Share

Chapter 9

Averill's POV:

Matapos ang pormal na pagpapakilala sa isa't isa ay sabay kaming dumiretso sa bahay.

Bago ko pa buksan ang pinto ay natigilan ako at napatingin kay Silas.

"Bakit? May problema ba?" tanong niya sa akin.

Napailing-iling na lang ako bilang sagot.

Sana lang ay wala ngayon sa kwarto ko si Shi no Tenshi dahil may gusto pa akong sabihin kay Silas na hindi ko nasabi kanina...

Pabukas ko ng pinto ay agad kong naamoy ang luto ni Mama.

"Ma, nandito na ako," sabi ko dahil ayaw kong magulat siya kapag lumabas siya sa kusina.

Nilapag ko muna sa sala ang bag ko at saka agad na nagtungo sa kusina. Napangiti naman ako nang matapos makita roon si Mama.

Niyakap ko siya nang patalikod ngunit agad din akong natigilan nang sikuhin niya ako kaya napasimangot naman ako.

"Nagluluto ako, Averill," aniya.

"Sige, Ma," sabi ko at akmang lalabas na ng kusina nang matigilan dahil nagsalita siya.

"Bakit late ka na yata umuwi?" tanong nito sa akin at humarap sa akin na tila may pagdududa.

Humarap din ako sa kaniya upang maayos na sagutin ang kaniyang tanong.

"Late na po kasi natapos ang pakikipag-usap ko sa last costumer," paliwag ko sa kaniya.

"Ay, sus! Baka may kalandian ka na roon sa trabaho mo, ha," pagbibiro ni Mama.

Pilit na lang akong ngumiti. "Alam mo namang hindi ako ganiyan, Ma." Kamot-batok na wika ko.

Hindi na ito sumagot pa kaya kinuha ko na ang aking bag at saka dumiretso sa aking kwarto.

Ang kaninang lungkot na gusto ko ilabas ay tuluyan na ngang nagpakita.

Kahit na biro lang iyon at may pagkakasarkastiko ay nasaktan pa rin ako sa sinabi ni Mama.

Hindi naman ako ganoong klaseng tao...

Natigilan lang ako nang makita si Silas na inosenteng nakatingin sa akin habang nakaupo sa aking kama.

Pilit akong ngumiti sa kaniya at saka nagtungo sa closet para kumuha ng damit pantulog.

"Mas mabuting huwag ka na lang ngumiti kung pilit lang naman ang iyong pinapakita sa akin. Gusto kong maging komportable ka sa akin, Avery," mahabang sabi niya sa aking likuran.

Natigilan naman ako sa pagpunta sa banyo dahil doon.

Sa hindi malamang dahilan ay biglaan na lang akong napangiti dahil sa kaniyang mga sinabi.

"I'll try to be comfortable with you," saad ko habang hindi nakatingin sa kaniya at saka dire-diretsong pumasok sa banyo.

Saglit lang ako sa banyo dahil naghilamos na lang naman ako at saka nagpalit ng damit.

Hindi muna ako magha-half bath dahil sobrang lamig ng tubig.

Paglabas ko ay nakita ko siya roon na nakaupo pa rin sa kung saan ang pwesto niya kanina.

Lumapit ako sa kaniya at saka umupo sa tabi niya.

Napatingin ako sa kay Silas nang maramdaman napatingin din siya sa akin.

"Speak up," sabi ko dahil ramdam kong kanina pa siya may gustong iusal na salita dahil kanina pa tila nanginginig ang kaniyang mga bibig.

"Ayaw ko. Baka dahil sa sasabihin ko ay hindi ka na talaga makipagkaibigan sa akin," seryosong wika niya at sunod-sunod na umiling.

Napabuntong hininga naman ako at saka napatingin sa mga paa ko at saka nag-Indian sit.

"Hindi ba't gusto mo na tulungan kita sa paghahanap ng katawan mo?" tanong ko sa kaniya at tumingin ulit dito.

Nagdadalawang isip naman siyang sumagot na pinagtaka ko.

Hindi ba't iyon ang dahilan kung bakit niya ako laging hinahabol-habol at linalapit-lapitan?

"Oo..." bulong niya, "Pero ayaw ko naman na tulungan mo ako ng labag sa loob mo o napipilitan ka lang."

Natawa naman ako sa kaniyang sinabi kaya hindi ko naiwasan na guluhin ang kaniyang buhok.

"Payag na ako sa gusto mo," saad ko rito.

"Talaga?!" masayang sigaw niya.

Tumango-tango ako at natawa ulit dahil sa kaniyang ekspresiyon.

"Pero sa isang kundisyon," pahabol ko pa.

Agad naman nagbagsakan ang kaniyang mga balikat kaya mas lalo akong natawa.

"Ano nama 'yon?" tanong niya.

"Hindi ba at nakita mo na ang grim reaper na sinasabi ko?" Imbes na sagutin ang kaniyang katanungan ay tinanong ko rin siya.

Tumango siya bilang tugon. "Oo naman. Pareho sila ng leader mo. Mukhang nakakatakot."

I giggled. "Mabait naman si Shi no Tenshi."

"Shi no Tenshi?" tanong nito.

"Oo. Siya ang grim reaper na magsusundo sa iyo kapag nahanap mo na ang katawan mo... payag ka ba?" tanong ko sa kaniya.

Inabot ng ilang minutos bago siya sumagot at tila nagdadalawang isip pa siya.

Wala man kasiguraduhan ay tumango rin ito.

"Sige. Basta hahanapin natin katawan ko, ha!" sigaw pa niya sa akin.

Taas-noo akong tumingin sa kaniya. "Ako pa ba? Wala ka bang tiwala sa akin?"

"Mayroon," mabilis na sagot niya sa aking biro kaya natigilan naman ako.

Mabilis akong napatikhim at humiga sa aking kama.

"Matutulog na ako," pagpapaalam ko sa kaniya.

"Pwede ba akong matulog sa tabi mo?" tanong nito.

Nangunot ang aking noo dahil sa kaniyang tanong.

"Natutulog din pala ang mga multo?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng antok ngayon," wika niya.

Tumango na lang ako at saka tinapik ang parte ng aking kama kung saan ay malawak at pwedeng-pwede siyang humiga.

"Hindi ka naman siguro tatagos sa ilalim ng kama habang tulog ka, 'di ba?" biro ko rito.

Napailing-iling na lang siya. "Tignan natin..."

Tumagilid ako at saka pinagmasdan ang bawat galaw niya. Nang tuluyan na siyang mapahiga ay napangiti ako.

"Congrats. Hindi ka nahulog," natatawang sabi ko rito.

Ngunit natigilan ako nang magtama na naman ang aming mga paningin dahil nakatagilid na rin siya kaya dali-dali akong tumalikod mula sa kaniya.

"Good morning," bati ko rito habang nakatalikod.

"Sleep tight," bati rin niya pabalik.

Matapos niya iyon sabihin ay tuluyan na nga akong nilamon ng antok hanggang sa hindi ko na nakayanan pa at hinayaan na lang na lamunin ako nito.

"Hmmm..." ungol ko dahil bigla kong naramdaman ang pagyakap ng unan ko sa akin.

Napamulat lang ako ng aking mga mata nang maramdaman na tila hindi na malamig ang paligid.

Pagmulat ng aking mga mata ay sumalubong sa akin ang dibdib ni Silas at doon ko lang naramdaman ang kamay niya na nasa ulo ko na nagsisilbing unan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status