Share

Chapter 3: Purple Macchiato

HALOS manglagkit siya sa pawis kakalakad dahil inisa-isa talaga niya ang bawat gusali. May mga pinasahan siyang restaurant, bookstore, flower shop, at pati na rin ilang fast-food.

Maya maya pa ay may nakita siyang bench sa tapat ng isang coffee shop, kaya naman naisipan muna niyang maupo doon at uminom ng tubig habang nagpapahinga.

Wala sa sarili niyang napagmasdan ang napaka unique na exterior design ng shop sa harapan niya.

It's in purple palette paint with pink and gold detail. Mukha itong Ube cake na may mga naka-hang na lavenders at iba pang klase ng halaman na talaga namang bumagay dito. Maliit lang ito but the aesthetic is catchy, and for some reason it has the magic to make someone smile as they pass by the place. Para bang nakaka-light and relax yung feeling ng ambiance nito.

Napukaw ang kanyang atensyon nang may lumabas doon na isang lalaking naka-apron ng kulay purple na may naka-print na "Purple Macchiato" and underneath it, he is just wearing a plain white polo shirt, black denim pants and a pair of white Converse. He is also wearing eyeglasses that gives him the nice-guy look that is usually seen in Korean dramas.

"Buongiorno Bellessa!! Welcome to Purple Macchiato." Bahagya pa nitong dinipa ang dalawang kamay at yumuko. His Italian accent sounds sweet. She can't help giggling as she finds it cute and charming.

He smiles at her, and all the exhaustion inside her vanished. That was indeed a precious smile. Imagine you will be greeted like that whenever you will buy coffee from this pretty place, for sure someone is going to be addicted to coffee as well as in his smile.

"Good morning." Nahihiyang ngiti niyang ganti dito at alanganing yumuko din.

"Why don't you go inside? Mainit dito sa labas." Bahagya pa nitong tinakpan ang taas ng noo ng isang kamay dahil sa sinag ng araw.

Mabilis niyang naiwagayway ang kamay. "Ah hindi na Sir... nagpahinga lang naman ako saglit kanina pa kasi ako naglalakad-lakad."

"Hmmm... ganun ba? Eh saan ba ang punta mo?" usisa nito, "Baka matulungan kita? Kabisado ko ang pasikot-sikot sa lugar na ito." Muli siyang nginitian nito kahit pa nga hirap itong dumilat dahil sa pagkasilaw.

"Ah naglalakad-lakad lang, nagbabakasakaling may mahanap na trabaho," kaswal niyang tugon.

Napapitlag siya nang umupo itong bigla sa tabi niya. Nakataas ang dalawang kilay nito at bahagyang nanlaki ang mga mata. "Did I hear you right?! You are looking for a job?"

Alanganin siyang napatango dahil halos isang dangkal na lang ang layo ng mukha nito sa kanya. His slightly wavy black hair looks good on him and those pair of innocent eyes are just... she just holds her breath to hide her amusement.

"Tamang-tama!" Lumayo ito sa kanya at napatitig sa shop pero agad ding bumalik sa kanya at sobrang laki ng ngiti nito sa mga labi. "You just came at the right place in a super perfect time!" Sobrang taas ng enerhiya nito na akala mo'y galak na galak.

"Ah... a-anong ibig mong sabihin?"

"Purple Macchiato needs you! The universe brought you here!" Hinawakan nito ang dalawang kamay niya at itinapat sa dibdib nito na kahit medyo nakakailang man ay hindi niya alam kung paano babawiin.

"You mean... kung mag-aapply ako may posibilidad na matanggap ako diyan?" pagsisiguro niya. Baka naman kasi nalilipasan lang siya ng gutom at mali ang pagkakaintindi niya.

"Oo naman!" he sounded really sure.

"S-sa tingin mo, papasa ako sa may-ari ng coffee shop?" nangingiweng tanong niya.

"Oo naman!" With same energy while still holding her hand, kahit pa nga ang weird na ng feeling na ayaw nitong bitawan ang mga kamay niya.

"Eh mabait kaya ang may-ari niyan?" muli niyang tanong.

"Oo naman at gwapo pa!" punong-puno ng kompyansang sagot nito at halos umabot sa tenga ang maganda nitong ngiti.

Bahagya siyang napatawa sa sagot nito. "Eh di kung ganoon mag-aapply na ko?" nagtunog patanong na sabi niya.

"You're hired!" parang batang sabi pa nito na sinamahan ng malatupang ngiti

Napanganga naman siya nang magpagtantong, ito pala ang may-ari.

It's really weird that in just one blink of an eye, she got herself a job ng walang kahirap-hirap. ni hindi nga ito nagtanong kung may alam ba siya sa ganoong klaseng trabaho. Samantalang kanina pa siya ikot ng ikot, sana pala sa kabilang kanto na lang siya agad nagsimula, pero kahit ganoon nagpapasalamat na din siya.

"I only have two guys right now, Jin-jin and Rocky,  they are in charge during morning shift and midshift tapos ako yung closing may klase kasi sila sa gabi at sa weekend half day lang, because they have training, so I need someone who will take the night shift for 4 hours in weekdays and full-time end shift during weekends," paliwanag nito nang dalahan siya ng strawberry juice, "So, will that be ok to you? Hindi naman masyadong busy dito at kasama mo naman ako hanggang mid-shift kaya there's nothing to worry, gusto ko kasi parehas na morning shift sila, para may time sila to rest before going to school."

Sa lahat ng boss ito na yung pinakamabait na nakilala niya. He is really thoughtful and his light aura will make you feel at home. She would definitely love to work there. Choosy pa ba siya?

'Bihira yung ganitong amo aba!'

"Alam mo Sir Hoseff, thank you po sa opportunity. Gaya nga ng sinabi mo kanina... ito ay perfect timing, kaya ok na ok po sa akin yun schedule at saka pagkailangan mag-overtime, pwedeng pwede naman ako mag-extend.."

"Talaga?! That's good to hear and-" Hindi na nito natuloy pa ang sasabihin nang may biglang pumasok dahil tumunog yung bell na nakasabit sa itaas ng pintuan. Sabay pa silang napalingon dito.

"Bro!" Tumayo ito at mabilis na sinalubong ang tatlong lalaki after mag-excuse sa kanya. May ginawang espesyal na hand gestures ang mga ito na hindi niya nasundan sa sobrang bilis.

Mas matangkad ito kaysa sa amo niya. He is wearing a tinted eyeglasses, and his soldier's clean-cut gray-dyed hair suits the slightly bulky physique that gave him the vibe of a bodyguard hottie in the movies.

Yung dalawa naman sa likod nito ay yumuko lang upang bumati. They look young maybe a little younger than her but she is not sure, for they are wearing a black mask.

"Patambay nga muna dito ng makahinga naman kahit saglit," naiiling na ani nito kasabay ang malalim na buntong-hininga at pabagsak na umupo sa couch na para bang pagod na pagod ito. Pinili ng mga itong maupo sa table for 4 malapit sa kanya. Sumunod lang din ang dalawa nitong kasama.

"You guys look so stress, mainit na naman ang ulo ng lolo niyo?" concern na tanong ng amo niya dito.

"Hay naku, sinabi mo pa. Lahat kami nasermunan kanina, I need some help you know. I can't do this alone." Muli ay bumuntong-hininga ito at napangiwe.

Tinanggal nung dalawa pang lalaki yung mask nila at halos malaglag ang mga eyeballs niya nang narealize kung sino ang mga ito.

'OMG!!!!' Lihim siyang napatili sa loob ng kanyang utak. Biglang tumayo ang mga balahibo sa mga braso niya at mabilis niyang natakpan ang bibig bago pa totoong mapatili siya.

'It's Jake and Travis!!!!!! Yung totoo?!!!'

Hindi siya makapaniwalang personal niya itong nakikita ngayon. They are the hottest duo idol in the country right now. They can sing and dance, they model big brands, plus they are both God's masterpiece. Yes, sinabi niyang soul and heart ang dapat nangingibabaw na rason ng musika but these two have best of both so, 'Exempted sila!! Ang gwapo hindi ko kaya!!!' Gusto niyang mangisay pero pinigilan niya ang sarili baka kasi akalain ng mga ito na buang siya, matakot at tumakbo palabas.

Sobrang gwapo ng mga ito sa personal. Jake has this sexy bad boy vibe with his man bun black hair, but the babyface is just so hard to accept. It will melt you, and there's nothing you can do about it. How can he be so cute and sexy at the same time? She couldn't process that at the moment, and then there goes Travis, 'Lord... favoritism yarn?' This dreamy-looking guy who seems as if he came out of a magazine, wearing his mullet hash-blonde hair and his freaking handsome face is a crime. They are taking her breath away for real which could lead to cardiac arrest.

Napansin yata ni Travis na kanina pa siyang nakatulala kaya kinawayan siya nito and then just killed her when he showed his charming boxy smile. 'Ayoko na sa earth!'

No wonder their fangirls go crazy about them. Eh siya ngang low key fan parang hindi na makahinga sa kinauupuan niya ngayon, eh yung pa kayang die-hard fans, 'Aba bigti nalang girl!'

"Who are you smiling at?" Napansin nung lalaking malaki ang katawan ang pagngiti ni Travis sa kanya. Napatingin ito sa kanya at napataas ang dalawang kilay.

Wala sa sarili siyang napatango at alanganing napangiti.

Natatawang napapailing-iling naman si Jake ngunit hindi nagkomento pero pasimpleng ngumiti rin sa kanya.

"Ah siya nga pala, meet Janine my new staff. She just got hired today," magiliw na pagpapakilala nang amo niya sa kanya. Kaswal lang na bumati ang mga ito sa kanya.

Kahit pormal iyon, natuwa naman siya kasi kahit papaano naranasan niyang makakilala ng artista at hindi lang basta artista. Bigtime ang mga ito, kaya nga napapaisip siya kung bakit nadoon ito sa coffee shop. Hindi ba't medyo delikado sa mga ito na gumala ng sila lang sa mga public places? Mabuti na nga lang wala ni isang customer sa mga oras na iyon.

Nahihiya man siya pero dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito dahil balak na sana niyang magpaalam sa amo niya.

"Ah e-excuse me Sir Hoseff," nahihiya pa niyang pasok sa eksena.

Sabay-sabay na napaangat ang ulo ng apat na kalalakihan sa kanya na muntik na niyang ika-collapse. She just couldn't take it, imagine there are 4 good looking man and all eyes are on her.

"Yes Ja?" nakangiting tugon naman nito sa kanya

"Ah mauna na po, Babalik na lang po ako bukas ng gabi."

"Ayyy pang gabi ka?" sabat ni Travis sa usapan na bahagyang napanguso at parang nalungkot. His baritone voice is just... 'Arrggg kalma Janine.'

"Oo panggabi siya, si Rocky at Jin-jin ang morning shift," ito na ang tumugon para sa kanya.

"Sayang naman, sa hapon lang kami nakakapunta dahil ganitong oras lang naman walang tao dito." He looks like a disappointed little boy and truth is she felt the same. Who wouldn't want to see a celebrity everyday?

Jake scoffs and chuckled, "Problema ba yun? Edi magkakape ako sa gabi." He smiled at her mischievously, and then her knees wobbled.

"Aiiish! Both of you stop flirting and focus," sermon nung lalaking mukhang manager nila nang taliman ang dalawa ng tingin, ngunit nang bumaling sa kanya ay alanganing napangiti at yumuko, "Ah Miss pasensya kana sa mga ito, huwag mo nalang pansinin."

Napatawa naman ang amo niya. "Ito naman si Nasser, give these boys a break." Bumaling naman ito sa kanya at muling ngumiti. "Sige Ja, see you tomorrow. Ingat ka sa pag-uwi."

Excited siyang bumalik sa building kung saan nagtatrabaho ang ate Mariane niya upang ishare dito ang napakagandang balita.

"Oh, ang bilis mo ah... alas tres pa lang nakabalik kana?" bungad nung matandang security guard sa kanya na ibinili pa niya ng isang malaking cookies mula sa coffee shop.

Nagulat pa ito ng iabot niya iyon. "Oh, ano ito? Ang bango ah..." lumuwang ang ngiti sa mukha nito.

"Pa-thank you lang po, dahil natanggap po ako sa sinabi ninyong coffee shop!" halos patili na niyang balita dito na ikinaliwanag din ng mukha nito at napapalakpak sa tuwa.

"Wow ayos pala! Congrats sayo!" Tinapik pa nito ang balikat niya at nagpasalamat sa cookies. "Oh, eh bakit sa hagdan ka dadaan?" takang tanong nito nang hindi siya tumuloy sa elevator

"Ah wala lang po, hindi pa kasi ako pagod hahaha," pagdadahilan niya, pero yung totoo ayaw niya lang, baka kasi makasalubong na naman niya yung dalawang nakakainis na lalaki kanina. Ayaw niyang sirain ang araw niya dahil ini-enjoy pa niya ang magagandang nangyari sa kanya kanina.

Nagsimula siyang humakbang pataas at habang ginagawa iyon ay naisipan niyang umawit. Isa sa mga pag-eensayong ginagawa niya noon upang mapalakas ang kanyang kaha ay ang pagpanik sa matataas na lugar habang umaawit. Sa paraang iyon kasi mas na eexpand ang breathing capacity ng baga niya, kaya naman in a normal state ay super powerful noon.

She can hit high notes effortlessly but her type of music is more of a mellow love song, bossa nova at kung minsan rhythm and blues but she won't back out from ballads. Bata palang ay hasang-hasa na siya ng kanyang lola sa pag-awit dahil isa rin itong mang-aawit noong kabataan nito, kaya hindi na nakakapagtakang madaling naipasa nito sa kanya ang mga kasanayan.

She chooses to sing a song from a classic artist na paborito ng kanyang lola, si Roberta Flack. The song title is "The first time ever I saw your face".

The song is all about love at first sight and how magical the feeling of having it experienced with someone special, and that it will turn your world upside down. She fell in love with that song the first time she heard it being sung by her grandmother, na dahilan ng pagkalihig din niya sa musika.

And as when she's about to hit the high notes... "so close to mine..."

"Hey who's singing?!" isang malakas na boses ang tumawag mula sa mataas na parte ng hagdan kaya naman bahagya pa itong nag-echo,"Who are you?!"

Dahil sa gulat niya napatakbo na lang siya sa pinakamalapit na exit at bago magsara ang pinto narinig niya pa ulit itong magsalita,"Wait! Stay there!"

Mukhang may naingayan sa kanya kaya naman bago pa nito malaman kung sino siya ay sisibat na siya. Paglabas niya doon ay natanaw agad niya ang elevator at mabilis na tinungo ito, natataranta niyang pinindot ang buton pataas. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya kaya ng bumukas ito, kahit medyo puno ay siniksik na niya ang kanyang sarili.

Saka lang siya nakahinga nang makarating sa floor kung saan nandoon ang opisina ni Mariane.

                                                                    ♪♪♪♪♪♪

"ANO to?!" kasabay ng galit niyang boses ay ang pagbato niya ng isang makapal na folder sa sahig. Nagkalat ang mga papel sa loob nito. May limang taong nakatayo ngayon sa harapan niya pero ni isa dito ay walang makapagsalita at animo'y nananalangin na lang na lamunin sila ng lupa.

Sa likod niya nakasandal ang relax na relax niyang best friend na si Jimiel also known as the Hearthrob Marketing Director of his company called The House of Orpheus that was founded by his grandfather's brother 40 years ago, who passed away before he was born. That's why his grandfather took over the business and now him.

Kilala ang The House of Orpheus bilang isa sa pinakamatatag na kompanya sa linya ng Music and Talent Industry. Halos hindi na rin  mabilang ang mga alamat ng musikang nanggaling sa kanila and as he takes over the family business, the innovation and modern music came in. He became the modern genius version of Orpheus, dahil sa lahat ng apo siya lang ang talagang may potensyal na humawak ng kompanya. He loves music in every bit of his being. It is his refuge and something that keeps his sanity.

Music is also the reason why he is the most hated person in the company for having such high standards that only rarely meets by people around him. They usually call him the Dragon Boss, but he don't give a f*ck... he is running a big company and do they expect him to approve rubbish ideas?

Kaya heto at umiinit na naman ang kanyang ulo. Kakapasa lang kasi ng production team ng new concept for the year-end album na ilo-launch para sa pinaka mabentang artist ng kompanya. It's their power duo. Bata pa ang mga ito pero he saw many potentials in them that's why he is looking in every detail to turn it into a phenomenon but the proposal they have passed to him is 'A piece of sh*t.'

"I can't believe I'm paying these team tons of money just for this damn rubbish," he said in a seriously dangerous tone. Nahilot nalang niya ang sintido at walang ganang napasandal sa swivel chair.

"W-we can revise, polish the c-concept again and bring it back to you as soon as possible," halatang nininerbyos na suhestyon ng isa sa mga concept writer niyang babae.

"What revise?" Tinaasan niya ito ng isang kilay. "The whole concept is rubbish, you know why?" He pierced her with his angry gaze. "Because you just copied someone else's concept! You just twisted it a little, and you already call it your own! Do you think I'm stupid?!"

Hindi ito naka-imik at napayuko na lamang. Indeed, many people don't have originality. They will copy, alter, and then will claim it as their own, that for him... is unacceptable, non-negotiable, and a big insult.

"Boss, let me take charge and fix this. I know people who can help in this project." It's Nasser, the head of Talent managers. He is one of his reliable and trustworthy department heads that he considers one of his brothers, though they are not blood-related. Isa ito sa mga taong nakasama niya noong nag-uumpisa pa lang siyang magpatakbo ng kompanya, at talaga namang marami din siyang natutunan dito with regards to handling talents welfare.

Malalim siyang humugot ng buntong-hininga. "I want a full new concept in 2 weeks or I will dissolve this useless team." Mataman niyang pinukol nang matatalim na tingin ang bawat isang nasa harap niya.

"Copy Sir," sabay-sabay nitong tugon na animo'y sundalo sa military service.

"All of you get out!" inis niyang palayas sa mga ito, "Nasser stay."

Natatarantang pinulot ng 4 ang mga nagkalat na papel na kaninang  naibato niya at mabilis na sumibat palabas ng opisina.

"Are you going to ask them to come back?" kuno't noo niyang tanong dito. Parang may ideya na kasi siya kung anong binabalak nito.

"We have to try, we need them on this one," tulalang ani nito habang nakaupo sa sofa, nakatungkod ang dalawang siko sa tuhod at magkasaklob ang mga kamay.

He scoffs in sarcasm, "I don't know... but good luck. I never close the door, but I doubt if they will come back." Tumayo siya, namulsa at lumakad patungo sa pintuan. He needs to breathe some air.

"Yuki! Where are you going?" Habol naman ng bestfriend niya.

"I need some space... alone. You guys can go."

"Alright." Hindi na ito nagtangkang sumunod pa. Kilala naman kasi siya nito kaya hinayaan na lang siya at nagkibit-balikat.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status