Share

9 - Misunderstanding

Paakyat na sana ako ng makasalubong ko si Hendrix na mukhang nakaporma rin, tiningnan niya naman ako at kumunot kaagad ang noo niya.

“Are you alright? Namumutla ka,” komento niya kaya umiling ako.

“Pagod lang sa exam,” sabi ko naman at ngumiti ng tipid.

“Magpahinga ka na, may pupuntahan-” hindi ko na siya pinatapos at tumalikod na ako.

“Ingat kayo,” sabi ko at naglakad agad paakyat sa kwarto ko.

Ayoko na marinig na magde-date sila nung babaeng ‘yon. Akala ko ba ex-girlfriend na? Bakit nandito? Ano ‘yon bonding ng mag-ex?

Dumiretso ako ng higa sa kama ko at tumitig na lang si kisame, sila na ba ulit? Hindi sila bagay.

Bigla naman nagtubig ang mata ko ng maisip ko ang possibility na baka magkabalikan sila, huminga ako ng malalim para hindi matuloy ang pagtulo ng luha ko.

Tama si Nica, ako lang talaga nagbibigay ng malisya sa mga ginagawa niya. Bakit kasi pinalaki ka ng mga magulang mo bilang mabuting lalaki? Paano ko maiiwasang hindi mahulog sa ‘yo?

Napaiyak na lang ako ng tuluyan nun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status