Share

6 - With the Vilmora family.

Tinawagan ko na si Hendrix habang naglalakad kami palabas ng building, buti naman at nakisama si Nica at tumahimik kahit papaano pero hindi pa rin nawala ‘yung mapang asar niyang mukha.

“Hello?” sagot ni Hendrix sa kabilang linya.

“Bakit mo ako susunduin? Wala si Kuya Ruel?” tanong ko naman.

“Sa bahay tayo magdi-dinner at naghanda sila Mommy, nandito na ako sa labas,” sabi niya kaya agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at binilisan ko na ang paglalakad habang humahabol naman si Nica sa’kin.

Binaba ko na ang tawag at saktong paglabas ko ng lobby ay nakita ko agad siya kahit ang daming naglalakad palabas dahil naka park ang sasakyan niya sa tabi niya at nandun na rin si Hanz pero mukhang hindi sila nagu-usap.

“Anong mayroon ngayon?” tanong ko naman pagkarating ko doon.

“Trip lang ni Mommy maghanda, baka nag-experiment ulit ‘yon,” sagot ni Hanz kaya tumango na lang ako.

“Una na ako, ingat kayo,” paalam ni Nica sa tabi ko kay
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status