Ilang linggo ko ng tinatago ang nalaman ko at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin ko, isa lang ang sigurado ko at iyon ay ang hindi ko pa kaya maging isang Ina. Hindi ko pa nasasabi kay Mama dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya.
“Nakauwi na ho ako,” malakas kong sabi pagpasok ko ng bahay namin ngunit hindi ko man lang narinig si Mama.
“Ma?” tawag kong muli pero nang wala akong marinig ay umakyat na lang ako sa kwarto, nagulat naman ako ng makita ko si Mama sa loob at mas nanindig ang balahibo ko ng makita kung ano ang hawak niya.
“Ma,” mahina kong sabi at lumapit sa kaniya ngunit agad napabaling sa gilid ang mukha ko ng makatanggap ako ng isang malakas at malutong na sampal sa kaniya.
“Put*ng*na Chyna buntis ka?” sigaw niya kaya napahagulgol na lang ako ng iyak dahil sa pinaghalong takot at sakit.
“Sorry Ma,” wika ko habang umiiyak at pinipilit hawakan ang kamay niya pero tinatabig niya lang ako.
“Kailan pa? Sinong ama niyan?” malakas niyang tanong sa’kin pero hindi ko masagot dahil ang totoo ay hindi ko rin kilala kung sino ang lalaking ‘yon.
“Hindi ko na kayang buhayin pa ‘yan Chyna! Alam mong iginapang ko na ang lahat ng makakaya ko para lang mapag-aral ka ng kolehiyo! Gusto mo bang mamatay na ako ha?” sigaw niya at tuluyan na ring humagulgol sa tabi ko.
“Ginawa ko naman ang lahat para pangaralan ka at huwag matulad sa’kin,” sabi niya habang umiiyak na mas nagpadagdag ng sakit na nararamdaman ko. “Bakit mo naman ginagawa ‘to sa’kin Chyna?”
Napatakip nalang ako ng mukha dahil sa hiya sa nanay ko, ayokong makita siyang umiiyak dahil sa kagagawan ko. Nanginginig na ang kalamnan ko kakaiyak kaya pinilit ko ng kumalma para makausap si Mama.
“Ipakilala mo sa akin ang tatay ng dinadala mo, sa ayaw o sa gusto niya ay papanindigan niya ‘yang nabuo ninyo,” sabi niya at lumabas na ng kwarto ko.
Napaiyak naman akong muli dahil sa sinabi ni Mama dahil hindi ko alam anong gagawin ko, hindi ko kilala ang lalaking iyon at panigurado ay hindi noon tatanggapin ang nangyari.
Third Person’s POV
Naglalakad na si Chyna patungo sa sakayan ng jeep dahil papasok na ito sa kaniyang trabaho nang makita ito ng kaibigang si Hanz sa daan.
“Chy pasok na! Hatid kita,” sigaw naman nito mula sa loob ng sasakyan at ibinaba lang ang bintana kaya pumasok naman si Chyna sa sasakyan nito.
“Okay ka lang? Ang putla mo,” tanong naman agad ng binata ng mapansin ang itsura ni Chyna, tumango lang ito ngunit hindi pa sila nakakaalis ay bigla na lang nawalan ng malay si Chyna habang nakaupo sa passenger seat.
“Chy, ‘wag ka magganiyan,” sabi ng binata at tinapik si Chyna ngunit nang hindi ito magsalita ay agad niyang tinapik ang pisngi nito at nang hindi talaga ito mag-respond ay agad niya nang tinahak ang daan papuntang ospital dahil sa panic at takot.
Dinala niya sa emergency ang kaibigan at naghintay sa labas, hindi niya alam paano tatawagan ang nanay ng dalaga dahil hindi niya mabuksan ang telepono nito dahil sa password.
“Kamusta po siya?” tanong agad ni Hanz sa doctor ng makita niya.
“Ayos lang ang asawa mo, napagod lang siguro kaya ay pagpahingahin mo muna siya dahil nakakasama rin sa baby ang labis na pagod,” sabi ng doctor at nagpaalam na dahil may gagawin pa ito.
Natulala naman ang binata dahil sa narinig, parang hindi pa tinatanggap ng sistema niya ang sinabi ng doctor kaya para siyang blanko nang magpunta sa kama na kinahihigaan ni Chyna. Hindi rin nagtagal ay nagising ang dalaga at agad na nag-panic dahil may pasok siya.
“Hanz may pasok ako!” malakas na sabi niya ng pigilan siya ng kaibigan sa pagbangon.
“Magpahinga ka, makakasama raw sa baby ang labis na pagod,” sabi ng binata at idiniin pa ang salitang ‘baby’.
Napatahimik naman si Chyna sa sinabi ng kaibigan at hindi na nagpumilit umalis. Ilang beses niya narinig ang buntong hininga ng kaibigan ngunit hindi niya naman alam ang sasabihin dito.
“Sinong tatay niyan?” seryosong tanong ni Hanz sa kaibigan.
“H- hindi ko . . . kilala,” sagot ng dalaga habang nakayuko at agad naman napatingin sa kaniya ang kaibigan dahil sa gulat.
“Ano?” malakas na tanong nito pero hindi pa rin siya nilingon ng dalaga. “Anong hindi mo kilala? Paanong naging ganoon Chyna?”
“Hindi ko siya kilala okay? Nagkamali ako! Kasalanan ko,” sabi nito at naiyak na kaya naman napatigil din si Hanz sa naging reaksyon ng kaibigan.
Hinila niya na lang ito palapit para yakapin at kumalma ang kaibigan, iniisip niya na baka kung ano ang mangyari dito kapag na-stress masyado.
“Kailan nangyari?” mahinahong tanong ni Hanz sa kaibigan.
“Noong birthday mo,” sagot ni Chyna. “Dahil siguro sa kalasingan hindi ko na alam anong nangyari sa akin.”
“Sinasabi mo bang kaibigan ko ang nakabuntis sa ‘yo?” tanong ni Hanz at tumango naman si Chyna kaya napahilamos siya ng palad niya sa mukha.
“I-describe mo, kilala ko ang lahat ng nagpunta sa birthday ko Chyna,” seryosong sabi nito na halatang desididong kilalanin ang nakabuntis sa matalik niyang kaibigan.
“Hindi gaanong kaputian, kulay itim ang buhok, medyo maskulado pero hindi sobra,” sabi ni Chyna habang pilit inaalala ang itsura ng lalaking nakita niya. “Gwapo, matangos ang ilong, mahaba ang pilikmata, makapal ang kilay, mapula ang labi, may tattoo siya sa may dibdib na parang lobo."
“Put*ng*na,” bulong nang binata ng maisip kung sino ang inilalarawan ng kaibigan, kaagad niyang kinuha ang phone at naghanap ng litrato na kasama niya ang lalaki.
“Ito ba ang lalaking tinutukoy mo?” kinakabahang tanong ni Hanz at hinarap kay Chyna ang larawan, tumango naman ang dalaga na nakapagpapikit ng mariin sa binata.
“Sino siya? Ka- kailangan ko siya makausap,” sabi ni Chyna sa kaibigan.
“Tara na at ihahatid na kita sa inyo,” sabi ni Hanz at sumunod naman sa kaniya si Chyna.
Tahimik sila sa byahe hanggang sa makauwi si Chyna, pinaalalahanan niya lang ang kaibigan na huwag na masyadong magpuyat dahil baka makasama iyon sa kanila ng anak niya.
Nakarating si Hanz sa bahay nila para lamang sana ay magpalit bago pumunta sa bahay ng lalaking hinahanap niya. Ngunit pagpasok niya sa kanilang tahanan ay agad niyang nakita ang lalaking gusto niya makausap na nanonood ng telebisyon.
“Oh Hanz, kumain-” hindi na natuloy ang tanong nito nang lumandas ang kamao ni Hanz diretso sa panga ng lalaki, hinigit pa nito ang kwelyo ng suot nito dahil sa galit na nararamdaman.
“You f*cker! Ano ang problema mo?” sigaw sa kaniya nito.
“Anong ginawa mo sa kaibigan ko?” malakas na sigaw nito na puno ng galit ang mga mata.
“I don’t even know what the f*ck are you talking about,” galit na singhal ng lalaki sa kaniya at tinanggal ang hawak nito sa kwelyo niya.
“Anong ginawa mo sa resort noong birthday ko Kuya?” galit pa ring tanong nito sa nakatatandang kapatid.
“I drank-” napatigil ito ng maalalang mayroon siyang babaeng naikama ng gabing iyon habang lasing rin siya, napansin naman ni Hanz ang animo'y realisasyon sa mukha ng kapatid.
“Oo Kuya! Kaibigan ko ‘yung babaeng ‘yon! Matalik kong kaibigan ang nabuntis mong hayop ka!” sigaw nito at umamba ulit ng suntok ngunit naka dipensa na ang kapatid.
“Ano ang nangyayari dito?” sigaw ng Ama nila na kakababa lang ng hagdan kasama ang kanilang Ina.“Itanong niyo sa magaling niyong anak kung anong kat*rantaduhan ang ginawa niya,” galit na wika ni Hanz.
“Hanz Gerald,” saway naman ng kaniyang Ina kaya tumahimik siya.
“Anong ginawa mo Hendrix?” seryosong tanong ng tatay niya.
“Your son is accusing me of getting his best friend pregnant,” sagot nito sa Ama.
“Oo sinabi niya sa’kin na ikaw ang nakabuntis sa kaniya,” sabi ni Hanz na halatang nagpipigil pa ng galit.
“I don’t even know your bestfriend!” sigaw ni Hendrix sa kapatid.
“Your bestfriend? You mean Chyna?” tanong ng Ginang sa anak kaya tumango naman si Hanz at napatakip na lang ng bibig ang kanilang Ina sa nalaman.
“Panindigan mo si Chyna,” madiin na sabi ni Hanz sa kapatid.
“I won’t take responsibility for something that I didn’t do,” sigaw nito, umamba ng suntok si Hanz ngunit naunahan siya ng kanilang Ama at napaupo na lang sa sahig si Hendrix sa lakas ng suntok na natamo.
“Papanindigan mo ang nagawa mo, sa ayaw at sa gusto mo Hendrix. I did not raise you to be a f*cking coward!” Madiin ang bawat salita ng Ginoo bago sila nito iwanan.
“We’ll talk to Chyna’s family tomorrow,” sabi naman ng Ina nila ngunit hinabol pa ito ni Hendrix.
“We’re not even sure if I was really the father! What if she’s just doing this for money?” tanong ni Hendrix sa Ina.
“‘Wag mong ubusin ang natitira kong respeto sa ‘yo Kuya,” saad ni Hanz sa kapatid.
“Son, I know Chyna. Kung ano man ang iniisip mo ay napakalayo niya sa ganoong klase ng babae, mabait at responsableng anak si Chy . . . kung hindi ganito ang sitwasyon at nalaman kong si Chyna ang magiging nanay ng anak mo, siguro ay naghanda pa ako ng salusalo,” sabi ng Ginang at iniwan na ang dalawang binata, agad rin na umalis si Hanz dahil galit na galit pa rin ito sa kapatid.
Kinaumagahan ay nagkasabay-sabay naman ang pamilya Vilmora sa hapagkainan kahit na napakatahimik lang nila.
“Dad! Can you hear what you’re saying?” singhal agad ni Hendrix ng pag-usapan ng kanilang mga magulang ang planong kasal.
“What? Nabuntis mo si Chyna, panindigan mo, pakasalan mo dahil kung ako ang may anak na babae, panigurado ganoon ang gugustuhin kong mangyari,” sabi ng Ginoo na hindi pinansin ang pagdadabog ng anak.
“But isn’t a wedding too much? Hindi ko kilala ang babaeng ‘yon, what happened to us was just a mistake! Hindi ba pwedeng sustentuhan ko na lang ang bata?” tanong nito habang nagmamakawa ang mga mata.“Ngayon pakinggan mo ang sinasabi mo? Sa tingin mo ba pera lang kailangan para makabuhay ng bata? Bukod sa pera mas kailangan noon ng magulang,” seryosong saad ng Ginang.
“Papakasalan mo si Chyna at magiging ama ka sa una kong apo Hendrix. Kung hindi ay ako mismo ang magtatanggal sa ‘yo sa posisyong ibinigay ko,” mariin na sabi ng Ama ng tahanan at kumain ng muli.
Ang Ginang na si Helena ang tumawag mismo kay Chyna para ipaalam na dadalaw silang pamilya sa tahanan ng dalaga. Agad namang naglinis si Chyna at ang kaniyang Ina dahil sa biglaang pagkakaroon ng bisita.
Hapon na ng matapos ang mag-ina sa paga-ayos ng kanilang tahanan at natapos na rin mag-ayos ng kanilang sarili. Nitong araw lang rin nalaman ni Chyna na ang lalaking nakabuntis sa kaniya ay ang kapatid ng matalik niyang kaibigan. Hindi pa rin mapalagay ang dalaga dahil hindi niya kilala ang lalaking ito at magkikita silang muli ngayon na kasama pa ang mga magulang.
“Pasok ho kayo,” agad na sabi ni Chyna ng salubungin ang pamilyang kararating lang sa kanilang tahanan.
“Mas lalo ka atang gumaganda Chy, ang tagal nating hindi nagkita ah,” bati naman ni Helena sa manugang na babae.
“Naging busy ho kasi sa course ko at sa pagtatrabaho,” sagot naman nito.
Nakapasok na ang pamilya at sa hindi malamang rason ay hindi kayang tingnan ni Chyna ang lalaking katabi ng kaniyang kaibigan. Nag-udyok naman ang Ina ni Chy na kumain na ng hapunan dahil naghanda sila ng kaunti para sa bisita.
Nakaupo si Chyna sa pagitan ng kaniyang Ina at ni Hanz at sa kasamaang palad ay nasa tapat pa nito ang binatang hindi niya kayang tingnan. Nagsimula ng kumain ang lahat habang pinapakinggan lang nila na ang mga magulang nila ang nagu-usap.
“Gusto na sana naming pag-usapan ang tungkol sa kasal para magawa natin ito ng mas maaga habang hindi pa malaki ang tiyan ni Chyna,” sabi ni Helena at agad namang nabilaukan si Chyna sa narinig kaya tinapik tapik ni Hanz ang likuran nito.
“K- kasal po? B- bakit po?” tanong nito ng makabawi.
“Chyna nakabuo na kayo ng anak, natural na kasal na ang dapat kasunod noon,” sabi nito sa dalaga at ngumiti pa, agad namang naglandas ang paningin niya sa kaniyang Ina upang humingi ng tulong ngunit ng makita niyang parang sang ayon ito ay napahinga na lang siya ng malalim.
“Pero naga-aral pa ho ako, twenty two pa lang po ako,” sabi naman ni Chyna at nag-isip pa ng ibang pwedeng dahilan para tumanggi sa kasal.
“Anak pwede ka pa rin naman tumuloy sa paga-aral, hindi porket ay ikakasal ka na ay hihinto ka na sa paga-aral,” sagot naman ng kaniyang Ina. “Mas mabuti na rin ito para sigurado akong hindi matutulad sa ‘yo ang anak mo na lumaking walang Ama.”
Nag-usap na ang mga magulang nila at wala ng nagawa pa ang dalaga kung hindi ang makinig sa mga plano at unti-unting piniliit ang sarili na tanggaping ikakasal na siya sa lalaking hindi niya man lang alam ang pangalan.
“Ano?” tanong ni Hanz sa kaibigan nang pasimple siyang kinurot ni Chyna sa kamay.
“Hindi ko alam ang pangalan ng kapatid mo,” bulong nito sa kaibigan na tila ba ay nahihiya pa.
“Seryoso ka ba? Hindi mo alam?” tanong nito kaya ng umiling ang kaibigan ay sumagot ito.
“Hendrix Gabriel Vilmora,” saad nito at nagpatuloy na sa pagkain.
Naligaw naman ang paningin ng dalaga sa binatang nasa tapat at saktong ito rin ay nakatingin sa kaniya kaya agad siyang napatungo at tinuon na lang ang pansin sa ibang bagay.
Hindi lingid sa kaalaman ng iba ay mula pagkarating sa tahanan ng mga Chaves ay pinagmamasdan na ni Hendrix ang soon to be bride niya. Pinagmasdan niya kung gaano ito kagalang sa kaniyang ina, kung paano ito makipag-usap sa kaniyang Ama at kapatid at kapansin-pansin rin ang pag-iwas nito ng tingin sa kaniya.
Hindi maipagkakaila ang kagandahan ng dalaga na animo’y may halong ibang lahi dahil sa kakaibang kulay ng mata, abo ang kulay ng mata ng dalagang ni minsan ay hindi tumingin sa kaniyang mata.
‘This is the girl I am going to marry?’ isip isip ng binata habang nakatingin pa rin dito. Napa buntong hininga na lang ito ng makitang tapos na ang usapan ng mga magulang nila at mukhang desidido na ang mga ito sa kasal.
Wala pang isang linggo ang naging preparasyon sa kasal ni Chyna at Hendrix, halos ang mga magulang lang nila ang nagkakausap tungkol dito dahil pareho may pasok si Chyna at Hendrix. At ngayon na ang araw ng kasal nila, isang garden wedding ang mangyayari at imbitado ang ilan sa mga business partners ng mga Vilmora at ang pamilya ni Chyna na hindi naman ganoon kalaki.“Akala ko joke lang ‘yung ikakasal ka,” hindi pa rin makapaniwalang saad ni Veronica sa kaibigan.“Kahit ako ay hindi ko rin naman ine-expect na ikakasal ako ng ganito kaaga at lalo na sa lalaking ni hindi ko man lang kilala,” sagot ni Chyna.“Bakit feeling ko pinakinggan ni Lord ‘yung sinabi ko sa birthday ni Hanz medyo sumobra lang ‘yung nangyari,” sabi ni Veronica at naalala na
Chyna’s POV“Salamat po,” sabi ko bago bumaba ng sasakyan.“Ingat po ma’am,” sabi naman ni Kuya kaya ngumiti ako.Mabait ang nakuhang driver ni Tita, kung ituring niya ako ay parang anak kaya hindi lang rin driver ang turing ko sa kaniya. Ilang araw na rin mula ng magsimula siya sa paghatid at pagsundo sa akin.Pagkababa ko ng sasakyan ay naglakad na ako papunta sa meeting place namin nila Nica pero napansin ko na parang tinitingnan ako ng mga nakakasabay kong studyante pero hindi ko na lang pinansin.“Natapos mo ‘yung activity kay Sir Gamboa?” tanong ni Nica sa’kin pagkaupo namin sa loob ng classroom.
Nagpa-panic na ako ngayon dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Nalimutan ko lang naman sa bahay ang drawing tube ko at dalawang plates ko ang nakalagay doon na ngayon na ang deadline.“Ayaw sumagot ni Hanz,” halos paiyak ko ng sabi kay Veronica habang nandito kami sa comfort room.“Kumalma ka, sasagot rin ‘yan okay? Or kung hindi mo makuha ‘yon ngayon ay makiusap ka na lang kila prof, ngayon lang naman nangyari sa ‘yo ‘yan eh,” sabi ni Nica at hinagod pa ang likod ko dahil konti na lang ay iiyak na talaga ako.Sa dalawang major ko ang plates na ‘yon kaya hindi ko alam paano ko ie-explain sa kanila na naiwan ko sa bahay ang gawa ko. Sinasabunutan ko ang sarili ko ng bigla naman mag-ring ang phone ko, dahil sa paga-akalang si Hanz ang tumawag ay agad ko na itong sinagot ng hindi man lang tinitingnan ang caller ID.“Hello! Hanz! Kanina pa kita tinatawagan,” sabi ko habang hinihingal pa.“Chyna,” nandilat naman ang mata k
Tinawagan ko na si Hendrix habang naglalakad kami palabas ng building, buti naman at nakisama si Nica at tumahimik kahit papaano pero hindi pa rin nawala ‘yung mapang asar niyang mukha.“Hello?” sagot ni Hendrix sa kabilang linya.“Bakit mo ako susunduin? Wala si Kuya Ruel?” tanong ko naman.“Sa bahay tayo magdi-dinner at naghanda sila Mommy, nandito na ako sa labas,” sabi niya kaya agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at binilisan ko na ang paglalakad habang humahabol naman si Nica sa’kin. Binaba ko na ang tawag at saktong paglabas ko ng lobby ay nakita ko agad siya kahit ang daming naglalakad palabas dahil naka park ang sasakyan niya sa tabi niya at nandun na rin si Hanz pero mukhang hindi sila nagu-usap.“Anong mayroon ngayon?” tanong ko naman pagkarating ko doon.“Trip lang ni Mommy maghanda, baka nag-experiment ulit ‘yon,” sagot ni Hanz kaya tumango na lang ako.“Una na ako, ingat kayo,” paalam ni Nica sa tabi ko kay
Sa bawat araw na lumilipas ay ayoko mang aminin pero unti-unti na talaga akong kinikilig kay Hendrix. Alam kong walang meaning ang mga ginagawa niya, lahat ‘yon para lang sa anak namin pero hindi ko naman kasi kayang hindi pansinin kung gaano siya kabuting lalaki.Lord, sobrang gentleman nito, tulungan niyo po akong ‘wag mahulog kasi baka lumagapak ako sa lupa.“Good morning Nay,” bati ko kay Nanay pagkababa ko sa may dining area para kumuha ng tubig.Pabukas na sana ako ng pinto ng ref nang makita kong may note doon, binasa ko naman at napairap na lang ako at nagpigil ng ngiti. Lord sabi ko tulungan mo ko ‘wag mahulog eh.‘I bought you new vitamins, it is good for you and the baby. Drink it every morning.’ - HDelikado na ata ako, vitamins lang ‘yan pero ‘yung kilig ko akala mo ay nag-propose sa’kin
Nagtutupi na ako ng mga dadalhin kong damit dahil kila Veronica ako matutulog ngayon dahil first day na ng midterm examination namin bukas. Palagi naman kami ganito dahil mas nakakapagreview ako ng maayos kapag may kasabay akong nagre-review.“Nanay Mely, si Kuya Ruel po?” tanong ko naman ng malakas pagkababa ko sa may sala at bitbit na ang mga damit ko, para akong maglalayas.“Ako na maghahatid sa ‘yo,” napalingon naman ako ng marinig ko ‘yon, nakita ko si Hendrix na naghuhubad ng coat niya.“Ha? ‘Wag na baka pagod ka rin, si Kuya na lang,” sabi ko naman.“Ako na. Para alam ko rin ang bahay ng bestfriend mo,” sabi pa niya at ibinaba lang ang bag niya sa may sofa at naglakad na palabas.Wala na rin naman ako nagawa kaya sumunod na ako sa kaniya palabas ng bahay. Hindi niya na pinasok ang sasakyan niya sa garahe siguro ay expected niyang ihahatid niya ako, nag-message kasi ako sa kaniya na kila Veronica ako matutulog dahil baka magalit siya kung hindi ako magsabi sa kaniya.“Bango,” ko
Paakyat na sana ako ng makasalubong ko si Hendrix na mukhang nakaporma rin, tiningnan niya naman ako at kumunot kaagad ang noo niya.“Are you alright? Namumutla ka,” komento niya kaya umiling ako.“Pagod lang sa exam,” sabi ko naman at ngumiti ng tipid.“Magpahinga ka na, may pupuntahan-” hindi ko na siya pinatapos at tumalikod na ako.“Ingat kayo,” sabi ko at naglakad agad paakyat sa kwarto ko.Ayoko na marinig na magde-date sila nung babaeng ‘yon. Akala ko ba ex-girlfriend na? Bakit nandito? Ano ‘yon bonding ng mag-ex?Dumiretso ako ng higa sa kama ko at tumitig na lang si kisame, sila na ba ulit? Hindi sila bagay. Bigla naman nagtubig ang mata ko ng maisip ko ang possibility na baka magkabalikan sila, huminga ako ng malalim para hindi matuloy ang pagtulo ng luha ko.Tama si Nica, ako lang talaga nagbibigay ng malisya sa mga ginagawa niya. Bakit kasi pinalaki ka ng mga magulang mo bilang mabuting lalaki? Paano ko maiiwasang hindi mahulog sa ‘yo? Napaiyak na lang ako ng tuluyan nun
Third Person’s POVIlang araw na mula noong nagsimulang dumistansya si Chyna sa asawa at unti-unti na ‘yon napapansin ni Hendrix ngunit wala naman siyang magawa dahil halos hindi na sila magkita ng dalaga sa mismong bahay nila. Tuwing umaga ay maaga na itong umaalis at sa gabi naman ay maaga na ito palaging natutulog.Kahit na si Chyna ang umiiwas ay hindi pa rin niya maiwasan ang malungkot dahil sa ginagawa niya pero hindi niya naman matigilan dahil naaalala niya na baka nagkabalikan na si Hendrix at Kim dahil ilang beses na niya ito nakita sa bahay nila.“Oh ano na naman ang iiyakan natin today?” tanong ni Nica ng makita ang kaibigan na nakatulala sa meeting place nila.“Wala. Kalmado ako today,” sagot naman ni Chyna.“Sana talaga true!” malakas naman na sabi ni Nica.“Hayaan mo na siyang ganiyan at baka umiyak pa,” sabi rin ni Allyson kaya napasimangot na naman si Chyna sa mga kaibigan niya.“Pasok na,” bungad ni Hanz pagkarating niya at inabutan lang ng strawberry milk si Chyna.“