Share

Chapter 5

Chapter 5

"Thank you for coming Mr. Zaires it's really nice seeing you here " 

Sabi ng asawa ng investor ko. I just smiled at them and talk a little more before we excuse ourselves. We headed to my friends . 

Nasa isang table silang tatlo at nagtatawan. Napatigil sila when they feel our presence.  

"Hi dude"

"Hey bro, Gret " 

Bati nong dalawa but my wife? Tsk, nakaiwas lang ng tingin. Tinitigan ko lang siya while my friends entertained Gretzel. I can't help but stare at Scarlet. She's really stunning.  Umiinom lang siya ng wine. I hate how boys stare at her and smile. 

"Stop drinking too much, you might get drunk " 

Bulong ko sa kanya na ikinatigil niya. Kumuha ako ng glass of wine at uminom ng konti. Di niya parin ako tinatapunan ng tingin. Iba nga siya. 

"Hi there, by the way I am  Gretzel Ford and I think you know my man Tyron Zaires" 

I was a kind of shock when Gretzel wrap her hands on my neck and kiss me infront of my wife. 

"Your lips are always sweet " 

At tumawa siya ng mahina. Napalunok ako and tumingin kay Scarlet but I saw her shock pero agad siyang nakabawi at ngumiti. Even my friends are shock and I think camera mans got that shot. Paano ko nasabi ? Of course ang dami na ng press at camera man sa harap namin. 

Nakita ko si Scarlet na mabilis na inubos yong wine and excuse herself. I was about to follow her when Gretzel hold me tightly in the arms while smiling at the press..I give Liam a look and thank god he got me. Fvck ! I feel bad. I dont want her to see me flirting with her own eyes. Rumors are enough ! 

Kahit gusto kong iwan si Gretzel di ko magawa. She's very close to me at ayaw ko rin siyang mapahiya. 

Scarlet's POV 

I should be happy, right ? Aish ! What's with me ? Wala naman akong pake kong ilang babae ang landiin niya or halikan niya ng harap-harapan. 

But no, kahit asawa niya lang ako sa papel there's a part of me na kahit basta-basta lang ako gusto ko parin makapulot ng konting respeto. 

Wag niya na akong ipakilala sa lahat okay lang, pero yong ganon ? It's a slap for me. Para akong walang kwenta dahil hindi man lang makaangal kanina. Nagmumukha akong tanga. Pero di naman nila alam! Argh ! 

Humawak ako sa sink upang pang-suporta . Naiinis ako sa sarili ko. Napabuntong huninga nalang ako. 

Maya-maya pa ay lumabas na ako and well, nakita ko si Liam na nakasandal sa labas. Ngumiti nalang ako sa kanya. Hindi ko pinahalata na apektado ako. 

"I'm sorry for what you saw--"

"Liam, I'm okay. If he wants that then let him be. At wag kang mag sorry. " 

Naka-ngiting sabi ko. Nakita ko sa mukha niya yong pag-aalinlangan  na para bang ayaw niya akong makitaan ng sakit. But deep inside, I'm thankful kasi may nakakaramdam rin pala sa akin. 

"Okay. Now,  let's go back ?" 

Ngumiti ako at tumango. 

"Sure. Dont think too much. I'm fine " 

Tumango lang ako at hinawakan niya naman ako sa kamay. Lumakad kami pabalik don sa loob. Sa table namin. 

Maraming camera man ang nakapalibot parin sa table. Panigurado sila na naman laman ng front page ng magazine. Isa-isa naman silang pinaalis ni Zeke at nong babae na Gretzel daw. 

I wonder if may alam ba ito sa akin ang babaeng ito ? Or sadyang ganon lang siya ? Pag may babae ba na nilalapitan si Ty ganon ba siya umasta ? Parang pinapakita niya sa harapan ko kung sino si Ty sa kanya. Is she trying to warn me ? Pathetic.

Sinalinan ako ni Liam ng wine sa baso. Habang nagsasalita yong emcee ay pinapakiramdaman ko naman yong paligid ko. Pansin ko lang na tudo tingin sa akin si Liam tapos yong Gretzel naman napapansin ko rin. Bakit? 

Di ko nalang pinansin at nag focus ulit. A minutes later may narinig akong nag-uusap na mga babae. Di ako chismosa ah ! Sadyang malakas lang talaga silang magsalita. 

"I heard na nandito rin daw yong Asawa ni Mr. Zaires "

"Yeah. I heard it too. Bakit kaya di siya nagpakita ?"

Bahagya akong nagulat ng maramdaman ko yong hininga ni Liam sa tenga ko. 

"Don't mind them. Mga chismosa lang yan "

Tinignan ko naman siya. Nag wink siya sa akin at ininom yong wine niya atsaka binalik niya yong tingin sa harap na nagsasayawan na pala. 

Bumuntong hininga nalang ako atsaka isinawalang bahala yong mga nag-uusap. 

Nang matapos ang party ay hinatid ako ni Liam at Zeke. Nag thank you ako sa kanila at pumasok ng bahay. Hinintay nila akong makapasok saka sila umalis. 

I closed the door bago umakyat sa itaas patungo sa kwarto ko. Inilapag ko yong sling bag ko at tinanggal yong heels bago humiga sa kama. 

I'm tired. Napahawak ako sa ulo ko nong  medyo umikot yong paningin ko. Mukhang napadami yata yong inom ko. 

Agad din bumalik sa isip ko yong nangyare kanina. Hays. Magiging trending na naman sila. That Gretzel, kahit ako makakasabi rin sa sarili ko na 'perfect' talaga sila. 

Yong mga scenes kanina paulit-ulit na bumabalik sa utak ko. Kahit pilit kong alisin sa isip ko bumabalik talaga at yong kissing scene pa. Kahit ako naguguluhan. Kahit may idea na ako ayaw ko paring tanggapin ! Dahil napaka imposibly at ayaw kong dumating sa puntong yon--kung saan sa dulo aasa ako at masasaktan. 

Bigla nalang may tumulo na luha sa gilid ng mata ko. Okay naman non ah ? Okay naman nong naririnig ko lang at nakikita noon sa TV. Pero bakit nakakaramdam ako ng sakit nong pinakitaan at sinampulan nila ako ng harap-harapan ? Half of me was broken. I don't know why but I'm hurting inside. Why? It's not like I'm falling for him. 

Binalot ko nalang ng comforter yong katawan ko at ilang minuto lang ang dumaan, nakatulog rin ako. 

~~~

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Alma Lapana
pa unlock po pls
goodnovel comment avatar
Einal Buenaobra Ditah
maganda yung storya share nmn ulit
goodnovel comment avatar
Einal Buenaobra Ditah
unlock pls....
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status