Share

Chapter 8

"Kumain ka muna bago ka umalis," saad sa akin ni Ate at saka lumabas ng kwarto.

Sinundan ko naman siya sa kaniyang paglabas habang ako ay nagsusuklay.

"Salamat, Ate, pero baka ma-late pa ako. Sa kumpaniya na lang ako kakain," sagot ko sa kaniya.

"Anong oras ba break time niyo roon?" tanong niya sa akin.

"10 pm," sagot ko.

"Oh, matagal-tagal pa pala kaya dapat lagyan mo muna ng pagkain 'yang tiyan mo," saad niya sa akin.

"Ayos lang ako, Ate," pagpupumilit ko pa.

Napabuntong hininga na lang siya dahil wala na siyang magagawa pa sa kakulitan ko.

Hinalikan ko sa pisngi si Ate bago umalis sa bahay at saka kinawayan siya.

Pinitik ko ang aking kamay paglabas ko sa gate ng bahay para tawagin si Shi no Tenshi.

Gaya ng inaasahan ay agad din siyang lumitaw mula sa kung saan.

"Pwede ba mag-request?" bulong kong tanong sa kaniya.

"Ano naman 'yon?" tanong niya.

"Bantayan mo muna Ate ko hanggang sa dumating sina Mama at Seya," sagot ko.

"Bakit naman?" ngunot-noong tanong niya.

Pinanlakihan ko siya ng mga mata dahil sa pagka-slow niya.

"Nag-aalala lang ako na baka lumitaw na naman 'yong anino," bulong ko rito.

Bumuntong hininga siya at nilagay ang dalawang kamay sa kaniyang ulo na tila ginawang unan ang mga ito.

"Sige. Ako na ang bahala sa Ate mo, basta't mag-ingat ka," paalala niya sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya nang may pagkalawak-lawak.

"Maraming salamat," sabi ko rito.

Agad siyang naglaho matapos ko iyong sabihin at ako naman ay agad na sumakay sa jeep.

Pagsakay ko ng jeep ay nagtataka ako dahil sa akin nakatutok ang paningin ng mga tao.

"Miss." Napatingin ako sa babaeng kumalabit sa akin.

"Bakit ho?" tanong ko sa kaniya.

Napataas ang aking noo nang ngumuso siya.

"Po?" tanong ko ulit dahil hindi ko maintindihan ang kaniyang senyas.

Tinuro niya ang kaniyang ulo kaya agad naman akong napahawak sa aking ulo at awkward na ngumiti at nagpasalamat sa kaniya.

S***a! May suklay pa pala sa ulo ko. Nakalimutan kong tanggalin dahil sa pagmamadali. Sigurado akong hahanapin 'to ni Mama sa bahay, huhu.

Nakakahiya! Sana kainin ako ng lupa, now na.

"Manong, para po," saad ko ngunit nagtaka ako nang tuloy-tuloy pa rin ito.

"Manong, para po!" sigaw ko dahil nalagpasan na namin ang kumpaniya.

Kung kailan ako nagmamadali at saka naman nagkandamalas-malas buhay ko.

"Para raw!" sigaw ng lalaking nasa harapan ko at halos tumilapon ako sa jeep nang huminto ito.

Tumingin ako sa lalaking tumulong sa akin na sumigaw at nagpasalamat sa kaniya gamit ang mga mata.

Dali-dali naman akong bumaba at patakbong binalikan ang kumpaniya.

Pagpasok ko ay napahawak na lang ako sa aking tuhod habang hinihingal kaya hindi maiwasan na mapatingin sa akin ang ibang employee.

"Sakto lang naman ang dating mo. 6:59 pm," wika sa akin ni team leader.

Nag-thumbs up ako sa kaniya at ngumiti.

"Hindi pa rin naman ako late," pang-aasar ko rito.

Napailing-iling na lang ito sa aking naging kapilyuhan.

Sabay kaming pumasok sa elevator at pagpasok ko ay agad akong napahawak sa aking tiyan nang kumalam ang aking sikmura.

Napatingin tuloy sa akin si team leader at natawa kaya sinamaan ko naman siya dahil doon.

"Ho—" Bago ko pa matuloy ang aking sasabihin ay agad na nagbukas ang elevator kaya sabay ulit kaming lumabas.

Sabay rin kaming pumasok sa department office namin.

"Mukhang may hindi yata kumain ng gabihan," pagpaparinig pa nito sa akin.

"Che!" pagsusungit ko rin sa kaniya at sinigurado na hindi maririnig ng iba.

Pagkaupo ko sa aking upuan ay agad kong inayos ang aking damit gano'n na rin ang aking mukha para naman ay hindi ako magmukhang haggard.

Pagsuot ko ng aking headset ay may agad na tumawag kaya agad ko rin itong in-assist.

Matapos ang isang oras ay napasandal na lang ako sa aking upuan at napabuntong hininga habang naghihintay ng tawag.

Napahawak na lang ulit ako sa aking sikmura nang tumunog na naman ito.

Dapat pala sinunod ko ang sinabi ni Ate. E 'di, sana hindi ako nahihirapan ng ganito.

Napatingin ako sa pagkain na biglang lumapag sa aking lamesa at pagtingin ko sa nagbigay nito ay napataas ang aking kilay.

"May kabaitan ka rin pala riyan sa katawan mo, team leader," pang-aasar ko rin sa kaniya.

He hissed. "Responsibilidad ko na dapat hindi magutom ang mga kasama ko. 'Pag nag-pass out ka, e 'di dagdag pabigat sa kumpaniya pati na rin sa akin."

Napatigil ako sa pagkain ng mamon at saka napahawak sa aking puso.

"Grabe naman 'yong pabigat. Sakit, ha," sarkastikong sabi ko pero ang totoo ay nasaktan talaga ako sa kaniyang sinabi.

Dinaan ko na lang ito sa tawa pero deep in side ay natamaan din ako roon.

Matapos kumain ay tila buhay na buhay ako dahil sa malawak kong ngiti.

Hanggang sa matapos ang aming time para mag-break ay hindi pa rin mawala-wala ang aking sigla.

Ano bang mayroon doon sa mamon ni leader? Iba yata tama sa akin, ah?

Lahat kami ay sabay-sabay na bumaba para pumuntang cafeteria.

"Ayos na ayos, ah," sabi ni leader.

"Oo naman. Salamat sa mamon mo," wika ko rito.

Taas-noo siyang ngumiti at tila proud pa na nagpa-cringed sa akin.

Pagdating namin sa cafeteria ay isang spaghetti at tubig lang ang in-order ko para ang matira kong pera ay mabigay ko kay Mama at maipon ko pa.

Umupo ako sa isang gilid na hindi agad mapapansin ng kahit na sino dahil ayaw kong pumagitna.

Pag-upo ko ay agad nawala ang ngiting kanina pa nakakapit sa aking labi nang may maramdaman na pamilyar na presensya.

"Lumabas ka," bulong ko rito.

Agad din naman lumabas ang lalaking multo na sunod nang sunod sa akin at umupo sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo rito?" gulat na tanong ko sa kaniya ngunit pabulong pa rin.

"Sinusundan ka," nakangusong sagot nito.

"Bakit?" ngunot-noo na tanong ko.

Bumuntong hininga siya. "Pabalik na sana ako sa bahay niyo kanina nang makita ko na papaalis ka kaya sinundan kita. May nakita pa nga akong kasama mo, e. Siya ba 'yong grim reaper na sinasabi mo?"

Napahilot ako ng aking sintido dahil sa lalaking ito.

"Pwede mo akong sundan kahit saan pero huwag lang dito sa trabaho ko," mariing sabi ko sa kaniya.

Napayuko naman siya at tila nadismaya dahil sa aking ekspresiyon.

"Bakit naman? Hindi naman kita guguluhin, ah?" sunod-sunod na tanong niya.

Sumubo muna ako ng aking pagkain bago siya sagutin.

"Hindi nga pero 'yang presensya mo ay ginugulo ako," sagot ko sa kaniya.

Lumutang siya at dahil doon ay mas lalo kong nahalata ang bagsak niyang mga balikat na senyas na siya ay malungkot.

"Sige. Babalik na lang muna ako sa bahay niyo—"

"Huwag!" sigaw ko sa kaniya pero hindi naman ganoon kalakasan para marinig ng iba.

He titled his head na para bang nagtataka sa akin.

"Bakit?" tanong ulit niya.

Bago pa ako makasagot ay agad akong napatingin sa aking team leader na nakatayo sa aking gilid kaya awkward akong ngumiti sa kaniya.

"U-upo ka," sabi ko sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin. "Don't worry. I can see him too."

Nanlaki naman ang aking mga mata at papalit-palit na tinignan si leader at ang gwapong multong na nasa harapan ko habang nagtititigan sila.

Umupo si leader sa harapan ko kaya napausog naman ang gwapong multo sa gilid namin.

"Hoy! Diyan ako!" sigaw pa nito kay team leader.

"Huwag mo na lang siyang pansinin para lumayo," sabi sa akin ni leader.

Nagdadalawang isip naman ako sa kaniyang sinabi at pagkatapos ay napatingin ako sa gwapong multo na nasa tagiliran namin.

"Bakit hindi nga ako uuwi?" tanong pa nito sa akin.

Napabuntong hininga na lang ako at napapikit. Alam kong nakikinig sa amin si leader kaya hindi pwedeng basta-basta ko na lang banggitin sa kaniya si Shi no Tenshi.

"Basta huwag ka na lang muna umuwi, okay? Bantayan mo muna ako," sabi ko.

Napatampal naman ako ng aking bibig dahil sa huling linyang binitawan ko.

Dapat ang sasabihin ko ay 'maglibot-libot ka muna' pero bakit iyon ang nilabas na salita ng mga bibig ko?!

Napatingin naman sa akin si leader nang marinig ang aking sinabi.

"Ginagawa mong taga-bantay ang mga multo?" tanong niya sa akin.

Sunod-sunod naman akong umiling at saka winasiwas pa ang aking mga kamay para sabihin na mali siya ng kaniyang iniisip.

"Hindi naman sa gano'n. Sadyang sunod lang talaga siya nang sunod sa akin." Kamot-batok na paliwanag ko sa kaniya.

Palihim kong sinamaan ang lalaking multo na hanggang ngayon ay malawak ang ngiti at proud pa na nakatingin sa akin.

Bwisit talagang multong 'to! Panira talaga ng araw kahit kailan.

Tumango-tango na lang si leader sa aking paliwanag at hindi na nagtanong pa.

Mabilis lang na natapos ang break time namin at sunod ko nang namalayan na uwian na pala.

Bago pa ako tuluyang makalabas ng kumpaniya ay hinarap ako ni leader sa kaniya nang biglaan kaya nagulat naman ako.

"Bakit? May problema ba, team leader?" tanong ko sa kaniya.

Umiling-iling siya bilang tugon.

"Mag-ingat ka sa mga multong kinakaibigan mo," mariing sabi nito at saka tumingin sa lalaking multo na katabi ko kaya napatingin din ako sa kaniya.

Awkward akong ngumiti at saka pasimpleng tinanggal ang kaniyang pagkakahawak sa aking braso.

"Kaya ko naman ang sarili ko kaya huwag ka nang mag-alala," saad ko at saka nagpaalam na.

Pagsakay ko ng jeep pauwi ay doon lang ako nakahinga nang maayos.

"Manong, dala—isa lang po. Biñan po," wika ko.

Agad akong napatingin sa lalaking multo na nasa harapan ko at napailing-iling.

Muntik ko pa nga na mabayaran ang isang multong gaya niya! Kahit papaano ay may pagkaswerte rin pala sila dahil libre silang nakakasakay at nakakapunta kung saan man nila naisin...

Pagbaba namin sa kanto ay agad niya akong inunahan sa paglalakad na pinagtaka ko. Agad siyang humarap sa akin at naglakad ngunit tuloy-tuloy pa rin ang paa sa paghakbang patalikod.

"Bakit?" nagtatakang tanong ko sa kaniya dahil na-awkward-an ako sa mga kinikilos niya.

"Hindi maganda pakiramdam ko roon sa leader mo," sabi niya sa akin.

I laughed sarcastically. "Bakit? Kasi sinabihan niya ako na huwag makipagkaibigan sa multong gaya mo?"

Umiling-iling siya sa aking mga tanong na pinagtaka ko.

"Basta. Hindi lang talaga maganda pakiramdam ko roon sa lalaking 'yon kaya lumayo-layo ka muna sa kaniya hangga't maaari," saad niya sa akin.

"Ano ka? Desisyon? At saka hindi ko naman 'yon magagawa kasi nga leader ko siya," sabi ko at diniinan pa ang salitang leader.

Napabuntong hininga na lang siya at wala ng nagawa pa.

"Basta magdoble ingat ka sa lalaking 'yon," sabi niya.

Napangunot ang aking noo. "Sino ka ba para diktahan mga ginagawa ko sa buhay?"

Napasimangot naman siya dahil sa aking sinabi.

"Hindi ba pwedeng payong kaibigan lang?" tanong din niya.

"Kaibigan? Kailan pa kita naging kaibigan, e' kahit kailan hindi ko nga nalaman pangalan mo," bulong ko ngunit natigilan ako nang mapatigil din siya sa paglalakad.

Marahil ay narinig din niya ang aking sinabi.

"Pangalan...?" patanong na bulong niya.

Natigilan ako at saka pinagmasdan siya na tila naguguluhan at nagtataka.

"Ano nga ba ang pangalan ko?" inosenteng tanong niya.

Napabuntong hininga ako at pagkatapos ay tinitigan siya sa kaniyang mga mata.

Oo nga pala. Hindi naaalala ng mga bagong multo kung sino talaga sila pero kapag nagtagal pa sila rito sa lupa ay doon na unti-unting bumabalik ang kanilang mga ala-ala.

Kaya halos lahat ng mga galang multo ay iisa lang ang intensyon, at iyon ang maghiganti dahil sila ay ang mga multo na mas piniling manatili sa lupa.

Dahil na rin sa kagustuhan nilang maghiganti ay hindi na nila napapansin na nakakasakit na sila ng ibang tao o ang mas malala pa ay sumasapi sila sa katawan nito para lang makapaghinganti.

Inakbayan ko siya at binigyan ko siya ng isang malawak na ngiti.

Ayos lang naman siguro na gawin ito dahil wala naman masyadong mga tao dahil halos lahat ay tulog pa.

Sabay kaming naglakad habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking labi para pagaanin ang kaniyang loob.

"Huwag kang mag-alala. Papangalanan na lang kita," saad ko sa kaniya.

"Ano naman ang ipapangalan mo sa akin?" Ngunot-noo na tanong niya sa akin.

Tumigil ako sa paglalakad at saka hinarap siya sa akin.

"Silas. Tatawagin kita bilang si Silas," ngiting wika ko sa kaniya.

Ngumiti rin siya sa akin kaya natigilan ako at napatikhim at kunwari ay tumitingin-tingin ako sa kung saan para hindi maging awkward.

Ang gwapo ng ngiti niya! Mas lalo lang siyang pumogi sa kaniyang pagngiti.

"Gusto ko ang pangalan na ginawa mo sa akin," saad niya, "ngunit ano naman ang itatawag ko sa iyo? Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang pangalan mo."

Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya iyon. Oo nga pala, hindi pa ako nagpapakilala.

Tumikhim ako at saka nilahad ang aking mga kamay.

"Silas, ako si Averill Mae Fuentes. Tawagin mo na lang ako sa kahit anong pangalan na gusto mo," wika ko.

Tinanggap naman niya ang aking kamay na nakalahad at saka ngumiti.

"Masaya akong makilala ka, Avery," saad niya.

Saglit akong natuod at napatitig sa kaniya nang ngumiti na naman siya. Nang maglapat din ang aming mga kamay ay tila may naramdaman akong isang kuryente na bumalot sa aking katawan ngunit nagpakiliti sa aking tiyan.

What is this feeling...?

Silas' POV;

Nang siya ay ngumiti ay tila nabuhayan ang walang buhay kong kaluluwa. Tila nag-init bigla ang aking mga pisngi na kanina lang ay malamig.

Sa unang pagngiti niya sa akin ay tila roon ko naramdaman ulit kung paano mabuhay kahit na isa na akong kaluluwa...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status