Kagigising ko pa lang nang biglang tumunog ang phone ko. As usual, nauna nang bumangon si Aries at naririnig ko pa ang tunog ng shower mula sa bathroom.
Nang i-check ko ang phone ay si Kuya pala ang nagmessage. Nalaman niya na rin ang tungkol sa issue at binato kaagad ako ng maraming tanong kaya halos hindi pa kami makatulog ni Aries kagabi.From Theemoonyong Isaiah:Punta kayo dito tom.Kumunot ang noo ko sa text niya. Kalaunan ay nagtipa rin ako ng irereply.To Theemoonyoung Isaiah:Gagawin namin dyan?Hindi na siya nagreply matapos non kaya naman mas lalong tumaas ang kuryusidad ko.Lumabas na rin si Aries mula sa banyo at basa pa ang buhok nito habang tuwalya lang ang tanging nakatapis sa katawan niya.Agad na bumaba ang tingin ko sa umbok ng tuwalya. Muli rin akong umiwas nang makaisip na naman ng kung ano.“Good morning. How’s your sleep?” he asked as he lean closer and kiss me!I pressedHimalang mas nauna akong nagising ngayong umaga.I was just staring at his face. Kinakabisado ko ang bawat ukit ng parte ng mukha niya. From his hair, down to his perfect eyebrows, ang mahahabang pilikmata niya, ang matangos niyang ilong, hanggang sa perpektong hugis at mamula-mula niyang labi.Bakit hindi ko ‘to napapansin dati? Noong high school nga ako ay laging nagku-krus ang landas namin. I always see him, palagi kaming nagkakasalubong pero wala pa akong pakialam that time.He was gloomy. Sa tuwing nakikita ko siya ay ang dilim palagi ng aura niya. He’s the type of person na gusto palaging mag-isa, kaya nga nagtataka ako kung paano ba talaga sila naging magbest friend ni Kuya.But in fairness, ang laki na ng pinagbago niya ngayon. Medyo dumadaldal na siya at natatawa ako sa isiping baka dahil sa akin ‘yon. I slightly giggle, assuming ko rin talaga, e.Maya-maya lang ay unti-unti na siyang dumilat. Namumungay pa ang mga mata niya nang
Pagkagising ko ay wala na si Aries sa tabi ko. Nauna na naman siyang magising pero kahit sa buong kwarto ay wala siya.Malamya akong lumabas ng kwarto pero agad ding bumungad ang mabangong amoy na niluluto ni Aries sa kusina. Lumapit ako doon. Hindi niya pa ako nakikita dahil nakaharap siya sa kalan kaya nakatalikod ito sa akin.“Good morning,” bati ko nang makalapit.“Morning,” simpleng sagot niya habang nakatutok sa niluluto.Umupo ako sa mesa saka kumuha ng tinapay na mayroon nang palaman.“Ano ‘yan?” I asked bago kumagat sa tinapay.“Omelet.”Tumango lang ako. “Maaga ka ngayon?”Maaga pa kasi nang makita ko sa orasan pero nakabihis na agad siya pang-alis.“Mm.” He nodded.Wow. Ang lamig, ah. Nag-isip na lang ako ng pwede pa naming pag-usapan. Hindi niya pa rin ako nililingon, e.“Timplahan kitang kape?” tanong ko, nagbabakasakali“I’m done.”Napasimangot na ako da
I just realized, kailan ba ang uwi nila Nanay Flor? Mag-iisang buwan na yata silang wala rito, e. Nag-aalala na tuloy ako, sana naman ayos lang sila roon.Nags-scroll lang ako sa phone dahil sa sobrang pagka-bored. Nakatihaya lang ako sa kwarto maghapon magdamag dahil sa sobrang katamaran.Ewan ko ba, may mga araw talagang sinusumpong ako ng katamaran kaya heto at nakahiga lang ako habang nagpho-phone. Marami nang nagkalat na balat ng mga pinagkainan ko pero hindi ko man lang magawang maitapon. ‘Yong mga pinagbihisan ko ay hindi ko man lang magawang ilagay sa basket at basta na lang nakasabit sa banyo, may iba pang nakakalat sa sahig.This is who really I am kapag mag-isa lang. Kahit pa gaano ako ka-bored, hindi-hindi ako kikilos para maglinis. Minsan lang ako atakihin ng kasipagan... mga once a week or minsan once a month.Nag-decide na rin akong i-check ang ini-story ko kagabi. As expected, ang dami ngang na-confuse dahil halata sa buhok na hind
“Alis na ‘ko.”Hindi naman malamig ang pagkakasabi niya non pero para bang may bumigat sa pakiramdam ko. Ramdam ko kasi ang pag-iwas niya at hindi rin ito nag-sorry sa mga sinabi niya kagabi. Why would he? Ako nga ang mali!Sino ba ang dapat manuyo? E, nainis din talaga ako kagabi dahil sa story ni Hermione. Bahala siya diyan, kung hindi niya ako papansinin e ‘di hindi ko rin siya papansinin.Nakaupo lang ako sa lamesa habang kumakain. Umiinom pa kasi ako ng tubig nang sabihin niya ‘yon. Hinihintay ko na lang na umalis siya pero napakunot pa ako ng noo nang makitang hindi ito gumagalaw sa kinatatayuan at nakatingin lang sa akin.Tinaasan ko siya ng kilay. “Oh, aalis ka na, ‘di ba?” pagtataray ko.Maya-maya ay bumuntong-hininga siya. Ipagpapatuloy ko na sana ang pagkain nang lumapit siya sa akin saka ako hinalikan sa pisnge. Bahagya pa akong natigilan nang gawin niya ‘yon. Normal naman na ‘yon para sa akin dahil palagi niyang ginagawa bago
I still can’t stop my tears pero kahit papaano naman ay humihina na rin ang hikbi ko. Hinigpitan ko ang pagkakayakap kay Aries. I want to smell his scent, it makes me comfortable kaya naman isiniksik ko pa ang mukha ko sa leeg niya.“S-sorry...” I said while sobbing. “S-sorry na...”Naramdaman ko ang paghugot niya ng malalim na hininga. He kissed my hair while caressing my back.“Dito ka muna,” he said in a husky voice. Tumango ako nang kumalas kami sa pagkakayakap. “Can you wait me patiently here? Sabay na tayong umuwi.”Muli akong tumango na parang bata. Pinaupo niya ako sa table na naroon saka siya bumalik sa desk at pinagpatuloy ang trabaho. Tahimik lang ako habang nanonood sa kaniya at paminsan-minsan ay chinicheck ang phone.Maikli lang ang pasensya ko pero nahintay ko siya ng limang oras nang hindi nagsasalita. I don’t want to disturb him. Oras-oras niya akong tinatanong kung nabobored na ba ako at pwede naman akong maglibot sa lab
How I wish I could smash this thick glass on the side of his head.Kanina pa mahigpit ang hawak ko sa baso ng tubig habang hinahayaan siyang ubusin ang pasensya ko kakadikta sa kung anong dapat kong gawin.“Did you hear me, Sachiko?”Yes, Dad. Rinig na rinig ko kung paano mo planuhin ang buhay ko nang hindi humihingi ng permiso galing sa ‘kin. Rinig na rinig ko kung paano mo ako kontrolin. Sawang-sawa na akong marinig mula sa ‘yo ang mga dapat kong gawin. But of course, I didn’t say that. I still have a bit of respect for him, pero kaunti na lang ‘yon dahil unti-unti niyang inuubos ‘yon.Inikot ko lang ang mata ko at nagpatuloy sa pagkain. Mas mabuti nang hindi ko siya sagutin kaysa makipagtalo pa ako. He wants me to marry this man na anak daw ng kaibigan niya. The reason? I don’t know, bakit pa nga ba siya mag-aabalang sabihin sa akin ang rason kung sa
“Sigurado ka na ba, Sachi?” Ngayon ay ako na ang nagtaka nang itanong ‘yon sa ‘kin ni kuya. Parang kahapon lang ay sila pa ang nangungumbinsi sa akin na magpakasal pero ngayong pumayag na ako ay halos hindi pa sila makapaniwala. Though, given naman na ang pagpayag ko dahil wala rin naman akong magagawa. “Hindi ba ito naman ang gusto niyo?” Umirap ako sa kanila. Ako na kasi mismo ang nag-approach kay Dad para ma-organize na ang wedding. Good thing, nandito rin si kuya sa office ni Dad kaya hindi ako masyadong naiilang sa kaniya. We’re not close kahit pa tatay ko siya. “Alright. Let’s organize the wedding immediately.” Napangisi ako. This means, mapapasaakin na ang lupang matagal ko nang hinihiling sa kaniya. Pinag-usapan na namin ‘yon at sinabi niyang buong-buo niyang ibibigay sa amin ang lupa. Mainam na raw na sa akin at kay Aries mapupunta ‘yon dahil kampante siyang ma
Dalawang linggo na ang nakalilipas simula nang ikasal kaming dalawa. Hindi naman gano’n kahirap ang pag-adjust ko dahil madali lang pakisamahan ang mga katiwala ni Aries. Nakilala ko na si Nanay Flor na matagal niya na palang katiwala. Mabait siya at maalaga talaga, kaya hindi rin mapakawalan ni Aries. “Good morning, ‘Nay,” saad ko agad nang makita siyang naghahain ng pang-umagahan. She’s in her mid 50’s already at tatlong dekada nang pinagsisilbihan ang pamilya Vincenzo. Ito lang kasi ang nagsilbi at nag-alaga kay Aries simula nang maulila na siya kaya malaki ang utang na loob niya sa kaniya. Itinuturing niya na rin itong parang tunay na ina. That’s what he told me, kaya pwedeng nanay na rin daw ang itawag ko sa kaniya. “Good morning, hija. Heto, magkape ka muna.” Inabutan niya ako ng kapeng natimpla na kaya napangiti ako. Bigla kong naalala si mommy na ganito rin kaalaga sa akin no’ng nabubuhay pa siya. “Sa