Share

Chapter 9

AKALA ni Jornaliza, nagbibiro lang si Yael ng sabihin nitong liligawan siya pero kinagabihan lang, bisita na niya ito. Kasalukuyan niyang sinusubukang magtipa ng istorya ng kanilang katulong na si Janiz na may bisita siyang kamukha ni Jack sa Titanic. Siyempre, ang unang papasok sa isip niya'y si Yael dahil ito lang naman ang kilala niyang kamukha talaga ni Leonardo DiCaprio.

May pag-aalala siyang naramdaman ng sabihin ng mala-Maritess nilang kasambahay na ini-interview ito ng kanyang ama. Palibhasa walang ibang gusto ang kanyang Daddy para sa kanya kundi si Luigi, masungit ang pagtrato nito sa mga nanliligaw sa kanya kaya't hindi kataka-taka na i-bully din nito si Yael. 

Gusto sana niyang magmistulan ng Darna para mapuntahan si Yael at nang mailigtas sa mala-machine gun na salita ng ama pero hindi niya magawa dahil hindi pa siya nakakapaligo't nakakapag-ayos man lang. Ang computer niya kasi ang agad niyang pinupuntahan kapag nagigising siya. 

Ayon

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status