Share

Chapter 1

“Oy buntis, grabe ha biglang laki niyang tiyan mo.” Puna sa akin ni ate Raq nang pareho na kaming nakaupo sa long table para sa tanghalian. “Ilang buwan na nga iyan?” Muli niya pang tanong.

“Six months na siya ate.” Nakangiting sagot ko sa kanya habang hinahaplos ang tiyan ko. Nandito ako ngayon sa taping, ayaw nga sana akong isama ng asawa ko dahil mapapagod lang naman raw ako rito pero nagpumilit ako. Wala naman kasi akong gagawin sa bahay naming mag asawa, mag isa lang ako roon.

 Hindi ko naman mapapunta sa bahay ang mga kaibigan ko dahil umpisa na naman ng semester. Aaminin ko na may nararamdaman akong inggit sa mga kaibigan kong sina Apz at Ida dahil makakagraduate na sila after this sem. Pero ano ba naman ang sakripisyong iyon kung ang katumbas naman ay pag aalaga ko sa asawa ko at kay peanut. Ilang buwan na lang naman ang ipaghihintay ko eh, makikita ko na ang bunga ng sakripisyo kong iyon, ilang buwan na lang ay manganganak na ako.

“Naku Stacy, dapat pala ay nasa bahay ka na lang eh.” Si kuya Sam naman na agad akong inabutan ng pagkain. “Ano ba kasi ang ginagawa mo rito at gustong gusto mong nandirito ka. Napapagod ka lang eh.” Bakas ang concern sa pagsasalita niya kaya napangiti na lang ako.

“Magagaan lang naman ang ginagawa ko rito. Tinutulungan ko lang si ate Raq sa pag ID.”

“Bahala ka na lang.” Mayamaya ay narinig namin siyang tumili kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.

“Napaano ka diyan?” Tanong sa kanya ni kuya Eric na ngayon ay nagsisimula nang kumain.

“Excited lang kasi ako.” Masayang sagot sa kanya ni kuya Sam. Kaunti na lang, ilang buwan na lang ay makikita ko na rin ang inaanak ko.” Pagkatapos ay bumaling siya sa akin. “Excited ka na bang maging Mommy?”

Tumango ako bilang sagot.

“Hindi ka natatakot manganak? Biruin mo lalabas iyong baby sa pepay mo o kaya naman ay hihiwain ang tiyan mo, hindi bai yon nakakatakot para sa iyo?” nakangiwi pa niyang tanong sa akin.

Natampal tuloy siya ni ate Raq sa braso. “Magtigil ka nga diyan! Siraulo kang talaga, tinatakot mo pa itong si Stacy?”

“Bakit? Ano ang masama sa tanong ko? Totoo naman ang sinabi ko ah.”

“Inggit ka lang kasi ikaw ay walang chance na magkaobaryo. Saan mo ilalabas ang anak mo kung saka-sakali? Aber?”

Natatawa man ay inawat ko na sila, baka kasi kung saan pa makarating ang bangayan nilang ito, mahirap na.

Nagpatuloy ako sa pagkain pero mayamaya ay binulungan ko ni kuya Sam.

“Kamusta naman ang sexlife ninyo ni Rekdi, malaki na iyang tiyan mo?”

Hindi ko tuloy maiwasang pamulahan ng mukha dahil sa narinig.

“Parang tanga talagang magtanong itong si Sam.” Narinig pala ni ate ang bulong na tanong sa akin ni kuya Sam. Makakahinga n asana ako ng maluwag dahil ang buong akala ko ay aawatin niya si kuya Sam sa pagtatanong sa akin pero nagulat ako ng sumegunda pa siya. “Stacy, spluk mo naman. Tayo tayo lang ang nakakaalam, palagi pa rin kayong gumagawa ng milagro ni Rekdi, ano? Lagi kang blooming, si Rekdi naman ay never ko na yatang nakitang nag init ang ulo, ibig sabihin ay hidni siya nabibitin.” Tumawa pa siya pagkatapos niyang magsalita na lalong ikinapula ng pisngi ko.

“Correct! May daily supply na sila ng vitamin S, vitamin E at vitamin X.” dagdag pa ng isa kong katabi.

Nakatingin lang ako sa kanila, hindi alam kung paanong sila sasagutin. Bakit kasi nasa ObVan pa rin ang magaling kong asawa, ako tuloy nag nagigisa rito.

“Ano na girl? Natulala ka na diyan, sige na tayo lang anman ang makakalaam. Kumbaga ay insider’s info lang siya.” Pangungulit pa sa akin ni kuya.

Kaya naman ay wala na akong nagawa kung hindi ang tumango na labis na ikinatili ng dalawang katabi ko.

“Sabi ko sa iyo bakla, hindi matutupad ni Rekdi iyong pangako niya noong nahimatay itong si Stacy noong kasal nila eh.” Natatawang sabi ni ate Raq kay kuya Sam.

“Alam ko naman iyon.” Sagot naman niya. “Kaya lang kasi ay very sincere ang pagkakadeliver ng linyahan noon ni Rekdi eh, kaya kahit na may kaunting doubt ako ay pinanghawakan ko ang mga sinabi niya. Hay naku, talo ako.” Bakas ang panghihinayang sa mukha niya na ipinagtaka ko.

“Nakakaloka kayo, kaya naman sige kayo sa pangungulit sa pag uusisa ay pinagpustahan n’yo na pala ang sexlife naming mag asawa. Mga loka loka talaga kayo.”

Tumawa lang ang dalawa bilang sagot sa sinabi ko.

“Sorry naman.” Si kuya Sam uli. “Aliw na aliw kasi talaga kami sa hitsura noon ni Rekdi, takot na takot siya. Halos magkulay papel na ang mukha dahil sa takot. Girl, ano ba ang ginawa mo sa bestfriend ko at grabe ang pagkainlove sa iyo?”

“Syempre, secret na iyon.” Puno ng kahulugang sagot ko. Ha! Makaganti man lang sa dalawang ito.

“Asa ka pa Sam na malaman iyon.” Pang aasar naman sa kanya ni ate, pagkatapos ay muling bumaling sa akin. “Stacy, hindi naman ganyan kalaki iyang dibdib mo, bakit ngyaon parang trumiple na yata. Ganyan ba talaga kapag buntis?”

Nagkibit balikat lang ako bilang sagot. Hidni ko alam kung may scientific explanation bai tong paglaki ng hinaharap ko o dahil lang nag-gain ako ng weight kaya nadagdaggan rin ito.

“At bakit mo naman tinatanong iyan?” Si kuya Sam uli.

“Wala lang din.” Sagot naman sa kanya ni ate.

“Ah! Alam ko na kung bakit mo itinatanong, gusto mor in kasing lumaki iyang dibdib mong pinagkaitan ng grasya, ano? Asa ka pang magbubuntis ka eh wala namang bubuntis sa iyo. Wala kang boyfriend, baka nakakalimutan mo.”

“Ang harsh ah. Hindi ko naman nakkaalimutan na single ako ngayon. At saka dapat bang may boyfriend para mabuntis?” Puno ng kahulugang sagot naman sa kanya ni ate.

“Aba ang lokang ito! At may balak ka nga. Bakit hindi mo na i-try budburan ng baking powder iyang harapan mo at baka sakali na umalsa iyan. Malay mo Raq, may pag asa pa pala na ma-upgrade iyan.” Binuntutan niya pa ng halakhak ang sinabi niyang iyon.

Natawa lang ako sa kakulitan nila. Para ngang mas lalo akong nag eenjoy s apagkain dahil sa kulitian nilang iyon. Naaaliw ako kapag kasama at kausap ko sila, ang mga tao dito sa set. Sa bahay kasi ay wala rin naman akong magawa dahil may maid na kinuha si Richard. Si Lola Cedes ay bumalik na sa Batangas habang sina Daddy at Tita Amanda ay nasa Cebu ngayon. Hindi ko na rin maistorbo ang mga kaibigan ko dahil nga last sem na nila ngayon kaya alam ko kung gaano silang ka busy.

“Uy, natulala ka na naman diyan.”

“Wala ate, may naalala lang ako.”

“Asus! Naalala mo lang yata iyong asawa mo eh. Busy pa yun ngayon dahil chine check niya iyong isang eksenang kinunan last time. Mamaya na pag uwi iyang iniisip mo, huwag dito at maraming tao.”

At duet pang nagtawanan ang dalawang ito habang ako ay tinapos ko na lang nag pagkain ko.

Umiling iling na lang ako sa kanila. “Mga loka loka talaga kayo.” Sabi ko pagkatapos ay napahikab ako mayamaya.

“Ay girl, pumasok ka muna sa isang room, matulog ka na muna. Magpahinga ka doon buntis.” Utos sa akin ni sir Sam dahil napansin niya ang paghikab ko.

“Oo nga Stacy, magpahinga ka na muna roon. Kayang kaya na naman ito. Hala sige, punta na doon.”

Wala na akong nagaw akung hidni sumunod sa sinabi nila. Medyo inaantok nga ako at nakakaramdama rin ako ng pagsakit ng balakang ko. Tumayo ako mula sa kinauupuan at naglakad na papalayo s along table pagkatapos kong magpaalam sa ibang kasalo namin, pero napalingon ako ng biglang sumigaw si ate Raq.

“Stacy!” Sa sobrang lakas ng pagsigaw niya ay halos lahat ng tao ay napatingin sa kanya.

Tiningan ko siya na may pagtataka.

“May dugo sa likuran mo!” Halata ang pagpapanic sa boses ni ate sa pagsigaw niya kaya halos lahat ng guapito boys ay hangos sa paglapit sa akin.

Wala naman akong namalayan, basta nakaramdam lang ako ng takot. Wala na akong nalaman sa sumunod na nangyari dahil nagdilim na ang paningin ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status