Share

CHAPTER 5

“Bakit ba napunta sa akin ang usapan na ýan?” tanong niya habang nakadungaw ang sapilitang ngiti sa gilid ng mga labi nito.

“Papayag ka bang makasal sa iba ang babaeng mahal mo?” muling tanong ni Rhodly sa kanya. Naguguluhan man siya dahil papaano nito nagawang itanong sa kanya ang ganu’ng klase ng tanong.

Naisip din niya na lalaki rin si Rhodly at hindi nanakapagtataka kung naramdaman nito ang lihim niyang pagtingin para kay Daphne.

“Ano ka ba? Papaano ko naman magugustuhan ang isang Daphne na kaibigan natin?” kunwari niyang tanong kahit na ang totoo ay gustong-gusto ng isigaw ng kanyang puso ang mga katagang mahal nga niya ito. Mahal na mahal!

“Kaibigan lang ang turing ko sa kanya at kahit na anong mangyari, hindi na ýon magbabago pa. Hindi ko naman siya kayang patulan,” pagsisinungaling niya kahit na nasasaktan siya, kahit na kontra ang kanyang puso sa bawat katagang binibigkas ng kanyang mga labi.

Mataman siyang pinagmasdan ni Rhodly. Alam niya, ramdam niyang may gusto pa itong sasabihin, may gusto pa itong uusisain pero alam naman nito ang kanyang ugali. Kahit na anong pilit pa ang gagawin nito ay mananatiling tikom ang kanyang bibig lalo na kapag nasimulan na niya ang pagsisinungaling.

Narinig niya ang mababaw ng tawa na kumula mula sa kaibigan.

“Ako rin. Hindi ko siya kayang mahalin nang higit pa sa isang kaibigan. Kapatid lang talaga ang turing ko sa kanya at kahit magmula pa noong ipinanganak ako sa mundong ‘to, alam kung wala talaga sa isipan ko ang maikasal ako sa isang kaibigan ko,” mahaba-habang litany ani Rhodly. Nang lingunin niya ito ay nakita niyang nakatingin ito sa malayo. Lumilipad ang isipan papunta sa malayo.

“Pero, nakatakda na ang kasal niyong dalawa.”

“Alam ko. Sa totoo lang, gustong-gusto ko talagang umayaw dahil alam ko naman sa sariling kailanman, hindi ko talaga siya kayang mahalin ng higit pa sa isang kapatid.”

“Anong balak mong gawin?” tanong niya sa kaibigang alam niyang gulong-gulo na ang isipan nito ng mga sandaling ýon.

“Matagal pa ang magiging kasal namin at alam kong marami pa ang maaaring mangyari. Alam kong sa pagdaan ng marami pang taon, marami pa ang maaaring magbago at sana isa na du’n ang feelings ni Daphne para sa akin.”

Yes! Sana nga. Sana nga magbago at mare-realize ni Daphne nga siya pala ang mahal nito, siya pala ang kailangan at hinahanap nito at hindi si Rhodly. Kung ano man ang naging hiling ni Rhodly ng mga sandaling ýon ay ýon din ang tanging laman ng kanyang isipan at puso.

Dumaan ang ilan pang mga araw na naging buwan at taon. Nagpapatuloy ang buhay ng tatlo at pinilit na ring baliwalain ni Rhodly ang awkwardness na nararamdaman nito para kay Daphne. Umiimik na ito sa kaibigan pero hindi na kagaya ng dati. Kahit papaano ay natuwa naman si Gilbert sa pagiging okay ng dalawa niyang kaibigan.

Naging masaya naman si Daphne du’n pero hindi pa rin nawawala sa kanyang isipan ang sakit na siya lang ang nakakaramdam ng higit pa sa kaibigan na pagmamahal kay Rhodly. Ginagawa naman niya ang lahat para naman habang maaga pa ay mahuhulog na ang loob nito sa kanya pero sa bawat attempt na gagawin niya ay agad naman itong umiiwas. Kung pinipilit niya gawin ang lahat ng makakaya niya para naman matutunan siyang ibigin ng kaibigan ay sinisikap naman ni Rhodly ang biguin siya.

Kahit na ganu’n ang naging relasyon nilang dalawa ay hindi na niya iyon pinansin pa. Alam niyang wala na itong kawala kapag naitali na ito sa kanya balang-araw.

Saya at lungkot aang bumalot sa puso ni Daphne para sa araw na ýon. Saya, dahil sa wakas ay graduate na sila ng high school. Lungkot dahil alam niyang one of these days, hindi na niya makakasama si Rhodly sa loob ng ilang taon dahil binalak ng kanyang mga magulang na sa US siya mag-aaral n kanyang kolehiyo. Sinubukan naman niyang tumanggi dahil sa katotohanang mapalayo siya sa lalaking mahal niya pero wala na siyang nagawa pa dahil buo na ang desisyon ng mga ito.

“Congratulations sa ating tatlo,” nakangiti niyang bat isa dalawa habang suot-suot pa rin nila ang kanilang toga. Nagsasaya na rin ang iba pang nagtapos ng araw na ýon. Abala ang iba sa pagkukuha ng mga pictures bilang ala-ala sa isang yugto na naman ng kanilang buhay ang natapos.

“Congratulations, Daph,” masayang bati ni Gilbert sa kaibigan. Masaya siya pero deep inside nasasaktan siya dahil alam niyang lalayo na sa kanya si Daphne dahil sa ibang bans ana ito magpapatuloy sa pag-aaral. Oo, may mga gadgets siyang magagamit para kahit papaano ay makakaausap pa rin niya ito pero iba pa rin talaga kung nakakasama niya ito at nakikita sa personal. Pero, kung para naman sa magandang kinabukasan nito ang paglayo ay magtitiis siya sa pangungulila. Ang pangungulilang hindi alam ni Daphne at tanging siya lang ang nakakaalam.

Napayakap siya kay Daphne at ganu’n na rin ito sa kanya. Walang ibang ibig kahulugan para kay Daphne ang yakap na ýon dahil para rito, ýon ay yakap ng isang kaibigan pero para kay Gilbert, ýon ay yakap ng pamamaalam.

“Congratulations, Rhod,” baling nito sa tahimik na si Rhodly matapos itong kumalas mula sa pagkakayakap nito kay Gilbert.

“Likewise,” sagot naman ng kaibigan at nang yakapin niya ito kagaya ng ginawa nilang dalawa ni Gilbert ay yumakap na rin ito sa kanya. Labis ang tuwa na kanyang nadarama dahil ang buong akala niya ay ipapahiya siya nito, ang akala niya ay iiwasan siya nito pero hindi pala.

Kitang-kita ni Gilbert ang matamis na ngiti sa gilid ng mga labi ni Daphne, ang ngiti na hindi sumilay sa mga labi nito nang siya ang niyakap nito. Ang sakit din pala kapag talagang walang nararamdaman para saýo ang isang tao. Kung mayroon man, ýon ay bilang isang kaibigan lang at hindi na ýon hihigit pa du’n.

“Congratulations, anak,” masiglang bati ni Celeste sa kanyang unica hija sabay abot ng dala nitong isang bouquet ng bulaklak pagkatapos ay niyakap niya ito. Hinalikan niya ito sa magkabilang pisngi na siyang lalong ikinatawa ni Daphne.

Habang si Corazon naman ay masayang binati si Rhodly saka ito niyakap. Matapos ang batian ay nag-aya na ang dalawang ginang na pumunta sa isang restaurant dahil naghihintay na du’n ang kani-kanilang asawa.

“Okay lang ako. Uuwi na rin ako,” saad ni Gilbert nang napalingon ang dalawa sa kanya. Nasa ibang bansa ang kanyang mga magulang at hindi ito makakauwi kaya kapatid lang niya ang kanyang makakasama.

Nagpaalam na ang dalawa kasama ang mga ina nito at naiwan siyang mag-isa. Kahit na may mga kaklase at ka-batchmates pa siyang nandu’n at abala sa pictorial ay ramdam pa rin ni Gilbert na mag-isa lang siya. Umuwi siya para naman ay maaga siyang makapagpahinga at makapag-isip siya ng mabuti kung ano ang susunod niyang gagawin ngayong tapos na siya ng high school.

“Congratulations!!” sabay-sabay na sigaw ng mga taong nasa loob ng kanilang bahay. Gulat na gulat siya dahil hindi niya inaasahang iso-sorpresa pala siya ng mga ito. Nandu’n ang iilan niyang mga pinsan pati na ang kanyang tiyuhin at tiyahin na parehong malapit lang sa kanilang tintitirhan ang mga bahay ng mga ito.

Biglang nahati sa dalawang linya ang mga nandu’n at mula sa likuran ng mga ito ay lumabas ang dalawang taong matagal-tagal na rin niyang hindi nakikita. Ang kanyang mga magulang!

“Congratulations, my son. We’re so proud of you,” bati ni Marcyl, ang ina ni Gilbert.

Napayakap siya sa kanyang ina habang ang kanyang ama namang si Rudy ay nanakangiting nakatingin sa kanya habang nakatayo ito sa bandang likuran ng kanyang ina.

Matapos siyang niyakap ng ina ay ang ama naman ang siyang napayakap sa kanya ng mahigpit. “Congratulations,” bati nito sa kanya saka siya nito bahagyang tinapik-tapik sa kanyang likuran.

“Thank you so much,” masaya niyang tugon. Wala talaga sa kanyang isipan na uuwi ang mga ito para lang Samahan siya sa panibagong yugto ng kanyang buhay na natapos na naman.

Binati rin siya isa-isa ng kanyang iba pang kamag-anak na nandu’n at siyempre, hindi rin dapat mawala sa eksena ang kanyang kapatid.

Masaya silang nagsalo-salo sa hand ana inihanda ng mga ito. Kahit papaano ay naging masaya si Gilbert dahil muli niyang nakasama ang mga magulang sa mahahalagang sandali ng kanyang buhay. Nagkukwentuhan sila haban kumakain. Kahit papaano ay nakalimot si Gilbert sa kanyang kabiguan sa pag-ibig. Napakasaya niya dahil talagang naglaan ng oras ang kanyang mga magulang para batiin siya sa araw na ýon. Ang buong akala kasi niya ay hindi makakuwi ang mga ito dahil ýon din ang naging pahayag ng mga ito nu’ng tinawagan niya ang mga ito para ipaalam ang nalalapit niyang graduation.

Makita lang niya ang mga ito na nasa maayos na kalagayan ay sapat na iyon para kay Gilbert. Sobra niyang mahal ang mga ito dahil na hindi niya ito madalas nakakasama dahil sa pagiging abala ng mga ito sa pag-aaral.

Nang sumapit ang gabi habang nakahiga na si Gilbert sa ibabaw ng kanyang kama ay muli na namang bumalik sa kanyang balintataw kung ano na ang nangyari rito.

Napatingin siya sa kanyang phone nang bigla itong tumunog at kaylaki-laki ng ngiting sumilay sa gilid ng mga labi ng makita niya ang pangalan ni Daphne sa screen ng kanyang phone. Bahagya siyang dumistansiya mula sa kanyang pamilya saka niya sinagot ang tawag ng kanyang kaibigan.

“Ang tagal mo namang sumagot,” reklamo nito mula sa kabilang linya matapos niya sagutin ang tawag nito.

“Pasensiya ka na. Lumayo muna kasi ako sa pamilya ko,” paliwanag naman niya.

“You’re celebrating right now?” tanong ni Daphne.

“Kanina but we’re done. Nagkukwentuhan na lamang sila. Kakauwi lang kasi nina Mama at Papa.”

“So, ibig sabihin nasa bahay niyo ngayon ang parents mong parehong nasa abroad?” muli pa nitong tanong sa kanya.

“Oo! Ang saya-saya ko nga, eh. I thought, they can’t make but they surprised me,” nakangiti niyang saad. Bahagyang napakunot ang kanyang noo nang marinig niya ang mahinang pagbuntong-hininga ni Daphne mula sa kabilang linya.

“What’s wrong? Any problem?” nag-aalala niyang tanong.

Kapag mahal mo talaga ang isang tao kahit simpleng pagbitaw lang nito ng buntong-hininga ay talagang makakaramdam ka na ng pag-aalala para rito sa pag-aakalang may problema ito.

“Pa’no ba ‘to? Sayang naman ‘tong inihanda ko,” usal nito. Muling kumunot ang kanyang noo sa sinabi nito.

“Inihanda?” takang-tanong niya rito.

“Oo,” maikling sagot nito. Dahan-dahan na namuo ang matamis na ngiti sa gilid ng mga labi niya. Ang buong akala kasi niya ay naghanda si Daphne para mag-celebrate silang dalawa dahil sa wakas ay natapos na rin nila ang high school nang sabay. His heart starts to beat faster. Ganito nga siguro kapag nagmamahal. Sobrang saya ang mararamdaman kapag alam nila na nag-effort ang taong mahal nila kahit na hindi naman nila hinihingi mula sa mga ito.

“Talaga bang naghanda ka? Bakit ka pa kasi nag-abala pa?” kunwaring aayaw niya pero ang totoo ay kinikilig siya ng mga sandaling ýon. Daphne has no idea how happy he was at that moment. She has no idea how she made him happy that time. Kung sakaling may taong nakatingin sa kanya ng mga sandaling ýon ay aakalain talaga nitong nababaliw na siya habang may kausap sa phone dahil abot hanggang mga mata ang kanyang ngiti.

“May inihanda kasi ako para sana sa aming dalawa ni Rhodly kaso hindi naman siya sumipot,” litanya nito.

Ang abot hanggang mga matang ngiting makadungaw sa magkabilang gilid ng kanyang mga labi ay dahan-dahan na nawala at napailitan ng sakit at pagkadismaya. Aminado si Gilbert sa kanyang sarili na nasaktan siya matapos malamang hindi pala para sa kanya ang oras na inilaan ni Daphne sa kung anuman ang inihanda nito ng mga sandaling ýon.

“Hindi na niya sinasagot ang tawag ko matapos niyang sabihing magpapahinga na raw siya dahil masyado na raw siyang napagod pagkapatapos ng graduation natin.”

Ramdam na ramdam ni Gilbert ang lungkot sa boses ng kaibigan habang binibigkas nito ang mga katagang lumalabas mula sa mga labi nito habang ang puso naman niya ay muling nabigo sa makailang ulit nang walang ibang nakakaalam kundi siya lamang.

Masarap magmahal, walang kapantay na saya ang hatid ng salitang pag-ibig sa puso ng bawat taong nagmamahal. Ang masakit ay ýong tumibok ang puso mo sa taong iba naman ang pinapangarap at hindi ikaw ýon. Nababalewala ka lang. Pansamantala kang naaalala kapag nasasaktan siya. Pansamantala kang napapansin kapag luhaan ang kanyang mga mata at sugatan ang kanyang puso. Pansamantala kang nilalapitan kapag kinakailangan niya ng masasandalan at makakapitan sa tuwing bigo siya at wasak dahil sa taong mahal niya ngunit hindi na niya ramdam ang existence mo kapag kasama niya ang taong inaasam niyang makasama habang-buhay. Hindi ka na nakikita kapag masaya siya kasama ang taong isinisigaw ng puso niya. Wala ka ng kahalagahan sa kanya kapag kapiling na nito ang taong hinahangad nito.

Ang lihim na tanong ng munti mong pusong lihim na nasasaktan ay kung hanggang kailan ka magiging pansamantala lamang sa buhay niya at kung may pagkakataon pa bang hindi na niya kailangan pang masaktan upang maaalala ka.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status