Share

5 - Falling for you?

Nagpa-panic na ako ngayon dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Nalimutan ko lang naman sa bahay ang drawing tube ko at dalawang plates ko ang nakalagay doon na ngayon na ang deadline.

“Ayaw sumagot ni Hanz,” halos paiyak ko ng sabi kay Veronica habang nandito kami sa comfort room.

“Kumalma ka, sasagot rin ‘yan okay? Or kung hindi mo makuha ‘yon ngayon ay makiusap ka na lang kila prof, ngayon lang naman nangyari sa ‘yo ‘yan eh,” sabi ni Nica at hinagod pa ang likod ko dahil konti na lang ay iiyak na talaga ako.

Sa dalawang major ko ang plates na ‘yon kaya hindi ko alam paano ko ie-explain sa kanila na naiwan ko sa bahay ang gawa ko. 

Sinasabunutan ko ang sarili ko ng bigla naman mag-ring ang phone ko, dahil sa paga-akalang si Hanz ang tumawag ay agad ko na itong sinagot ng hindi man lang tinitingnan ang caller ID.

“Hello! Hanz! Kanina pa kita tinatawagan,” sabi ko habang hinihingal pa.

“Chyna,” nandilat naman ang mata ko ng mabosesan ko kung sino ang caller, tiningnan ko pa ang screen ko para masigurado kung siya nga talaga.

“Ay Hendrix, sorry, ano kasi . . . hinihintay ko tumawag si Hanz,” sabi ko na lang.

“Malapit na ako sa labas ng campus niyo, kunin mo na ‘tong parang lalagyanan ng mapa, you forgot this on the dining table,” sabi niya kaya agad na nanlaki ang mata ko.

“Ha?” malakas na tanong ko dahil parang hindi ko siya naintindihan.

“You heard me Chy, kunin mo na ‘to. Nandito na ako,” sabi niya at binaba na ang tawag.

“Bumalik ka na sa room, nasa labas si Hendrix dala ‘yung drawing tube ko,” sabi ko kay Nica at agad na akong tumakbo palabas, narinig ko pa ang tawag ni Nica pero hindi na ako lumingon.

Tumakbo ako palabas ng building namin, buti na lang at class hours na at wala na masyadong tao sa hallway at nakatakbo ako ng walang nababangga. 

Nakita ko naman agad si Hendrix na nakasandal sa sasakyan niya pagkalabas ko sa may mismong lobby ng building namin.

Pagkarating ko sa kaniya ay agad akong napakapit sa sasakyan sa sobrang hingal, nakatingin lang naman siya sa ’kin kaya hinitay ko munang kumalma ang tibok ng puso ko bago ako magsalita.

“Do you need water?” tanong niya pero umiling ako.

“‘Wag ka ngang takbo ng takbo, baka mapano ka pa,” sabi niya at inabot sa’kin ang itim kong drawing tube.

“Sorry sa abala and salamat, ngayon deadline ng mga plates ko at parehas major ‘yon,” sabi ko naman at ngumiti sa kaniya.

“Kaya pala madaling araw na ay gising ka pa,” komento niya kaya napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya.

“Paano mo nalaman?” tanong ko naman at nagpunas ng pawis sa noo ko.

“Bababa ako noon para kumuha ng tubig tapos narinig kong kumakanta ka pa,” sabi niya kaya napangiti naman ako ng alanganin sa kaniya.

“Go back, you have class right?” tanong niya at naalala ko naman na may pasok nga pala ako.

Nagpaalam na ako at tumakbo na pabalik sa building namin habang bitbit ang tube.

“Ay hala dinala talaga ng asawa mo?” bulong ni Nica nang makita ang hawak ko.

Pinalo ko naman siya sa braso dahil sa sinabi niya, hindi alam sa school na kasal na ako at wala namang pumapansin ng wedding band ko dahil mukhang simpleng singsing lang ito.

Nagdaan ang dalawang klase ko ngayon na puro sama lang ng loob ang binigay sa akin. Paano ba naman, kakapasa lang nung activity namin tapos may pinapagawa na naman at bukas din ang pasahan. 

Kaya talagang pigil na pigil ang pag-irap ko dahil baka mapagalitan pa ako, dinaan ko na lang sa ilang buntong hininga para makalma ang kaluluwa ko.

“Sabi ko ngayon ako babawi ng tulog dahil napuyat ako kagabi,” sabi ko habang naglalakad na kami papunta ng cafeteria dahil break time namin.

“Grabe talaga ‘yon ano? Feeling ata niya siya lang subject natin,” sagot naman ni Nica sa tabi ko.

“Hoy! Naalala ko ‘yung asaw-” Tinakpan ko kaagad ang bibig niya dahil alam ko na sasabihin niya.

“Tumahimik ka,” sabi ko ng may pagbabanta at binitawan na siya.

“Pero nakakakilig naman kasi na pinuntahan ka niya, ‘di ba may trabaho ‘yon?” tanong niya kaya tumango ako.

“Sana magka-developan kayo!” kinikilig niya pang sabi kaya natawa na lang ako sa mukha niya.

“Kanina pa ‘yung message mong papunta na kayo,” bungad ni Hanz nung makarating na kami sa table.

“Gutom na gutom?” tanong ko naman.

Nagsimula naman na kami kumain habang nagra-rant na si Nica kay Hanz dahil doon sa prof naming parang kampon ni satanas na talagang nagpapahirap ng araw araw naming buhay.

“Allyson! Mag-isa ka?” Napalingon naman ako doon sa tinawag ni Nica at nakita ko naman 'yung babae na hindi pamilyar sa'kin pero mukha namang mabait.

“Oo eh,” sagot niya kaya inurong naman ni Nica ang upuan sa tabi niya at tinapik pa ‘yon para doon na siya umupo.

“Dito ka na, sabay ka sa ‘min. Guys, si Allyson kaklase ko sa isang minor subject ko . . . si Chyna at Hanz,” pagpapakilala ni Nica kaya ngumiti naman ako agad sa kaniya.

“Hi!” bati ko at kumaway pa ng kaunti.

“Hi,” bati rin ni Hanz, napansin ko naman na medyo nahiya siya or baka hindi lang sanay makipag-interact sa tao.

“Irregular student ka?” tanong ko naman kasi kaklase ko rin si Nica pero hindi ko siya naging kaklase eh si Nica may mga tinetake na extra subjects dahil nagshift lang siya ng Architecture noong 2nd year na kami.

“Oo kaya ano- wala ako masyado kaibigan,” medyo mahina niyang sabi.

“Eto na kami oh! Sabay ka na palagi sa amin ha!” sabi naman ni Nica kaya tumango rin ako sa kaniya.

Nagusap-usap lang kami hanggang sa matapos kaming lahat kumain, halos mas umingay kami ngayon kasi nadagdagan kami ng isa. 

Noong una akala ko talaga mahiyain at tahimik lang si Allyson pero noong tumagal tagal na nagu-usap kami ay mas umiingay na rin siya, natatawa na lang ako kay Hanz dahil mukhang may dagdag sakit sa ulo na siya.

“Isama na natin palagi si Allyson Nics, ang saya niya rin kausap ano,” komento ko at natawa pa ko nung naalala ko ‘yung tawa ni Allyson.

“Oo, grabe sakit ng tiyan ko kakatawa sa tawa niya. Tawang paurong eh no,” komento niya na mas nakapagpatawa sa aming dalawa habang papasok ng room namin.

Last subject na namin ngayon at ‘yung prof ko dito ang pinaka ayaw ko sa lahat, minor subject lang ‘to pero halos every class may quiz dito tapos sobrang lakas noon mang-objectify ng mga babae.

Nagdi-discuss na siya sa harap at pinipilit ko na lang makinig pero wala talaga. Nakita ko namang nagpo-phone na si Nica sa tabi ko kaya pasimple ko ring kinuha ang phone ko sa bag ko, agad ko namang nakita na may message ako noong binuksan ko.

Hendrix

“I’ll pick you up, call me when your classes are done.” 4:40 pm

Napakunot naman ang noo ko dahil doon, wala naman akong maalalang may pupuntahan kami pagkatapos ng klase ko kaya pilit kong inalala kung may sinabi ba siya pero wala naman. 

Hindi ko na ulit binuksan ang phone ko dahil baka ma-confiscate pa, tumingin na lang ako sa whiteboard kahit hindi ko na naiintindihan ang sinasabi ni prof sa harap.

“Mall tayo Chy!” sabi agad ni Nica nang makalabas ang prof namin.

“Susunduin ako ni Hendrix,” mahina kong sabi sa kaniya habang nagliligpit ng gamit ko.

“At bakit? Anong- . . . may date kayo?” pang asar na tanong naman niya at sinundot pa ang tagiliran ko.

“Hindi ko alam, sabi niya lang tawagan ko siya pagkatapos ng klase natin,” sabi ko naman.

Binuhat ko na ang bag ko at naglakad na palabas habang nakasunod naman sa’kin si Nica na parang kiti kiti sa sobrang gulo, paulit-ulit niya pa sinasabi na may date ako kahit hindi naman talaga date ‘to.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status