Hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng espesyal na kakayahan.
Nabibilang lang sa mundo ang nagtataglay nito.
Nasa sa iyo na nakadepende kung gagamitin mo ito sa kasamaan o kabutihan ngunit... bakit ako pa?
Bakit ako pa ang napili na magkaroon ng isang pambihirang kakahayaan?
"Number 056. Ikaw na ang sunod!" sigaw ng babae.
Agad akong tumayo at ngumiti. Inayos ko ang aking damit at postura sa pagtayo bago pumasok sa loob.
"Good day, sir," bati ko rito nang makapasok.
Dali-dali akong umupo at saka hinintay siyang magsalita.
"Pangalan?" tanong nito.
"You're." Ngiting wika ko.
Kinakabahan ako ngunit pangiti-ngiti lang ako.
Hindi ko alam kung bakit ko naisipan ang ganitong bagay kung kailan seryoso dapat ang lahat!
"Apilyido?" Ngunot-noo na tanong niya.
"Hired," saad ko sa kaniya.
He titled his head. "You're hired?"
"Thank you, sir!" Ngiting sigaw ko rito at saka natawa.
Nang makitang seryoso ang mukha niya ay dali-dali kong inayos ang pagkakaupo at saka nag-peace sign sa kaniya.
"Naisipan ko lang po kasi na magbiro, tutal masyado kayong seryoso." Kamot-batok na wika ko.
Naku! Sana naman ay tanggapin pa rin ako kahit na ganito ako dahil malilintikan ako kay Mama kapag umuwi na naman akong hindi tanggap sa trabaho!
Saglit itong natigilan at saka iling-iling na napangiti na dahilan upang makahinga ako nang maayos.
"That's a good joke and you succeed in taking things that are not serious but you're here to take a job, not to make jokes," seryosong wika niya.
Napatango-tango naman ako.
Gusto ko lang naman siya patawanin, kailangan pa talaga akong pagalitan? Alam ko naman 'yon pero huwag na niya ipamukha pa sa akin.
"I'll give you a 2nd chance," he said.
Hindi ako sumagot at tanging tango lang ang ginagawa ko.
Ang hirap ng magsalita! Pakiramdam ko ay kapag nagsalita pa ako ay tuluyan na akong hindi tatanggapin.
He looked at me with his serious eyes. "What's your name?" he asked.
"Averill Mae Fuentes," wika ko rito.
"What college degree did you finish?" he asked again.
"Bachelor of Science in Tourism Management," wika ko sa kaniya.
Napatango-tango naman siya habang nakakunot ang noo.
"Uh-huh," wika nito habang may sinusulat.
Hindi na ako magtataka kung bakit ganoon ang ekspresiyon niya.
Tinapos ko ang BSTM para sana mag-flight attendant ako kaso hindi pa iyon matutuloy dahil sa mahal ng flight attendant training.
Hindi pa ako pwede maging isang F.A kung hindi pa ako nakakapag-training kaya heto ako ngayon, naghahanap ng trabaho upang makapag-ipon.
"Tell me something about yourself," wika nito.
Tumikhim ako. "I'm 24 years old and still living with my parents. My profession is to become flight attendant but it might change once I experience being a call center agent."
Napatango-tango ulit siya.
Nadilaan ko na lang ang aking labi dahil nanunuyo na ito sa lamig dito.
Hindi naman kasi kami in-inform na aircon pala sa loob!
'Tsaka puro siya tango-tango, hindi ba nangangalay ang ulo niya?
Marami pa siyang tinanong mula sa akin at lahat naman iyon ay nasagot ko.
Handang-handa yata ako pagdating sa mga ganito, 'no! Kaso nga lang, dahil sa kapilyuhan ko... agad-agad akong nare-reject kahit na hindi pa nasisimulan ang interview sa akin.
"Thank you for your cooperation. Week for now, you'll know if you're hired or not," he said.
"How would I know, sir? Should I visit here again?" I asked.
He shook his head. "You can visit our F******k page."
"Thank you, sir," wika ko rito at saka lumabas na.
Paglabas ko ay isang malakas na buntong hininga ang nilabas ko.
Jusko! Nakaka-pressure naman 'yong mga tango-tango niya.
Sana talaga matanggap na ako dahil hindi ko na alam kung saan pa ako sunod na mag-a-apply ng trabaho dahil lahat na yata ng kumpaniya ng call center sa lungsod namin ay nasubukan ko na.
Pumara ako ng isang jeep at saka nagbayad.
"Saan 'to?" tanong ni manong.
"Sa Biñan po," wika ko rito.
Nakita ako sa Biñan, Laguna kaya 'wag na kayong magtaka kung bakit paboritong-paborito ko ang puto.
"Para po," wika ko at agad na bumaba.
Konting lakad na lang mula sa kantong ito ay makakarating na ako sa bahay namin.
"Hi, manang!" bati ko sa kaniya nang makita ko siya.
Siya ay isa sa mga nagbebenta ng prutas sa kanto namin.
"Hello, ganda," bati rin sa akin nito pabalik.
Ngumiti na lang ako sa kaniyang sinabi.
Kahit na anong pilit ko sa kaniyang huwag ako tawagin na 'ganda' ay ayaw din niya tigilan kaya hinayaan ko na lang.
Nang makarating ako sa bahay namin ay agad kong binago ang aking ekspresiyon ng aking mukha.
It's prank time!
Pagpasok ko ng bahay ay dala-dala ko ang ekspresiyon na tila binuhusan ako ng sandamakmak na problema sa mundo.
"Oh? Ano 'yang mukha mo?" Ngunot-noo na tanong ni Mama.
"Ma—"
"Hindi ka na naman tanggap sa trabaho? Jusko! Ano na lang ang magiging future mo kung hindi ka laging natanggap?" mabilis na tanong ni Mama.
Lumapit ako sa kaniya para yakapin sana siya ngunit agad din siyang lumayo.
Alam na alam niya talaga ang teknik ko! Alam niya kasi na kapag nilambing ko siya ng kaunting yakap ay kakalma na siya.
"Bente kwatro anyos ka na, Averill! Jusmeyo. Ayos-ayusin mo 'yang buhay mo kung ayaw mo talaga mapalayas sa bahay na ito," wika pa nito habang naghahanda ng plato para sa gabihan.
Kahit na hindi nakatingin sa akin ay tuloy-tuloy pa rin ang kaniyang pagra-rap. Ganiyan ang Mama ko! Dakilang rapper ng bahay namin.
Agad naman pumasok si Kuya galing sa trabaho.
"Bakit na naman nagra-rap si Mama?" Ngunot-noo na tanong niya sa akin ngunit bago pa ako makasagot ay agad akong inunahan ni Mama.
"Ano pa ba?" sarkastikong tanong din niya kay Kuya. "Iyang kapatid mo kasi, pagsabihan mo nga! Hindi ko alam kung ano bang klaseng ka-walang hiyaan ang mga sinasagot niya sa interview ng mga kumpaniya."
Natawa naman si Kuya at saka nilapitan si Mama. "Ma, normal lang naman 'yon. Malay mo hindi talaga para kay Avi ang propesyon ng isang call center agent."
"Oo nga, Ma." Ngusong wika ko naman.
"Ano namang magagawa ko? Wala naman tayong sapat na pera para mapa-training siya," sabi niya sa mahinahon na salita.
"Ako na po ang bahala roon," wika ni Kuya.
"Ikaw, Averill. Huwag mo lang talaga sayangin ang pera na ginastos ko sa iyo sa pagpapa-college mo, ha! Umayos ka," pahabol pa nito na tinawanan lang naming dalawa ni Kuya.
Pumunta ako sa kwarto at saka nagbihis. Paglabas ko ng banyo ay halos mapatalon ako sa gulat nang bumungad sa akin si Shi no Tenshi... isang grim reaper.
"Ano ba?! Pwede ba kung darating ka ay magsabi ka sa akin, para naman hindi ako magulat," wika ko rito.
He chuckled. "Gusto lang naman kitang surpresahin."
"E 'di, congrats! Nagtagumpay ka sa pang gugulat mo sa akin," sarkastikong saad ko sa kaniya.
Napakamot naman siya dahil sa aking sinabi.
"Kumusta ang halos isang linggong paghahanap ng trabaho?" tanong niya.
"Heto—"
"Base sa boses ng Mama mo ay mukhang hindi ka na naman yata natanggap, ah? Abot na abot kasi ang boses ng Mama mo sa kanto kaya rinig na rinig ko kahit na hindi pa ako nakarating dito," paliwanag pa niya na may halong pang-aasar.
Napa-poker face naman ako dahil sa kaniyang sinabi.
"Ewan ko sa iyo! Hindi mo pa nga pinapatapos ang aking sasabihin, e! Maghanap ka na lang kaya ng kaluluwa para naman ay may ambag ka rin," sigaw ko sa kaniya.
Natawa naman siya dahil doon.
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing pupunta siya rito ay una niyang gagawin ay inisin ako!
Sarap niyang tirisin, e. Kung pwede lang.
"Ano ba kasi ang sasabihin mo?" tanong nito.
"Che! Bahala ka riyan," masungit na wika ko at saka marahas na binuksan ang pinto ng kwarto at bumaba para kumain.
Narinig ko pa ang sigaw ng aking pamangkin. Anak ng Ate ko.
"Lola, may kausap na naman po si Tita Vivi sa kwarto," wika nito.
Napangiti na lang ako dahil sa cute ng boses nito.
She's 3 years old.
"Seya, hayaan mo na lang ang Tita mo, okay?" wika sa kaniya ni Mama.
"Pero Lola, nakita ko po si Tita Vivi na walang kausap, e..." bulong ng bata nang makita na pababa na ako ng hagdan.
Kahit na bumulong siya ay dinig na rinig ko pa rin ang kaniyang sinasabi.
"Mayroon siyang kausap, okay? Nasa cellphone," pagsisinungaling ni Mama.
Tumango-tango naman si Seya. "Katulad po ba ng pag-uusap naming dalawa ni Daddy? Sa cellphone lang po?"
"Oo, ganoon na nga," wika ni Mama sa kaniya.
Nang tuluyan na akong makababa ay agad kong nilapitan si Seya.
"Nasaan ang yakap ni Tita, Seya?" tanong ko sa kaniya.
Dali-dali siyang bumaba mula kay Mama at saka niyakap ako.
"Na-miss po kita, Tita Vivi," wika niya sabay halik sa aking pisngi.
I pinched her nose. "Ay, sus! Marunong ka nang mambola, ha?"
Natawa na lang ang bata sa aking sinabi.
"Kain na tayo," wika ni Mama.
Sa gitna ng aming pagkain ay napatikhim ako kaya lahat sila ay nalipat ang mata sa akin."May gusto ka ba sabihin?" tanong sa akin ni Ate.Uminom muna ako ng tubig bago magsalita."Sa susunod na linggo ko malalaman kung pasok ba ako o hindi. Na-interview ako kanina," wika ko.Natahimik naman sila sa aking sinabi."Sana sinabi mo kanina nang mas maaga, e 'di sana hindi na ako nagsayang pa ng laway," pagpapagalit sa akin ni Mama.Napasimangot naman ako sa kaniyang sinabi."E, pinutol mo ang aking sasabihin kanina," saad ko."At sumasagot ka pa?" pagbabanta sa akin ni Mama habang nanlalaki ang mga mata kaya mas lalo akong napasimangot.Ayaw na lang aminin na nagkamali rin siya, e! Sobrang taas naman kasi ng pride ni Mama.Natigil lang sa pagsigaw sa akin si Mama nang sawayin siya
Nagising ako dahil sa rap ng aking mahal na Nanay."Tanghali na, Averill Mae Fuentes! Pero ikaw ay nakahilata pa rin. Ano? Mayaman?! Gumising ka na riyan," wika nito.Napatakip na lang ako nang mata nang buksan niya ang kurtina.Agad akong nagtaklob ng kumot para makatulog ulit."Wah!" sigaw ko nang hilahin niya pababa ang kumot."Gumising ka na, señorita. Tanghali na. Gumising ka na kung ayaw mong buhusan kita ng malamig na tubig," sarkastikong wika niya sa akin."Ma!" sigaw ko sa kaniya."Alas diyes na ng umaga, Mae!" sigaw nito.Wala na akong nagawa pa kun'di tumayo kahit na labag sa loob ko dahil kapag tinawag niya ako sa pangalawang pangalan ko ay alam kong galit na talaga siya.Halos hindi nga yata ako nakatulog dahil sa bwisit na multo na nanggulo sa akin kagabi, e!
Nagising ako nang may dumampi sa aking mukha na kung ano. Pagtingin ko ay isang nahulog na dahon.Nakatulog pala ako...Pagtingin ko ng oras ay nanlaki ang aking mga mata.Alas dos na ng hapon?!"Nalintikan na, oh," bulong ko sa sarili.Napakamot na lang ako sa aking buhok.Sigurado kasi ako na bunganga na naman ni Mama ang bubungad sa akin!Dali-dali akong nagpara ng tricycle para makauwi agad.Lagot talaga sa akin mamaya si Tenshi! Ni hindi man lang ako ginising at hinayaan pa ako matulog."Saan, miss?" tanong ng driver."Sa kanto lang," wika ko rito."Ay, may aksidenteng nangyari roon pero may iba pa namang daan," saad niya.Nangunot ang noo ko. "Hindi na. Ayos lang, ide-deretso mo na lang."Utot mo! Akala sigur
Isang linggo na ang nakalipas at ngayon na ang araw para makita kung nakapasa ba ako sa interview. Katabi ko sina Mama at Ate at sabay-sabay na humihiling na sana ay nakapasa ako. Gusto ko man tumawa dahil sa sitwasyon ni Mama ngunit hindi ko magawa dahil mas pinangungunahan ako ng kaba. Paano ba naman kasi ay dala-dalawa ang hawak niyang rosaryo tapos tuloy-tuloy pa ang pagdadasal kaya mas lalo akong kinakabahan dahil sa kaniya. "Ayan na!" sigaw ko nang lumabas ang isang notification sa aking laptop. Isa-isa kong tinignan ang mga pangalan ngunit ganoon na lang ang pagkadismaya ko nang hindi makita ang aking pangalan na nakalagay roon. Niyakap ako ni Mama. "Ayos lang 'yan, 'nak." Tumango-tango na lang ako at sinubukan pa rin ngumiti kahit na sobrang lungkot ko ngayon. Nagtaka ako dahil may lumabas ulit
"Anong kailangan mo?" tanong ko sa gwapong nilalang este multong ito."Nakikita mo 'ko?!" gulat na tanong niya.Napa-roll eyes na lang ako at pagkatapos ay napabuntong hininga."Hindi ba halata?" tanong ko rin sa kaniya.Hindi ko alam kung bakit iyon mismo ang laging tinatanong sa akin ng mga multo sa tuwing kakausapin ko sila. Like, hindi ba obvious na nakikita ko kayo? Hindi ko naman kayo kakausapin at papansinin kung hindi ko kayo nakikita.Nang hindi siya tumugon ay napaunat-unat na lang ako ng aking katawan."Alam mo, umuwi ka na. Bago pa magbago ang isip ko na ibigay ka kay Tenshi," bored na wika ko at nagsimulang maglakad ulit."Sino si Tenshi?" Agad akong natigilan sa paglalakad nang marinig iyon mula sa kaniya.Napatingin ako rito at pagkatapos nangunot ang aking noo. Pinakatitigan ko pa siya mula ulo hanggang paa."Multo ka ba talaga?!" nagtatakang tanong ko sa kaniya.Impos
Gaya ng inaasahan ay madaling araw na naman ako nakauwi. At habang naglalakad sa tahimik na kalsada ay hindi ko maiwasan na mapaisip sa lalaking multo na lumapit sa akin kahapon."Nandito pa kaya siya?" tanong ko sa sarili.Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa aming bahay.Napabuntong hininga naman ako."Mabuti naman at hindi na nangulit pa ang multong 'yon," bulong ko sa sarili."Ah!" sigaw ko nang bigla na lang lumitaw sa kung saan si Shi no Tenshi."Sinong multo?" tanong niya.Napukpok ko ulit siya sa kaniyang ulo dahil sa panggugulat sa akin."Aray!" sigaw rin nito."Alam mo, dahil sa iyo nawawala antok ko," sarkastikong sabi ko sa kaniya pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto ng bahay.Napapikit na lang ako nang harangin niya ang ak
"Kumain ka muna bago ka umalis," saad sa akin ni Ate at saka lumabas ng kwarto.Sinundan ko naman siya sa kaniyang paglabas habang ako ay nagsusuklay."Salamat, Ate, pero baka ma-late pa ako. Sa kumpaniya na lang ako kakain," sagot ko sa kaniya."Anong oras ba break time niyo roon?" tanong niya sa akin."10 pm," sagot ko."Oh, matagal-tagal pa pala kaya dapat lagyan mo muna ng pagkain 'yang tiyan mo," saad niya sa akin."Ayos lang ako, Ate," pagpupumilit ko pa.Napabuntong hininga na lang siya dahil wala na siyang magagawa pa sa kakulitan ko.Hinalikan ko sa pisngi si Ate bago umalis sa bahay at saka kinawayan siya.Pinitik ko ang aking kamay paglabas ko sa gate ng bahay para tawagin si Shi no Tenshi.Gaya ng inaasahan ay agad din siyang lumitaw mula sa kung saan."Pwede ba mag-request?" bulong kong tanong sa kaniya."Ano naman 'yon?" tanong niya."Bantayan mo muna At
Averill's POV:Matapos ang pormal na pagpapakilala sa isa't isa ay sabay kaming dumiretso sa bahay.Bago ko pa buksan ang pinto ay natigilan ako at napatingin kay Silas."Bakit? May problema ba?" tanong niya sa akin.Napailing-iling na lang ako bilang sagot. Sana lang ay wala ngayon sa kwarto ko si Shi no Tenshi dahil may gusto pa akong sabihin kay Silas na hindi ko nasabi kanina...Pabukas ko ng pinto ay agad kong naamoy ang luto ni Mama."Ma, nandito na ako," sabi ko dahil ayaw kong magulat siya kapag lumabas siya sa kusina.Nilapag ko muna sa sala ang bag ko at saka agad na nagtungo sa kusina. Napangiti naman ako nang matapos makita roon si Mama.Niyakap ko siya nang patalikod ngunit agad din akong natigilan nang sikuhin niya ako kaya napasimangot naman ako."Nagluluto ako, Averill," aniya."Sige, Ma," sabi ko at akmang lalabas na ng kusina nang matigilan dahi