Share

Chapter 6: Harrison Meet-Up

Chapter 6

Harrison Meet-Up

MALALIM akong napabuntong hininga nang tuloyan na akong naipit sa trapiko ng katanghaliang tapat sa araw na iyon.

Oh, Gosh. Ngayon pa ba na may emportante akong lakad? It's not rush hour at bakit ganito na lang ang bagal ng usad ng mga sasakyan sa bahaging kalsada na ito?

Naiinis ngunit wala naman akong magagawa. I sighed and I placed my hand at my forehead waiting for the vehicle moved on.

Nang makalusot sa trapiko, binilisan ko na kaagad ang pagpapatakbo ko sa aking sasakyan. Sa aking pagmamadali hindi ko napansin ang isang kotse na siyang nag backing sa isang malaking establishment.

"Oh, shit..." Bigla akong napakabig ng malakas sa aking preno. Napapikit din ako ng may lumagabog sa unahan ng kotse ko.

"My God... Late na nga ako, nagkaproblema pa ako ngayon! Pambihirang kamalasan naman sa araw na ito." Napatampi ako sa aking noo habang nakatingin sa isang tao na bumaba sa kotseng nabundol ko.

What a trouble, Aurora. Hindi ka kasi nagiingat!

Bumaba na rin ako sa aking sasakyan. Habang nakatalikod sa akin ang lalaki naka business attire ay lumapit ako rito.

"I'm really sorry,"

"Look what you have done to my car!" Mariing pagkakasabi nito. Unti-unti itong humarap sa akin. "You drive fast, hindi mo man lang pinansin ang signal light—" he did not finish his words ng tuloyan na itong nakaharap sa akin.

My mouth awe. He looked familiar to me. Tumikhim ako ng makabawi ako na tulad nito.

"I'm really sorry. Nagmamadali kasi ako. Uhm," napatingin ako sa kotse naming dalawa kung saan may pinsala. "Ako na ang bahala sa damaged na nangyari sa sasakyan mo. I will give you my business card so that—"

"No need, kaya kong ipaayos ang sasakyan ko." May himig pagkainis sa boses nito.

"Eh—"

"Sir, ma'am," napatingin kaming pareho sa isang guard na lumapit sa amin.

Sinenyasan lang niya ito at sinabihang okay lang ang lahat. The guard went to his post again.

"Ako na ang sasagot sa gastuhin sa pagpapaayos ng—"

"Next time woman, be a responsible rider. No need to be hurry because you might hurt others even yourself. And did I tell you that I can manage my car?" Seryosong wika nito saka ako tuloyang tinalikuran.

Napatingin na lang ako nang umalis ito sa harapan ko at tumungo na sa kotse nito.

'Hmp! Suplado. Nag-sorry naman ako at willing ko naman bayaran ang napinsala ko sa kotse niya!' Bulong ko sa aking sarili.

"He is so familiar with me, saan ko ba siya nakita?"

Alam kong walang sasagot sa tanong ko kaya kumilos na din ako at bumalik na sa kotse ko. I drive again, but that time I make sure na hindi na ako nagmamadali at nasa tamang takbo na ako.

When I arrived at the Harrison five-star exclusive hotel, dumeretsyo na agad ako sa dine-in hotel na iyon. In-assist naman ako ng mga crews. And when they know that I have an appointment with Mr. Dimson Harrison, sinamahan nila ako sa table kung saan mismo nakapwesto ang may-ari niyon.

"Mr. Harrison?" Tawag ko sa isang lalaking may edad na nakaupo at nagbabasa ng newspaper.

Nagtaas ito ng paningin, when he saw me nagliwanag ang mga mata nito. Tumayo ito at humarap sa akin.

"So, you are Aurora Torres, am I right?" Tanong nito sa akin.

Tumango ako. "And also you are the business partner of my late father Raul, Sir?" Pagtatanong kong muli dahil kahit kaibigan at kasosyo pa ito ni Daddy ay hindi ko ito nakilala noon.

Ngumiti ito. "Yes, and your soon father-in-law. Nice meeting you, Hija." Inilahad nito ang kamay sa harapan ko.

Lumunok ako ng mariin. So, he is aware of why I am here— for the merging of our company to their company.

"Uhm, I apologize if na-late ho ako Sir. Naipit lang ako sa traffic."

"It's okay, Hija. I'm just here in a few minutes. So, sit down."

Tumango ako rito. "Thank you,"

Naupo na kaming dalawa na magkaharap. The Old Man put down the newspaper he was holding.

"Our lunch will be served soon."

"Hindi pa ho ako nagugutom—"

"They will serve one of the dishes you eat. At least, try it. Isa rin 'yon sa nasabi ng ama mo na paborito mo."

My heart softened upon hearing it. "Thank you."

"You are welcome." Huminga ito ng malalim saka tumikhim. "I'm sorry, if wala man ako o kami ng isa sa pamilya ko ang ummatend ng burial ng ama mo. Gustong-gusto ko man siyang dalawin ngunit nasa ibang bansa ako at sinamahan ang asawa ko na magpagamot." Tumango lang ako rito. "So, Hija. I know, you are aware now what is your dad's plans and I, right?" tumango muli ako rito. "I know, kakauwi mo lang galing sa iyong pagtalikod sa gusto ng ama mo."

Lumunok ako at huminga ng malalim. "I want our property back, Sir. Kahit yung bahay na lang kung saan naninirahan ang mga nagulang ko simula pa nang isilang ako." Tumango ito. "Spare it. Sa amin ang bahay na iyon. Babayaran ko kung sakaling hindi kayo papayag." Mariing pagpapahayag ko rito.

"I can give it to you anytime, Aurora. But— what do you want is not one of the options, Hija. Hindi 'yan ang napagkasunduan namin ng ama mo. Iba ang kasunduan namin."

Mariin ko itong tinitigan. "Yeah, of course, dahil ang gusto ninyo ay ipakasal kaming mga anak ninyo sa isa't isa."

"Exactly,"

"And it's against to me, siguro naman ay against rin ang anak ninyo sa gusto mong mangyari."

He nods. "Yes. But he has no choice. Dahil kung hindi siya sasang-ayon. Matatanggalan siya ng karapatan sa lahat ng ari-arian namin."

"Why?" lakas loob kong tanong rito. "What is your valid reason at gusto n'yo kaming ipakasal at itali sa isa't isa."

Ngumiti ito ng bahagya. "Raul is right. You have this kind of behavior, a stubborn one. Well, alam ko naman na ang pamilya ninyo ay hindi gahaman sa yaman naming mga Harrison. I know your dad very well, that's why I helped him build up his company again. In return, ikaw. Ikaw ang gusto ko para sa anak ko. I know, it sounds weird but if you are truly a business-minded malalaman mo agad kung bakit."

"How can you tell that, sa tingin mo hindi ko pagkakainteresan ang yaman n'yo? What if I am a digger. Paano kung kamkamin ko ang yaman mo sa pamamagitan ng anak mo?" I talked to him according to what I wanted.

"I know, you are not like that. Sa mundong ginagalawan ko. Alam ko kung sino ang manggagamit at kung sino ang hindi. As I told you, sigurado ako sa lahat ng desisyong ginagawa at pinaplano ko."

"Then, okay. I once accepted the offer kung ang mismong anak mo ang makakausap ko ukol sa kasal na gusto n'yong mangyari ni Daddy."

"Oh, you surprised me huh. Good, and do not worry," sumilip ito sa orasang pambisig. "My son will join us here right now."

"So, he is informed that I have this meeting with you?"

"No, wala siyang alam." Maikling sagot nito. "Oh, speaking— he's already here." Nakita kong lumagpas ang paningin nito sa bandang likuran ko."

"Dad,"

"Hijo," tumayo ito at nakita ko na lang ang paglapit ng isang lalaki sa tabi nito.

My eyes saw black leather shoes.  Umakyat ang mga mata ko at pinasadahan ang business suit nito hanggang sa nakita ko na ang kabuoang mukha nito.

Biglang nangunot ang noo ko, ganoon din sa lalaking nakatingin sa akin.

"Aurora, this is my son, Damien..."

Mairisian

Ps. Hello guys, I hope you enjoy this story. Stay tuned for the next update. Thank you. Please, heart react and dropped some comments. 😊

| 6
Mga Comments (5)
goodnovel comment avatar
Janet Reodava
ohh ... nagkita cla ulit .. destiny...
goodnovel comment avatar
Calista Dale
sabe na nga ba e siya yun lalaki nakabanggan niya sa ibang bansa and also dito sa pinas
goodnovel comment avatar
Tessie Hernandez
maganda exciting pa
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status