"Bili na po kayo" sigaw ko sa mga dumadaan sa pwesto ko.
Nandito ako sa palengke ngayon at nagtitinda ng iba't-ibang gulay. Tulad ng talong, okra, ampalaya, opo at iba. Maaga palang ay nandito na ako para magtinda.
Wala na kaming mga magulang at kami ng dalawa ko pang kapatid ang naiwan. Wala na si mama, at ang ama-amahan ko naman ay hindi na umuwi sa bahay, kaya ako na lang ngayon ang tumataguyod sa pamilya namin.Wala na kaming balita sa kanya mula noong huli nitong padala.
Mabait naman iyon kaya nagtaka kami na isang araw hanggan umabot ng buwan ay hindi na siya umuwi. Nag-iwan lang ito ng sulat na huwag daw kaming mag-alala sa kanya at ayos lang daw siya.
"Ineng, bigyan mo nga ako nito" napangiti ako ng lumapit sa akin ang suki ko.
"Naku, mas maaga po yata kayo ngayon?" tanong ko dahil medyo maaga nga siya ngayon kaysa sa nakaugalian.
"Naku eh, birthday ng apo ko at gusto kong ako ang magluluto kaya maaga ako ngayon." sagot nito na nakangiti.
Napatingin ako sa dala niya. Medyo marami din iyon. Ngumiti nalang ako at ibinigay ang kailangan niya.
Nang matapos ay nagpa alam mo na ito at iniwan ang iba niyang dala at may nakalimutan daw siyang bilhin.
Maliit lang itong pwesto ko, sapat para sa isang tao at sa kaunting mga gulay na nasa isang mesa.
Kailangan kong kumayod para sa amin ng mga kapatid ko. Hindi naman ako nakapagtapos ng pag-aaral kaya dito ang bagsak ko. Pero kapag nakaipon ulit ako ay gusto kong makapag-aral ulit sa kolehiyo.
Marami pa ang bumili at nakita kong parating na din ang suki ko at may bitbit nga itong pansit bihon.
"Salamat sa pagbabantay ineng." saad niya.
"Naku, wala po iyon. Gusto niyo po tulungan ko na kayo hanggang labasan, medyo marami-rami din po iyang dala niyo." alok ko dahil siguradong mahihirapan siyang dalhin iyon.
"Hindi na ineng, tinawagan ko iyong apo ko. Parating na iyon."nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Crush ko kasi ang apo niyang iyon. Minsan niya na din kasi iyong dinala rito at kahit moreno ay napaka-gwapo. Tipikal na pilipino, at isang enginer.
Inayos ko ang sarili ko ng matanaw na papalapit na ito. Pero kahit anong ayos ko, iba pa rin ang dating niya.
Nakangiti siyang lumapit sa amin at nagmano sa lola niya. Magalang!
" 'La, dalhin ko na po ito sa tricycle" saad nito sa lola niya, at nakangiting bumaling ang tingin sa akin.
"Hi, Nerissa" bati nito.
Nanlaki ang mata ko ng batiin ako nito.
Shumay na mainit, kinikilig ako.
"Hi" malumanay na bati ko at ngumiti ito.
Pasimple akong humawak sa laylayan ng panty ko. Baka mahulog, naku mahirap na.
Kumaway ako ng kumaway na ito paalis. Nagpaalam na din ang lola niya at umalis na sila. Mukhang gaganda ang benta ko ngayon.
Hindi mapuknat ang ngiti ko hanggang sa dumami na ang mamimili at dumating ang tanghalian.
"Oy Nerissa mukhang ang dami nating benta ngayon ah. Kaunti nalang ang tinda mo." saad ng kaibigan kong si Fely.
"Oo eh, kaya maaga din akong makakauwi sa bahay. Iuwi ko nalang ang iba at iulam namin." tugon kong nakangiti sa kanya.
Kaibigan ko siya na katulad ko ay hindi din pinalad na makapagtapos ng pag-aaral kaya dito ang bagsak namin pareho.
Nagsimula na akong magligpit at inilagay ito trolley kong maliit. Kaunti nalang ang natira kaya mabuting pang iuwi ko nalang ito at para makasama ko kahit sandali ang dalawa ko pang kapatid dahil mamaya ay may trabaho na naman ako.
Hindi ko man sila tunay na kapatid ay mas higit pa sa kapatid ang turing ko sa kanila mula ng iwan kami ng mga magulang namin.
Ako na ang tumayong ama at ina na tumataguyod sa pamilya namin. Wala kaming ibang maasahan bukod sa tiyahin namin na kapatid ng ama-amahan ko na kung minsan ay napag-iiwanan ko sa mga kaptid ko.
"Mauna na ako Fely, bukas ulit." paalam ko at kumaway sa kanya.
Bitbit ang troley na may lamang gulay ay pumunta na ako sa sakayan ng tricycle. Nang makasakay ay nagpahatid na ako sa bahay namin na inuupahan pa namin, kaya kailangan talaga na magdoble kayud ako.
Nang makababa ay nakita ko ang dalawa kong kapatid na lalaki na naglalaro kasama ang aming kapitbahay ng billiards.
"Salamat po manong." pasalamat ko sa tricycle driver at pumasok na sa aming munting bakod.
Binuksan ko ang maliit na gate at tinawag ang mga kapatid ko at nakangiting bumaling ang mga ito sa akin.
"Arthur, Arjun! " agad naman silang lumapit at yumakap.
"Ate! " sabay nilang tugon. Niyakap ko din sila.
"Kamusta dito hindi ba kayo pasaway kay tiyang?" tanong ko sa kambal kong kapatid. Pitong taong gulang lang sila.
Na dapat ay ginagabayan pa ng mga magulang namin. Kaya nagpapasalamat ako sa tiyahin namin na hindi niya kami pinababayaan.
"Oh, Nerissa nandiyan ka na pala." napatingin ako kay tiyang na kalalabas lang ng kanilang bahay. "Nag-tanghalian ka na ba? " tanong nito.
Maliit na compound ang tirahan namin kaya diki-dikit ang mga bahay.
"Hindi pa nga po tiyang eh. " sagot kong napapakamot sa ulo.
Bumalik ang dalawa kong kapatid sa paglalaro at lumapit naman si tiyang sa akin.
"Oh, eh ano pang hinihintay mo pasko? Pumasok ka na sa loob ng makakain na. " kinuha nito ang dala kong troley at nagpatiuna ng maglakad papasok sa bahay.
Dumeretso muna ako sa kwarto ko at inilapag ang bag ko at nagpunta sa bayo para makapaghilamos. Pipikit na ang mata ko pero kailangan ko pang magtrabaho.
Kailangan kong rumaket para sa amin. Matapos maghilamos ay lumabas na ako ng kwarto at dumeretso sa maliit naming mesa at naabutan ko doon si tita na naghahain ng pagkain.
Napangiti ako, kahit may sariling pamilya na si tiyang ay nandiyan pa rin siya para sa amin. Mabuti at mabait din ang kanyang naging asawa at ang anak nitong limang taong gulang lang.
Niyakap ko si tiyang na ikinagulat niya.
Natatawa akong humiwalay sa kanya at pinalo ako nito sa braso.
"Ikaw talagang bata ka, "natatawang napatingin ito sa akin."Kumain ka na nga, alam kong may iba ka pang pupuntahan. Pero sana, huwag mong abusuhin ang katawan mo. Magpahinga ka naman, madaling araw gising ka na. Tapos sa hapon magtatrabaho ka pa. Ipahinga mo naman iyang katawan mo." nag-aalalang saad nito.
Ngumiti lang ako at naupo na at nagsimulang kumain.
" Tiyang, alam niyo naman po kung bakit ko ito ginagawa. "tugon ko at sumubo ng ulam na boneless bangus.
" Iyon na nga eh, ginagawa mo ito para sa mga kapatid mo. Lalo na at magpapasukan na sa susunod na buwan. Pero alalahanin mo naman ang sarili mo. Naku, kapag nakita ko talaga si kuya. Masasapak ko iyon. Bakit ba kasi bigla nalang siyang naglaho na parang bula at nag-iwan lang ng sulat na huwag na raw siyang hahanapin!? "naiinis nitong saad.
Napakibit-balikat nalang ako. Hindi ko din naman alam. Ang importante ngayon ay ang maitaguyod ko ang pang-araw-araw naming magkakapatid. Kundi gutom ang abot namin.
Matapos kumain at mailigpit ang pinagkainan ko ay sinilip ko muna ang dalawa kong kapatid at nakita ko itong nanonood ng tv sa bahay nila tiyang.
Pumasok nalang ulit ako at pumunta sa kwarto para magbihis at kailangan ko ng pumunta sa trabaho.
Kumatok ako sa pintuan nila tiyang at binuksan naman ito ni tiyo ang asawa ni tiyang.
"Oh, Nerissa ikaw pala iyan, pasok. Nasa kusina ang tiya mo at gumagawa ng meryenda" saad nito at pinatuloy ako.
Sakto naman na lumabas si tiyang galing sa kusina.
"Aalis ka na ba? " tanong nito at inilapag ang tray na may lamang meryenda sa mesa.
Napaharap ang dalawa kong kapatid sa akin at lumapit ang mga ito.
"Ate, aalis ka na naman?" tanong ni Arjun.
Lumuhod ako para mapantayan silang dalawa.
"Oo eh, pero pramis pag-uwi ni ate mamaya. May dala akong fried chicken at fries." nakangiti kong saad. Kahit sa loob-loob ko ay ayaw ko silang iwan.
Mahirap din ito sa akin, dahil nasa trabaho ako palagi, ay hindi ko na sila naaasikaso. Minsan pagdating ko tulog na sila at paggising nila ay wala ako. At kung minsan kung maabutan man nila ako sa bahay ay paalis na ako papuntang trabaho.
"Sige sige, mag-iingat ka po ate." sabay nilang saad at h*****k sa magkabila kong pisngi. Ginulo ko ang mga buhok nila at bumalik na sila sa panonood.
"Huwag mo na silang alalahanin. Basta mag-iingat ka palagi." tumango ako at palabas na sana ng bahay ng magsalita ulit si tiyang.
"Ay,oo nga pala Nerissa. May nagpunta dito kanina. Sila din iyong palaging pumupunta dito dati at hinahanap ang tatay mo. " napapailing nitong saad.
"Hayaan mo na tiyang, wala naman po silang mahahanap dito. " tugon ko at tuluyan ng lumabas ng bahay at pumunta sa paradahan ng tricycle.
Ilang buwan na ba mula ng mawala ang ama-amahan ko? Isa, dalawa, tatlo o apat? Sa tagal nitong nawala ay hindi ko na alam. Ang priyoridad ko ngayon ay kung anuman ang nandito. At iyon ang mga kapatid ko. Mahirap pero kakayanin.
Mas mahirap pa ito simula ng mawala si mama. Kaya kakayanin ko ito!
Tbc...
Nang makarating sa trabaho ay nagsimula na agad ako. Isa akong waiter dito at nagpapasalamat ako at natanggap ako dito. Dati kong kaklase sa high school ang may- ari kaya natanggap ako at hapon ang shift ko.Matapos makapagbihis ng uniporme ay lumabas na ako at nagsimula ng magserve.Nakakapagod ang pabalik-balik na lakad at hindi ka halos makaupo kahit sandali sa dami ng custumer. Sikat ang restaurant na ito dito sa bayan naminat dinarayo talaga. Dahil bukod sa hindi kamahalan ang mga pagkain, afford na afford pa talaga at masasarap din."Isang large burger at fries! " saad ko sa counter ng kitchen.Sa restaurant na ito ay hindi lang pang umagahan, tanghalian o hapunan, kundi pati na rin sa meryenda ay kumpleto sila."Oh, Nerissa nandito ka na pala?" tanong ni Echo. Siya ang dati kong kaklase at may - ari at isa din siyang chef dito.&n
Katulad kahapon ay maaga akong nakauwi,dahil na rin sa mabilis na naubos ang mga paninda ko.Naglalakad na ako ngayon papuntang sakayan kasama si Fely,na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka move on sa nangyari kanina. “Bakit kasi hindi mo nalang sinagot si Jordan?Palagi ka pa naman tinatanong no’n.Ako na nga ang ka-text,pero ikaw pa rin ang hanap!” Nakangusong lintanya nito kaya napatawa nalang ako at napailing. Sinamaan niya naman ako ng tingin at naunang maglakad ng malapit na kami sa sakayan. “Ayaw mo no’n,p’wede ka ng pumorma sa kanya.Solong-solo mo na siya ngayon!” Tinaas baba ko pa ang kilay ko,pero ang bruha ng irap lang.Mas lalo naman akong natawa. “Sana nga gano’n lang kadali ‘yon! Patay na patay kaya ‘yon sa’yo!” Nauna na itong pumasok sa traysikel at naupo.Sumunod akong tumabi sa kanya. “Eh,patay na patay ka rin naman sa kanya!Kaya bagay kayon--aray!” Natatawa akong napahawak sa tagiliran kong kinurot niya. “Tseh,tigilan mo nga ako Nerissa!Kung hindi ko lang alam na
“Everything is okay now,good thing you brought her here in time .”“ Oo nga dok,salamat po.”Naalimpungatan ako sa pagkakatulog dahil sa mga nag-uusap. “Ano’ng nangyari?” Kaagad naman na nabaling ang tingin nila sa’kin.Naupo ako habang hawak ang ulo ko.Medyo nahihilo pa ako at papikit-pikit pa.Dinaluhan naman ako ni Echo at hinawakan ang kamay ko.“Mabuti at gising ka na.Kumusta ang pakiramdam mo?”Napakunot ang noo ko ng mapagmasdan ang paligid.Ang huli kong naalala ay may mga lalaking gustong kumuha sa’kin.Pinipilit nila akong sumama kaya tumakbo ako.Pero naabutan pa rin nila ako at may tinurok sila sa’kin kaya nawalan ako nang malay.“Echo ,ano’ng nangyari?Ano'ng—bakit ako nandito?”Hindi ko alam kung anong mararamdaman ngayon dahil sa kaba.Baka madamay si Echo.Lalo na ng makita ko ang pasa sa mukha niya.Hinawakan naman nito ang magkabilang balikat ko at pinahinahon ako.“I’m sorry,kung sana ay hinatid kita sa sakayan ay hindi ito mangyayari sa’yo.I’m really sorry!”Naguguluhan a
Nagising ako,hindi dahil kailangan kong magising ng maaga para pumunta sa palengke.Kung hindi dahil,hindi ako makatulog ng maayos.Nakakatulog ako,pero nagigising din.Bangungot kung anuman ang nangyari sa’kin.Paulit-ulit na bumabalik ang nangyari.Balewalain ko naman ay kusang bumabalik.Hindi ko alam na may luha na palang tumulo sa pisngi ko kung hindi ko pa naramdaman ang kamay na humaplos sa pisngi ko.Napatingin ako sa kapatid kong si Anorld,mukhang nagising ito dahil sa’kin.“Ate,may problema po ba?Nagising po ako dahil narinig po kitang humihikbi.”Malungkot na saad nito,hinahaplos pa rin ang pisngi ko.Mabilis akong yumakap sa kanya at hinalikan ang ulo niya.“Ayos lang si ate,matulog ka nalang ulit.”“Nanaginip ka po ba ng masama kaya ka naiyak?”Umangat ang mukha nito sa’kin,natawa ako sa cute niyang mukha kaya pinisil ko ang ilong niya.“Oo eh,may gusto daw kasing kumuha sa inyo sa’kin.Ilalayo daw kayong dalawa ni Arjun sa’kin.”Malungkot kong sagot.Umiling naman siya.“Hindi po
“Ano’ng kailangan niyo?” Nanginginig kong tanong sa mga lalaking hawak ngayon ang pamilya ko.“Alam mo kung ano ang kailangan namin.O baka naman ,gusto mo na ang mga batang ‘to na lang ang kunin namin?”Nakangising tanong nito at itinutok ang baril sa mga kapatid ko.Nagsisigaw ang mga ito,kahit si tiyang at tiyong na nagpupumilit na makawala .“Huwag please,’wag ang mga kapatid ko! Wala silang alam dito!”Humagulhol na ako,hindi ako makalapit dahil na rin sa baril na nakatutok sa’kin.“Huwag niyong idamay ang mga pamangkin ko! Kung anu man ang kasalanang nagawa ng kapatid ko,sa kanya niyo ibaling huwag sa mga bata! Sinabi ko naman sa inyo na matagal ng hindi umuuwi ang kuya ko! Parang awa niyo na,huwag ang mga bata!”Umiiyak na rin si tiyang at umiiling.Wala rin magawa ang kapit -bahay namin dahil na rin siguro sa takot.Umiling -iling ako sa kanila at pinilit na makatayo para makalapit sa kanila,pero biglang nagwala si tiyong at nakawala siya .Pinagsusuntok niya ang mga kalalakihan na
HACE“You’re drinking again.”I looked back when I heard Draco’s voice.My best friend.I just shrug at him and drink the rum on my glass.Naupo ito sa katabi kong stool at nagsalin din ng alak.Uminom ng kaunti at humarap sa’kin.He just stare at me for a while before talking.“Are you still on,on getting Ronaldo’s daughter?” He ask as his brows narrowed at me .I just shrug and drink the last drop of my rum.“None of your business!”I answered back,and poured another drink.Inagaw niya ang alak na hawak ko at pinakatitigan ako.Napatingin na din ako sa kanya at nakipagtagisan ng tingin.Tingin na parang inaarok niya ang sinabi ko.“It’s my god damn business Mr. Mondeñego! Dinadamay mo ang taong walang alam sa ginawa ng ama niya.Aren’t you being unfair? Where’s your honesty and justice?”“So what he did to us is fair?!”Bulyaw ko sa kanya,hindi ko na napigilan pa ang emosyong lumukob sa sa’kin.This topic is sensitive for me.“Buhay ang nawala Draco,kaya buhay din ang kapalit!”Nakakuyom an
Nagising ako na maasakit ang pantog ko.Dahil na rin siguro sa kakulangan ng tulog nitong nagdaang gabi ay napahaba ang tulog ko.Napabalikwas ako ng bangon ng maalala ang nangyari,at kung nasaaan ako ngayon.Inilibot ko ang paningin at mukhang nandito ako sa isang silid.Ang gara ng kwarto,malaki ang kama na hinigaan ko.Sobrang lawak,black at gold ang kulay ng paligid.Sigurado na lalaki ang nagmamay-ari ng silid na ‘to.Mabango din ang silid.Panlalaking amoy,at sa naalala ay tuluyan na akong napatayo.Naglibot ako sa buong kwarto at ng may unang pinto na makita ay mabilis na akong nagtungo doon. Napahinga ako ng malalim ng makitang banyo nga ang nabuksan kong pinto.Matapos makapagbanyo lumabas na ako at napaupo sa sopang naroon.Napatakip ako sa mukha ng namasa ang mata ko.Kailangan ko ng harapin ang kapalaran ko dito.Kailangan para sa mga kapatid ko.Kamusta na kaya sila ngayon?Baka hanggang ngayon umiiyak pa ang mga kapatid ko.Gustuhin ko man sila na matawagan ay hindi ko hawak ang cellph
“What did just call me?”Ulit niya sa tanong niya.Napatitig na lang ako sa kanya at namasa ang mata ko.Tumayo na ako at hindi na sinagot pa ang tanong niya.“Wala ka na bang ibang iuutos?Malalim na ang gabi at mabuting magpahinga ka na rin.”“I ask you woman,now answer me?!”Napahinto ako sa sigaw niya.Sasabihin ko ba?‘Hindi,hindi siya ang H mo.Gumising ka,ang H mo hindi makakaya na gawin kung anuman ang ginawa niya sa’yo ngayon. At hindi ka niya sisigawan!’“P’wede ba na H na lang ang itawag ko sa’yo?”Napakunot noo naman siya sa sinabi ko.“No!”Sagot niya at bumalik sa pagkakadapa."Call me sir!" Sabi ko nga,hindi niya talaga ako kilala.Hindi na siya nagsalita pa ulit kaya naglakad na ako palabas.Hindi ko alam kung saan ako mahihiga,kung pupuntahan ko ba si ‘nay Lara.Pero dahil wala naman siyang iniuutos ay nanatili ako sa sopa.Hindi na rin ako madalaw ng antok.Napapahingang malalim akong naupo,at napatingin sa nakasarang pinto sa kwarto niya.Marami ng nagbago.At siguro ay isa na