Share

Chapter 5: Testament

Chapter 5

Testament

MATAPOS ilibing ang labi ni Daddy ay dumeretsyo na kami ni mommy na umuwi sa bahay. I am still very quiet inside the car, ganoon sin si mommy na nasa tabi ko.

Bumuntong hininga ako at lumingon kay mommy. Yumakap ako rito ng mahigpit. "Kakayanin natin 'to, mom. I am always here no matter what happened. Promise, hinding hindi na ako lalayong muli." Pangako ko rito.

Mom smiles and embraced me. "I love you so much, baby."

"I love you, Mommy. Magpakatatag lang tayo."

She nodded. "Our lawyer is waiting in our home, Ija."

Nagangat ako ng tingin at tumango. "I am ready, mom. I know what should I do now."

Magkahawak kamay kami ni Mommy nang pumasok sa malaking bahay na dalawang taon ko ring hindi nasilayan. At last, I feel at home again. Kagaya noon, ang gaan-gaan pa rin ng mga paa ko na naglalakad patungo sa bukana ng malapad na main door.

Walang ipinagbago sa bahay na iyon. Kung anong hitsura ng huling nasilayan ko, ganoon pa rin iyon sa kasalukuyan.

Ngumiti sa amin ang dalawang naka-unipormeng kasambahay na nakaabang sa amin. Masaya nila akong binati sa aking pagbabalik.

"Welcome home, Anak." mom mumbled.

"Thank you, mom." Sagot ko dito, ngunit ang galak sa aking puso ay hindi na buo. Iyon ay dahil sa wala na ang haligi ng aming tahanan. Gayon paman ay pinigilan ko pa rin ang magpakita ng kalungkutan.

Namataan agad namin ni mommy ang kasalukuyang abogado ni daddy. Tumayo ito ng makita niya kaming paparating sa dereksyon ng sala.

"Good afternoon, Mrs. Torres. And welcome back, Ija. Again, condolence."

Tumango kami ni mommy rito at bahagya lang na ngumiti bilang tugon.

"Please be seated, Attorney Ramos," pahayag ni mommy rito.

Naupo ako na katabi si mommy sa mahabang sofa. Habang nasa isahang sofa naman si Attorney Ramos.

Tahimik nitong binuksan ang attache case at inilabas ang isang naka sealed na dokumento.

"Una sa lahat, gusto ko munang ipahayag sa inyo na ang sulat kamay na ito ni, Mr. Raul Torres ay ginawa niya at binago noong nakaraang taon. Nilagdaan niya ito at mahigpit na ipinatago, ilalabas lamang sa nakatakdang panahon kung kailan ang pagkawala niya dito sa mundong ibabaw. At itong araw na ito ang takdang panahong nakasaad sa kanyang testamento." Ulat nito.

Napalunok ako habang nakikinig. I sense my mother feels shaky. Hinawakan ko ang kamay nito at hinaplos. I whispered to her that everything is going to be okay.

Binuksan na ng tuloyan ni Attorney ang naka-sealed na envelope. Binuklat niya iyon at binasa sa aming harapan. Upon hearing what is stated inside the testament, hindi na ako nabibigla sa aking narinig. Ramdam ko ang pagdiin ng pagkakahawak ni mommy sa aking palad.

Tama lahat ang sinabi ng dalawang kaibigan ko. Tuloyan ngang bumagsak ang negosyo ng pamilya ni Daddy na ipinamana pa rito ng mga magulang. Noon pa man ay bumagsak na talaga ang negosyo ng aming Pamilya. Ngunit dahil sa tulong ng kaibigan ni Dad na isa sa pinakamalaki at napakatatag na kompanya sa Pilipinas ay nanatiling nakatayo ang kompanya ni Daddy. But in return, my father needs to sacrifice me.

Simula pa lang na isilang ako ni Mommy noon. Kapalaran ko na ang pangbayad utang.

That is the main reason why I run away from my family. Hindi ko matanggap noon na pangbayad utang lang pala ako. Noon, nasaktan ako sa aking natuklasan. I feel like they do not love me, especially my father. Ngunit nang marinig ko nang buo ang testamento, unti-unting nadudurog ang puso ko. I want to scream in front of my Mom and Attorney Ramos.

Napag-alaman ko na ayaw ni Daddy na pakialaman ang gusto ko sa buhay. Kaya pilit itong gumawa ng paraan noon na mamuhay ako sa buhay na gusto ko. He invests a new home for me and my mom. Ipinangalan nito sa akin ang maliit na property na iyon. Mom didn't know about it, si Daddy lang ang mismong may alam.

"Mrs. And Ms. Torres... Nakasaad rin dito sa testamento, kung kailan ito isisiwalat ay siya ring huling linggo ninyo sa bahay na ito."

Mom and I awe. Hindi kami parehong makapaniwala.

"B-bakit kailangan naming umalis dito?" tanong ko rito na puno ng pagtataka.

"Because this mansion belongs to the Harrison family, also the Torres Company, as well the other properties that are written under Mr. Raul Torres's name. Lahat ay pagmamayari na nang mga Harrison. Except for the house that he bought for his daughter— Aurora Torres..."

"Oh, God... H-hindi ko kayang umalis dito. Ija, I can't... Nandito lahat ng memories namin ng Daddy mo, nating mag-anak. A-ayaw ko." Nagsimulang lumuha si mommy, naaawang niyakap ko ito at inalo.

"Shh... Mom, calm down. G-gagawa ako ng paraan, promise. Hindi nila tayo mapapaalis dito sa sarili nating pamamahay. Okay, calm down, I am just here, okay?"

"Ija..." She burst out her tear.

"Atty Ramos. Alam ko na may iba pang option upang hindi mapapasakamay nila kahit man lang ang bahay na ito. Magbabayad ako, babayaran ko kahit itong bahay lang muna—"

"The 1st option is— you have to marry the only heir of the Harrison. Kung magpapakasal ka ay hindi na nila tuloyang aangkinin ang bahay na ito at mananatili ang 50% share ng Torres sa company. Kapag hindi ka makikipag-negotiate sa Harrison, then you have no other options kundi ang ipaubaya sa kanila ang lahat."

"W-wala na bang ibang paraan, attorney?"

Nagkibit-balikat itong umiling. "Wala na, Ija. Iyan lang ang tanging nakasaad sa kanyang ginawang testamento. Magpapakasal ka at inyo pa rin ang mga ari-ariang iniwan ng ama mo, o hindi ngunit walang matitira sa inyo. Anyway, it is your choice Aurora."

"Ilang araw ang palugit bago namin tuloyang lisanin itong bahay namin kapag hindi ako pumayag?"

"You only have a week to empty the house, Ija." Sagot nito sa akin.

Napakuyom ang kamao ko. "How can I talk the Harrison?"

"Anak, umalis na lang tayo—"

I stop my mom from talking. "No mom, this house belongs to us," humarap muli ako kay attorney. "Will you please schedule me an appointment with my father's business partner?"

He nods. "Of course. As soon as possible, Ija..."

_____

Ps. I hope you like this new update. Thank you for reading. Please, kindly drop some comment. :) 

Mga Comments (32)
goodnovel comment avatar
Ave Fanoga Catarroja
next ep pls
goodnovel comment avatar
Joselyn Benavidez
Nice story.
goodnovel comment avatar
Calista Dale
hula ko na si harrison ay ang nakabanggan ni aurora correct me if im wrong haha
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status