Share

Chapter 7

Kitang kita ni Ella ang mga nangyari, nakaramdam ito ng awa para kay Zander ng mga oras na 'yon. May kasungitang taglay ang dalaga, akala mo ay walang paki-alam sa iba. Ngunit tao lang din s'ya na nakakaramdam ng awa kahit minsan.

"S'ya siguro ang nobya ni Zander," usal ni Junel, pinagmamasdan din pala nito ang magkasintahan mula sa kanilang kinatatayuan.

Napalingon si Ella kay Junel. "Girlfriend?" tanong ni Ella.

Tumango si Junel ngunit bakas sa kanyang mukha ang pagkadismaya. "Mukhang nag-away yata 'yung dalawa, kawawa naman si Zander. Ano kayang pinag-awayan nila?" saad nito.

Sinundan ng tingin nina Junel at Ella ang magkasintahan. Halata sa kilos ni Dennise ang iyamot kay Zander, hindi kasi ito pumapantay sa paglalakad sa kasintahan at halos iwan na si Zander.

"Baka na-late, kaya nag-away," ani ni Ella.

"Baka nga," sabi ni Junel. Bigla itong napalingon kay Ella. "Oy! Baka naman late mong pinag-out si Zander kaya na late s'ya sa pagsundo sa katipan n'ya!" bulyaw nito sa dalaga.

Tinaasan ng kilay ni Ella si Junel. "Wala akong kinalaman d'yan, saktong alas-singko 'yan nag-out," sagot nito.

"O---Okay, ito highblood kaagad? Nagtatanong lang," biro ni Junel.

Muling tinanaw ng magkaibigan ang magkasintahan hanggang nawala na ito sa kanilang paningin.

So, may girlfriend ka pala Zander, nice try Alvarez. Single pala ha.

"We're here!" maligalig na bati ni Baron.

Hindi ito pinansin ng dalawa, abala pa rin kasi sila sa pagtanaw sa magkasintahan.

"Oy! Ano bang tinatanaw n'yo d'yan? Pera ba 'yan?" biro ni Anica.

Napa-iling si Junel. "Sira, nakita kasi namin si Zander at ang girlfriend n'ya," wika ni Junel.

Biglang tumaas ang kilay ni Anica ng marinig ang sinabi ni Junel. "Girlfriend ba kamo ni Zander, 'yung malditang 'yon?" inis na sabi ni Anica.

Nakarating na ang magkakaibigan sa resto bar na palagi nilang pinupuntahan.

"Kuya dalawang sisig, tapos tatlong bucket, maraming yelo ha," sabi ni Anica sa waiter. "Kayo, may ipapadagdag pa kayo?" tanong nito sa mga kasama.

"Wala na," tugon ni Baron. "Kuya mamaya na lang pag may additional," wika nito sa waiter.

Inilista ito kaagad ng waiter at umalis.

"Oh ano na? Bakit kumukulo ata ang dugo mo sa nobya ni Zander?" usisa ni Junel.

"Ganito kasi, naalala n'yo no'ng sinabay ko si Zander papunta sa General?" panimula ni Anica.

"Oo," agad na sagot ni Baron. "Tandang tanda ko 'yon kasi pinag-commute mo ako!" bulyaw nito.

"'Wag ka ngang epal d'yan Baron!" pangbabara nito sa kaibigan sabay irap. "So ayon nga, okay naman kami ni Zander hanggang ospital. Normal lang naman siguro na magmagandang loob, lalo na at mabait naman si Zander. Aba sinamaan ba naman ako ng tingin ng babaeng 'yon, mula ulo hanggang paa! Akala mo kagandahan!" inis na kwento nito.

Napangisi na lang si Ella.

Kaya siguro mahilig mang-flirt, may atittude ang girlfriend, kaso sa nakita ko kanina mukhang under naman s'ya. Tss mga lalake nga naman hindi makuntento sa isa. 

"Easy, last week pa nangyari 'yon, pero parang sa'yo e sariwa pa ang lahat," pangiinis ni Junel.

"Hindi e, nakakainis kasi. Para sa akin ha, you don't even know my name tapos ganoon ka makatingin? Sinagot ko nga s'ya!" pagmamalaki nito.

"Anong sabi mo?" mabilis na tanong ni Baron.

"Sabi ko, hindi lahat nagagandahan sa kanya," sagot ni Anica. "Kung hindi mas lang bata sa akin si Zander, napakadaling i-flirt ng batang 'yon! Pasalamat s'ya mabait ako," banta ni Anica.

Yap, mukha lang s'yang anghel na may buntot sa likuran. At sa totoo lang madali lang sulutin si Zander, mga kabataan nga naman.

"Oh! 'Yun oh!" sabay na sabi nina Junel at Baron.

Ilang sandali pa at dumating na ang order nilang sisig at alak. Nagumpisa na ang apat, kasabay nito ay nagsabi na si Anica ng kanyang sentimyento sa kanyang kliyente. Tahimik lang si Ellang nakikinig sa pagmamaktol nito.

"Okay ka lang?" bulong ni Junel sa dalaga.

"Oo," maiksi nitong sagot sabay tungga sa bote na kanyang kaharap.

Ngumisi si Junel. "Hindi pa ako lasing Michaella, kaya 'wag ako," saad ni Junel at tinungga rin ang kanyang iniinum.

"Oo nga." Humarap ito kay Junel at seryosong tinitigan ang mga mata nito. "Okay lang ako at sige mamaya sa bahay ka muna. Isang bwang wala si mama, nandoon sa bahay nina papa. Wala raw mag-aalaga sa mga kapatid ko kay papa," mahina nitong sabi.

"Ah," tumango-tango si Junel. "Sige, dumaan muna tayo sa bahay. Kukuha lang ako ng mga gamit ko, sa inyo muna ako ng isang bwan," sabi ni Junel at sumubo ng sisig.

Heto na naman ako, humihingi ng saklolo kay Junel. Hay Ella, kaylan ka ba makakatayo sa sarili mo.

Hindi umimik ang dalaga at tuloy tuloy lang ito sa pag-inum.

"Alam n'yo, kayong dalawa," nabubulol na sabi ni Anica at itinuturo silang dalawa. Bigla na lang kasi itong sumabat sa kanilang usapan at ang mas nakakagulat ay lasing na ito. Ang tatlong bucket na order nila ay halos s'ya lang ang umubos dahil sa kanyang sama ng loob. 

Nagulat sina Junel at Ella sa asal ni Anica lalo na sa sinabi nito.

"May napapansin ako e, alam n'yo 'yon parang may ano e, parang ano." Hindi matuloy ni Anica ang kanyang sinasabi dahil sa kalasingan.

"Anica, tama na," sabi ni Ella at kinuha ang bote ng alak na nasa tabi ni Anica.

"Oy! That's mine! Don't touch it!" sabi ni Anica. Tangkang aagawin pa dapat ito ni Anica ngunit pagtayo n'ya ay umikot ang kanyang mundo. "Oh! Wait, my world is rotating." Kumapa ito ng maaring kapitan, dali-daling lumapit si Baron para alalayan si Anica para hindi ito mabuhal.

"Anica naman, anong my world is rotating! Umayos ka nga," sabi ni Baron. "Iuuwi na kita. Tara na, pumirme ka na d'yan."

"No! I'm not yet done drinking! I'm not drunk yet!" pagtanggi nito, itinulak pa ni Anica si Baron palayo. "I pay it so I should finished it," sabi pa nito na may matinis na boses.

Pinagtitinginan na sila ng iba pang na roon. 

Muling lumapit si Baron kay Anica at pilit na pinapaupo. "Upo! Ito naman sabi mo hindi ka papakasagad, akala mo strong s'ya e," sayaw nito.

"Hey! Don't touch me!" sabi ni Anica kay Baron at pilit na inaalis ang kamay nito sa kanyang braso ngunit hindi nagpapigil si Baron. "I said don't touch me! I can handle myself. I'm a strong independent woman," wika ni Anica at umawra pa ito na parang nasa pageant.

Napailing na lang sina Junel at Ella habang pinagmamasdan ang dalawa.

Ito palagi ang senaryo nina Baron at Anica tuwing nasasagad sa pag-inom si Anica. Hindi naman ito pinapabayaan ni Baron, kabisado na nito si Anica. 'Yon nga lang ay sadyang makulit at panay na ang pagingles nito.

"Nag-english na 'yan, alam mo na ang gagawin mo," sabi ni Junel at inumpisahan ng ligpitin ang gamit ni Anica.

"Huh? What did you say? I cannot understand?" sabat ni Anica.

Nakatingin lang si Ella kayna Baron at Anica.

"Nako, hindi na makaintindi ng tagalog. Malala na 'yan," natatawang sabi ni Junel at iniabot kay Baron ang bag ni Anica. "Kami na muna ang mag-uuwi ng motor n'ya," paalam ni Junel at ipinakita na hawak n'ya ang susi ng motor ni Anica.

"Ikukuha ko na kayo ng taxi sa labas," pagpiprisinta naman ni Ella. Tumayo na ito at lumabas ng resto bar.

Wala pa ring tigil si Anica sa pagsasalita mag-isa ng english. Hindi na lang ito pinansin nina Junel at Baron.

"Junel, mag-stay pa kayo?" tanong ni Baron habang hawak-hawak si Anica upang hindi na umalpas. "Stay!" sayaw nito sa katabi. At dahil lasing na si Anica ay sumunod ito na parang maamong tupa.

Tumango lang si Junel sabay lagok ng alak sa bote.

"Bakit may problema ba si Ella?" sunod nitong tanong.

"Meron," maiksi nitong sagot.

"'Yung dati pa rin ba?" Tinungga ni Baron ang natitirang alak sa kanyang bote.

"Yap. Wala s'yang kasama," sagot nito.

"At to the rescue ka naman? Sasamahan mo s'ya hanggang bumalik si tita," usisa nito.

"Yah! You! You!" sabat muli ni Anica na may pagturo pa kay Junel. "I know there's something between you and Ella. You should court her, I know you like her. But you cannot admit it, because you are affraid! You are affraid to fall in love seriously," bulyaw nito kay Junel ngunit dahil sa kalasingan ay napasubsub na ito sa mesa at nagngulumod na mag-isa.

Pinagmasdan lang ito ng dalawa at sabay na tumawa.

 

"Wala na bagsak ka na," sabi ni Junel. "Hindi mo na ako masesermonan," asar nito sa kawawang si Anica.

Kumamot na lang sa kanyang ulo si Baron. "Nako, itong babaeng 'to talaga," 'yon na lang ang nasabi ni Baron.

Ngumisi lang si Junel. "Pareho lang tayo Baron, kaya wala kang karapatang mamuna."

"'Wag mo nga ako igaya sa 'yo! Kahit paano nagpapahaging ako dito!" Sabay turo sa walang kamuwang-muwang na si Anica. "E, ikaw?" ngising sabi ni Baron. "Pero seryoso, bakit nga ba hindi mo ligawan 'yang si Ella? Kahit subok lang. Kung sa iba nagagawa mong mangligaw, tapos kay Ella hindi mo magawa?" biglang tanong ni Baron. "Sa totoo lang nagtataka na rin ako. Tuwing wala si tita halos doon ka tumira sa kanila, tuwing may kaylangan si Ella to the rescue ka. Alam mo bagay naman kayo, bakit hindi mo subukan. Malay mo, ikaw na pala ang makakapagpalambot sa puso ng dakila nating tagatuos!" ani ni Baron habang iniinum ang tirang alak sa bote ni Anica.

"Alam mo naman ang dahilan ko Baron, kaylangan ko pa bang ulitin?" nakangising sabi nito, habang pinaglalaruan ang boteng kanyang hawak. "At ibabalik ko ang tanong sa 'yo, bakit hanggang ngayon hindi mo maseryoso 'yang pangliligaw mo kay Anica?" hamon nito kay Baron.

"Junel naman, parang ikaw ako. Sabi mo nga pareho lang tayo," saad ni Baron.

"Cheers sa mga lalaking takot magmahal ng kaibigan!" sabi ni Junel sabay taas ng baso.

"Para sa mga lalaking magpaparaya sangalan ng pagkakaibigan!" dugtong ni Baron at itinaas din ang kanyang baso.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status