Share

Chapter 6

"Anong kailangan mo?" tanong ko sa gwapong nilalang este multong ito.

"Nakikita mo 'ko?!" gulat na tanong niya.

Napa-roll eyes na lang ako at pagkatapos ay napabuntong hininga.

"Hindi ba halata?" tanong ko rin sa kaniya.

Hindi ko alam kung bakit iyon mismo ang laging tinatanong sa akin ng mga multo sa tuwing kakausapin ko sila. Like, hindi ba obvious na nakikita ko kayo? Hindi ko naman kayo kakausapin at papansinin kung hindi ko kayo nakikita.

Nang hindi siya tumugon ay napaunat-unat na lang ako ng aking katawan.

"Alam mo, umuwi ka na. Bago pa magbago ang isip ko na ibigay ka kay Tenshi," bored na wika ko at nagsimulang maglakad ulit.

"Sino si Tenshi?"

Agad akong natigilan sa paglalakad nang marinig iyon mula sa kaniya.

Napatingin ako rito at pagkatapos nangunot ang aking noo. Pinakatitigan ko pa siya mula ulo hanggang paa.

"Multo ka ba talaga?!" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Imposible na hindi niya kilala si Shi no Tenshi dahil kapag humiwalay na ang iyong kaluluwa sa iyong katawan ay awtomatiko na kilala mo na kung sino ang susundo sa iyo at iyon ay ang mga grim reaper.

"Multo na ba ako?" tanong din nito sa sarili.

Napatampal na lang ako ng noo.

"Alam mo, sinasayang mo lang talaga oras ko," sabi ko rito at pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na ulit ako sa paglalakad.

Napahilamos na lang ako sa aking mukha nang maramdaman na sumusunod pa rin ito sa akin.

Padabog ko siyang hinarap.

"Ano bang kailangan mo sa akin?" Inis na tanong ko sa kaniya.

"Tulungan mo 'ko," sagot niya.

"Pasensya na. Hindi kita matutulungan. Grim reaper lang ang tanging makakatulong sa iyo," tugon ko sa kaniya, pagkatapos ay tinalikuran ko ulit siya.

Nanlaki ang aking mga mata nang hawakan niya ako at sapilitan na iharap sa kaniya.

"Tulungan mo 'ko na hanapin ang katawan ko," saad pa nito.

Imbes na magpokus sa kaniyang sinasabi ay mas nagpokus ako sa kamay niyang nasa braso ko.

Agad kong winaksi ang kaniyang kamay.

"Hindi nga kita matutulungan!" sigaw ko rito at saka dire-diretsong tumakbo papunta sa bahay.

Nanginginig ko nilabas ang susi sa bag at halos hindi ko ito ma-shoot sa butas dahil sa panginginig.

Mabuti na lang at pinagbuksan ako ni Mama ng pinto.

"Ano bang nangyayari sa iyo?" Nagtatakang tanong ni Mama.

"Wala po, Ma," sagot ko.

"Wala, e, halos namumula ka at nanginginig ka?" Nagtatakang tanong pa rin niya.

Umiling-iling na lang ako.

H*****k ako sa kaniyang pisngi at pagkatapos ay patakbo akong umakyat sa aking kwarto.

Mabilis kong hinagis ang sarili sa kama at napatingin sa braso na hinawakan ng lalaking multo na iyon.

Iyon ang unang beses na may humawak sa akin na multo at may hinawakan akong multo.

"How could that be possible?" I asked to myself.

Akala ko ay hindi ako pwedeng hawakan ng mga multo pwera na lang kung ang intensyon nila ay ang manakit...?

Agad kong nilabas ang kwintas na binigay sa akin si Tenshi at tinawag siya.

"Anong kailangan mo?" tanong niya sa akin.

"Sa tingin ko ay humihina na ang proteksyon ng kwintas na ito," seryosong sagot ko sa kaniya.

"Paano mo naman nasabi?" tanong din niya sa akin.

I gulped. "Wala..."

"May nangyari ba na ayaw mo ipaalam sa akin?" tanong nito.

Umiling-iling ako. "Pagod lang siguro talaga ako."

He just ruffled my hair and then disappeared again.

"Why I didn't said the truth...?" I murmured and asked myself.

Lulutasin ko ito na ako lang mag-isa, iyon ang sisiguraduhin ko.

Nangunot naman ang aking noo nang maalala ang sinabi ng lalaki.

"Nagpapatulong siya para hanapin ang katawan niya?" tanong ko sa sarili.

Normal lang naman sa mga bagong kaluluwa na hanapin ang katawan niya pero sa lahat ng nakasalamuha ko ay iba ang pakiramdam ko sa kaniya.

Ano namang gagawin niya sa katawan niya kapag nahanap ko?

Napaismid ako dahil sa aking naisip. "As if naman na tutulungan ko siya," wika ko sa sarili.

Dire-diretso na akong natulog kahit na hindi pa nagpapalit ng damit.

Alam kong mapapagalitan na naman ako ni Mama kapag nakita niya ako na ganito pero pagod na ang katawan ko para kumilos pa.

Nagising na lang ako nang maramdaman ang sunod-sunod na halik ng kung sino.

Pagmulat ko ng mata ay napangiti ako nang makita si Seya.

"Good morning, Tita Vivi," bati nito.

"Seya, dito ka lang muna sa baba. Pagod si Tita Vivi mo!" rinig kong sigaw ni Ate.

"You can go downstairs and eat breakfast with your Mommy," ngiting wika ko sa kaniya.

"How about you, Tita?" she asked.

"I'm already full besides I need more sleep than food," paliwanag ko sa kaniya.

"Why are you tired? Where did you go?" sunod-sunod na tanong pa ng bata.

I brushed her hair using my hands.

"Tita Vivi works until dawn, that's why Tita needs to sleep, okay?" I explained to her.

Nangunot ang kaniyang noo kaya natawa naman ako.

"But why do you need to work until dawn? Isn't it too much and overworking?" she asked.

I shook my head. "Maiintindihan mo ang sinasabi ko kapag lumaki ka na."

"But, Tita! I'm already a big girl," she shouted and pouted that made me laugh more.

"I know..." I whispered and ruffled her hair.

"Seya, let's go. Tita needs more sleep," wika ni Ate pagpasok sa kwarto ko.

"Okay, Mommy," she said and kissed me on the forehead.

"Sleep tight, Tita," she said.

"I will," ngiting wika ko rito.

Nang makalabas si Seya ay tumingin sa akin si Ate na pinagtaka ko.

"Magbihis ka na kung ayaw mo makirinig na naman ng sermon ni Mama," sabi nito.

Natawang napailing-iling na lang ako dahil sa kaniyang sinabi kaya dali-dali akong nag-half bath at saka nagpalit ng damit.

Matapos ay sinara ko rin ang aking veranda upang hindi marinig ang ingay mula sa labas at hindi tumagos ang sinag ng araw.

Ni-lock ko rin ang pinto upang makatulog ako ng mahimbing.

Napabuntong hininga na lang ako at saka niyakap ulit ang unan na katabi ko.

Maya-maya pa ay tuluyan na nga akong nakatulog.

"Argh!" sigaw ko at nagdabog nang magising ako dahil sa ring ng alarm clock ko.

"Gusto ko pa matulog," bulong ko sa sarili at agad na pinatay ang alarm.

Napangiti ako nang unti-unti ko ulit maramdaman ang antok.

"Averill Mae Fuentes! Gumising ka na!"

Napabuntong hininga na lang ako nang marinig ang sigaw ni Mama.

"Five minutes pa, Ma!" sigaw ko.

"Isa! Hindi mo bubuksan 'tong pinto? Wawarakin ko talaga 'to," sigaw ni Mama.

Napakamot na lang ako sa aking ulo dahil doon.

Labag man sa loob ay binuksan ako ang pinto.

"Kumain ka na roon ng tanghalian mo," saad ni Mama.

"Anong oras na ba, Ma?" tanong ko sa kaniya.

"Alas kwatro na," saad nito at saka dali-dali na pumasok sa aking kwarto.

"Ang kalat-kalat na naman ng kwarto mo! Babae ka ba talaga, ha? Dinaig ka pa ni Clara—"

Hindi ko na pinakinggan pa ang susunod niyang sasabihin dahil dumiretso na ako sa baba.

Napa-roll eyes na lang ako nang hanggang sa makababa ako ay si Clara pa rin ang bukang-bibig niya.

Nakita na ba niya ang kwarto ni Clara para ipagkumpara kami sa isa't isa?

Ayos lang sana kung sa mga pinsan ko niya ako pinagkukumpara pero hindi, e!

Natawa si Ate nang makita ang aking itsura kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Si Clara na naman ba?" tanong ni Ate.

Tumango ako. "Lagi naman."

"Tita!" sigaw ni Seya at saka lumapit sa akin.

Agad ko siyang binuhat at saka hinalikan sa pisngi.

"Kumusta po ang tulog mo?" tanong niya sa akin.

"Iyon, bitin na bitin," sarkastikong sagot ko.

Agad naman akong pinanlakihan ng mata ni Ate kaya napabuntong hininga naman ako.

"Ayos lang naman ang pagtulog ko. Huwag ka ng mag-alala pa," malambing na saad ko sa bata.

Napatango-tango naman ito. "Kumain ka na po."

"Salamat," sabi ko kay Seya.

Tahimik akong kumakain ngunit nabulabog iyon nang bumaba si Mama at pumuntang kusina.

"Ano ba 'to? Andami-raming hugasin! Wala man lang gustong maghugas. Ako na naman?! Wala talaga kayong awa sa akin," sunod-sunod na pagda-drama ni Mama.

Napabuntong hininga na lang ako. "Ako na po ang bahala riyan, Ma."

"Hindi, ako na!" sigaw niya at saka nagsimula na sa paghuhugas.

Tignan mo 'to. Magrereklamo pero gagawin din pala.

Halos hindi ako mabusog dahil habang naghuhugas siya ay tuloy-tuloy lang ang pagbubunganga niya.

"Ma, ako na nga riyan," sabi ko rito at saka nilagay ang plato ko sa lababo.

"Ako na!" tila galit pang saad nito.

Napailing-iling na lang ako at pagkatapos ay nagtungo na ako sa sala.

Binuksan ko ang TV at saka nanood ng mga palabas.

Maya-maya pa ay narinig ko na naman ang pagbubunganga ni Mama.

"Nakahilata na naman kayo! Puro kain, tulog, ligo lang ang ginagawa niyo rito sa bahay," saad ni Mama.

Napasandal na lang ako ng aking likod sa sofa at hinayaan siya.

Alam kong ako lang naman ang pinapatamaan niya ng mga salita niya pero ginagamit niya pa rin ang 'niyo'. Dapat hindi na siya nahiya, dapat nilinaw niya mismo sa mukha ko na ang tamad-tamad ko.

Pinatay ko ang TV nang hindi pa rin tumigil sa pagra-rap si Mama. Magtutungo sana ako sa taas pero natigilan ako.

"Saan ka pupunta?" nagtatakang tanong ni Mama.

"Maghahanda na po. Papasok na ako sa trabaho ko," sabi ko at diniinan pa talaga ang pagsasabi ng salitang 'trabaho'.

Hindi na ito nagsalita pa kaya tuloy-tuloy na akong umakyat sa taas at saka nagbihis.

Alas singko pa lang ng hapon at isang oras pa ang shift ko pero mas mabuti kung mas maaga ako aalis ng bahay dahil patuloy ko lang maririnig ang pagbubunganga sa akin ni Mama.

"Alis na ako, Ate," pamamaalam ko sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi.

"Good bye, Seya," pagpapaalam ko kay Seya.

"Where are you going, Tita Vivi?" she asked.

"At work," sagot ko.

"Then I'll wait for you," ngiting wika nito.

"You should sleep early," ngiting saad ko rin sa kaniya at saka hinalikan siya sa noo.

"Bye-bye!" sigaw nito.

Kumaway pa ako bago tuluyang lumabas ng bahay.

"Pasok na ako, Ma," saad ko at saka agad na sinara ang pinto.

Patuloy lang akong naglakad papuntang kanto dahil walang tricycle na nakaantabay dito sa street namin.

Natigilan ako nang may maalala.

"Wala naman na siguro rito 'yong lalaki, 'di ba...?" bulong na tanong ko sa sarili.

Bumuntong hininga ako at matapang na diretsong naglakad. Kahit na sinong tao o multo ay hindi ko pinapansin at dire-diretso lang ako. Baka kasi ay makasalubong ko na naman iyong gwapong multo...

Nang makapunta sa kanto ay nakahinga ako nang maluwag. Mabuti naman at mukhang hindi na niya ako nasundan.

Nagpara ako ng jeep at saka sinabi kung saan akong lugar na bababa.

Pagbaba ko sa tapat ng kumpaniya ay sakto rin na uwian ng ibang employee.

Nagtaka ako dahil may nakita akong isang employee na kalalabas lang ng building at bagsak ang balikat. May nakita rin akong sumusunod sa kaniya ng multo.

Madalas kasing nilalapitan ng mga multo ang ganitong mga tao, ang mga stress sa buhay o 'di kaya sa trabaho, dahil mas madali lang nilang makukuha ang lakas nito.

Sila ang mga multo na matagal na rito sa lupa at hindi pa rin matanggap ang pagkamatay. Sila rin ay magaling sa pagtakas sa mga grim reaper na kukuha sa kanila.

Tinapik ko ang babaeng employee nang makalapit ako sa kaniya. Halos mapatalon naman ito sa gulat kaya humingi agad ako ng tawad.

"Pwede ka bang yakapin?" Ngiting tanong ko sa kaniya.

Naguguluhan man ay pumayag na rin siya.

Thirty seconds of hugging a person can help to ease the pain that they felt.

Matapos ko siyang yakapin ay napangiti naman siya.

"Maraming salamat," wika nito.

Tumango na lang ako at saka napatingin sa multo na nasa likod niya na masama ang tingin sa akin.

Sikreto kong tinapik ang aking daliri at agad naman dumating si Shi no Tenshi para kuhanin ito ngunit gaya nga ng inaasahan ay mabilis na nakawala ang multo.

Napatingin naman sa akin si Tenshi ngunit tumango na lang ako habang hindi natingin sa kaniya dahil ayaw kong sabihin ng ibang tao na baka'y wala na ako sa katinuan.

Maureen's POV;

Pagkaalis ni Averill ay agad kong kinompronta si Mama.

"Ma, bakit ka naman gano'n makipag-usap kay Avi?" tanong ko sa kaniya.

Hindi naman ito nagsalita at halata ring hindi ako pinapansin.

"Bakit ba lagi mong pinagkukumpara si Clara at Averill sa isa't isa? Magkaiba sila, Ma. Magkaibang-magkaiba," saad ko pa.

Natigilan naman siya dahil sa aking sinabi.

"Wala kang alam, Maureen..." bulong nito at ramdam ko ang pagkariin sa bawat salita na binibitawan niya.

"Paano ko malalaman kung ayaw mo namang sabihin?!" tanong ko sa kaniya at hindi na naiwasan ang magtaas ng boses.

Tumalikod na lang ito sa akin at saka dire-diretsong umakyat.

Natigilan ako nang yakapin ako ng anak ko.

"Mommy, what happened? Are you angry?" she asked.

"No, baby. Your Lola and I just talked about something. I'm not angry, okay?"

She nodded.

Napabuntong hininga naman ako at napapikit.

Ako ang naaawa para kay Averill...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status