Share

Noted, Akin Ka!
Noted, Akin Ka!
Author: Maria Angela Gonzales

Chapter 1 

"TURUAN mo ako ng kamanyakan," diretsahang sabi ni Jornaliza Smith sa matalik niyang kaibigang si Luigi Chances. Hindi rin siya humihinga nang ibulalas niya ang mga salitang iyon. Ni hindi rin niya tinitingnan ang kababata. Basta ang atensyon niya ang nasa monitor ng tv. 

Concentrate, iyon ang palagi niyang sinasabi sa kanyang sarili kaya buong atensyon niya ay nais niyang ituon lang sa kanyang ginagawa. Ewan nga lang niya kung bakit kahit na matinding konsentrasyon ang ginagawa niya ay hindi pa rin sapat. Kung hindi niya naibabaling ang pansin niya sa ibang bagay, malamang humahagulgol na siya ngayon ng iyak dahil nabigo na naman siya. 

Kung noon ay balewala lang sa kanya kapag nari-reject siya pero ngayon ay namumublema na siya. Sabi ng kanyang editor kahit maganda ang kanyang plot kung kulang naman sa kilig balewala rin. Kailangan daw mailarawan niya ng maganda ang pakiramdam kapag nakikita mo ang taong gusto mo, dapat ay naibabahagi mo ang pakiramdam kapag ika'y hinahalikan, niyayakap at…

Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan pagkaraan. Hindi kasi maaaring ma-reject siya nang ma-reject dahil may usapan sila ng kanyang ama. Hindi nito kukontrahin ang pangarap niyang maging manunulat kung sa loob ng isang taon ay makakapagpa-publish siya ng kahit isang libro. Ngunit, kapag sa loob ng panahong iyon ay walang nangyari sa pangarap niya, susundin niya ang gusto ng kanyang ama na mag-masteral. 

Nagtapos siya ng AB Mass Communication dahil alam niyang makatutulong iyon sa pangarap niya pero gusto pa ng ama niya na mag-level up ang kanyang kaalaman. Sa tuwing pinipilit siya nitong mag-masteral, hindi niya mapigilan ang mapabuntunghininga. Ang layunin kasi ng Daddy niya ay hikayatin siyang magturo. Kahit kailan ay hindi niya inasam na maging gabay ng mga estudyanteng pasaway. Hindi rin kasi siya sigurado kung may matututunan ang mga ito sa kanya. 

Kung minsan tuloy ay naiisip niyang mas maigi pa sigurong nag-asawa na lamang ulit ang ama niya. Mula kasi ng mamatay ang ina niya nu'ng five years old siya sanhi ng cancer, itinuon na lang ni Matthew Smith ang buong atensyon sa kanya. Hindi man ito mahigpit, hindi ron niya masasabing maluwag ito sa kanya. 

"Damn," bulalas ni Luigi sa kanyang tabi dahil hindi na nito naiwasan ang sunud-sunod niyang pagsipa. Mararahas na buntunghininga pa ang pinawalan nito na para bang hindi makapaniwala. Ewan nga lang niya kung ang iniisip nito ay kung paano makakabawi sa kanya. 

Sa kasalukuyan ay naglalaro sila ng Tekken 7 sa loob ng kuwarto ni Luigi. Pareho silang nakasalampak sa carpet at nakasandal sa paanan ng kama, habang nakatitig sa 36 inches monitor ng LCD at nagpipipindot sa game controller ng PS5. 

At dahil sa gigil na gigil siya kapag naaalala niya ang libro niyang na-reject ay mas nanggigigil siyang pindutin ang game controller. Dahilan kaya 10 hit combo ang ibinigay ni ‘Lili’ kay ‘Devil Jin’ na hindi na nakagalaw. Gayunman, siniguro naman niya siyempreng hindi masisira iyon. 

Para tuloy gusto niyang tuksuhin si Luigi ng mga oras na iyon at sabihan itong 'weak ka pala' dahil hindi man lang nito nagawang kumilos. Ang agad niyang inisip ay dahil iyon sa pagkabigla ngunit nang lingunin niya ito'y titig na titig ito sa kanya. Hindi lang pala ito basta nakatitig, tulala itong nakatingin sa kanya. Para tuloy gusto niyang tuksuhin itong nagagandahan sa kanya pero naalala niya ang sinabi niya rito. 

Turuan mo ako ng kamanyakan. 

Dapat sana ay mamumula ang kanyang mukha at tumakbo siya palabas ng silid ni Luigi dahil sa kanyang sinabi. Alam niyang naging mistulan siyang manyakis ng mga sandaling iyon pero iyon lang ang naiisip niyang paraan para makagawa siya ng libro. Mas napangiti tuloy siya dahil alam niyang si Luigi ang perpektong tao na makatutulong sa kanya para maging maganda ang kanyang libro. 

"L-lasing ka ba?" Tanong sa kanya ni Luigi na wari'y nagising na mula sa malalim ba pagkakahimbing. Pinakunot pa nito ang noo na parang sinasabing hindi nagustuhan ang kanyang winika. 

Matalik na magkaibigan din ang kanyang Daddy Matthew at Daddy Solomon ni Luigi tapos magkatabi pa ang kanilang mga bahay kaya sila'y naging matalik na kaibigan na rin. At ang nakakatuwa pa parang sabay silang ginawa ni Luigi dahil iisa lang din ang kanilang birthday ngunit kung tutuusin ay mas matanda si Luigi dahil kumpleto ito sa buwan samantalang siya ay pitong buwan lang ng lumabas sa mundo. Kaya masasabi niyang nasa sinapupunan pa lang sila ng kanilang mga ina ay nakatalaga na talaga silang maging mag-bestfriends. 

Dahil nga yata inaatake siya ng kanyang 'topak', sa halip na sagutin niya si Luigi ay dinaluhong niya ito at hiningahan sa ilong. Hindi nito inasahan ang kanyang ginawa kaya naman na-out of balance ito at siya naman ay napadagan din dito. 

Napatitig muna siya sa mga mata nito bago niya sinabing. "O, mabaho bang hininga ko? Hah, amoy menthol kaya 'yan. After kong mag-toothbrush. Naga-gargle pa ako ng Listerine para walang bacteria ang bunganga ko at menthol flavor para siguradong mabango," mayabang niyang sabi kahit na parang gusto niyang magtaka kung nag-iiba ang pakiramdam niya sa pagkakatitig niya sa mga mata nito. Marahil dahil maganda naman talaga ang mga mata ng kanyang best friend. 

"Umalis ka nga sa ibabaw ko," mariing sabi ni Luigi sa kanya. 

Kumunot lang ang noo niya dahil kahit na may iritasyon siyang naaaninag sa boses ni Luigi, parang hindi naman ito galit. Sa pagkakadinig pa nga niya ay parang puno iyon ng pakiusap. Animo kasi'y nahihirapan ito. 

"Masisira ang controller," wika nito. Tumaas baba pa ang dibdib nito na para bang kinakapos sa paghinga. 

"Oh," bulalas niya nang mapagtanto niyang tama si Luigi. Nakadagan na kasi siya rito Kaya naiipit sa pagitan nila ang controller. Hindi lang niya napigilang ang mapasinghap dahil napagtanto niyang dahil hawak ni Luigi ang game controller ay nadadaganan din niya ang likod ng palad nito. Dahil doon ay parang nakapatong ang likod ng palad nito sa kanyang dibdib. Ewan niya pero parang may kuryenteng dumaloy sa bawat himaymay ng kanyang katawan.

Ipinilig lang niya ang kanyang ulo nang maisip niyang iyon ang pakiramdam ng mga bida sa nobelang nababasa niya. Platonic love lang naman ang nararamdaman nila ni Luigi sa isa't isa. 

"Alis ka na muna," wika nito. 

"Pinauuwi mo na ako?" Hindi nakapaniwalang tanong niya. 

"Umalis ka sa pagkakadagan sa akin," wika nito. 

Napa-oh siya saka dali-daling ginawa ang sinabi ni Luigi. 

"O, di mo na sinagot ang tanong ko," mariin niyang sabi. Kailangan niyang maging mataray dahil kailangan niyang balewalain ang nararamdaman kani kanina lang, "Hindi ako bad breath, di ba?"

Ayaw naman niyang isipin na may ibig sabihin 'yung parang may dumaloy na kuryente sa kanyang katawan dahil sa naging ayos nila kanina ni Luigi. Kailangan niyang isiksik sa kanyang isipan na masyado lang siyang nadala sa kanyang problema at desperada na siyang masyado na madapuan ng kilig para may maibahagi siya sa kanyang mambabasa. 

Sa edad 23 ay hindi pa niya nararanasan ang magkaroon ng boyfriend. Ang atensyon niya kasi ay nakatuon sa pangarap niyang maging manunulat. Saka paano pa niya iisipin ang pakikipagnobyo kung laging may Luigi Chances sa kanyang tabi. 

"Oo na, ang gusto kong malaman ay ang dahilan kung bakit nakaisip ka ng kalokohan. Turuan kita ng kamanyakan?" Tanong nitong parang nakaramdam ng sobrang panghihilakbot. 

Kahit na ang tono ni Luigi ay parang diring-diri, hindi siya na-offend. Tumawa pa nga siya. Platonic lang naman kasi ang samahan nila. Kaya nga kahit nakakulong sila sa iisang silid at natutulog sila sa iisang kama, walang epekto sa kanilang dalawa. 

Tumatawa lang sila kapag may nagsasabi sa kanilang silang dalawa raw ang magkakatuluyan pagdating ng araw. Kahit alam niyang matutuwa ang kanilang mga ama kapag nangyari iyon, para sa kanila ni Luigi ay napakaimposible nu'n. 

Una, hindi niya type si Luigi kung hitsura lang ang pag-uusapan. Oo nga guwapo ito dahil half Australian at one-fourth Chinese, matangkad dahil nasa six footer ito at may malapad na pangangatawan dahil palagi itong nasa gym. Hindi lang dahil sa gusto nitong magkaroon ng maraming babae kundi dahil pag-aari nito ang L's Gym. Saka, rugged palagi si Luigi kaya sa paningin niya'y marusing ito. Ang gusto niya ay iyong mala-prinsepe ang dating at walang ibang nakikita kundi siya. Sa madaling salita iyong stick to one. 

Pangalawa, masyado na nilang kilala ang isa't isa. Dahil doon ay alam na niyang hindi kailanman magagawa ni Luigi na maging loyal sa karelasyon. Para nga itong nagpapalit lang lang ng brief kung magpalit ng babae. 

"Yes," mabilis niyang sabi. At bago pa man ito makapag-isip ng kung ano ay mabilis na siyang nagpaliwanag. "Palagi na lang kasi akong nari-reject kapag nagpapasa ako ng libro ko sa Good Nobela at hindi ako pwedeng ma-reject this year. Alam mo namang may usapan kami ng Daddy. Hindi na niya ako pipilitin na mag-masteral kapag may naipasa akong libro. Eh, lagi akong nari-reject dahil nga ang mga sinusulat ko raw ay walang kilig. Kailangan daw mag-focus ako sa nararamdaman ng bida kapag nandyan ang mahal niya." Bigla siyang natigilan pagkaraan. Hindi lang niya alam kung dahil ba sa kagustuhan niyang magpaliwanag kay Luigi, sinabi niya ang mga salitang iyon na hindi halos humihinga kaya ngayon ay abot-abot ang kanyang paghingal o dahil sa huling pangungusap na kanyang sinabi. Kailangan daw mag-focus ako sa nararamdaman ng bida kapag nandyan ang mahal niya.

Para kasing bigla siyang nalito kung sino ba ang dapat niyang tukuyin ng mga sandaling iyon, ang character niya o siya bilang manunulat? 

Siyempre ang karakter niya, inis niyang sabi sa kanyang sarili. ang konsentrasyon niya ay nasa kanyang pagsusulat. Wala pa siyang planong ma-in love, lalo na kay Luigi Chances. 

He is just a bestfriend, mariing sabi niya sa sarili. Ibig niyang paulit-ulit na sabihin iyon sa kanyang sarili para hindi niya magawang makalimutan. 

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jewiljen
love ko tlg friends to lovers ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status