Share

Chapter 74

"Wala pa masyadong nakakaalam ng lugar na ito bukod sa mga nakatira rito sa malapit," paliwanag ko, "kapag natuklasan na ito ng mga tao ay tiyak na malaki ang pagbabago na magaganap dito."

"Sayang naman. Akala ko pa naman may mga chicks dito," aniya.

"Doon. Pumunta ka sa mga bahay-bahay, may mga sisiw sila," sarkastikong sabi ko.

Bago pa man siya makapagsalita ay agad din naman siyang napingot ni Mama na kinatawa ko pa lalo.

"Anong chicks-chicks, huh?!" sigaw ni Mama.

"A-aray, Ma!" sigaw din ni Kuya.

Napailing-iling na lang ako at saka nagpasiya na tumakbo papunta sa malaking puno para malimliman dahil tumataas na rin ang tirik ng araw.

Mula rito ay narinig ko pa ang sigaw ni Mama. "Seya, halika! Magpapaaraw ka."

Pinagmasdan ko ang buong parke at saka napangiti.

Marami pang mga puno rito at dalawa pa lang ang bench na makikita sa parke isama mo na rin ang duyan na para sa mga bata.

Dahil kakaunti lang ang laman ng parke ay mas lalo lang nakikita at nahahalata ang pagiging malawak nit
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status