Share

Chapter 8

Kinatok ni Junel ang bintana ng sasakyan at agad naman itong binaba ni Baron. "Baron, ingat! Si Anica iuwi mo 'yan ha," bilin ni Junel kay Baron.

"Oo, diretso uwi na kami! Salamat, ingat din kayo ni Ella ha," paalam ni Baron sabay turo nito kay Ella. Matapos ay tuluyan ng umandar ang taxing kinuha ni Ella para kayna Baron at Anica. Tinanaw ng magkaibigan ang taxi haggang sa makalayo na ito.

"'Yung susi ni Anica?" tanong ni Ella.

Inangat ni Junel ang kanyang kamay at inilawit ang susi. "Ito po," tugon nito.

Sabay ng pumasok ang dalawa sa resto bar at bumalik sa kanilang upuan. 

"Ano, ubusin na lang natin 'to o order pa tayo?" tanong ni Junel. "Maaga pa naman, kaso mag-drive pa tayo ng motor."

Walang kaabog-abog na tinaas ni Ella ang kanyang kamay upang tumawag ng waiter. Agad namang may lumapit na waiter sa dalawa.

"Kuya, pa-take out nitong natirang sisig tapos o-order pa ako ng isa pang sisig at kahit anong may sabaw," sabi nito sa waiter.

Matapos makuha ng waiter ang order ni Ella ay umalis na ito.

"Hindi ka pa ba nakakapag-grocery?" tanong ni Junel.

"Maraming pagkain sa bahay, pero hindi pang pulutan," sagot ni Ella. "Ikaw na ba ang magmamaneho ng motor ni Anica o ako?" tanong ng dalaga.

"Sige ako na lang, tapos iwan na lang natin sa parking lot ng building," saad ni Junel.

"Sige, sa bahay na lang natin ituloy 'to," sabi ni Ella.

"Sige, walang problema," ngiting ngiting sabi ni Junel.

Nagpahimasmas lang ang dalawa at umalis. Idinaan na nila ang motor ni Anica sa kanilang buliding at doon iniwan. Matapos ay dumiretso na sila sa isang convinient store at bumili ng alak. 

"Tama na ba 'to?" bitbit ni Junel ang dalawang litro ng bote.

Tinignan lang 'to ng dalaga.

"Okay, isang bwan naman ako titira sa'yo kaya kapag hindi natin 'to naubos, pwede pa nating inumin sa mga susunod na araw," wika nito.

Matapos mamili ay dumaan muna sina Junel sa appartment na kanyang tinutuluyan at kumuha ng ilang mga gamit. Ilang sandali lang ang nakalipas at nagmamadaling lumbas si Junel. Ayaw ni Ellang pinaghihintay s'ya ng matagal kaya halos isuksok na lang ni Junel ang kanyang mga damit sa pagmamadali.

Nakita n'yang nakasandal ang dalaga sa kanyang magarang motor habang tahimik s'yang hinihintay at nakatitig sa kawalan. Tanaw n'ya ang maamo nitong mukha, maputing balat at itim na itim na buhok.

Habang pinagmamasdan n'ya ang dalaga ay biglang sumagi sa kanyang isipan ang sinabi ni Anica kanina. 

Alam ko namang gusto kita, alam ko 'yon matagal na. Unang araw palang na nakita kita, nakuha mo na ang puso ko, pero sadyang torpe lang ako at natatakot na isang araw ako ang maging dahilan ng pagluha mo. Sana pagdumating ang araw na handa na akong panindigan ang lahat ng nararamdaman ko, sana hindi pa huli ang lahat.

"Ella," tawag nito sa dalaga.

Lumingon lang ito at hinintay na lumapit si Junel sa kanya.

"Tara na?" aya ni Junel.

Hindi sumagot si Ella at sumakay na sa kanyang motor, gayun din si Junel. 

Habang binabagtas ang daan ay may nakitang pamilyar na mukha si Ella.

Si Zander ba 'yon? Taga rito pala s'ya.

Binagalan ng bahagya ng dalaga ang pagmamaneho ng malapit na silang magkasalubong ng binata. At sa hindi sinasadyang pagkakataon nagsalubong ang kanilang mga mata. Nahagip din ng mga mata ni Zander si Junel, walang suot na helmet ang dalawa kaya sigurado si Zander na sina Junel at Ella ang kanyang nakita.

Si kuya Junel 'yon ha? At sino kaya 'yong babaeng nagmamaneho? Si Miss Tan ba 'yon? Oo s'ya nga 'yon! Imposibleng magkamali ako.

Huminto si Zander sa paglalakad matapos s'yang lagpasan ng dalawa. Lumingon ito upang tanawin sina Junel at Ella.

"Ako na," sabi ni Junel. "Alam kong hanggang opisina at numero lang ang galing mo," dagdag pa nito.

 

Napaismid na lang ang dalaga at nagsalin na lang ng alak sa baso.

Hindi ito ang unang beses na sinamahan ni Junel si Ella. Sa kanilang apat si Junel ang pinakamalapit sa dalaga. Ito lang ang tanging nasasabihan ni Ella ng mga personal nitong problema. Kahit na masungit at may katarayang taglay ang dalaga, tanging si Junel lang ang nakakapagpatiklop dito.

"Oh ito na!" masiglang sabi ni Junel. "Medyo ni-repair ko pa 'yan, alam kong hindi mo nagustuhan ang timpla." Binaba na nito ang mangkok na may lamang sisig.

Walang kaabog-abog na kumuha si Ella at kumain.

"Sarap?" tanong ni Junel.

Tumango lang ito at uminon.

"Kanin? Ikuha ba kita?"  tanong nito.

Umiling lang si Ella at pinagpatuloy ang pag-inom.

Bukod sa pagkakaibigan, may mas malalim pang namamagitan sa dalawa. Iba ang alagang binibigay ni Junel kay Ella, lalo na kapag silang dalawa lang ang magkasama. Isang ugnayang higit sa magkaibigan ngunit hindi aabot sa magka-ibigan.

Habang lumalalim ang gabi, lumalalim din ang nagiging usapan ng dalawa. Naubos na rin nila ang unang bote ng alak at malapit ng mangalahati ang pangalawa. Dito na nagsimulang ipakita ni Ella ang kanyang tunay na nararamdaman.

"Bakit ba kasi hindi mo matanggap ang papa mo? Alam mo kahit ano namang gawin mo, s'ya pa rin ang tatay mo. Dugo't laman ka n'ya. Kahit doon man lang gumaan 'yang loob mo," sermon ni Junel.

"Junel, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na kahit kaylan, hindi mangyayari 'yon. Lalo pa ngayon na ginagamit n'ya lang si mama para mag-alaga ng mga kapatid ko sa kanya," umiiling na sabi ni Ella. "Kung sana nagpaka-tatay s'ya noong panahong kaylangan ko ng tatay, e 'di sana kahit paano may amor ako sa kanya. Hindi na n'ya mababalik ang nakaraan, kaya imposoble na ring mabago pa ang tingin ko sa kanya," sumbat nito. At diniretso ng inum ang kanyang tagay.

Sinalinan nito ang baso at inabot kay Junel.

"Ito, nagtatanong lang, nagagalit kaagad. Para kasing hindi ka pa na sanay kay tita. Sobrang inlove kay tito to the point na kahit anak sa iba inaalagaan," biro nito.

Sinamaan ng tingin ni Ella si Junel.

Ito ang dahilan kung bakit naging kasing tigas ng bato ang puso ng dalaga, dahil sa kanyang ama. Itinaguyod s'ya mag-isa ng kanyang mama mula pagkabata, lumaki si Ellang kapos sa lahat ng bagay kaya naman nagsumikip ito sa pag-aaral. Matalino at magaling si Ella sa iskwela, lagi itong may sabit tuwing recognition at graduation mula elementary hanggang highschool. Gayun din noong ito ay tumungtong sa kolehiyo at nakasungkit ng pwesto noong ito ay kumuha ng board exams. Ngunit ang lahat ng ito ay balewala sa mga mata ng tatay ni Ella, ni minsan ay hindi nito nilingon ang dalaga o ipinagmalaki man lang. Kaya naman umusbong ang puot at galit nito sa kanyang ama. Idagdag pa ang paulit-ulit na pangloloko nito sa kanyang ina.

Sa kabilang banda naman ay habol na habol pa rin ang kanyang ina sa kanyang walang hiyang ama. Kahit na ilang beses na s'yang niloko nito at pinagpalit sa iba, hindi pa rin nito magawang iwan ang asawa. Dahil s'ya raw ang ligal na asawa, marapat lang daw na s'ya ang piliin nito hindi ang iba. Pilit na inilayo ni Ella ang kanyang mahal na ina sa kanyang ama, ngunit walang makakapigil sa pusong nagmamahal. Hanggang nawalan nalang ng amor si Ella sa kanyang mga magulang.

Ginugol ng dalaga ang kanyang oras sa trabaho, mabuti na nga lang at dumating sina Baron at Anica sa kanyang buhay bilang kaibigan. Lalo na si Junel na laging nasa tabi n'ya tuwing s'ya ay iiwan magisa ng kanyang mama.

Gusto mang magmaktol ni Ella at pigilan ang kanyang mama, wala na itong magawa. At bilang nag-iisang anak, tinatanggap n'ya pa rin ang kanyang ina sa tuwing babalik itong luhaan dahil sa kanyang magaling na ama. Silang dalawa lang naman ang magdadamayan, wala ng iba.

"Tapos babalik na naman s'ya dito na umiiyak, kasi pagkatapos n'yang alagaan 'yung mga anak ng tatay kong magaling papaalisin na naman s'ya. Hay nakakapagod na! Pagod na pagod na ako, suko na ako kay mama. Ayaw ko na," d***g nito.

Napa-iling si Junel at sumubo ng sisig. "Wala na tayong magagawa d'yan," sabi nito habang ngumunguya. "S'ya ang nanay mo, kung sana pwedeng mamili ng magiging magulang, nakapili na sana tayo ng perfect na magulang para sa atin," ani ni Junel.

Hindi na muling umimik si Ella at nagumpisa ng mamula ang kanyang mga mata.

"Matatapos din lahat ng 'to, makakakita ka rin ng taong papahalagahan ka at aalagaan ka. Tiwala lang." Bumuntong hininga si Junel.

Titig na titig ang dalaga sa mga mata ni Junel. Waring nangunguusap at humihingi ng tulong. Hindi umiwas ng tingin si Junel. Gustohin man nitong yakapin at h****n ang kaibigan sa mga oras na ito ay pilit n'yang pinipigilan.

'Wag mo akong titigan ng ganyan, baka hindi ko mapigilan ang sarili ko. Lalo na't kinakaya ko lang sabayan ka sa pag-inum. Pero ang totoo, lasing na ako.

Nabalot ng katahimikan ang buong paligid.

Kung may lakas lang talaga ako ng loob na gawin ang mga sinabi ko. Hindi lang isang linggo, isang bwan o isang taon. Habang buhay kitang sasamahan at aalagaan, kaso ayaw kong ako ang maging dahilan ng pag-iyak mo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko na makikita kang luluha dahil sa kagagawan ko.

Tumayo at agad na tumalikod si Junel ng makitang may pumatak na luha sa mga mata ng dalaga. Kahit pakiramdam nito ay mabubuhal s'ya dahil sa pagkalasing ay pilit s'yang tumindig ng ayos. "Okay, ihahanda ko na ang hihigaan ko. Sa dati pa rin ba?" tanong nito.

Huminga ng malalim si Ella bago sumagot. "Oo," maiksi nitong tugon.

"Okay, d'yan ka muna. Babalik ako pangako," sabi ni Junel at lumakad papuntang kwarto.

Pinahi ng dalaga ang kanyang mga luha  at ngumisi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status