Share

Chapter 43 

HINDI man sila sa fivestar hotel nag-dinner ni Luigi, pakiramdam ni Jornaliza ay pagkaganda-ganda niya sa paningin nito. Hindi kasi maalis-alis ni Luigi ang tingin sa kanya. Pakiwari niya tuloy ay magandang-maganda ang kanyang suot at naka-make up din siya gayung pol o at lipstick lang naman ang inilagay niya sa kanyang mukha.

"Uy," wika niya maya-maya. Ang lakas-lakas na kasi ng tibok ng puso niya ng mga sandaling igon. Pakiramdam niya tuloy lalabas na sa rib cage niya ang kanyang puso. Sobra-sobra siyang nabibingi. "Kung titigan mo ako, parang ngayon mo lang ako nakita," nakangising sabi niha kahit ang totoo ay sobra siyang naaapektuhan sa paraan ng pagtitig nito.

"Ang lakas mo kasing kumain," wika ni Luigi na manghang-mangha sa mga pagkaing nasa kanyang harapan – inihaw na pusit, inihaw na bangus, inihaw na baboy, inihaw na manok at may inihaw na hotdog pa.

Para siyang biglang nahirinan sa sinabing iyon ni Luigi kaya agad niyang hinagilap ang kanyang baso saka uminom. Buong akal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status