Share

Chapter 4: Photo Frame

"MOMMY, I'm here... Mommy..."

"Aurora." Lumapit sa akin si Nancy at Cedy.

"Saan si Mommy?" Napatingin ako sa dereksyon kung saan lumingon ang paningin nila. There I saw mommy looking at the ICU glass window. Tanging makikita lang ay ang malaking kurtina. She is still crying.

"Hinihintay niyang lumabas ang doctor. Kanina kasi may emergency ulit ang nangyari sa loob. They still saving your daddy's life." Wika ni Cedy.

Tumulo ang luha ko at unti-unting nilapitan si mommy. Awa ang pinakanararamdaman ko sa mga oras na iyon. She was sobbing alone. 

"M-mom... Mommy..." Niyakap ko ito ng mahigpit mula sa likod. "Nandito na ako, Mommy..."

Humagulhol ito nang iyak at humarap sa akin. "Aurora... A-anak ko... Aurora." Niyakap nito ako at yumakap din ako ng mahigpit.

"Mommy kumusta si Daddy?"

"I hope, he will be okay. Nandito ka na e, sana okay na siya."

I try to comfort my mother. "Shhh, he will be okay. Stop crying, mom."

"Aurora, huwag mo akong iwan. Kailangan kita ngayon sa tabi ko. We miss you so much baby, your dad missed you too so much."

Umiling-iling ako. "I won't leave, mom. Nandito na ako, hindi na ako aalis. Dito na ako sa tabi ninyo ni Dad. I love you, Mommy and I miss you so much."

Mahigpit pa rin akong niyakap nito, para bang ayaw akong bitawan.

"Mrs. Torres?"

Pinunasan ko kaagad ang mga luha ko ng kumalas si mommy sa akin.

"Doc, kumusta na ang asawa ko? Is he okay? Is he survived?"

Malungkot na umiling ang doctor sa harapan namin. "I'm sad to say this, Mrs... but I hope you will accept the fact that the patient is already gone. We really do our best to save his life, ngunit ang pasyente na talaga ang bumitaw. He died exactly 02:15 in the afternoon."

"No... Daddy..." Biglang umapaw ang mga luha ko sa sinabi ng doctor. Hindi ako makapaniwala na sa pagbabalik ko ay siya namang umalis. "Daddy... Daddy... Doc, pwede ko bang makita ang Daddy ko? Please, he's alive."

Si mommy naman ay humagulhol. Napatingin ako rito ng unti-unti itong dumausdos. Mabuti na lang at nasalo ito ni Cedy.

"Mommy..." Napatili ako.

Hindi ko na alam kung sino ang uunahin ko. Si Mommy na nahimatay dahil hindi kinaya ang balitang wala na si Daddy. O si Daddy na gustong-gusto kong makita at mayakap kahit sa huling sandali lang.

"Best, kami na bahala ni Cedy kay Tita Helen. Sulyapan mo na muna si Daddy mo." Wika ni Nancy na emotional din sa mga oras na iyon.

"Thanks." Natulala akong kumilos at tumingin sa saradong ICU. Pumasok ako roon na parang nadudurog sa sakit.

While seeing Daddy with that hospital equipment, naluluha ako. Wala akong pakialam kahit may mga nurses doon na umaalis ng mga tubo sa katawan ng Daddy ko.

"Please, give me some time to talk and to be alone with my Dad?" Wika ko habang tumutulo ang luha.

Naaawang tumango sa akin ang dalawang nurse at doctor.

"At least, five minutes, Iha."

"T-thank you, doc."

Pagkalabas ng mga ito ay lumapit ako sa ama ko. I hold his hands.

"D-daddy, I'm so sorry... Please, forgive me." Hindi ko napigilang yakapin ito ng mahigpit. "I'm sorry, dad..." H*****k ako sa pisngi nito at pati na sa kamay nito. "Daddy bakit? Bakit ngayon pa na nandito na ako. I'm already home, dad. I'm home. Hindi ko na naman kayo iiwan ni mommy e... diba maglalaro pa tayo ng chest board, diba dad? Daddy... Bakit naman po ganito. I know, malaki ang naging kasalanan ko sa 'yo. Pero bakit sa ganitong sitwasyon kita maaabutan. Ang daya mo dad, hindi mo manlang ako hinintay kahit ilang minuto. Daddy... Daddy... I miss you, dad. Mahal na mahal po kita kahit sumuway ako at nagtago sa 'yo. Sana po mapatawad mo ako. Promise, babawi po ako at hinding hindi ko po iiwan si mommy. I love you, dad... I always love you, Daddy Raul..."

THE FACTS will never change, and that fact is will always haunt me. Sobrang pagsisisi ko sa aking ginawa, kung hindi ako nagmatigas at umuwi ako ng mas maaga pa— siguro ay hindi hahantong na umuwi ako na wala na akong ama. I regret it, and I blame myself for what happened. Hindi siguro mawawala agad si Daddy kung hindi nito dinaramdam ng sobra-sobra ang malaking problema.

I feel useless at napaka wala kong kuwentang anak. Na kayang tikisin ang sariling pamilya, kayang hayaan ang mga magulang sa papalubog ng mga ito. Sobrang sisi ang nararamdaman ko sa nangyari. I blame myself for being selfish.

"Aurora..." Hindi ako lumingon ng tinawag ni mommy ang pangalan ko. "Iha, let's go. Nakaalis na ang lahat ng tao."

"M-mom." Lumingon ako rito at agad yumakap.

"Shh... It's okay baby. It's okay." Ramdam ko ang masuyong paghaplos nito sa likod ko nang nagsimula akong humikbi.

"I will no longer see Daddy Raul again." Wika ko habang tumitingin sa lapida ni daddy at sa nakangiting larawan nito. "Mapapatawad kaya ako ni Daddy, Mommy?"

"Of course, Iha. Kahit kailan naman ay hindi siya namuhi sa 'yo."

"I love him so much, mom."

"And he also loved you so much."

Pinunasan ko ang aking mga mata at humarap dito. "Sa pagkawala ni dad, I promise to take all the responsibility na naiwan niya. And I promise to love you and care for you, mom. Hinding hindi po ako aalis sa tabi ninyo, Mommy. Hinding hindi na po ako mangiiwan."

"Thank you, Iha. He will hear you, and I'm sure kung nasaan man ang Daddy mo ngayon, masaya siya sa pagbabalik mo." Wika nito habang pinupunasan ang mga luha ko.

I again embrace my mother. Ina na lang ang meron ako ngayon. Pinapangako kong mamahalin ko at aalagaan siya habang ito ay nabubuhay pa. Sa ganoong paraan ay mapasaya ko manlang ang namayapa kong ama.

Tama ang sinabi ng mga kasabihan— while your parents are alive, care for them, cherish them and also express your love towards them while they are there in their physical form. You don't know when you will adorn them only in a photo frame.

Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Edelyn Manzano
wow ang ganda ng story
goodnovel comment avatar
Mulan
napaiyak naman ako sobrang babaw talaga ng luha k
goodnovel comment avatar
Richelle Montecer Loba
nakakalungkot nmn...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status