Sa bawat araw na lumilipas ay ayoko mang aminin pero unti-unti na talaga akong kinikilig kay Hendrix. Alam kong walang meaning ang mga ginagawa niya, lahat ‘yon para lang sa anak namin pero hindi ko naman kasi kayang hindi pansinin kung gaano siya kabuting lalaki.
Lord, sobrang gentleman nito, tulungan niyo po akong ‘wag mahulog kasi baka lumagapak ako sa lupa.“Good morning Nay,” bati ko kay Nanay pagkababa ko sa may dining area para kumuha ng tubig.Pabukas na sana ako ng pinto ng ref nang makita kong may note doon, binasa ko naman at napairap na lang ako at nagpigil ng ngiti. Lord sabi ko tulungan mo ko ‘wag mahulog eh.‘I bought you new vitamins, it is good for you and the baby. Drink it every morning.’ - HDelikado na ata ako, vitamins lang ‘yan pero ‘yung kilig ko akala mo ay nag-propose sa’kinNagtutupi na ako ng mga dadalhin kong damit dahil kila Veronica ako matutulog ngayon dahil first day na ng midterm examination namin bukas. Palagi naman kami ganito dahil mas nakakapagreview ako ng maayos kapag may kasabay akong nagre-review.“Nanay Mely, si Kuya Ruel po?” tanong ko naman ng malakas pagkababa ko sa may sala at bitbit na ang mga damit ko, para akong maglalayas.“Ako na maghahatid sa ‘yo,” napalingon naman ako ng marinig ko ‘yon, nakita ko si Hendrix na naghuhubad ng coat niya.“Ha? ‘Wag na baka pagod ka rin, si Kuya na lang,” sabi ko naman.“Ako na. Para alam ko rin ang bahay ng bestfriend mo,” sabi pa niya at ibinaba lang ang bag niya sa may sofa at naglakad na palabas.Wala na rin naman ako nagawa kaya sumunod na ako sa kaniya palabas ng bahay. Hindi niya na pinasok ang sasakyan niya sa garahe siguro ay expected niyang ihahatid niya ako, nag-message kasi ako sa kaniya na kila Veronica ako matutulog dahil baka magalit siya kung hindi ako magsabi sa kaniya.“Bango,” ko
Paakyat na sana ako ng makasalubong ko si Hendrix na mukhang nakaporma rin, tiningnan niya naman ako at kumunot kaagad ang noo niya.“Are you alright? Namumutla ka,” komento niya kaya umiling ako.“Pagod lang sa exam,” sabi ko naman at ngumiti ng tipid.“Magpahinga ka na, may pupuntahan-” hindi ko na siya pinatapos at tumalikod na ako.“Ingat kayo,” sabi ko at naglakad agad paakyat sa kwarto ko.Ayoko na marinig na magde-date sila nung babaeng ‘yon. Akala ko ba ex-girlfriend na? Bakit nandito? Ano ‘yon bonding ng mag-ex?Dumiretso ako ng higa sa kama ko at tumitig na lang si kisame, sila na ba ulit? Hindi sila bagay. Bigla naman nagtubig ang mata ko ng maisip ko ang possibility na baka magkabalikan sila, huminga ako ng malalim para hindi matuloy ang pagtulo ng luha ko.Tama si Nica, ako lang talaga nagbibigay ng malisya sa mga ginagawa niya. Bakit kasi pinalaki ka ng mga magulang mo bilang mabuting lalaki? Paano ko maiiwasang hindi mahulog sa ‘yo? Napaiyak na lang ako ng tuluyan nun
Third Person’s POVIlang araw na mula noong nagsimulang dumistansya si Chyna sa asawa at unti-unti na ‘yon napapansin ni Hendrix ngunit wala naman siyang magawa dahil halos hindi na sila magkita ng dalaga sa mismong bahay nila. Tuwing umaga ay maaga na itong umaalis at sa gabi naman ay maaga na ito palaging natutulog.Kahit na si Chyna ang umiiwas ay hindi pa rin niya maiwasan ang malungkot dahil sa ginagawa niya pero hindi niya naman matigilan dahil naaalala niya na baka nagkabalikan na si Hendrix at Kim dahil ilang beses na niya ito nakita sa bahay nila.“Oh ano na naman ang iiyakan natin today?” tanong ni Nica ng makita ang kaibigan na nakatulala sa meeting place nila.“Wala. Kalmado ako today,” sagot naman ni Chyna.“Sana talaga true!” malakas naman na sabi ni Nica.“Hayaan mo na siyang ganiyan at baka umiyak pa,” sabi rin ni Allyson kaya napasimangot na naman si Chyna sa mga kaibigan niya.“Pasok na,” bungad ni Hanz pagkarating niya at inabutan lang ng strawberry milk si Chyna.“
Naiwan namang tahimik ang dalawa sa sala at tangging tunog lang na nanggagaling sa telebisyon ang maririnig. Halos hindi pa rin makatingin si Chyna kay Hendrix habang si Hendrix naman ay nakatuon lang ang paningin sa kaniyang asawa. "Bakit ka pala nagpunta?" tanong naman ni Chyna para matapos ang katahimikan. "Nandito ka eh, susunduin lang sana kita kaso pinapasok ako ni Mama," sagot nito sa asawa at napansin naman ni Chyna ang tinawag nito sa kaniyang Ina pero pumikit na lang ito para iwaksi ito sa isip niya. Natahimik naman silang muli pagkatapos noon, magsasalita na sana ulit si Hendrix ngunit tinawag na sila ng Ginang para kumain kaya nagpunta na sila sa hapag at sabay-sabay kumain. "Kamusta ka naman Hendrix?" tanong ng Ina ni Chyna. "Okay lang naman ho, medyo busy lang sa trabaho," sagot nito bago uminom ng tubig. "Alagaan mo rin ang sarili mo ha, baka naman magkasakit ka niyan kakatrabaho," paalala naman nito. "Opo. Nililimitahan ko rin ang masyadong pagtatrabaho para naaa
Chyna’s POVHindi ko na alam anong mararamdaman ko, sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakangiti pa ‘tong lalaking ‘to sa harap ko. Feeling ko hindi totoo ‘to, baka nagha-hallucinate na lang ako. “Matagal ko na napapansin na may gusto ka sa ’kin Chy, ‘yung mga ngiti mo noon na simple lang, umaabot na hanggang mata kapag kaharap mo ko. Minsan pa nga naririnig kita na tumitili sa kwarto mo, nakikita ko paano ka nabibigla kapag may ginagawa akong kakaiba para sa ’yo . . . oo Chy napapansin ko lahat. Paanong hindi ko mapapansin kung sa ‘yo lang din naman nakatuon ang atensyon ko?” tanong niya, unti-unti namuo ang luha sa mata ko, tang*na namang hormones ‘to, nagiging sobrang emotional akong tao kahit hindi naman.“Pero hindi mo naman ako gusto,” sabi ko at napaiyak na nga. Tinakpan ko ang mukha ko habang umiiyak naramdaman ko naman ‘yung kamay niya at tinanggal ang takip sa mata ko, hindi matigil ang pagtulo ng luha ko kaya kahit nakatingin na ako sa kaniya ay tumutulo pa rin ang
Ganoon lang ang naging daloy ng bawat araw namin, sabay kami sa breakfast, ihahatid niya ako sa campus, after naman ng classes ko ay siya rin ang susundo sa akin at sabay kami maghahanda ng dinner namin.Sa campus naman ay mukhang alam nang may boyfriend ako dahil madalas na rin siya makita, sa tuwing hinahatid at sinusundo niya ako ay pinagtitinginan kami. Paano ba namang hindi kami pagtitinginan eh napakaganda na nung kotse tapos napaka gwapo rin nung may-ari, pero okay na rin dahil simula nung makita kaming magkasama ay nawala na rin ang isyu na may sugar daddy ako.“Wala ba talaga si prof?” tanong ko kay Veronica dahil nagliligpit na siya ng gamit niya.“Ayan tulog pa, nag-announce na may meeting lahat ng professors kaya early dismissal ang lahat,” sabi niya kaya tumayo na rin ako at kinuha na ang mga gamit ko.“Uuwi ka na ba?” tanong ko naman nung palabas na kami.“May training ako ngayon eh. Si Hanz na lang pasamahin mo, aalis ka ba?” tanong niya naman kaya umiling ako.“Oh ano
Nakaupo lang ako dito sa may bench habang naglalaro ang mga kaklase ko sa court, P.E kasi namin ngayon pero nagsabi naman ako sa prof ko na hindi ako pwede maglaro dahil buntis ako, naintindihan niya naman at hindi na siya nagtanong.Nage-enjoy lang ako panoodin si Nica na ang saya saya maglaro sa may court, player ng volleyball si Nica at mga ganitong activity talaga nagpapasaya sa kaniya. Nakita ko naman si Allyson na palapit sa ’kin kaya ngumiti ako sa kaniya.“Pagod ka na?” tanong ko at inabutan siya ng pamunas ng pawis dahil pawis na pawis siya.“Medyo, kanina pa rin ako naglalaro eh. Ewan ko ba diyan kay Nica, parang hindi napapagod,” sabi niya naman at umupo sa tabi ko."Sa ganiyan siya masaya eh," sa
Pagkarating ng mag-asawa sa ospital ay naasikaso naman agad sila dahil hindi ganoon karami ang tao. Nakapagpa-check up naman agad si Chyna sa doctor at mukhang okay lang naman ang lahat, doon lang nakampante si Hendrix.“Okay lang ang lahat Mister, ‘wag niyo na lang masyadong pagurin o paggalain ang asawa niyo para hindi na kayo masyadong nagpa-panic,” sabi ng doctor kaya tumango naman si Hendrix at nagpaalam na.Mabilis lang rin silang nakauwi sa bahay nila, umakyat agad si Chyna para makapagpalit ng damit at si Hendrix naman ay dumiretso sa kusina para magluto ng tanghalian nila kahit pasado ala una na ng tanghali. Hindi na ito nag-abala magpalit at itinupi na lang ang sleeve ng polo niya hanggang siko niya.Ganoon ang inabutan ni Chyna