Share

Chapter 5 

NANINGKIT bigla ang mga mata ni Luigi sa eksenang kanyang naabutan. Si Jornaliza ay mayroong kausap na lalaki. Hindi lang basta kausap. Nakikipagtawanan pa ito sa lalaking parang isinubsob sa arina. 

Hindi tuloy niya napigilan ang mapamura. Paano ba naman kasi, naalala niyang ang ganoong klaseng lalaki nga pala ang tipo ni Jornaliza. 

Maputi lang pero hindi naman Mala-Prince Charming ang dating, inis niyang sabi sa sarili. Unang tingin pa lang niya kasi ay masasabi niyang hindi naman ito mayaman dahil simpleng t-shirt at short lang ang suot nito samantalang siya, puro signature ang suot mula ulo hanggang paa. Naka-Armani outfit siya. 

Ibig niya kasing ipakita sa lahat na nakakaangat siya. Hindi naman iyon isang kayabangan dahil can afford naman siyang bumili ng mamahaling kagamitan at kasuotan. Hindi dahil sa mayaman ang pamilya niya kundi dahil sa pinaghirapan niya ang mga iyon. Nagawa niyang makapagpatayo ng gym hindi dahil sa tulong ng kanyang mga magulang kundi dahil pinaghirapan niya iyon. Bago siya nakapagpundar para makapagpatayo ng gym ay isa rin siyang graphic artist. At dahil nagtatrabaho siya noon online, hindi lang mga Pinoy ang boss niya pati rin taga-ibang bansa ay kliyente niya. 

Tulad ni Jornaliza, AB Masscommunication din ang kanyang kinuha. Nang panahon kasi na iyon ay hindi pa noya alam kung ano ang gusto niyang mangyari sa kanyang buhay samantalang si Jornaliza ay matindi na ang paghahangad na maging sikat na manunulat. 

Malalim na buntunghininga na naman ang pinawalan niya ng mga oras na iyon. Para kasing nakaramdam siya ng guilt. Pakiwari niya kasi'y hindi siya mabuting kaibigan dahil iniiwasan niya ngayon si Jornaliza. Muli napabuntunghininga na naman siya dahil sa palagay naman niya'y tama lamang ang kanyang ginagawa. Kung hindi muna siya iiwas ay baka hindi na niya mapanghawakan ang pangako niya kay Jornaliza na mananatili silang magkaibigan hanggang wakas. 

Pero, hahayaan ba niyang may ibang magtuturo rito ng kamanyakan? Tanong niya sa sarili. 

Wala sa loob na natikom niya ang kanyang kamao. Ang isipin pa lamang na mayroong lalaking hahalik at yayakap kay Jornaliza, parang gusto na niyang manuntok. Wala sa loob na napamura siya nang matitigan na naman niya si Jornaliza at ang lalaking iyon na nagtatawanan. 

"Kailangan na nating umuwi," mariin niyang sabi nang nagmartsa siya palapit sa dalawa. Kahit gustong-gusto niyang titigan si Jornaliza nang mga sandaling iyon, nagdesisyon siyang panatikihin ang tingin sa lalaki. Gusto niya kasing maramdaman nito na may say siya sa buhay ni Jornaliza. 

Ang isang bahagi ng atribida niyang kaisipan ay parang gustong magsabi na bestfriend lang niya si Jornaliza kaya huwag siyang umastang boyfriend. Paulit-ulit ngang sinabi sa kanya noon ni Jornaliza na hindi siya nito magugustuhan kahit kailan. Nasaktan man siya ng sabihin nito iyon sa kanya na parang diring-diri, mariin din niyang sinabi rito na hindi rin naman niya ito magugustuhan. Kaya nga mabilis niya itong tinanggihan nang magpaturo ito sa kanya ng kamanyakan.

Kumunot ang noo ni Jornaliza nang ibaling ang tingin sa kanya. "Why?"

"Mag-lunch daw tayo sa bahay ninyo sabi ni Dad," wika niya. Hindi naman siya nagsisinungaling ng sabihin iyon dahil talaga namang tinawagan siya kanina ng ama para sabihing doon sila kumain sa bahay ng mga Smith. 

Kahit kailan ay hindi niya gustong pasamain ang noob ng kanyang ama kaya kahit na gusto niyang iwasan si Jornaliza ay hindi niya makuhang tanggihan ito at mabuti na lang din na hindi siya tumanggi dahil may dahilan siya para ilayo si Jornaliza sa lalaking kasama nito. 

Kahit sa tinggin niya ay bagong miyembro pa lang ang lalaki sa kanyang gym, parang may nagsasabi na sa kanya na kailangan niyang ilayo si Jornaliza rito. 

Isa rin siyang babaero kaya alam na alam niya ang aksyon ng lalaki kapag gusto nitong pormahan ang isang babae. Sa kaisipang bobolahin lamang nito ai Jornaliza ay umiinit na ang kanyang ulo. Parang gusto niyang sunggaban ang t-shirt nito at saka pagsusuntukin sa mukha. Parang gusto niyang lagasin nag ngipin nito para hindi man lamang maisip ni Jornaliza na ito ang type nitong lalaki. 

Mahirap na kasing maisipan pa ni Jornaliza na ito ang alukin nito ng…

"Damn," hindi siya palamurang tao pero ng mga oras na iyon ay gusto niyang paliguan ng mura ang lalaki. Baka sa pamamagitan noon ay matakot ito at hindi na gambalain si Jornaliza. 

"Anong problema mo?" Nagtatakang tanong sa kanya ni Jornaliza. 

Ikaw, gusto niyang sabihin pero hindi niya magawa. "Kailangan nga nating umuwi."

"Tatawagan ko na lang…"

"No," mariing sabi niya. "Uuwi tayo at makikipag-lunch sa ating pamilya," mariin niyang sabi na hindi na tinitingnan ang lalaki. Talaga kasing nag-iinit ang ulo niya sa pagmumukha nito. 

Dati'y kinaiinisan niya ang kanilang mga magulang kapag pinagpa-partner sila ni Jornaliza. Para kasi sa kanilang dalawa ni Jornaliza, matalik na magkaibigan lang sila kaya hindi dapat umasa ang kanilang mga magulang na magkakaroon sila ng happy ending. 

Alright, ibig nila nila ni Jornaliza na maging mag-bestfriends sila habambuhay pero hinding-hindi niya gugustuhin na maging more than friends sila. Tiyak kasing kapag nangyari iyon ay masisira lamang ang kanilang pagkakaibigan na dalawang dekada na nilang binuo. 

Ngunit, kahit nama. Hindi nila gustong maging friends to lovers sila hindi nangangahulugan na hahayaan na lamang niya si Jornaliza makipagtawanan sa lalaking hindi naman niya alam ang pagkatao. 

Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pagsisisi na umalis ng hindi nasisiguro na magpapalit nga nv damit si Jornaliza dahil hindi naman ito ginawa iyon kaya alam niyang maraming lalaki ang nagpipiyesta ngayon sa kagandahan at kaseksihan ng kanyang matalik na kaibigan. Para tuloy gusto niyang magwala sa sobrang inis dahil pagiging gentleman niya masyado. Nang hilahin kasi siya kanina ni Paula ay wala na siyang nagawa kundi magpatianod na lang. May isa siyang salita kaya hindi niya nagawang sabihin dito na cancel na ang kanilang lakad. 

"Hindi ka pa ba nabusog?" Sarkastikong tanong nito sa kanya. 

Lalo siyang napasimangot nang pumasok sa kanyang isipan si Paula. Kahit sinabi niyang puwede itong kumain ng heavy ngayon ay mas pinili nitong mag-order ng spaghetti with garlic bread at pineapple juice. Wala naman sanang problema sa gusto nitong kainin pero wala naman itong ginawa kundi ang titigan siya. Kung hindi nga niya sinabi ritong kailangan nilang magmadali dahil babalik pa siya sa gym ay parang hindi pa ito kikilos para kumain nang kumain. 

"Uuwi na tayo," sabi niya sa halip na sagutin ang tanong nito. Sa inis niya kasi sa kaartehan ni Paula, parang hindi aiya nabusog kahit na naubos naman niya ang kanilang kinain. At bago pa ito nakapagsalita pa ay kinuha na niya ang kamay nito para hilahin ito. Ayaw na niya talagang makitang magkasama pa ito at ang lalaking iyon. 

Ngunit hindi pa sila nakakalayo ay napahinto na siya sa paglakad dahil napatigil din siya. Nang tumingin siya kay Jornaliza ay nakahinto rin ito. Ang dahilan ay hawak ng lalaking iyon ang isang kamay ni Jornaliza kaya nagdilim na ang kanyang paningin. Binitawan niya ang kamay ni Jornaliza at sinuntok ito. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status