Share

OBOAM #3

CHAPTER THREE :

Laid

"Ma'am, pinapupunta niyo raw ako?" bungad ko.

Nakahinga ako nang maluwag nang batiin niya rin ako ng ngiti. Phew! I thought isang problema na naman ang dadagdag. She motioned the empty seat, sa harap ng desk niya, umupo ako doon at tahimik na hihintay ang dahilan kung bakit ako pinatawag dito.

"I already read PAFI's rationale, and some research work are platonic, disappointing. However, your's was seemingly more vivid and interesting yet not that original, though. You connected reseach paper to the field, how film affected the life and norm of common Filipino?" Tumango ako sa English proffessor namin, mamahalin tignan sa suot nitong mga dangling. Nasa singkwenta na siya mahigit at mukhang pang walang balak mag retire any time soon. "Mayroon kaming reseach paper na pinapasa sa Region every year and sa 'yo ang napili."

I was about to celebrate inside when I realized something.

"Ano po ang kailangan gawin?"

"Well, your work must be original. In the sense that you will come up with different or new conclusion to this, masyadong technical kaya ako mismo ang maga-guide sa 'yo. Anyhow, first thing is paanong maiiba ang gawa mo?"

I am at ease. "Balak ko po sanang mag-interview ng mga taong iba-iba ang trabaho, Ma'am. Perhaps, teacher, fisherman, tindera, ibang proffesionals-"

"Kaya mo ba?" I gulped.

Fairly, I was offended by her question and the way she asked me. Nanliliit ang mga mata at nakataas ang kilay. Pero pinigilan ko ang sarili, thinking it was logical and sensible. Siyempre magtatanong siya nang ganoon.

"Kakayanin po, Ma'am."

She beamed.

"Semestral break na next week kaya kailangan ko na ang draft mo by the respective week. Mas mauuna kang gumastos at kailangan ng time. After that, habang magsisimula pa lang sa second phase ang mga kakalase mo, kailangan tapos ka na sa draft. Magre-reconduct ka ng gawa mo para sa accuracy ng result, bubusisiin ang editing bago ka pa matatapos. Ano, kaya?" Nakangiti na siya ngayon habang tinanong ako. Mukhang pag-aalala rin ang dahilan kung bakit niya ako tinanong kanina, I was close to misunderstood her point.

Perplexed.

"Nakakahiya po ito pero ano pong makukuha ko, Ma'am?"

Bahagya siyang tumawa at bumalik sa pagiging seryoso. May pinakita siyang papel na nagbigay sa akin ng pagkadismaya. Parang gumuho ang buong mundo ko nang makita ang marka ko ngayong semester-1.67.

My world stopped as I focus on the digits.

I'm, literally, doomed!

"Kanina lang po kami nagtake ng midterm, bakit may result na po?" Hesitant.

"Ngayon ko lang din 'to nakuha, madali na lang mag-tabulate ng grade ngayon. May na-compute nang grade at ilalagay na lang ang nakuha mong score sa exam then tapos na. I was also shocked nang makita ang marka mo. You're leading kahit pa noong first year, that's why you are my favorite. Anak, may problema ka ba?" I picked up her concern. Hindi na rin ako nanibago sa pagtawag niya ng anak dahil ganoon naman siya sa mga kaklase ko rin.

Should I open up?

"Honestly, meron po. Pero kaya ko pa naman. Hindi lang ako makapaniwala na bumaba po ang marka ko ngayon ng ganito. . ." Gusto ko na talagang umiyak sa harap niya, pinigilan ko lang. Binalik ko ang tingin sa papel at tinignan kung saan ako maliit.

"Sa major ka maliit, ano bang kulang mo?" Sa sinabi niyang 'yon agad akong napaisip. Certain idea mortify me.

"Na-late nga po ako ng pasa sa avant-garde portfolio. Wala po kasi akong SLR o kahit anong camera, kahit cellphone man lang wala. Si Sandra na lang po ang nagpresentang magpahiram sa akin pero huli na niya nalaman kaya. . . medyo natagalan." Hinilot ko ang sintido saka nagpakawala ng hininga at ngumiti.

"Anak, sa susunod magsabi ka, pati sa akin. You can barrow my camera." Kinalkal niya pa ang drawer niya at may hinanap.

Napangiti ako. "Salamat po Ma'am, pero hindi pa po namin kailangan ngayon." Nagpakawala ako ng tawa upang maibsan ang naramdamang hiya.

"Oo nga pala. Kaya ikaw ang pinili ko bukod sa maganda talaga ang papel mo, you need to redemp this. Flat one ang ilalagay kong marka sa final mo. Pero hindi ko na mababawi ngayon, nauna na akong nagpasa bago ko pa nakita ang result. Paano 'yan, magbabayad ka ng thirty percent ng tuition this sem?"

My empending doom.

"Ako na po ang bahala niyan."

"Sige, iyon na lang muna. I will call you whenever there is changes sa mga pinag-usapan natin." Tumayo na ako at nagpaalam.

Should I be happy or should I be wrecked? No, I should be hopeful.

"Balita ko ngayon daw ipapaskil ang grades. Instant na pala, no?" Bumungisngis si Sandra kaya ginawaran ko rin siya ng ngiti. I would be devastated kung hindi ako kinausap kanina at malalaman ko na lang na ganoon ang nakuha kong assessment score.

"Ba't ang tahimik mo, sis?" Tumigil siya sa paglalakad at tinitigan ako. "Pwede kang mangutang ng pera sa akin, gaga!"

Inirapan ko siya. "Hindi 'yon ang problema ko. Medyo ganoon pero hindi 'yon."

Kumunot ang noo niya. "Nagiging bobo ka kapag problemado, friend."

Sumandal ako sa balikat niya at hinawakan niya naman ang kamay ko.

"Did you ever feel burn out? 'Yong feeling na kaya mo pa naman pero parang ubos ka na, pagod ka na para kayanin?"

Huminto siya. Nanlalaki ang mga matang hinawakan ako sa balikat at inayos sa pagtayo. "Ikaw ba 'yan? Like, bitch, this is the first time I heared pagod in your mouth!" she fired like a full-time rapper.

"Don't call me names," suway ko.

Umalingawngaw ang halakhak niya sa hallway. "Sorry. Bago ko lang kasi narinig na pagod ka na? Okay ka lang?"

"Hindi naman siguro ako pagod, nagiging sensitive na siguro kapag adulting na." Tumatawa ako nang, "Aray! Bakit mo 'ko sinampal?"

"Nightmarish! Parang kinikilabotan ako sa tawa mo!" pinakita ang nagsitayuan niyang balahibo. She closed our gap and whispered something. "'Yong totoo may balak ka bang hindi tama sa mata ng Diyos?"

I rugged. "Anong hindi tama sa mata ng Diyos?"

"Bigti, friend. Jusko, huwag mong gawin 'yan. Tara, punta tayo ng church, kailangan mo ng deliverance." Hinila niya pa talaga ako.

"Hoy, Sandra! Namomroblema nga ako para mabuhay, bakit ko iisiping magpakamatay! Huwag praning, oy!" Bumungisngis ako. Hinila ko siya pabalik.

"Akala ko lang, sorry na naman." Huminto kami sa paglalakad nang tumunog ang cellphone niya. "May result na daw sa auditorium, tara."

May sasabihin pa sana ako sa kaniya pero mas malakas siya sa akin kaya nagpadala na lang ako. "Bakit ba kasi sa auditorium ipapaskil?"

She rolled her eyes with my question. "Film student tayo, tanga!"

Marami ng nasa loob pagdating namin. One thing I notice was almost everyone is rejoicing. That moment seemed to be slow paced. Slow motion kong nakita ang mga high five ng mga lalaki at pag-picture ng mga babae sa nakuha nilang marka.

I examine the gradesheet at pangatlo sa pinakamataas akin, which is pinakamababa kong nakuha simula ng tumuntong sa college. Ibig sabihin, itong mga taong nagsasaya ay nakakuha pa ng mas maliit na marka sa akin.

They were in bliss yet I was tormenting myself.

I wished to celebrate what I've got as how they did, but I'm torn apart. Hindi sapat sa akin ang pumasa lang, may marka akong dapat maungusan. After all, full scholarship ang habol ko. Wala akong pambayad kung bababa pa ako doon.

"Kaya pala pinatawag ka ni Ma'am Koral," that should be a question but she stated partly precise.

Tumango ako. "CR muna ako saglit." Hindi na ako naghintay sa sasabihin niya at dumiretso na. Pagkapasok ko ng cubicle agad akong huminga nang malalim.

Inilabas ko ang wallet at binilang ang natitirang pera. ". . . two hundred, three, four hundred and fifty pesos?"

Umupo ako sa inidoro at pumikit. "Itong two hundred para sa bigas, sila ang bahala sa ulam. . . so two-fifty na lang? Pamasahe ang. . . jusko. Hindi na talaga ito aabot."

May raket ako sa weekend, para iyon sa pagkain namin sa susunod na linggo at mga miscellaneous. Kung magpapatuloy ito wala na akong maipambabayad sa upa. "May thirty percent pa sa tuition, magkano rin 'yon?"

"Pri, okay ka lang?" boses mula sa labas. Kinalma ko ang sarili at inayos ang damit at palda.Tumayo na ako at lumabas.

"Sinundan mo pa talaga ako dito?" natatawa kong sita.

"Baka kasi may maisip kang hindi tama. It's better to be safe than sorry." Sa isip na ako nagpasalamat sa kaniya. There are plenty of reason to love her, and one of those was her, being straightforward and vocal. Inakbayan ko siya at iginiya palabas.

"Yuck! Hindi ka nanghugas ng kamay! Pria, ang burara mo!" reklamo niya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad nang nakangisi.

Doon na natapos ang isang araw sa eskwelahan. Huwebes pa lang kaya may bakante ako bukas at sem break na next week. Sa umaga ko gagawin ang thesis at magtratrabaho ako sa gabi.

Ang tanong ngayon ay saan ako makakahanap ng trabaho?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status