Share

Chapter 7

Gaya ng inaasahan ay madaling araw na naman ako nakauwi.  At habang naglalakad sa tahimik na kalsada ay hindi ko maiwasan na mapaisip sa lalaking multo na lumapit sa akin kahapon.

"Nandito pa kaya siya?" tanong ko sa sarili.

Tuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa aming bahay.

Napabuntong hininga naman ako.

"Mabuti naman at hindi na nangulit pa ang multong 'yon," bulong ko sa sarili.

"Ah!" sigaw ko nang bigla na lang lumitaw sa kung saan si Shi no Tenshi.

"Sinong multo?" tanong niya.

Napukpok ko ulit siya sa kaniyang ulo dahil sa panggugulat sa akin. 

"Aray!" sigaw rin nito.

"Alam mo, dahil sa iyo nawawala antok ko," sarkastikong sabi ko sa kaniya pagkatapos ay binuksan ko na ang pinto ng bahay.

Napapikit na lang ako nang harangin niya ang aking daraanan ngunit mas lalo akong nainis dahil sa patuloy kong paglalakad ay patuloy rin siyang naglalakad nang paurong.

"Sinong multo ba kasi ang tinutukoy mo?" tanong pa ulit niya sa akin.

"Mamaya mo na lang 'yan itanong sa akin. Pagod ako, Tenshi. Huwag mo muna akong kulitin, please?" mahabang pagmamakaawa ko sa kaniya.

Kapag hindi pa siya tumigil sa pangungulit ay baka mas malala pa sa pukpok ang makuha niya mula sa akin.

Bumuntong hininga siya at saka tumigil na sa kaniyang paglalakad.

"Sige na. Matulog ka nang mahimbing," sabi niya sa akin at agad na naglaho.

Napabuntong hininga na lang din ako at saka binuksan ang ilaw sa sala nang maramdaman na nagising na si Mama.

Pagbaba niya ay agad siyang lumapit sa akin.

"Kumusta ang trabaho?" tanong niya sa akin.

"Nakakapagod pero kaya pa naman," sagot ko sa kaniyang tanong.

Tumango na lang ito at pagkatapos ay nagtungo sa kusina.

"Ma, matutulog na po ako," sabi ko sa kaniya at saka umakyat sa taas.

Pagbukas ko ng aking kwarto ay dali-dali kong binuksan ang closet at naghanap ng pajamas.

Nag-half bath pa rin ako para linisin ang katawan at nang matapos ay mas lalo ko lang naramdaman ang antok kahit na malamig ang tubig.

Humikab ako at saka ni-stretch ang aking kamay bago nagpasiya na humiga.

Agad na pumikit ang aking mga mata nang dumampi ang aking katawan sa malambot kong kama.

Sa kalagitnaan ng aking pagtulog ay mabilis akong nagising at napangunot ang aking noo nang maramdaman ang isang presensya.

Umupo ako sa kama at saka tinanggal-tanggal ang aking muta sa aking mga mata bago magsalita.

"Lumabas ka na," bored kong sabi.

Hindi ko man kilala ang multo na nasa loob ng aking kwarto, ay ramdam ko pa rin ang kaniyang presensya kaya hindi siya makakatago sa akin.

Agad akong napatingin sa aking closet nang may lumabas doon.

Nangunot ang aking noo at tinignan siya mula ulo hanggang paa.

"Sinundan mo pa talaga ako?!" hindi makapaniwalang sigaw ko sa kaniya.

Napakamot siya sa kaniyang batok. "Pasensya na pero ikaw lang naman kasi ang kilala ko na nakakakita sa akin kaya ikaw ang mas pinili kong sundan."

Napahilamos na lang ako ng aking mukha at saka bumuntong hininga.

"Labas," mariing wika ko at saka tinuro ang aking veranda.

"Ih..." saad niya at tila nagdadalawang isip pa kung susundin ba niya ang aking sinabi.

"Labas o ipapakuha kita kay Shi no Tenshi," may pagbabantang sabi ko sa kaniya.

He tilted his head na tila ba takang-taka sa sinabi ko.

"S-shi no, what?" he asked.

Napataas ang aking kilay nang mag-Ingles siya. 

Wala na. Wala na akong laban. Nag-e-English na, e. Uwian na...

Tinapik ko ang aking kama at sinenyasan siya na umupo rito.

Nagdalawang isip pa siya na umupo ngunit wala na rin naman siyang magawa.

Sinubukan kong hawakan ang kaniyang buhok pero agad ko rin nailayo ang aking kamay nang mahawakan ko nga ito.

Napatingin ulit ako sa aking kamay.

"Imposible..." bulong ko at saka napatingin sa kaniya na nakatitig sa akin at tila naguguluhan din.

Tumikhim ako para mabawasan ang awkward air na pumapalibot sa amin.

"Hindi mo ba talaga kilala si Shi no Tenshi?" mahinahon kong tanong sa kaniya.

Sunod-sunod siyang umiling bilang tugon sa aking tanong.

"Ngayon ko lang narinig ang kaniyang pangalan," sagot niya.

Napakamot naman ako sa aking buhok dahil sa stress sa lalaking 'to.

"How about grim reapers? Do you know them?" I asked again.

Umiling ulit siya. "Ngayon ko lang din iyan narinig. Hindi ako pamilyar sa mga pangalan na binabanggit mo."

Agad akong napatingin sa kaniya nang mapagmasdan ang kaniyang pagkakaupo.

Diretsong-diretso ang kaniyang pagkakaupo at ang dalawang kamay ay nasa gilid ng katawan habang nakatagilid sa akin.

"Patay ka na ba talaga?" makabuluhang tanong ko sa kaniya.

Agad akong natigilan sa aking tanong nang mahalata na tila naging seryoso ang kaniyang mukha.

Tumikhim ulit ako at inayos ang aking upo dahil masyado akong hindi komportable dahil nakakatakot ang kaniyang seryosong mukha.

"Kung hindi ka komportable, huwag mo na lang din sagutin—"

"Hindi ko alam," sagot niya, "kaya nga humihingi ako ng tulong sa iyo para malaman ang katotohanan."

Napatango-tango naman ako. "Pero bakit ako pa?"

"Gaya ng sinabi ko kanina, ikaw lang ang kilala ko na nakakausap at nakakakita sa akin. Nagawa mo pa nga akong hawakan, e," mahabang paliwanag niya.

Napalunok naman ako ng sarili kong laway matapos marinig ang huling linyang kaniyang binitawan.

"Maaari ko bang ulit hawakan ang iyong mga kamay?" tanong ko sa kaniya.

Hindi ko alam pero gusto ko manigurado na kaya ko nga hawakan ang mga multo dahil sa tagal-tagal nang panahon ay ngayon lang ito nangyari sa akin.

Binuksan niya ang kaniyang mga palad at hinihintay na ilagay roon ang aking mga kamay.

Dahan-dahan kong nilagay ang aking mga kamay sa kaniyang palad at nang tuluyan na itong lumapat doon ay napapikit ako.

"Open your eyes," he murmured.

Sinunod ko ang kaniyang utos at napataas ang aking kilay nang mapansin na hawak-hawak niya nga ang aking kamay.

"Bakit gano'n?" tanong ko sa kaniya.

He hummed na tila ba hinihintay na linawin ko ang aking mga tanong.

"Bakit hindi malamig ang kamay mo?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

Nagkibit-balikat siya na tila ba hindi rin alam ang kasagutan sa aking tanong.

I titled my head and examine his whole body.

"Hindi ko naman talaga alam kung malamig ba ang multo o hindi pero iyon ang nararamdaman ko sa tuwing sinusubukan nila lumapit sa akin ngunit kahit kailan ay hindi naman nila ako hinawakan," mahabang paliwanag ko sa kaniya.

"Do you want me to try it?" he asked.

"H-ha?" utal kong tanong dahil hindi ko naintindihan ang kaniyang sinabi.

Natuod ako sa aking pwesto nang ilapit niya ang kaniyang mukha sa aking mukha ngunit hindi naman niya iyon dinikit.

"How does it feel? Does it feel cold?" tanong nito sa akin.

Lumunok muna ako kahit na wala naman akong nginunguya at saka dahan-dahan na umiling.

Bumuntong hininga siya at agad na nailayo ang mukha sa akin.

"Am I really a ghost?" tanong din niya sa sarili.

Napataas ang aking kilay at pagkatapos ay napatingin ako sa kaniya.

Ngayon lang ako nakakita ng isang multo na kwinekwestyon kung isa nga ba talaga siyang multo o hindi.

"Basta! Multo ka... sa pang labas na anyo nga lang. Hindi ko pa rin talaga alam ang katotohanan," saad ko rito.

Tumingin siya sa akin. "Pwede mo na ba akong tulungan sa paghahanap ng katawan ko?"

Mabilis kong naihagis sa kaniya ang kaniyang palad na hawak-hawak ko kanina pa at saka tinaasan siya ng kilay.

"Nek-nek mo! Bahala ka riyan," masungit na sagot ko, "hinayaan lang kita na kausapin ako kasi naguguluhan din ako pero hindi naman ibig sabihin noon na payag na akong hanapin ang katawan mo, 'no. Ang lawak-lawak kaya ng Pilipinas."

"Please!" pagmamakaawa niya at saka pinagdikit pa ang dalawang palad.

Napa-roll eyes na lang ako dahil hindi ako madadala sa ganiyan niya.

"A big no pa rin," sagot ko sa kaniya.

Napabuntong hininga na lang ito at saka agad na lumabas mula sa veranda.

"Maghahanap na lang ako ng ibang tao na tutulong sa akin," huling sabi pa nito bago mawala sa paningin ko.

"Tsk. As if naman na gagana 'yan para maawa ako sa iyo," sabi ko rin kahit na wala na siya rito sa aking kwarto.

Mabilis akong humiga at nagtulog-tulugan nang maramdaman na may papasok sa aking kwarto..

Maya-maya pa ay sunod ko ng naramdaman ang paglubog ng aking kama sa tagiliran.

"You're so precious," rinig kong sabi ni Mama ngunit hindi ko alam kung ako ba ang tinutukoy niya.

Gusto ko imulat ang aking mga mata ngunit hindi ko magawa.

Nagtaka ako dahil mabilis lang din siyang lumabas ng aking kwarto. 

Agad kong minulat ang aking mga mata paglabas niya.

"Sino ang tinutukoy ni Mama?" tanong ko sa sarili at tumingin sa kisame.

Imposible naman kasi na ako ang tinutuloy niya, gawa ng ramdam ko na hindi siya nakatingin sa akin at nakatalikod pa siya sa akin.

Sadyang umupo lang talaga siya sa aking tabi.

Akala ko nga noong una ay hahawakan niya rin ang aking buhok ngunit hindi, e.

"Bakit kasi hindi ko binuksan ang mga mata ko?" tanong ko ulit sa sarili.

Napabuntong hininga na lang ako dahil sa dami ng tanong na naiwan sa aking isipan.

Una, iyong anino na sumusunod kanila Ate. Pangalawa, ang mga salita na iniwan sa akin ng multong anino na sumakabilang mundo na. Pangatlo, ang mga wirdong kinikilos ni Mama. At ang pang huli ay iyong gwapong multo.

"May sarili akong buhay pero pinoproblema ko buhay ng iba," hindi makapaniwalang saad ko sa sarili.

Napa-poker face na lang ako nang biglaang may lumabas na multo sa kisame na babae at nakasabit pa ang ulo nito habang nakalaylay ang buhok.

"Argh!" pananakot pa niya.

Imbes na matakot ay natawa na lang ako kaya natigilan siya sa kaniyang ginagawa.

"Anong nakakatawa?" inis na tanong nito habang nakalutang sa may kisame.

"Ang baduy kasi pakinggan ng sound effects mo," sagot ko sa kaniyang tanong.

"Ang harsh, ha," wika niya, "pero iyon nga siguro ang dahilan kung bakit hindi natatakot sa akin ang mga tao." Umakto pa siya na nasaktan at nalungkot sa aking sinabi pero napa-roll eyes na lang ulit ako.

Pasikreto kong pinitik ang aking mga daliri sa ilalim ng aking kumot at agad din naman na lumitaw si Shi no Tenshi.

"I-ikaw..." nagtatakang sabi sa akin ng multo nang makita na bigla na lang lumitaw si Tenshi.

Ngumiti ako sa kaniya. "It's your time," I whispered.

Bago pa siya makapagsalita ay agad na siyang hinigop ng mahiwagang pinto.

Napatingin naman ako kay Shi no Tenshi nang hindi pa rin siya umaalis.

"May ibang multo ba na nakapasok pa rito?" tanong niya sa akin.

Umiling ako bilang sagot sa kaniyang tanong ngunit alam ko sa sarili ko na isa iyong kasinungalingan.

"Wala ng iba pa bukod sa babaeng kinuha mo," paliwanag ko.

Tumango siya. "Hindi ako magdadalawang isip na kunin ang multong makikita ko sa kwarto mo."

Matapos iyon sabihin ay agad din siyang naglaho. Habang ako ay nagtataka na naman sa kaniyang iniwan na mga salita.

Bakit sa tuwing maglalaho siya ay kailangan pa talagang bigyan ako ng dahilan para mag-overthink?

May tiyansa kaya na alam na niyang may nakilala ulit akong multo?

Umiling-iling na lang ako at saka binura lahat ng mga tanong sa aking isipan.

Pagkatapos ay tinignan ko ang wall clock. Masyadong maaga pa naman kaya safe pang matulog dahil mamayang gabi pa naman ang pasok ko.

Kinumutan ko ang sarili at dali-dali na nakatulog dahil na rin sa lamig ng umaga.

"Averill, gising na," rinig kong boses ni Ate.

"Mamaya na," reklamo ko at saka gumulong pa sa kama. Mahahalata pa sa aking boses ang pagka-husky nito.

"Bumangon ka na kung ayaw mong maabutan ka ni Mama na tulog hanggang ngayon," mahabang saad ni Ate sa akin.

Agad akong napaupo at napatingin kay Ate na nasa veranda.

"Bakit? Nasaan si Mama?" nagtatakang tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko alam pero maaga siyang umalis tapos nagmamadali pa," paliwanag ni Ate.

"Si Seya? Nasaan?" tanong ko naman nang mapansin na wala rito sa loob ng aking kwarto ang bata.

"Sinama rin ni Mama," paliwanag ni Ate.

Nakahinga naman ako nang maayos matapos iyong marinig.

"Baka pupunta silang bayan?" tanong ko kay Ate.

"Hindi rin ako sigurado dahil simpleng damit lang naman ang pinasuot niya kay Seya ganoon na rin ang suot niya," tugon ni Ate sa aking tanong.

"Saan kaya sila pumunta...?" nagtatakang tanong ko at saka napatulala.

"Imbes na problemahin kung saan sila pumunta, problemahin mo muna ang pagpasok mo," wika ni Ate.

"Anong oras na ba?" tanong ko sa kaniya.

"Alas sais na," sagot nito.

"Ano?!" gulat na sigaw ko at dali-dali na tumayo at pumuntang banyo upang maligo.

Matapos maligo ay mabilis ko lang din sinuot ang aking uniform.

"Kumain ka muna."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status