Share

CHAPTER 6

“Ayan ka na naman, Gilbert. Umaasa ka na naman kaya ka paulit-ulit na nasasaktan,” paninisi niya sa kanyang sarili matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Daphne. Parang tanga na naman siyang umaasang bibigyan talaga siya ng special na atensiyon nito at oras na hindi naman mangyayari.

“Anong gagawin ko rito?” hopeless na tanong ni Daphne mula sa kabilang linya. “Puntahan mo naman ako rito, please,” mangiyak-ngiyak nitong pakiusap sa kanya.

Kapag maririnig niya ang boses nito na para bang nagmamakaawa ay sino ba naman siya para makatanggi? Hindi rin niya ito kayang tiisin kahit kailan. Saka na siguro niya magagawa ang tiisin ito kung sakaling pagod na pagod na ang kanyang puso at kapag hindi na niya kaya pang tiisin ang sakit na kanyang nararamdaman sa tuwing nakikita niya itong masaya habang kasama ang lalaking minamahal.

Lumipas lang ang ilang sandali ay dumating na si Gilbert sa lugar kung saan talagang ginugol ni

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status