Share

Chapter 2: Elevator Sucks

"ATE ako na yan!" Halos mapatakbo siya nang buhatin nito yung box ng file sa may likuran ng sasakyan.

"Kaloka ka magaang lang toh." Nangingiweng napakamot na lang ito sa ulo nang kunin niya ang bitbit dito.

"Kahit na, hindi ka dapat nagbubuhat. Ihahatid na kita," presinta niya dito.

"Sigurado ka? Eh hindi ba't maghahanap ka pa ng trabaho?" Isinara nito ang compartment ng sasakyan at sinundan siya sa paglalakad.

"Sus maaga pa naman, kaya pwedeng-pwede kitang ihatid." Nginitian niya ito ng parang isang tupa.

"Grabe naman... alagang-alaga mo naman ako nyarn, baka naman masanay ako sayo day?" biro nitong parang binabae kung magsalita na agad na nagpahagikgik sa kanya.

Mula sa parking area ay lumakad sila patungong elevator habang abalang nagkukwentuhan.

Nalaman niyang nagtatrabaho pala ito bilang Senior Accountant sa isang sikat at malaking  Talent agency.

"Hoy pag may audition, try mo kaya dito sa agency namin!" biglang suhestyon nito.

Napanguso siya sa ideyang iyon. "Ewan ko ate... pass muna siguro ako. Nakakadala yung mga nangyari sa akin kahapon, at saka hindi lang naman iyon ang unang beses na napatrouble ako dahil sa pagpush ng pangarap kong maging isang mang-aawit, kaya focus muna ako sa pagbangon at pagbabayad ng utang."

Nang marating nila ang ikalawa sa pinakahuling palapag ng gusali ay napanganga na lamang siya nang makita ang napaka-sosyal na ambiance ng opisina. Hindi nga ito mukhang opisina, it's more like a hotel lobby, combination of white, black, and gold with some marble accent interior.

"Woah!!" tanging nasambit nalang niya.

"Bongga noh?!"

Hindi na siya nakasagot at napatango-tango nalang habang pinagmamasdan pa rin ang buong paligid at nakaawang ang mga labi dahil sa labis na pagkamangha.

Napansin din niya ang mga pamilyar na mukha na nakalagay sa malalaking kwadro na nakapaskil sa napakataas na pader. Ilan sa mga ito ay sikat na mang-aawit na iniidolo niya at laging napapakikinggan sa radyo. Hindi niya tuloy maiwasang ma-excite na sana makita niya ang mga ito sa personal.

"Ibig sabihin ate... dito nagtatrabaho ang mga ito?" nanlalaking matang tanong niya dito.

"Ah... yan oo, kompanya namin ang nagma-manage sa kanila, pakalat-kalat lang yan sila dito minsan," kaswal lang na wika nito na para bang walang espesyal sa bagay na iyon, hindi tulad niya parang bigla siyang nanalangin na sana ay may makasalubong rin siyang pakalat-kalat na artista.

Hindi pa niya naranasan makakita ng sikat na tao sa personal. Hindi siguro siya makakahinga ng ilang segundo o baka manlambot nalang siyang bigla pagnakaharap niya ang isa sa mga ito.

Minsan na niyang pinangarap na mapunta din siya sa ganoong sitwasyon, kung saan nagagawa ng malaya ang tunay na ninanais ng puso niya. Bata palang siya ay parang hangin kung ituring niya ang musika.

Ito yung bagay na gumagamot sa malulungkot na araw na kanyang buhay, ito yung pagkain ng minsang niyang nawawalan na ng ganang kaluluwa, dahil sa pagod na dala ng kahirapan, at higit sa lahat ito yung mundo kung saan niya malayang nahahayag ang tunay na saloobin ng kanyang puso, pero muli niya itong isasantabi at uunahin ang dapat unahin.

Habang naglalakad sila ay may nakasalubong silang umiiyak na babae na sa tingin niya ay isa ring empleyado doon. She looks young, maybe same age like her.

Hinarang ito ni Mariane. "Hoy Lana, bakit ka na naman umiiyak?" kuno't noo nitong tanong na may kalakip na pag-aalala habang pinili niyang manahimik na nakamasid sa dalawa, kahit pa nga yung totoo naku-curious din siya kung anong dahilan ng pag-iyak nito.

"Hindi ko na kaya! Lagi nalang siyang galit! Ang sakit sakit pa niyang magsalita... p-para bang lagi nalang akong mali, kahit siya naman i-itong demanding at komplikado!" punong-puno ng hinanakit nitong sabi na halos maghabol ng salita dahil sa kakangungoy, "Ang hirap hirap niyang pakisamahan! Pakiramdam ko w-wala akong kwenta." At muli itong napahagulgol ng malakas.

Ramdam niya ang sakit sa pagsisintimyento nito. Kung hindi pa niya alam na tungkol sa trabaho dahilan ng labis nitong hinanakit ay iisipin niyang makikipaghiwalay na ito sa kasintahan dahil and weird nung ganoong iyak ng dahil lang sa trabaho.

Inakap ito ni Mariane at hinaplos sa likuran. "Hay naku girl ganyan talaga yan... hindi lang ikaw ang biktima, yung iba sa amin na immune na lang, kung mahina ang loob mo hindi mo talaga siya makakayanan, kailangan bulletproof ka, dahil nanunugat ang mga salita niyan, pero sure ka na ayaw mo na talaga?"

"Oo magreresign na ko! Halos hindi na ko makatulog sa gabi dahil pagnaiisip ko kung paano niya ko tratuhin, yung frustration ko lagpas ulo ko na ate... ginagawa ko naman lahat ng gusto niya kaya lang yung iba ang hirap-hirap talaga!" Patuloy pa rin sa pagpatak ang luha nito. Naisip niya tuloy ano kayang klaseng tao yung sinasabi nito? Malamang kasing pangit ng ugali nito ang mukha.

Pasimple siyang nangilabot para sa sarili niya. May mga karanasan din siya kung saan hindi maayos ang trato ng among napasukan niya, pero hindi naman kasing lala nang halos hindi na siya makakatulog gawa ng frustration.

'Grabe naman yung ganoon!'

Hindi pa man din niya ito nakikita eh feeling niya naiinis na rin siya dito.

Matapos niyang madala ang gamit ni Mariane sa office nito ay nagpaalam na siya upang makasimula na sa kanyang misyon ngayon araw, ngunit bigla siya nitong pinigil.

Inabot nito ang kamay niya at may inilagay na papel doon. "Oh pagpasensyahan mo na yan, pagkulang magsabi ka lang."

Napatingin siya sa asul na papel na nagkakahalaga ng isang libo. "Naku ate huwag na! Nagbaon naman ako ng tubig at biscuit kerry na toh!" Mabilis niyang ibinalik dito ang pera ngunit muli din naman nitong ibinalik sa kanyang palad at ito na mismo ang nagsara noon upang ipitin sa kamay niya.

"Kunin mo na yan at galingan mong humanap ng trabaho, ok?" Pinandilatan pa siya nito ng mata bago tumalikod at sinimulang kalkalin ang mga papel sa lamesa nito. "Pag maaga kang natapos sumabay ka na sa akin umuwi," nakangiti siya nitong nilingon.

"Ate salamat." Hindi niya alam pero kusang kumilos ang mga paa niya upang lapitan ito at yakapin mula sa likuran.

Tinapik lang nito ang braso niya. "Sige na tumuloy kana at mag-iingat sa mga scammer," habilin nito na bahagya pang umikot ang eyeballs na sabay nilang ikinatawa bago siya tuluyang umalis.

Pakiramdam niya punong-puno na naman ng pag-asa ang puso niya nang pumasok siya sa elevator. May mga tao doon pero wala doon ang atensyon niya, pakiramdam niya kasi sobrang mahal siya ng Diyos, na kahit ano pang mga mangyayari, lagi-lagi itong gagawa ng paraan para iligtas at damayan siya sa mga pagsubok.

She can't believe angels on earth are for real. They come in different disguises.

'Yung iba sermonista, yung iba nangungunsinti.' Napatawa siya nang maisip ang nanay at lola niya. She leans her head on the elevator wall while having those happy thoughts. 'Yung iba nahohold up kahit buntis...' Hindi na niya napigilang tuluyang mapahagikgik at aksidenteng naumpog sa sinasandalan bakal na pader nang bahagyang umalog ito. "Ahh." mahinang d***g niya sa sarili at napahaplos sa gilid ng ulong tumama, pero ipinagpatuloy pa rin niya ang masayang isipin sa sariling mundo. 'At yung iba mga naka pang malakasang outfit... may pula yung buhok tapos meron ding blonde.' panandalian siyang napatulala sa dalawang lalaking nakatayo sa likuran niya na ngayon lang niya napansin at malinaw na malinaw niyang nakikita sa malasalaming pintuan ng elevator na nakatingin din ang mga ito sa kanya na parang bang siya yung pinakawirdong nilalang sa mundo.

Naisip niya tuloy marahil kanina pa siyang parang timang na pinanonood ng dalawang iyon doon habang tumatawa siyang mag-isa.

Ito na yata yung sinasabi ng ate Mariane niyang pakalat-kalat na mga artista sa building. Bigla tuloy siyang tinamaan ng hiya at bumulusok ang init sa makabilang pisngi.

Hindi niya mapigilang pasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa. They look like the type of men that came out from Manhwa comics that every girl would fantasize in their dreams.

The guy with a blonde hair looks so fine and cute at the same time, para bang ito yung representative ni Lord, dahil sa all white na outfit nito na akala mo'y walang bahid ng anumang kasamaan sa mundo. Yung tipo ng lalaki na matutunaw ang puso nang kahit na sinong babaeng matititigan nito, with his chinky light blue eyes na hindi niya sigurado kung totoo ba o contact lenses lang ay hindi na din mahalaga, dahil bumagay naman talaga iyon dito.

'Tapos na agad ang laban kapag tinamaan ka ng mga iyon.'

While on the other side is the guy with the burgandy hair, wearing a sophisticated black attire matching his serious and dangerous aura but nevertheless, kahit mukhang kasama siya sa mga naihulog na tukso sa lupa, he's still blessed with drop-dead gorgeous face. Mapagkakamalan mo nga itong kapatid ni Snow white dahil sa sobrang puti at makinis nitong balat, aakalain mong hot na modelo ito ng skincare products. Nakapasok ang dalawang kamay nito sa bulsa, that makes him look as if posing for a magazine.

Sobrang elegante nilang tignan pareho, their body physique is slim but muscular at tama lang ang katangkaran. They also look so expensive with how they carry their for sure high-end clothes. Naisip niya tuloy baka naman modelo ang mga ito dahil hindi pamilyar ang mga mukha nila sa kadalasan nakikita niya sa TV.

"If you want to break your head, huwag mong idamay ang elevator. Trust me you cannot afford it," the red hair guy said with his belittling cold gaze.

"I think she's day-dreaming about her boyfriend, isn't that romantic?" The blonde guy chuckled. Halos mawala ang eyeballs nito nang lalong mapikit ang singkitin nitong mga mata. It seems like his eyes smiled with his lips, and one moment she thought that it was freaking cute making her helplessly blush.

"Are you just going to stare at us? How dare you look at us from head to foot?"

Mabilis na natuon ang ang paningin niya sa katabi nito. The way he shoots her with his ice-cold gaze ay talaga namang nakaka-intimida. Hindi na din kasi niya namalayang pinasadahan niya muli ito ng tingin mula ulo hanggang paa.

Natataranta tuloy siyang napayuko at nagpatay malisya kahit pa nga sila lang naman tatlo ang naroroon kaya malamang siya ang kinakausap nito.

Kasalanan ba niya kung nakaka-startruck ang itsura ng mga ito?

She heard him scoffs. "How pathetic..."

Muli niyang natitigan ang mga mata nito mula sa pintuan. He is looking at her with a disgust on his face.

'Grabe big deal yon sa kanya?!'

"Pathetic? I disagree, I think she's cute," the other guy in a white outfit said with a flirty smirk on his lips when their eyes met again.

'Luh harot din!' pero pa-simple siyang kinilig doon na mabilis din niyang iwinaksi dahil isa iyong patibong. Alam na alam niya ang mga ganoong galawan ng kalalakihan at hindi na iyon uubra sa kanya.

Kuno't ang noong napabaling naman ang lalaking pula ang buhok sa kasamahan. "Seriously? Sometimes your weird taste makes me want to throw up." Then he looks at her from head to foot, pero parang yung paraan nito ay punong-puno ng panglalait.

'Napaka niya!!' Iba talaga ang tabas ng bibig nang lalaking iyon. 'Siguro Best in Lait award lagi ang nakukuha nito sa eskwelahang pinasukan nung kabataan nito? Ang husay manglait eh!' Wala sa sariling nasimangutan niya ito na tinugon nito ng irap.

"Why? She's just admiring our beauty like the others, what's wrong with that?" Sabay kindat nito sa kanya na montik niyang ikasamid.

Kung mag-usap ang mga ito ay parang wala siya doon sa loob ng elevator.

Muling nagtama ang paningin nila ng lalaking parang ipinaglihi sa sama ng loob ngunit inirapan lang ulit siya nito.

'Anong problema ng lalaking toh? Meron yatang regla. Yabang porque maraming ikayayabang!'

Oo, gwapo nga ito pero isang malaking ekis ang ganyang klaseng pag-uugali para sa kanya. Katulad ng lalaking nanloko sa kanya, mapagbalatkayo, na aakalain mong mabait sa una pero ang totoo ay may masamang binabalak pala. Samantalang ito naman ay ginagawang dahilan upang mangmaliit ng ibang tao.

'Pareparehas pa rin naman nakaapak ang mga paa namin sa lupa yung totoo?' Pasimple din niya itong inirapan na buti na nga lang ay hindi nito nakita.

"That only makes them more annoying... and I really can't stand it," punong-puno ng pagkauyam na sabi nito.

"Ano ka ba? These kinds of people are the ones who bring you a lot of money."

Sabay pa silang dalawa nung lalaking pula ang buhok na napakunot ng noo at napabaling dito.

"Excuse me? Music... is the one who brings me a lot of money, not people like her," he said in a very disagreeing face. Ewan niya pero hindi din siya sumasangayon sa sinabi nito dahil ni minsan naman ay hindi siya gumastos para sa mga ganoong bagay. Minsan nga umaasa lang siya sa free d******d online dahil wala siyang pera upang bumili nito, pero the way he said it makes it sound upsetting.

"Yeah right, but a lot of people will not buy music without visuals nowadays, and that is based on facts. So, people who get easily attracted by visuals, are also usual that will spend on what we are selling."

Siya naman ang napapalatak.

"You don't agree?" tila takang baling pa sa kanya ni Mr. Blonde.

"No, I don't," matipid at kaswal niyang sagot. Yes, she is a nobody, neither someone whose opinion matters, but definitely she knows when to speak, "Kaya ng musikang patunayan na hindi nito kaylangan ng balatkayo upang maimpluwensyahan ang mga taong nakikinig dito. Dahil yung ibang malalalim na musika at may totoong saysay ay karaniwang matatagpuan sa mga taong may mas sensitibong karanasan at kaluluwa. I still believe in the idea that heart and soul make music timeless, not pretty faces."

Sumaktong bumukas ang pintuan sa floor kung saan ang mga ito patungo. Hindi na muling nagsalita pa ang lalaking may pulang buhok at nauna ng lumabas, ngunit panandalian namang huminto sa gilid niya ang lalaking blonde at hinarang ang kamay sa bukana ng elevator upang hindi ito sumara.

Namulsa ang isa nitong kamay at ngumiti ng nakakaloko sa kanya. "Because of what you said, you can continue breaking your head on the elevator's wall, I'll pay for the damage."

Sasagot pa sana siya ngunit... "You don't understand how the music industry works... that's why you can say that. I've seen a lot of people that you are pertaining to, but seldom it will work unless... you are still living in ancient times, as people in these present times care more about what will feed their fantasy rather than their soul and that's reality." At tumuloy na ito sa paglabas.

Naiwan siyang napapalatak. "Grabe ang yayabang! Akala mo kung sino!" Hindi na niya napigil pang maglabas ng inis, mabuti na nga lang ay siya na lang mag-isa doon.

Imagining these are the principles of people who holds power in the music industry, makes her feel more hesitant to really join the circle. Ano nalang magiging kinabukasan ng musika kung sa mga susunod na panahon ay wala ng halaga ang tunay na kahulugan noon? "Paghindi ka maganda or gwapo waley ka ganoon?! Huh! Kalokohan yun!" patuloy pa rin niyang sintemyento.

Nang makalabas siya ng elevator ay binati pa siya ng kaninang me edad na security guard, "Oh, aalis ka na agad?" nakangiting tanong nito.

"Ah opo... pero babalik po ako mamaya para sunduin si ate," magalang niyang tugon dito at sinauli ang visitor's pass ID.

"Ah sige sige."

"Manong may alam ka bang mga hiring na establishment sa paligid?" naisipan niyang magtanong dito, nagbabakasakaling may alam ito para naman may ideya na agad siya kung saan magpupunta.

Bigla itong napaisip at napatingin sa kisame. "Ah... nung nakaraan sa pagkakaalala ko, may nadaanan ako na coffee shop sa ikalawang kanto mula dito, sa tingin ko naghahanap sila ng part-timer, ano nga bang pangalan noon?" Bahagya pa itong napakamot sa ulo. "P-pa.. parpol M-makimato? Ay ewan ang hirap bigkasin!"

Hindi niya maiwasang mapatawa sa halos magkandabuhol-buhol nitong dila. Me edad na kasi ito kaya siguro hindi na pamilyar sa mga banyagang salita.

"Ayos na po yun, ako na pong bahala maghanap, maraming salamat po sa tulong." Tinapik-tapik niya ang balikat nito bago tuluyang umalis na.

Nagsimula siyang magpalinga-linga sa paligid upang masiguro niyang masusuyod niyang lahat ng posibilidad na mapapasukan.

Mariane lend her a decent skyblue basic longsleeve shirt and a black pencil-cut skirt above the knee, kung saan iyon naka tuck-in, matching with an inch high black wedge shoe. Simple pero presentable naman ang kinalabasan noon. Malinis na pinusod nalang din niya ang buhok na hanggang baywang. Papahiramin pa sana siya nito ng stockings, pero nang makita nito ang legs niya ay nagbago ang isip nito. Naaalala niya pa ang nakakalokong sinabi nito nang magsukat siya kagabi.

"Alam mo ang ganda mo girl may lahi ka noh?! Kahit simple lang ang suot mo ang pretty mo pa ring tignan eh! Saka huwag kanang mag-stockings, isipin mo nalang yang legs mo yung magbibigay ng pangmalakasang first impression." Sabay halakhak na parang bruhang may ginawang kalokohan. Although hindi naman iyon ang unang beses siyang nakarinig ng ganoong klase ng papuri.

She is half Filipino with some German mix raise, ngunit hindi na siya nagkaroon pa ng pagkakataong makita ang tunay niyang ama, dahil parang aksidente lang naman ang pagkakabuntis nito sa nanay niya. Nagkakilala ang dalawa sa isang kasiyahan noon, tipikal na istorya ng na love at first sight at ayon nga sa awiting "Isang linggong pag-ibig" ni Imelda Papin, na sa isang iglap lang ay nawala ring lahat, ganoon na nga ang nangyari sa mga ito at huli na nang malaman ng kanyang ina ang naging bunga ng kapusukan nila ng kanyang ama, na siguro nga'y bumalik na sa bansa nito at hindi man lang nalaman na may bunga pala ang pinagsamahan ng mga ito.

Kahit matagal na niyang natanggap ang kwentong iyon ay paminsan-minsan pa rin niyang ninanais na sana magkaroon siya ng pagkakataong makilala ito, at ipaalam dito na merong isang katulad niyang nag-eexist sa mundo, na gusto niya ring maramdaman yung pakiramdam na may ama. Magiging mahigpit kaya ito sa kanya katulad ng kanyang ina o magiging malambing at laging nakasuporta tulad ng kanyang lola? Magiging proud kaya ito kapag nakita siyang umaawit sa entablado?

Napapanguso na lang siya habang naglalakad. Yoon yung mga simpleng bagay na minimithi ng puso niya na alam niyang malabong mangyari dahil wala siyang kahit anong pinanghahawakan na pagkakakilanlan nito. Kahit nga sa Birth certificate niya ay walang impormasyon nakalagay na tungkol dito at sa tuwing tatanungin niya ang kanyang ina ay para bang nasasaktan ito kaya naman mas pinipili na lang niyang huwag nang usisain pa ito kahit pa nga nananatili ang puwang na iyon sa loob ng puso niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status