan tayong lahat. Inuulit ko na hindi ako mangingialam sa gulo ninyong mga bata pero ang bagay na ito ang ayaw na ayaw ko ng mauulit pa.”

“Opo, Señora.”

“Salamat kung ganoon nga, batang Saavedra.” Binalingan niya si Señora Vivero.  “Ipagpaumanhin mo at iuuwi ko na muna ang aking anak, Señora Vivero. Bukas ko na siya ng umaga papapasukin sa mga klase niya.”

“Ako na ang bahalang magpaalam sa mga guro niya kung ganoon, Señora.”

“Maraming salamat kung ganoon nga.” Si Dr. Herrera naman ang binalingan ni Mommy ng atensiyon. “Bukas ng tanghali, before lunch ay puwede mong sabihin sa anak ko ang parusa niya sa ginawa niyang pananakit sa mga kaklase niya, Dr. Herrera. Rest assured na hindi ako mangingialam sa parusa niya as long as nasa tama kayo at hindi ninyo na-v-violate ang karapatang pantao niya. Labas na ako sa kung anumang parusa ang ibibigay ninyo sa kaniya.”

Pinasadahan ni Mommy ng huling sulyap ang lahat bago magalang na nagpaalam. “Mauna na kami ng anak ko at kami na rin pala ang kukuha ng mga gamit at sketch pad niya sa classroom.”

Tinanggap ko ang nakalahad na kamay ni Mommy at hawak-kamay na dumiretso kami sa classroom ko. Kinuha ko lang ang backpack ko at si Eliza naman, ang sekretarya ni Mommy, ang siyang kumuha ng lukot-lukot kong sketch pad na nakalagay sa itaas ng teacher’ table.

Hindi ko pinagtuunan ng pansin ang mga nagtatanong na tingin ng mga kaklase ko at ni Betty dahil tuloy-tuloy na lumabas kami ng classroom ng hindi sila binibigyan ng pansin. 

Tumunog ang telepono ni Mommy kaya sinulyapan niya iyon at binalingan ako ng nagtatanong na tingin.

Ngumuso ako at inikot ko ang mga mata ko bago ko napapabuntong-hiningang sinabing, “Sige, na at puwede mo ng sagutin iyan.”

Nakangiting hinaplos niya ang pisngi ko bago ako h******n sa noo at mabilis niyang binuksan ang telepono niya at sinagot iyon.

“Sasha!” Napapitlag ako ng sinundot ako ni Betty La Fea sa tagiliran ko.

“Qué?” asik ko sa nakangiting mukha niya.

“Ano’ng nangyari? Ayos ka lang ba? Pinagalitan ka ba ng mommy mo? Ano’ng parusa niyo?” sunod-sunod na tanong niya.

“Mukha ba ako’ng hindi okay, Betty? At kung curious ka talaga sa kung ano ba ang nangyari ay tanungin mo sila at huwag ka ngang feeling close sa akin dahil hindi naman tayo magkaibigan!”

Napairap ako ng makita kong manggilid ang luha sa mga mata niya. Kumibot-kibot pa ang labi niya bago siya sumigaw sa mismong mukha ko na ikinatigagal ko sa gulat.

“Ang sama talaga ng ugali mo! Kung ano’ng ikinaganda mo ay siyang ikinapangit Ng ugali mo!”

What. The. Hell.

Napipilang pinanuod ko ang pagtakbo niya pabalik sa loob ng classroom namin habang naririnig ko ang paminsan-minsan niyang  pagsinghot-singhot at ang pagpunas niya ng luha sa mukha niya.

Napapabuntong-hiningang nagkibit-balikat ako sa inasal niya. “May attitude si Betty,” bulong ko sa sarili ko.

“That was mean and rude of you, Sweatpea.”

Napapitlag ako at napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat ko sa biglang pagsulpot ni Mommy sa tabi ko.

“¡Ay Díos mío, Mamá!” [Oh, my God, Mamá!] naibulalas ko sa sobrang gulat ko sa biglang pagsulpot niya ng wala man lang na pasabi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status