Share

Chapter 81

Isang buwan na ang nakalipas at hindi pa rin nagbago ang buhay ko. Sinusubukan ko pa rin na kalimutan ang mga nangyari ngunit may pagkakataon talaga na bigla-bigla ko na lang ito maaalala.

"Huy! Nakatulala ka na naman," sigaw sa akin ni Vince.

Tinarayan ko na lang ito at saka inayos ang tindig ko para salubungin ang mga customers.

Pagkatapos ng lahat ng nangyari ay hindi na ulit kami nagkita ni Kuya mabango at hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang panyo na pinahiram niya. Hanggang ngayon din ay wini-wish ko na magkita ulit kami para makapagpasalamat ako ng maayos sa kaniya at masauli na rin ang panyo niya.

Isang linggo lang din matapos ng matindi kong break down ay tuluyan nang natapos ang hotel kaya itong si Vince ay todo trabaho para maturuan ako, at nang may sapat ng empleyado ang hotel ay tuluyan na itong binuksan para sa lahat.

"Vince, huwag mo nga akong guluhin! Hindi ba't naka-assign ka sa hotel sa Batangas?" naiiritang tanong ko sa kaniya.

Natanong ko kasi noong nakaraang ar
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status