Blurring The Lines (Taglish)
Blurring The Lines (Taglish)
Author: Nekohime
Prologue

"Where's our Belle?! Tawagan niyo! Two hours na lang magsisimula na ang program."

"Tinawagan na namin, Pres. Pero ring lang nang ring."

"Huwag niyong tigilan! Alam naman niyang dapat maaga palang nandito na siya, tapos anong oras pa darating. Si Chianna talaga, bakit ngayon pa nagpa-late?”

Napailing-iling na lang ako habang nagkakagulo na ang mga kasama namin dito sa backstage. Siksikan na nga kaming lahat, tapos panay pa ang paglilikot nila. Lalo lang tuloy umiinit ang paligid. Halos lahat sila ay hindi na magkandaugaga sa pag-aayos ng mga props na gagamitin nila sa play mamaya at ang iba naman ay umuusal na ata ng panalangin sa kung sino-sinong santo. Humihiling na sana dumating na si Chianna, ang gaganap na Belle sa araw na 'to para sa stage play naming Beauty and The Beast.

Kasali ang section namin sa play kung saan kaming mga freshmen mula sa iba’t ibang department ang maglalaban-laban. Pinagdiriwang kasi ngayong buwan ng September ang ika-tatlumpu’t tatlong anibersayo ng Henris University, ang school namin. Everyone was nervous but excited at the same time for this play, kaso iyong pinakaimportante naming tauhan, wala pa rin hanggang ngayon. Hindi na tuloy sila nakapag-rehearse ulit.

Tumatagos na nga hanggang buto ko ang stress na nararamdaman ng mga kasama ko lalo na ang stress ng Presidente ng aming klase. Kanina pa niya sinasabunutan ang sarili habang napapapadyak pa. Sa loob kasi ng isang buwan, siya ang nanguna at namahala sa mga kaklase kong kasali dito sa play. Ako naman ay tumulong lang sa pagtatahi ng mga costumes nila.

"Jasmine!" tawag sa akin ni Zyra, ang President namin. Napakalakas ng boses niya kaya napatingin tuloy sa kanya ang lahat ng taong narito.

Napangiwi na lamang ako dahil ayaw kong tinatawag sa buo kong pangalan. Jazz na nga lang kasi. Mas cool kaya pakinggan.

"Ano na bang nangyari kay Chianna? Hindi pwedeng hindi siya sumipot. Masasayang ang pinaghirapan natin!" frustrated na sambit niya.

"Wait lang! Baka parating na 'yon. Hindi rin sumasagot sa tawag ko, eh."

Marahas na napabuntong-hininga na lang si Zyra sa narinig. This time, kinakagat-kagat na niya ang kuko at naglakad-lakad, paroon at parito. Girl, ako na ang nahihilo sa’yo. Bakit ba hindi na lang siya pumirmi muna sa isang tabi?

Hinanap na lang ng mga mata ko si James at natagpuan ko ito na nakasandal sa dingding ng backstage. Gaya ng ibang narito, hindi na rin maipinta ang mukha niya. Hawak niya ang cellphone at mukhang kanina niya pa rin hindi ma-contact si Chianna. Pare-parehas lang kami.

Bigla itong nag-angat ng tingin kaya napahawak ako sa dibdib kong malakas na kumabog. Hindi ko na magawang mag-iwas pa dahil nagsalubong na ang mga mata namin.

Nakontak mo na siya? he mouthed.

"Hindi siya sumasagot," tugon ko.

Napahilot na lang si James sa batok niya at sinubukan ulit tawagan si Chianna.

Nasaan na ba kasi ang gagang 'yon? Lahat kami nandito na, siya na lang talaga ang hinihintay. Bibihisan at aayusan ko pa naman siya. Ito talaga ang sakit ng babaeng ‘yon minsan eh, hindi siya punctual.

Matapos pa ang ilang sandaling katarantahan namin ay tila nabunutan kaming lahat ng tinik sa dibdib nang marinig namin ang masiyahang boses ni Chianna mula sa bukana ng backstage.

"Guys! Sorry, I'm late. May nangyari kasi."

Sabay-sabay kaming napalingon sa kinaroroonan ng kaibigan ko. Ang kapanatagan ng loob na naramdaman namin kanina ay biglang naglahong parang bula nang masilayan ang itsura nito. She was wearing a cast on her left leg as she walked towards us with her crutches. Lalapit sana ako para alalayan siya, kaso naunahan ako ni James.

"Anong nangyari sa'yo?! Bakit ka nagkaganyan?" tanong nito, bahagyang napataas pa ang boses.

"Nadulas kasi ako sa hagdan ng apartment namin sa pagmamadali ko. Namali ang bagsak ko kaya nabalian ako," Chianna explained that made us fell silent, well except for James.

"Bakit kasi hindi ka nag-iingat? Kita mo namang matarik ang hagdan doon sa apartment niyo. Paano na lang kung hindi lang pilay ang inabot mo?"

"Ayos lang naman ako. Huwag ka ngang OA diyan. Makakalad din ako after a week," natatawang sagot na lamang ni Chianna na sinundan niya pa ng mahinang paghampas sa braso ng huli.

Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa puso ko dahil sa paraan ng pagtitig ni James kay Chianna. His chocolate brown eyes were filled with so much affection and worry, only for her. And how I wish he would look at me like that, but I know, I was just wishing for the impossible.

Si Chianna ang mahal niya, eh. Ako naman, stuck sa friendzone.

"Makakapaglakad ka ba?" aligagang singit ni Zyra at sinuri ang kaibigan ko mula ulo hanggang. "Kaya mo pa namang mag-perform, no? Matatakpan naman ng mga susuotin mo ang paa mo, kaya hindi naman 'yan makikita."

"Kita mo na ngang injured, gusto mo pang mag-perform?" kontra ko.

"What should we do then?!" asik nito sa akin.

"Eh, 'di huwag na tayong sumali, tapos ang usapan!"

"No!" Zyra denied, glaring at me. "Nagpakapagod na tayo, tapos gusto mong huwag nang sumali? Nasaan ang consideration mo?"

Nagpanting ang mga tainga ko sa narinig kaya ginantihan ko rin siya ng mga matatalim na titig at namewang sa harapan niya. "Consideration?" I scoffed at her. "Big word, coming from you. Gusto mo pa ngang mag-perform si Chianna kahit kita mong nahihirapan maglakad ang tao, tapos hihingi ka sa akin ng konsiderasyon? Wow, naman! Lamunin mo 'yang consideration mo!"

“What did you say?!” bulyaw niya sa akin at ang mukha ay namula habang nagsasalubong na ang maninipis niyang kilay.

Gusto kong matawa sa mabalasik na anyo niya pero kinagat ko na lamang ang ibabang labi ko. Ang sarap talagang putukin ng fuse ng isang 'to. Asar-talo much. Susugod na nga dapat siya sa akin pero mabilis na napigilan naman siya ng dalawang kaklase naming lalaki.

"Bitawan niyo ko! Sasabunutan ko na talaga ang babaeng 'yan!"

"Bring it on!" Tinaas ko ang dalawang manggas ng suot kong oversized purple shirt na may naka-print pang mga salita na Love and Peace pero heto ako, naghahamon pa ng away. "Akala mo natatakot ako sa'yo? Wala akong pake kung Presidente ka ng klase natin o kahit Presidente ka pa ng Pilipinas. Hinding-hindi kita uurungan!"

"Sabi nang bitawan niyo ko!" angil ni Zyra sa mga pumipigil sa kanya. "Badtrip na badtrip na talaga ko sa babaeng 'yan. Namumuro na 'yan sa akin, eh!"

"Hoy, kumalma kayo!" suway ni Jeric, ang Vice President ng klase namin pero hindi namin siya pinakinggan.

"Mas badtrip ako sa'yo!" I shouted back at her. "Alam mo ba kung bakit? Masyado ka kasing mapapel! Masyado kang nagmamagaling. Ayaw na ayaw mong nalalamangan ng ibang department kaya ipipilit mo ang gusto mo. Hindi naman talaga dapat tayo sasali sa stage play na 'to, pero epal ka masyado. Ang galing mo kasi, ang galing-galing mo!"

"Shut up!"

"Bakit? Mahirap bang lunukin ang mga sinabi ko? Masakit ba sa pride mo?"

"Bwisit kang babae ka! Humanda ka talaga sa akin—"

"Enough!" James shouted abruptly making Zyra and I froze for a few seconds.

Nang lingunin namin si James, kapwa napalunok na lang kami ni Zyra nang masilayan ang madilim na anyo ng kaklase namin.

"Walang mangyayari kung mag-aaway kayo diyan. Dinadagdagan niyo lang ang sakit ng ulo ng mga kasama natin," litanya nito.

Nahihiyang napayuko na lang ako dahil sa inasal ko kani-kanina lang. Magalit na sa akin ang lahat ng tao sa mundo, huwag lang si James.

"Pasalamat kayo wala si Sir Mercado, kundi sa detention ang bagsak niyong dalawa," pananakot ni Leila sa amin. Hawak niya ang naka-rolyo na script ng play na siyang ginamit niya para mahinang pukpukin kami sa ulo.

Nanahimik na lang kami ni Zyra at nagpasyang maglaban na lang sa pamamagitan ng pagpukol ng masasamang sulyap sa isa't isa.

"Kayo naman, guys! Chill nga lang kayo!" sabat ni Chianna na may pagpalakpak pa ng mga kamay upang makuha ang atensyon namin. "Hindi pa naman end of the world, kaya huwag na kayong magtalo diyan. May naisip na rin naman akong paraan para makasali pa rin sa stage play kahit hindi na ako kasama."

"How?" We all asked in unison.

Chianna instantly pointed at me while grinning. "Ayan, si Jasmine. Ang ating hero for the day. Siya na ang gaganap kay Belle. Papalitan niya ako."

"Ano?! Nagbibiro ka ba?!" sabay na bulalas namin ni Zyra. Napatingin ulit kami sa isa't isa saka napairap.

"I'm not kidding! Look at me." Chianna made a blank face. "I'm serious, 'di ba?"

"Ayoko! Hindi ko naman alam ang gagawin. Baka magkalat lang ako sa stage!"

Lumapit si Chianna sa akin at nagpunta sa likuran ko. Minasahe niya ang mga balikat ko habang inuuto-uto pa ako. "Kaya mo 'yan. Napapanuod mo naman kami kapag nagpa-practice, 'di ba? Saulo mo nga ang mga lines ko, eh. Tapos maalam ka rin pagdating sa mga blockings." Sinuklay niya ang lagpas balikat kong buhok gamit ang mga daliri. "I really love your natural waves, bagay na bagay sa role ni Belle."

"Chianna, tigilan mo ko! Hindi mo ko madadaan sa mga bola mo!"

Nagtungo siya ulit sa harapan ko at seryosong pinagkatitigan ako. "Hindi kita binobola. You're beautiful. Mas bagay sa'yo ang role ni Belle kaysa sa akin. The role was made for you kaya pumayag ka na, please? Promise, after this play, ililibre kitang Moo."

"Hindi ako mahilig sa Moo. Ikaw lang ang may favorite niyan," I said flatly.

"How about ube ice cream? Favorite mo 'yon."

Marahas na umiling ako. "No. Huwag mo akong suhulan. Hindi uubra."

"Sige na, pumayag ka na. Sayang naman ang effort ng buong klase natin," singit ni James sa pakikipag-deal ni Chianna sa akin. Nginitian pa ako nito kaya naman 'yong paninindigan ko ay unti-unting gumuho.

"Sige na Jazz! Pumayag ka na! Sayang naman 'tong pinaghirapan natin. Mauuwi lang sa wala," pangongonsensya pa ng mga kaklase namin.

"Zy," bumaling si Chianna kay Zyra. "You want this play to push through right? Okay lang naman na sa'yo na si Jazz na ang pumalit sa akin, 'di ba?"

"No problem," matabang na sagot ng huli.

"Yey! Thank you, Zy! And I'm sorry for causing you some trouble."

"It's okay. You're injured. You should take a rest," sabi na lang ni Zyra.

Nilingon ulit ako ni Chianna habang nangingislap ang mga mata. "Ikaw na si Belle, ha?"

"Hindi pa ako pumapayag."

"We need you, Jazz. Please?" James begged using his most gentle voice.

At ako naman ay marupok pagdating sa love of my life ko. Lihim na napangiti pa ako dahil pakiramdam ko, ang importante ko.

"You don't need to beg, James. Sige na, ako na ang papalit kay Chianna. Ako na ang gaganap na Belle."

Umaliwalas naman ang mukha nilang lahat dahil sa narinig. May mga nagpalakpakan pa nga na akala mo naman ay nanalo na kami. Si James naman ay lumapit sa akin para bigyan ako ng mahinang tapik sa balikat.

"You can do it!"

Napakamot ako sa ulo ko. Napasubo ata ako.

***

Kanina pa ako hindi mapakali at panay hugot ko ng malalalim na buntong-hininga. Namamawis din ang palad ko at ang lakas-lakas ng tibok ng puso ko na parang tatakas na ito palabas sa dibdib ko anumang oras. Gusto ko na lang umatras at umuwi na kaso kami na ang susunod na sasalang sa stage.

Nakakainis ka talaga, Jasmine! Bakit ba kasi ang hina-hina mo kapag si James na ang humihingi ng pabor sa'yo? Now, you're in trouble. Goodluck naman sa'yo.

"Kinakabahan ka?" tanong ni James na nakatigil pala sa harapan ko.

Bahagya akong nag-angat ng tingin para pagmasdan siya mula ulo hanggang paa. He was now wearing his costume which composed of a royal blue jacket with bright gold trim, white neckchief, blue pants, a white pair of gloves and black shoes. Napakagwapo!

Pasimple tuloy akong nagbaba ng tingin para ma-check din ang ayos ko. Suot ko ang peasant dress ni Belle na white 3/4 sleeves ang nasa ilalim at blue bodice dress ang nakaibabaw. May nakataling puting apron sa bewang ko at itim na ballet shoes naman ang suot ko sa paa. Iyong buhok ko, nakatali into half ponytail gamit ang isang blue ribbon.

"Inom ka muna. Baka matuyuan ka ng lalamunan," alok ni James at inabutan ako ng isang bote ng tubig. He was holding his furry Beast mask on his other hand.

"Thanks," I smiled at him.

Ito ang isang bagay na gusto ko sa kanya. Kahit palagi kaming nagbabangayan na parang aso't-pusa, he still cares for me. Of course, it's because I am one of his trusted friends.

Nothing more, nothing less.

"You look good today," sambit nito kaya nagwala na naman ang puso ko.

"Today lang talaga?” ismid ko.

"Maganda ka," giit niya na sinundan ng mahinang pagtawa. "Uy, papalakpak na tainga niyan.”

“Heh! Cute lang ako. Iyong maganda, si Chianna na ‘yon.”

“Parehas naman kayong maganda."

"Thanks," I mumbled inaudibly.

On the contrary, I hate it when James was being so nice and sweet to me. Mas lalo lang kasi akong nahuhulog sa kanya at nakakapanlumong isipin na hindi naman niya ako sasaluhin kahit pa talunin ko ang malalim na bangin sa pagitan namin.

I really need to put a safe distance between us so I won't get hurt in the end.

But who am I fooling?

So many times, I tried to put all my feelings for James inside a box and close the lid firmly, but to no avail. It kept flying out. I wish I could erase it, but I can't.

In love na in love ako sa kaibigan ko. Pero tanggap ko naman na walang patutunguhan 'to.

"Hey!" James called out, snapping his fingers in front of my face, pulling me out from my reverie.

"Bakit?"

"Get ready. Tayo na ang susunod na magpe-perform." Itinuro niya ang entablado at nakita kong nagbababaan na ang naunang grupo. Nasa taas na rin ang ilan sa mga kaklase ko at inaayos nila ang mga props na gagamitin.

Ilang sandali pa ang lumipas, umakyat na sa stage ang lalaking nagho-host sa contest na 'to. Dumaldal ito nang dumaldal pero hindi ko maintindihan ang sinasabi nito. Masyado akong tensyonado kaya walang napasok sa utak ko. Hanggang sa hindi ko na namalayan, natagpuan ko na lamang ang sarili ko sa gitna ng entablado.

Parang may tumatambol sa puso ko dahil sa lakas ng pagdagundong nito. Napakaraming tao sa loob ng auditorium at lahat sila nakatutok ang atensyon sa akin. Bumuka ang bibig ko para bigkasin ang unang linya ng kakantahin ko, pero tila napipi ako.

Sa scene one kasi, kailangan kong kumanta pero nabablanko ako.

I looked around to ask for some assistance and there I saw Chianna, sitting right in front of the stage, mouthing some encouraging words.

You can do it!

Umiling-iling ako habang tikom ang bibig. Nakukusot na ang laylayan ng apron na suot ko dahil ang higpit ng hawak ko dito.

Hindi ko kaya! Ayoko na!

"Jazz, come on! Don't space out!" bulong ng mga kasama ko sa stage. Pero kahit anong sabihin nila, nakalipad na ang utak ko sa kung saan.

"Jazz! Kaya mo 'yan!" sigaw ng isang boses na nanggagaling sa gilid ng stage na natatakpan ng kurtina.

Bahagya akong kumalma nang masilayan kong nakasilip doon si James.

I didn't want to disappoint him and everyone else, so I close my eyes as I clasped my both hands in front of my chest, relaxing a little bit. Nang magmulat ako, ngumiti ako kina Chianna at James bago magsimulang kantahin ang unang stanza ng character song ni Belle.

Little town, it's quiet village

Everyday like the one before

Nagsimula akong maglakad-lakad sa malawak na stage na nagmukhang maliit na village sa France dahil sa mga props namin. Villagers, then, began to enter the stage as I sang my lines. Palakad-lakad din sila sa stage at sinasalubong ako na may matamis na ngiting nakapaskil sa labi. They were my classmates dressed as aristocrat lady, egg vendor, baker, sausage girl, and fish vendor.

Everyone was immense with their role that I found myself enjoying our play. There were times that I kept on making mistakes and forgetting my lines, but my classmates were quick enough to save me with their adlibs, especially James.

And now, we were already in the part where James as the Beast got stabbed in the back by Gaston played by Jeric.

The Beast staggered, collapsing on the ground and I immediately ran to his aid.

"Belle...I," he called out in a weary voice. He was lying in my arms while I was gently holding his hand.

"Y-yes?" I responded, crying. Masyado akong nadadala sa eksena kaya naging natural na lang ang pag-iyak at paggaralgal ng boses ko.

James slowly closed his eyes and I kept on wailing so loud.

"No! No! Don't leave me!" I throw my lines, as if I was really in despair and stilled for a moment when I realized what will happen next.

Kissing scene!

"I love you," I said blatantly with all the courage I could muster while caressing his cheek.

I don't know if that I love you was for the Beast because right now, I am his Belle or maybe it was really my heart talking, confessing my feelings to James, who was obviously not aware of it.

I could feel my heart thundering inside my chest as soon as I leaned down. Kiss him on the lips—that was on the script and it kept flooding my head.

Gagawin ko ba o hindi?

I held my breath when I realized our close proximity. Bumalik na naman ang pagkablanko ng utak ko at unti-unting lumalabo ang mga tao sa paligid.

"Kiss! Kiss!"

"Kiss na!"

"Dapat tunay, ha!"

Malakas na naghiyawan ang mga estudyanteng nanunuod, kaya naman lalo akong natataranta. Para matapos na ang lahat, huminga ako ng malalim at nagpasyang halikan na lang si James…sa pisngi.

Nag-ingay ulit ang mga nanunuod sa amin dahil sa ginawa ko, pero puro pagkadismaya ang lumalabas sa bibig nila. Pasimple namang dumilat si James at nag-thumbs up ito sa akin. Tipid na ngumiti na lamang ako.

Nang matapos ang pagtatanghal namin, luminya kami ng mga kasama ko at magkahawak ang kamay na humarap kami sa mga nanunuod. Sabay-sabay kaming yumuko bilang pasasalamat sa kanila.

"Chianna!" Kumaway-kaway si James sa tabi ko. Napakaaliwalas ng mukha nito habang nakatingin kay Chianna.

And in that moment, I could feel my heart sinking to the ground. Mula kanina, hanggang matapos ang play, panay ang sulyap ni James kay Chianna kahit ako ang kaharap niya.

Hindi naman masyadong masakit. Parang kagat lang ng dinosaur.

Letseng one-sided love ‘to. Ako ang kasama niya, pero iba ang hinahanap niya. Ako ang nasa tabi niya, pero sa iba siya nakatingin. He was my Beast, but I guess, I will never be his Belle. It will always be Chianna.

Even if I tried to voice out my feelings, I'm sure it would never reach him.

They said that 98% of people have suffered from unrequited love, at one time or another. And I, Jasmine Ferreira is part of that 98%.

This one-sided love hurts like hell. I wonder how long will I suffer?

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status