INSPIRED na inspired si Jornaliza kaya mabilis na mabilis ang pagtipa niya sa kanyang laptop. Siyempre, spg scenes ang kanyang ginagawa kaya naman dalang-dala siya sa eksena. Sa kanyang isipan din ay naaalala niya ang mga nangyayari sa kanila ni Luigi. Bukod sa gusto niyang magkaroon ng inspirasyon ng kamanyakan, nais din niyang matutunan ang iba't ibang style sa pakikipag-sex dahil ayaw naman niyang pagsawaan siya ni Luigi. Hindi nito sinasabi sa kanya ang magic words na I love you kaya naiisip niyang kapag hindi niya ginalingan sa pakikipagtalik ay bigla na lamang siya nitong iwanan. Ipinilig lang niya ang kanyang ulo nu'ng maalala niyang sabi ni Luigi na siya ang gusto nitong makasama sa habambuhay. Kaya, pinatutunayan lamang nito sa kanya na wala itong balak na iwanan siya. "Wala ka na bang gagawin diyan kundi magsulat?" Tanong sa kanya ni Luigi. Maang siyang napatingin dito. "Nagagalit ka ba?" "Bakit naman ako magagalit?" Sarkastikong tanong nito. "Sunday ngayon, dapat nagba
"BIRTHDAY ko?" gilalas pang sabi ni Jornaliza. Napa-'oh my' pa siya dahil napagtanto niyang kaarawan nga niya. Wala kasing ibang laman ang utak niya ng mga nagdaang araw kundi ang kanyang pagsusulat."Okay lang na makalimutan mo na kaarawan mo ngayon pero huwag na huwag mo sanang kalilimutan na may pogi kang mister," wika ni Luigi sabay kawit sa kanyang beywang. "Happy Birthday," wika naman ng iba. Talaga kasing kapag napapatitig siya kay Luigi ay talagang nawawala siya sa kanyang sarili. Parang nakakalimutan niya ang lahat gayung nang buksan niya ang pintuan kanina ay kita niyang maraming tao. Kabilang na roon ang kanyang ama, mga biyenan at ilang kasamahan sa pagsusulat kabilang na ang kanyang editor. "Kaya pala ayaw mo akong palabasin ng kuwarto kanina," wika niya. Natawa si Luigi. "Para namang gustong lumabas."Pinamulahan siya ng mukha sa sinabi ng kanyang mister, lalo't tinudyo siya ng mga nakapaligid sa kanila, unang una na siyempre ang kanilang mga magulang. Magkaka apo n
KUNG noong sinabi ng mga magulang nila na may regalong ipinadala sa kanila ni Luigi na patay na pusa, kinabahan na siya. Higit ngayon ang naramdaman niya. Paano ba naman kasi, kitang-kita niya ang hitsura ng pusa. Ng kaawa-awang pusa. May tali ito sa leeg. Obviously, sinakal ito kaya lumawit ang dila. Hindi niya tuloy napigilan ang mapahagulgol. Pakiramdam niya kasi'y siya ang dahilan kaya pinatay ang pusa. Dahil gustong ipaalam sa kanya ng nagbigay na iyon ang matinding galit sa kanya. Ano bang ginawa niya? Naguguluhang tanong niya sa sarili. Nagpakasal ka kay Luigi, Jornaliza! Wari'y sigaw ng isang bahagi ng kanyang utak. "Jornaliza…""Ako ang may kasalanan nito," wika niya. Kumunot naman ang noo ni Luigi. Alam niyang labis itong nagtataka sa kanyang sinabi. "Wala kang ginawang mali." Mariing sabi ni Luigi. "Nagpakasal tayo," wika niya. Kumunot ang noo ni Luigi nang pakatitigan siya ng husto. "Pinagsisisihan mong…""Nakasakit ako. Tayo. Iyon ang sinasabi ko," mariin niyang
MALAYO pa lang si Jornaliza ay natanaw ng niya si Jewel sa coffee shop na pagtatagpuan nila. Nakapuwesto naman kasi ito sa may bintana para agad niya itong makita. Gayunpaman, hindi nakaligtas sa kanyang pagtingin ang pagsimangot nito. Nakita na kasi nitong hindi siya nag-iisa. Kahit naman hindi niya kinumpirma rito na wala siyang isasama, alam niyang ini-expect ni Jewel na siya lang ang makikita. Iyon nga lang, tiyak niyang hindi siya papayagan ng asawa na lalabas mag-isa. Kahit alam niyang kaya niyang protektahan ang sarili, tiyak niyang hindi ito basta hahayaan ni Luigi. Sa kaisipang iyon, hindi niya napigilan ang makaramdam ng kilig. Pakiramdam niya ay napakaimportante niya sa buhay ni Luigi. Kunsabagay, kahit naman noong mag-best friend pa lamang sila ni Luigi, ay dama na niya na importante siya rito. Subalit, mas dama niya ngayon dahil nga iba na ang level ng kanilang relasyon. "Hello," masiglang bati sa kanya ni Jewel nang makaharap na niya ito. Abot tenga na ang ngiti n
"TURUAN mo ako ng kamanyakan," diretsahang sabi ni Jornaliza Smith sa matalik niyang kaibigang si Luigi Chances. Hindi rin siya humihinga nang ibulalas niya ang mga salitang iyon. Ni hindi rin niya tinitingnan ang kababata. Basta ang atensyon niya ang nasa monitor ng tv.Concentrate, iyon ang palagi niyang sinasabi sa kanyang sarili kaya buong atensyon niya ay nais niyang ituon lang sa kanyang ginagawa. Ewan nga lang niya kung bakit kahit na matinding konsentrasyon ang ginagawa niya ay hindi pa rin sapat. Kung hindi niya naibabaling ang pansin niya sa ibang bagay, malamang humahagulgol na siya ngayon ng iyak dahil nabigo na naman siya.Kung noon ay balewala lang sa kanya kapag nari-reject siya pero ngayon ay namumublema na siya. Sabi ng kanyang editor kahit maganda ang kanyang plot kung kulang naman sa kilig balewala rin. Kailangan daw mailarawan niya ng maganda ang pakiramdam kapag nakikita mo ang taong gusto mo, dapat ay naibabahagi mo ang pakiramdam kapa
MARAHAS na paghinga ang pinawalan ni Jornaliza matapos siyang humarap sa salamin upang tingnan ang kanyang sarili. Medyo napalunok lang siya dahil hindi niya sigurado kung mapapanindigan ba niya ang pagbabago ng kanyang anyo.From being a conservative girl to a liberated woman. Pero pagkaraan ay tinawanan din niya ang sarili. Sa panahon kasi ngayon ay masasabing konserbatibo pa rin ang kanyang suot dahil may manggas pa rin naman ang suot niya.Naisip niya kasi na hindi niya matutupad ang kanyang pangarap kung mananatili lang siya sa loob ng silid at magtipa nang magtipa ng kanyang istorya. Kailangan din niyang pakinggan ang payo sa kanya ni Miss Ava, ang kanyang editor, dahil alam niyang iyon lamang ang paraan para matupad niya ang kanyang pangarap.Ang pagiging manunulat daw ay hindi lang iyong nagkukulong sa isang kuwarto at pagtitipa
KUNG kanina'y malakas ang loob ni Jornaliza ngayon ay parang umaatras siya ng paunti-unti, paano'y nasa loob na siya ng L's at nakapagpalit na rin siya ng outfit. Sports bra na kulay maroon at yoga trousers na hakab na hakab sa kanyang harapan at puwitan.Shucks, naibulalas niya. Hindi naman talaga siya nagsusuot ng ganoon ka-fit. Mas gusto talaga niya iyong maluwag kaso nga sa panahong ito, hindi ang gusto niya ang mahalaga kundi ang nais ng taong tina-target niya para tulungan siya sa kanyang pangarap. --her best friend Luigi.Malalim na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan dahil sa dalawang araw ay iniiwasan siya ni Luigi at iyon ang nagpapabigat sa kanyang kalooban. Kahit hindi ito nagsasalita, parang sinasabi nito sa kanyang pinandidirihan nito ang ideya na tuturuan siya nitong humalik man lang.Talaga naman kasing hindi rin n
HUWAG kang OA, gigil na sabi ni Jornaliza sa kanyang sarili. Pakiramdam niya kasi'y nilapirot ng husto ang kanyang puso ng sabihin ni Luigi na, ayaw nitong mabastos siya dahil para na silang magkapatid.Hindi tayo magkadugo, gusto sana niyang ipaalala rito pero alam niyang magmumukha lang siyang tanga kapag ginawa niya iyon. Talaga naman kasing hindi sila magkadugo at pinakadiinan din nito sa kanya ang katagang parang. Ibig sabihin, alam din nitong wala silang kaugnayan sa isa't isa. Gayunman, hindi sapat na dahilan iyon para maisip nito na maaaring mag-level up ang kanilang relasyon.Gusto mo ba? Tanong niya sa sarili.No way! mariing sabi niya. Umiiling-iling pa siya dahil talagang tumatanggi ang isip niya. Hindi niya dapat magbago ang tingin nila sa isa't isa. Ngunit, bakit parang dinudurog ngayon ang kanyang puso?"Ehem….ehem…." Narinig niyang wika ng isang boses.Kahit na gustung-gusto na niyang malaman kung sin