Share

Capítulo Cuatro: The Mischievous Brat

Capítulo Cuatro: The Mischievous Brat

Kinabukasan ay late na ako’ng pumasok dahilan para pagtinginan ako ng lahat maging ng gurong nasa gitna.

“You are early for your next class, Miss?” patanong na sita sa akin ng babaeng guro.

Ngumisi ako sa kaniya bago ko hinawi ang mahaba at kulot-kulot kong buhok na kulay kayumanggi patungo sa kanang balikat ko.

“Sasha,” tugon ko habang may maliit na ngiting naglalaro sa bibig ko. “Yo soy Sasha Domingo Miranda, Señora. Encantada de conocerte.” [I am Sasha Domingo Miranda, Ma’am. Nice to meet you.]

Napatango-tango siya habang istrikto pa rin ang bukas ng mukha niya. “I supposed ay nagpapakilala ka ng sarili mo.”

Nakangiting tumango ako at dinilaan ko ang labi ko habang nakatingin pa rin sa mga mata niya at bumulong sa sarili ng, “Obviously, I did.”

“Dahil late ka ay tatayo ka riyan sa labas hanggang matapos ang klase natin at may tig-dalawang libro ang nakapatong sa likod ng mga kamay mong nakadipa. Isang oras kang tatayo riyan sa labas dahil may nalalabing isang oras pa tayo ngayong araw para sa subject natin.”

“Perdón?” [Sorry?] Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko siya at napaawang ang bibig ko.

Ang grabe ng parusa niya!

Through my peripheral vision ay kitang-kita ko ang pagngisi ni Olivia sa akin at ang tuwang kumikinang sa kulay asul niyang mga mata habang malamig at blangko naman ang tinging ipinupukol sa akin ni William na nakaupo sa tabi niya.

“You can’t do that!”

Pangkontrabidang nginisihan ako ng guro at taas-noong sinagot ako, “I can and I will.” 

Kumuyom ang mga kamao ko at masama ang tinging ibinabato ko sa mayabang na guro na ito. Huminga ako ng malalim at kinalma ko ang sarili ko at ngumuso sa kaniya. Pinagpag ko ang suot kong purple ombre flare dress na umabot hanggang sa ibabaw ng tuhod ko gamit ang nanginginig sa pagkapikon kong mga kamay.

“At paano kung ayaw ko?” tanong ko sa kaniya gamit ang mapanghamon kong boses na labis na ikinagulat niya… at ikinainis ng husto.

Natawa ako sa naging reaksiyon niya kaya naman ay sinamaan niya ako ng tingin pero nilaro-laro lang ng daliri ko ang dulo ng kulot-kulot kong buhok habang nakangisi pa rin ako sa kaniya at binigyan siya ng nanghahamon na tingin. 

“Ano’ng ibig mong sabihin sa sinabi mo, Miss Miranda?” tanong niya sa kontroladong boses pero kitang-kita ko ang pamumula ng buong mukha niya sa galit at ang mabilis na pagtaas-baba ng dibdib niya sa nararamdamang tensiyon.

I sighed.

“Alam kong narinig mo ang sinabi ko pero kung gusto mong ulitin ko pa ay ayos lang naman sa akin na gawin iyon.” Humikab pa ako para mas lalo siyang asarin at napahagikgik ako ng halos makita ko na ang usok na lumalabas sa magkabilang tainga at ilong niya senyales na totoong galit na talaga siya sa akin at sa mga kalokohang lumalabas sa bibig ko. “Ang sabi ko ay paano kung ayaw kitang sundin? Ano’ng gagawin mo ngayon, Señora?” nang-aasar kong pag-uulit sa sinabi ko kanina.

Mariing napapikit siya bago sumigaw ng ubod ng lakas na pati ang ibang kalapit namin na classroom ay napalabas ay sarili nilang mga classroom at napasilip sa amin. I sighed. Iba na talaga ang mga chismoso’t chismosa, oo.

“Labas, Miranda!” gigil niyang sigaw bago itinuro sa akin ang pinto gamit ang nanginginig niyang daliri. “Labas!”

Napangiwi ako sa sobrang lakas ng boses niya. Makabasag eardrums ang malakas niyang sigaw.

Lumabi ako at mangiyak-ngiyak na tiningnan siya para magmukha ako’ng kaawa-awang estudyante na inaapi ng kaniyang guro sa mga mata ng lahat.

“Por qué?” [Why?] mahina ang boses na tanong ko na para bang hindi ko siya ginalit kani-kanina lang.

“Inuulit ko, lumabas ka sa klaseng ito, Miranda!” singhal niya pero ikinurap-kurap ko lang ang pilik-mata ko na para bang nagpapa-cute ako sa kaniya.

Mukhang wala siyang balak na kumalma at kausapin ako sa mahinahong boses.

Pfft—!

Ang dali naman niyang galitin.

“Ma’am Cruz, ano po ang nangyayari rito?”

Nilingon ko kung sino ang nagsalita at nakitang guro rin pala siya rito dahil sa suot niyang uniporme pero mukhang mataas ang respeto sa kaniya ni Señora Cruz. O baka naman kaya siya nirerespeto ni Señora Cruz dahil gwapo siya at may sex appeal?

Hmm.

Nakakataka at nakakaduda naman.

Pilit na pinakalma ni Señora Cruz ang sarili niya sa pamamagitan ng ilang ulit na paghingang malalim kaya hindi ko mapigilan ang sarili kong mapangiti sa reaksiyon niyang parang nagdadalaga.

“Bastos ang bibig ng estudyanteng iyan, Sir Drilon at hindi siya marunong gumalang sa guro niya at sa nakatatanda sa kaniya kaya naman ay pinapalabas ko siya sa klase ko,” sagot nito habang matalim ang tingin sa akin habang malalim at mabilis ang paghinga niya na para bang hinahabol siya ng sampung demonyo.

“Ano ba ang ginawa mo at nagalit ng ganito si Ma’am Cruz sa iyo, Miss?” mahinahon niyang tanong sa akin na bahagyang ikinataas ng kanang kilay ko.

I find it odd na makitang kalmado pa rin siya at umaastang walang narinig after niya na marinig mismo kung paano ko asarin at galitin si Señora Cruz.

He's been here, just few steps outside our classroom.

“Sasha,” nakangiti kong pakilala.

Tumango siya. “Okay, Sasha, then. So, ano nga ang ginawa mo at nagalit ng ganito sa iyo si Ma’am Cruz?”

“Pero sinabi na niya ang totoong dahilan, Señor.”

Napakurap-kurap siya sa gulat sa sinabi ko at bahagyang napanganga.

Ang OA naman niya. 

Ganito ba lahat ng mga Filipino? Mga OA at overacting?

“Oh!” bulong niya bago binalingan ng tingin si Señora Cruz. “Dadalhin ko na ba siya sa Detention, Ma’am Cruz or ikaw na ang magdadala sa kaniya roon?”

“Ikaw na ang magdala sa kaniya sa Detention, Sir at baka atakehin pa ako sa puso kapag nakasama ko pa iyan ng kahit isang minuto pa.”

Napahagikgik ako sa narinig ko kaya naman ang ending ay si Señor Drilon nga ang nagdala sa akin sa Detention Room.

Nakahalukipkip na pinanuod ko habang sinususian ng lalaking bantay ang kulay itim na bakal na pintuan sa Detention Room.

Naunang pumasok si Señor Drilon kaya sumunod ako sa kaniya at nakita kong madilim at kulob ang buong kwarto. Ang tanging labasan lang ay ang pintuan kung saan kami pumasok. Ni wala ngang bintana rito para makapasok Ang fresh air. Nagpaiwan naman ang bantay sa labas, sa may lamesa niya.

“Ayos ka lang ba rito?”

Tumaas ang kilay ko sa kaniya. “Bakit naman hindi?” tanong ko.

Nagkibit lang siya ng balikat niya at ngumiti. “Dahil kulob ang lugar na ito, madilim, mainit, at mag-isa ka lang dito.”

Natawa ako sa kaniya. “Huwag kang mag-alala, Señor Drilon at kaya ko ang sarili ko.” 

“Mabuti naman kung ganoon, Sasha. Maiwan na kita at may klase pa ako.”

Nakataas ang kilay na pinanuod ko siyang talikuran ako at maglakad palabas ng Detention Room.

Napaismid ako at napabulong sa sarili ko,  “You looked and sounded cozy calling me with my first name, Señor. Hmm.”

Naupo ako sa mahabang bench na gawa sa kahoy at isinandal ko ang likod ng ulo ko sa malamig na pader at hinintay na sumapit ang alas dose ng tanghali. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako kung hindi lang ako ginising ng bantay at sinabing alas dose na at puwede na ako’ng lumabas dahil tapos na ang detention hours ko.

“Betty,” naibulong ko sa sarili ko pagkakita ko sa kaniyang naghihintay sa akin at nakayukong nakaupo sa puting monoblock chair sa harap ng mesa ng bantay.

Naglakad ako palapit kay Betty at aligagang napatayo siya pagkakita sa akin dahilan para matapon sa sahig ang mga libro niya.

“Sasha.” Ngumiti siya sa akin bago yumuko at isa-isang pinulot ang mga libro niya sa sahig pero dahil sa pagyuko niya ay nahulog naman ang suot niyang makapal na salamin at bumagsak ito sa sahig.

“Such a clumsy nerd,” sabi ko sa kaniya bago ko isinuot sa kaniya ang salamin niya at ako na mismo ang pumulot ng mga librong nakahiga sa sahig. “Qué?” [What?] singhal ko sa kaniya ng makita kong nakatanga lang siya sa akin na parang tanga at bahagyang namumula ang pisngi niyang may ilang pimples na nakakalat.

Pinitik ko ang noo niya dahilan para mapakurap-kurap siya at mapahawak sa nasaktang noo. “Aray,” nakasimangot na reklamo niya na ikinatawa ko. “Bakit mo ako pinitik? Masakit kaya!” reklamo niya habang tumatayo.

“Mukha ka kasing tanga.” Inirapan ko siya bago ko inilagay sa mga braso niya ang mga libro niyang pinulot ko. “Ano ang ginagawa mo rito, Betty?”

She beamed brightly. “Sinusundo ka kasi alam kong hindi mo alam kung nasaan ang cafeteria at lunch time na kaya sigurado ako’ng gutom ka na.”

“Siguraduhin mo lang na hindi tayo mawawala, Betty,” banta ko dahil kagaya ko ay naligaw din siya kahapon sa first day of school namin.

Napahagikgik lang siya sa banta ko kaya inikot ko na lang ang mga mata ko bago ko binalingan ng tingin ang bantay na matalim na naman ang tingin sa akin. Tingin ko nga ay in born na ang masama at matalim niyang tingin, e.

“Saan ka pupunta? Hoy! Sasha, ano ba! Nakakatakot kaya siya!”

Hindi ko pinansin ang pangungulit ni Betty at nilapitan ko ang bantay na as usual ay masama at matalim na tingin na naman ang ibinibigay sa akin.

“Ano pa ang ginagawa mo rito? Umalis ka na, bata,” he said in a gruff voice.

Inikutan ko siya ng mga mata bago nagtanong. “Hindi ba kumakain ng tanghalian ang mga kagaya mo?”

Kumunot lang ang noo niya sa akin pero hindi siya nagsalita at umiwas lang siya ng tingin dahilan para malaglag ang panga ko sa inasal niya.

Grabe ang attitude problem ni Scarface.

“Rey, tama ba?” tanong ko kahit na nabasa ko naman na ang nameplate na nakatahi sa kaliwang dibdib ng suot niyang asul na uniporme. “Sabay ka na sa amin.”

Narinig kong napa-What! si Betty sa may likuran ko kaya inapakan ko nga ang paa niya dahilan para mapa-Ouch! naman siya.

Mas lalong kumunot ang noo ni Rey at nagsalubong ang makakapal niyang kilay sa sinabi ko. Ang laki niyang tao kaya mas nagmukha siyang nakakatakot sa itsura niya ngayon, although kung ako ang tatanungin ay sure ako’ng para sa ibang tao ay hindi lang siya mukhang nakakatakot kundi ay nakakatakot talaga siya dahil ang buong kaliwang mukha niya ay may malaking peklat na kulay kayumanggi na mukhang nanggaling sa sunog. Pati ang kaliwang mata niya ay naapektuhan din kaya kahit na nakabukas ang kaliwang mata niya ay parang nakapikit ito na nakadilat.

“Pinag-t-trip-an mo ba ako, bata?”

Ngumiti lang ako sa kaniya at nagkibit lang ng balikat. “Kung pinag-t-trip-an nga kita ay malalaman mo, Rey. Halika na at sumama ka na sa amin ni Betty na mag-lunch sa cafeteria.”

Napangiti ako nang sumama nga siya sa amin at siya ang nagsilbing gabay ko para malaman ko kung nasaan ang lokasyon ng cafeteria.

“Ang daya-daya mo, Sasha! Bakit siya ay tinatawag mo sa pangalan niya pero sa akin ay hindi mo magawa-gawa. Hindi kasi Betty La Fea ang pangalan ko! Hmph! Ako kasi si Hannah Rojas! Hannah Rojas nga kasi ang pangalan ko!”

Natawa ako ng marinig ko na bumubulong-bulong si Betty sa may likuran ko. Nahuhuli siyang maglakad kasi ang bagal niya at mukhang nahihirapan siyang dalhin ang mga libro niya habang patakbong sumusunod sa amin ni Rey.

Napatigil ako sa paglalakad, ganoon din si Rey, nang marinig namin ang tunog ng mga librong nahuhulog sa sahig.

“Ang clumsy talaga!” naiiritang bulong ko sa sarili ko bago ko ipinaikot ang mga mata ko sa ere at nakasimangot na nilingon siya.

Kumunot ang noo ko at nagsalubong ang mga kilay ko ng makita kong nakasalampak sa maduming sahig si Betty at may dalawang lalaki ang nakaharang sa kaniya. Iyong isa sa dalawang lalaki ay nakaapak sa mga kamay niyang nakahawak sa isang libro niya, samantalang ang isa naman ay sinipa ang bag niya palayo sa kaniya.

Napabuga ako ng hininga ng makita ko kung paano manginig ang katawan ni Betty at kung paano mabilis na manggilid ang mga luha niya sa takot.

“Clumsy na nga ay iyakin pa!”

“Hindi mo ba tutulungan ang kaibigan mo?”

Malakas na napahalakhak ako sa ginamit na termino ni Rey.

“Kaibigan?” natatawa kong tanong sa kaniya habang nakatingin sa mismong mga mata niya. “Nakakatawa ka, Rey but, sorry to disappoint you pero wala ako’ng kaibigan.”

Kumunot ang noo niya at sumulyap sa kaawa-awang si Betty na kasalukuyang nakasalampak pa rin sa sahig pero nakatingin na sa aming dalawa. Well, pati na rin iyong dalawang lalaki ay nakatingin sa amin. Mukhang nakuha ko ang atensiyon nila nang tumawa ako ng malakas. 

“Hindi mo siya kaibigan?”

Ngumisi ako at umiling-iling sa kaniya. “Hindi.” Pagkukumpirma ko.

“Pero pinuntahan ka niya. Hinintay ka niya ng halos dalawang oras.”

“Sa pagkakaalala ko ay wala ako’ng sinabi sa kaniyang puntahan niya ako, hintayin, at sunduin. Choice niya iyon, Rey at ibig lang sabihin noon ay ginusto niya iyon dahil walang pumilit sa kaniya na gawin ang bagay na iyon.”

Nakangiting lumapit sa amin ang dalawang lalaking nam-bully kay Betty. “Hi, ako nga pala si Gil at ito naman ang pinsan kong si Geronimo. Ano’ng pangalan mo?”

Sinulyapan ko ang kamay ni Gil na nakalahad sa harap ko at nakangiting tinanggap ko iyon. “Yo soy Sasha. Sasha Domingo Miranda from Marbella.”

Salubong ang kilay na nilingon ko si Geronimo na malakas na natawa habang nakatingin sa akin. “May nakakatawa?” salubong ang kilay na tanong ko sa kaniya pero mas lalo niya ako’ng tinawanan.

Pasimpleng siniko siya ni Gil pero hindi maawat-awat ang pagtawa niya kaya nakasimangot na inirapan ko siya.

Taas-kilay na nilingon ko si Betty na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatayo.  “Ano pa ang hinihintay mo, Betty? Pasko? Or ang isang Prince Charming na sasagip sa iyo habang nakasakay siya sa magiting at puting-puti niyang kabayo?” 

Namula siya sa sinabi ko at dali-daling kinuha ang mga libro niya maging ang bag niyang ilang dipa ang layo sa kaniya dahil sa pagsipa ni Gil.

“Sorry,” sabi niya habang nakayuko kaya naman ay inangat ko ang baba niya gamit ang likod ng palad ko.

“Walang Prince Charming na sasagip sa iyo sa real life, Betty kaya matuto kang ipagtanggol ang sarili mo.”

“Okay,” bagsak ang balikat na sagot niya.

“Nagugutom na ako.”

Dahil sa sinabi ni Scarface ay mabilis kaming dumiretso sa cafeteria at sa kung ano’ng dahilan ay sumama sina Gil at Geronimo sa aming tatlo. Naiwan sa six-seater table si Geronimo habang kami namang apat ay dumiretso sa counter para um-order ng lunch.

“Cheap,” bulong ko. “Wala man lang waiter na kukuha ng order.”

“Huwag tanga, Sasha.” Mariing napapikit ako nang marinig ko ang epal na boses ni Olivia. “This is a school cafeteria and not a first class restaurant.”

Nilingon ko siya ng may pekeng ngiti sa mukha pero nawala iyon ng makita kong hawak ni William ang kamay niya. Sinundan ni Olivia kung saan ako nakatingin at napangisi siya sa akin bago niya mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ni William na para bang iniinggit niya ako at sinasabing mayroon siyang isang bagay na wala ako.

I scoffed in distaste and displeasure bago ko silang dalawa tinalikuran.

Salubong lang ang kilay ko na nakaharap sa counter at namili ng kakainin ko. Nanginginig na kinuyom ko ang mga kamao ko habang sa isip ko ay sinasabunutan, sinusubsob sa sahig,  at kinakalmot ko na ang nakakainis na pagmumukha ni Olivia.

Ilang beses na napabuntong-hininga ako ng malalim para lang mapakalma ko ang sarili kong halos maghuramentado na pero hindi ko magawa-gawa dahil ang tanging naiisip ko lang ay ang magkahawak na kamay nina Olivia at William at kung paano’ng kitang-kita ng mga mata ko na gusto siya ni William.

Bahagyang nanginig ang labi ko kaya kinagat ko iyon at pilit kong nilunok ang mapait na katotohanang may ibang babaeng gusto ang lalaking nagugustuhan ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status