My Pregnant Man
My Pregnant Man
Author: cena.krystal
Unang Pagkikita

Tahimik ang buong paligid maliban sa mahinang music mula cellphone ko. “Be My Lady” ni Martin Nievera. Balita ko kasi paborito niya ito. Okay lang naman sa akin. Ang totoo nga eh natuwa pa ako. Bagay sa tema ang kanta. At ang baritonong boses ko, swak sa madamdaming tono nito.

Aahh..kinikilig ako! Nai-imagine ko ang tulalang reaksiyon ni Mary Jane habang inaabot ko ang bouquet of red roses kasabay ng pagharana ko sa kanya. Pihadong magkiki-kisot kisot sa kilig ang balingkinitan niyang katawan. Tapos, aabangan ko ang pinakahihintay kong sandali, ang pagkalaglag ng mabangong panty niya. Anong kulay kaya iyon? Sana pink, bagay sa maninipis na labi niyang lipgloss lang sapat na.

Napingisi ako ng wala sa oras. Paano nama’y kumislot ang pilyong si “potoytoy” sa loob ng brief ko. Excited ang loko. Tatlong lingo niya na kasing ninanasang mapasok ang mukhang mabango at mainit na kuweba ni Mary Jane. Pakipot kasi si Tisay. Buti na lang nagtiyaga akong halukayin ang background niya at nalaman kong K-drama fanatic siya. Ginagaya ko ngayon ang swabeng teknik ni Lee Young-jae ng suyuin niya ang nagtatampororot na si Han Ji-eun.

Nasagap kasi ng matalas kong radar na ito ang pinaka paboritong eksena ng chikababes na nagpapa hard-to-get, hopeless romantic naman pala ang loka. Kabaligtaran ito nang masungit niyang personality sa tunay na buhay. 

Siya si Mary Jane Gonzales, ang newly hired lady concierge sa branch na ito ng Rich Diamond Resort-Hotel dito sa Zambales. Malas lang na hindi ako naka attend noong araw na i-hire siya. Kung nagkataon, assistant to the hotel manager sana siya ngayon. Ganda ng katawan lang ang puhunan niya.

Naglalaway pa akong napabuntong-hininga nang maalala ko ang cute na kamalditahan niya the first time we met. Kababalik ko lang galling U.S. of A. at dito ako dumiretso dahil sa gulong nangyari dito a month ago. Kinailangan ko tuloy kumuha ng bagong security agency.

Mainit ang ulo ko noon, taas pati na baba, dahil sa nauntol na bakasyon abroad. Bihira kasi akong magkaroon ng free schedule kaya sinasamantala ko talaga tapos makakaldag pa dahil sa panggugulo ng ibang taong walang magawang mabuti sa buhay nila.

Mebete ne leng et eseng enghel ne mey melelekeng p****k eng semelebeng se eken se lobby ng hotel. Literal na anghel ang tingin ko noon kay Mary Jane. Grand Halloween Party kasi noon, sikat na pakulo ng admin ng hotel upang makaakit ng mga guests. Aaminin ko, sumakit ang pantog ko sa sobrang libog nang una kong nasilayan ang maamo niyang mukha.

Tantiya ko kaagad ang vital statistics niya. Jackpot! Thirty two-twenty three-thirty four ang labas sa huweteng, este! ang kurbada ng kanyang katawan. Slim, curvaceous, and petites kasi ang nagbibigay-buhay sa katawang lupa ko. Sumisiklab ang init ng aking katawan sa mga babaeng tulad niya. Kaya naman, arogante ko siyang niyaya kaagad sa private suite ko. Hindi naman kaagad sumunod ang dalaga.

Nasa elevator pa lang ako’y nagtutumindig na sa galit ang s*****a ko. Napapaluha pa nga siya at gusto nang kumawala sa Derek Rose na brief ko. At dahil hindi nga ako sinabayan ng babaeng iyon, nilantakan ko na lang muna si Paraluman, ang singkit na elevator girl. Hindi naman ako lugi dahil ang lalake ng dyoga niya. Tayung-tayo at naninigas agad matitigan ko lang. Biro ko pa nga minsan ay pwede nang ipampindot sa elevator buttons.

Tanda ko pang green ang kulay ng suot niyang panty. Duwendeng kinapos sa tela kasi ang costume na suot niya na nagpalitaw sa nagmamayabang niyang cleavage. Sa lalim nga ay hindi ko pa nakakapa ang kaibuturan ay narating na namin ang sukdulan ng building kung saan naroon ang aking suite. Hanggang doon lang sa pinto ng elevator ang pintsik, bahagi iyon ng kasunduan namin. Ganun ako sa mga babae ko. Gentlemang bastos at wala akong pake. Karangalan nilang matikman ang guwapo at milyonaryong katulad ko.

Nagpalit ako noon ng robe. Syempre, naglinis na rin ng katawan. Asang-asa ako noong gabing iyon na maikakama ko si Mary Jane. Halos lahat ng babaeng staff ng hotel na ito ay dumaan na sa malapad kong mga kamay, maliban syempre kay Nanay Lumeng, ang matandang dalaga na manager ko sa branch na ito. Bukod kasi sa edad nitong fifty-eight, mataba ito at tomboy. Madalas kaming mag contest sa mga babaeng nagogoyo namin. Ayaw din kasi palamang ng gurang. May asim pa daw siya. Tama naman. Kasing-asim ng Datu Puti ang amoy niya. Kung hindi lang kami magkaibigan at hindi siya magaling sa negosyo ay pinag retire ko na siya.

Si Mary Jane, dumating after making me wait for thirty minutes. At kasama si manager! Halos mapraning ako noon ng malamang pamangkin siya ng gurang at malinaw na binantaan akong huwag siyang isali sa mahabang listahan ng mga flings ko. Hay!

At dahil doon, lalo lang akong natakam. Pinasya kong daanin sa panliligaw ang seksing dilag. Nauulol kasi ako sa pagkasabik sa tuwing nagigising ako at nalalamang panaginip lang ang lahat ng malalaswang eksena naming dalawa. Mabuti na lang at marami akong reserba.

Naipuputok ko kahit papaano ang nakalalasong likido ng kalaswaan sa mga babaeng kusa at pumapayag rin namang nagtatanggal ng panty sa harapan ko. I am a proud womanizer, not a rapist!

That was three weeks ago. Ngayon ay sigurado na akong mabibihag ko na si Mary Jane. Galing na ako sa gym, trained myself for endurance, at nakahanda na rin ang special dinner date namin mamayang gabi.

“Kalma ka lang, junior ko. Parating na siya. At mahaba pa ang oras. Ready ka lang dahil siguradong walang tulugan ito. Babawian natin ang babaeng iyon. Hindi natin iiwanang wasak lang ang pinagdadamot niyang kuweba!”

Mahabang litanya ko, at napahagalpak pa ng tawa nang parang tumango ang ari ko na wari ba ay may sariling isip na napapasayaw sa tuwa at pananabik.

May naririnig na akong papalapit sa pinagtataguan kong malapad na balister ng grand staircase. Pinikit ko na ang mga mata ko. Pinakiramdaman ang paligid. May tao ngang papalapit. Hindi nag iisa pero okay lang. Sanay na ako kay Mary Jane.

Palagi siyang may kasama saan man magpunta. Payo siguro ng tiyahin niya upang mapilitan akong mag behave.

Pero sabi nga ni Florante, “Oh pag-ibig pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.”

Kaya ang hamak na gurang, walang magagawa. Kahit isang batalyon pa ang ipaligid niya sa pamangkin niya, ako ito, si Aljohn Mellan. Forty years old this year, look-alike ni David Gandy, self-made millionaire, co-owner at CEO ng Diamond Resorts-Hotels, Inc.

At dapat iyong ma-appreciate ni Mary Jane. Gagawin ko ito, magpaka konyo, para lang mapawi ang uhaw kong siya lang ang kayang pumawi.

Sinabayan ko na si Martin Nievera. Kung narito lang ang singer na iyon, siguradong mahihiya siyang sumabay sa akin. Boses ko ay hindi pangkaraniwan, napakasarap pakinggan. Kung hindi siguro ako naging interesado sa negosyo, sikat na akong singer ngayon.

Be my lady, just forget the past, it’s time to mend your broken heart.”

Nasa chorus na ang kanta at alam kong nasa harap ko na si Mary Jane. Kaya lalo ko pang ginalingan ang pagkanta. Ramdam ko ang pagigting ng mga ugat ko sa leeg sa papataas na tono ng kanta.

“No walls divide us now, so dry the tears in your eyes; Nothing can stop us now, I’ll give you all I have”

Sinabay ko na ang pagabot  sa kanya ng mga bulaklak. Ninanamnam ko pa ang emosyong buong puso kong ipinadama sa pamamagitan ng kanta, bago ko dahan-dahang binuksan ang aking mga mata. Syempre dapat swabe at kabigha-bighani ang impression ko sa kanya.

At bumaliktad bigla ang mundo ko. Hindi ang maputi, sexy, at may maalindog na kagandahan na si Mary Jane ang nakikita ko sa harapan ko.

Bagkus, isang tall, dark, and handsome na bigotilyong lalaki ang ngayon ay matamang nakatitig sa akin. Pinaglilipat lipat niya ang tingin niya mula sa mukha kong parang nakakita ng multo at sa kamay kong nangangatog na sa ngawit sa pagaabot ng bouquet sa kanya.

Awkward! Napatitig na lang ako at hindi na alam ang gagawin sa sobrang pagkapahiya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status