Share

Chapter 3

Abala ako sa pagbo-browse sa net nang magulat ako sa pagdukwang sa akin ng mister ko para halikan ako.

“Na-miss kita.” Sabi niya sa akin after the kiss. “Busy?” Tanong niya nang mapansin ang ginagawa ko, pagkatapos ay hinaplos niya ang tiyan ko at saka marahan iyong hinalikan. Medyo malaki na rin nag umbok ng tiyan ko, magse seven months na rin kasi siya. After ng nangyari noon sa taping ay hindi na niya ako pinayagan na sumama sa kanya, nasa bahay lang ako habang nagdidirek siya. Kapag naman hindi siya busy ay idine-date niya ako, lumalabas kami at kumakain sa masasarap na restaurant.

Nakangiti ko siyang tinanguan pagkatapso ay muling ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa ko.

“Mukhang ngang sobrang busy ka Babe. Hindi mo man lang kasi napansin ang pagdating ng gwapo mong asawa eh.” Kunwari ay nagtatampo pa niyang sabi sa akin pagkatapos niyang dumiretso ng tayo. Kagagaling niya lang mula sa pre-production meeting nila. Inabot na nga ng hapon dahil sa pagkakalaam ko ay mahirap at mabusisi ang bawat eksenang kailangang kuhanan. Malapit na kasing matapos ang teleserye pero sa pagkakaalam ko ay nagbabalak ang network na gawan iyon ng book two kaya sobrang pinagbubuhusan nila iyon ng pagod at atensyon ngayon.

Nadala naman ako sa pagtatampo niya kaya tumayo ako mula sa kinauupuan ko at yinakap ko siya. “Sorry na po.” Inabot ko ang batok niya at ako na ang nag initiate para sa isang mainit na halik. Kahit sag anito ay mapawi man lang ang pagod ng mister ko.

“Babe…” Humahabol pang sabi niya nang agad kong tapusin nag halik. “Parang gusto kong parating nagtatampo sa iyo. Ang sarap bumawi ng misis ko eh. Pahalik nga uli.” Pagkatapos ay inakay niya ako sa kama. Magkatabi lang kami doon habang nakayakap siya sa akin.

“So, ano ang ginawa ng maganda kong misis buong maghapon?” Usisa niya nang kapwa na kami nakaupo sa kama.

“Wala naman, nanood ng TV, natulog. Nag internet lang.” Inilagay ko ang kamay ko sa ibabaw ng dibdib niya at inumpisahang tanggalin ang mga butones ng suot niyang polo.

“Babe…” Tawag ko sa pansin niya, alam ko kais na pinakikiramdaman niya ang gagawin at sasabihin ko.

“Hmm?”

“Masarap ba iyong ginawa kong brownies at cupcake? Iyong totoo?” Nananantya kong tanong sa kanya, this time at itinigil ko na muna ang pagkalas ng mga butones ng suot niya. Basta nakapatong lang ang kamay ko sa ibabaw ng dibdib niya.

“Of course, Babe, lahat naman ng gawa mo ay masarap eh. Iyon nga lang, hindi niyon kayang pumantay sa iyo.”

Kinunotan ko siya ng noo.

“Wala ka kasing kasing sarap, Babe.” Pagkatapos niyang sabihin iyon ay inamoy amoy pa niya ang leeg ko dahilan para makiliti ako at nagsipagtayuan ang mga balahibo ko sa katawan.

Binatukan ko siya para mawala ang kakaibang nararamdaman ng katawan ko ngayon. Nagsisimula na kasing mag init ang pakiramdam ko at hindi makabubuti sa aming dalawa iyon.

“Babe, naman. Bakit mo naman ako binatukan?” Hinimas pa niya ang nasaktang ulo.

“Puro ka kasi kamanyakan eh.” Paninisi ko pa sa kanya.

“Masisisi mo ba ako, alam mo naman na one month na since noong nag umpisa iyong challenge nila sa akin eh.”

Naawa naman ako sa asawa ko, alam ko ang hirap at pagtitiis na ginagawa niya manalo lang sa challenge sa kanya ng guapito boys. Ang challenge, ang tuparin niya ang promise niya na babawasan ang pagiging mahilig. So far ay nagagawa naman niya na kahit ako ay hirap akong paniwalaan. Ang akala ko rin noong una ay hindi niya kakayanin eh, pero matibay ang paninindigan niya this time na minsan ay nakakafrustrate sa part ko.

“Pero wala namang sinabi si Dok na bawal “di ba?” Ang sabi niya lang ay bawas bawas hanga’t maaari.” Tangka kong gibain ang paninindigan niya ngayon.

“Babe, mahirap na. Ayaw ko na mag-take ng risk.” At isa pa, makakatiis pa naman ako.”

“Kaya pa bang talaga?” At minsan pa ay pinagapang ko ang kamay ko sa dibdib niya, pababa sa tiyan at pababa pa.

“Babe naman, lalo mo lang akong pinapahirapan sa ginagawa mong ito sa akin eh.” Hinuli niya ang kamay ko at saka dinala iyon sa bibig niya. “Basta para sa inyo ni peanut, para sa kaligtasan niyo ay kaya kong magtiis. Basta para sa inyo ay kaya kong magsakripisyo. Kahit sarili kong buhay ay kaya kong ibigay sa inyo. Ganyan kayo kahalaga sa akin, mahal na mahal ko kayong dalawa.”

Binawi ko ang kamay ko na hawak niya pa rin. “Ang cheesy naman ng asawa ko.” Pang aasar ko pa sa kanya.

“Ganyan talaga, para lalo ka pang main love sa akin at hindi mo isiping iwanan ako. Hindi ko kasi kakayaning iiwan ninyo ako eh. Hindi ko kaya na malayo kayo sa akin.” Pagkatapos ay niyakap niya ako ng mahigpit.

“At bakit naman kita iiwan?” Kumalas ako ng yakap sa kanya ay pinaningkitan siya. “Ricardo, magsabi ka nga ng totoo, may babae ka ba? Alam mo na iyan ang magiging dahilan ng pag iwan ko sa iyo.”

Aba, imbes na matakot ay kinagat pa ng marahan ng daliri ko saka muli akong kinabig at saka inihiga. “Hay naku, ang asawa ko. Nag ooverthink ka na naman diyan. Maghahanap pa ba ako ng iba eh sa iyo lang ay solved na solved na ako.” Muli niya akong kinabig at niyakap ng mahigpit.

“Aba malay ko ba. Alam nating pareho kung gaano ka kahilig. Malay ko ba na kaya mo natitiis na walang nangyayari sa atin ay dahil suma sideline ka na sa iba.” Nakasimangot ko pang sabi sa kanya.

“Babe naman, tingnan mo nga ako. Sa tingin mo baa ay kaya ko pang maghanap ng iba? Walang iba Mrs. Asuncion, at wala nang magiging iba pa dahil nag iisa ka lang sa buhay ko. Ikaw lang ang may karapatan sa akin. Ikaw lang ang may kakayahang bumuhay ng ganyan kay Junjun.” At ang gago kong asawa, dinala pa ang kamay ko sa ibabaw ng pantalon niya para patunayan ang sinasabi niya kaya naman mabilis ko siyang natampal sa braso.

“Iyan, lumalabas na naman ang kamnyakan mo.”

“Manyak agad? Pinaparamdam ko lang naman sa iyo na sa iyo lang talaga sasaludo iyan. Ikaw lang kinikilalang kumander ni Junjun ko.” At muli ay hinalikan niya ako ng mabilis sa labi. “Mabalik tayo sa cupcake mo. Bakit mo naitanong kung masarap ba iyon? Bakit nagdududa ka bas a gawa mo?”

“Kasi ay binigyan ako ng idea ni Apz. Bakit daw hindi ko i-try na i-market iyong mga luto ko. At least ay kahit nadito lang daw ako sa bahay ay hindi ako nabuburyo dahil may pinagkakaabalahan pa rin ako.”

Sumeryoso siyang bigla pagkarinig sa sinabi ko. “Babe, baka naman mapagod ka.” Ramdam ko agad ang pag aalala niya dahil sa sinabi ko.

“Pero kaya ko, hindi ko naman aabusuhin nag sarili ko eh. At saka nandito naman si Manang para tulungan ako. Plus, nagvolunteer rin sina Apz at Ida na magdedeliver ng orders if ever.”

Tumahimik ang asawa ko, tila nag iisip ng mabuti.

“Please, malaking bagay ito sa akin. Please…” Pakiusap ko pa sa kanya at saka ipinagpatuloy na ang pagkalas ng natitirang butones na hindi ko natapos kanina.

“Babe naman, paano ako makakapagdesisyon ng mabuti. Idinadaan mo naman ako sa ganyan eh.”

“Tinutulungan na nga kita para makapagdecide ka na agad.” Ngayon ay nagsisimula nang dumama ang kamay ko.

“Alam mo naman na marupok ako sa mga ganitong bagay. Alam na alam mo talaga ang weakness ko.”

Lihim akong napangiti. Alam ko na kaunting push pa ay bibigay na itong asawa ko. Kaya lalo kong pinagbuti ang paghaplos sa h***d niyang katawan.

“Gusto mo bang talaga? Sure ka?” Paninigurado niya sa akin.

Nakangiti akong tumango sa kanya.

“Hay naku, paano pa ba ako makakahindi sa magandang mukha na iyan ng misis ko. Kaya ko bang hindian iyan?’

“Iyong mukha ko bang talaga ang hindi mo kayang hindian o ang ginagawa ko sa iyo?” Nagawa ko pang biro habang malandi ko siyang tinitingnan.

“Basta babe, siguraduhin mo lang na hindi ka magpapakapagod ha. Huwag masyadong ma-stress. Kapag kailangan mo ng extra na tao, sabihan mo ako agad para makahanap ako. Ayaw ko na mapagod ka ng husto.”

“Yes Daddy. I love you! You’re the best talaga!” Sa sobrang tuwa ko ay bumangon ako sa pagkakahiga at umupo sa ibaabw niya saka pinupog ng halik ang buong mukha niya.

“Babe, you are entering a dangerous zone.” Napaisip pa ako sa sinabi niya pero agad kong naintindihan ang ibig niyang sbaihin ng maramdaman ko ang bagay na tumutusok ngayon sa pang upo ko.

“Dahil sobra mo akong napasaya ay may reward ako para siyo.” Kinindatan ko siya saka muli kong ibinaba ang labi ko sa kanya, this time ay pagapang na iyong humahagod sa leeg niya pababa sa dibdib niya. Medyo umayos pa ako ng pwesto para hindi maipit ang tiyan ko.

“Babe, stop na please. Habang kaya ko pa.” Kulang sa conviction na pag aawat niya sa akin.

“Sshh, hindi naman magkikita sina baby at Junjun eh.” Alam ko ang hirap na dinaranas ng asawa ko knowing kung gaano siya kahilig. Kaya naman alam ko kung gaano ang pagtitiis na ginagawa niya kaya naman I want to give him a reward, though alam ko na hindi makakasapat pero kahit papaano ay pwepwede na.

Ibinaba ko pang muli ang labi ko at ngayon ay nasa h***d niyang tiyan na, hindi nag aangat ng tingin na nagsalita ako. “Chard…”

“Hmmnn?”

“Hinahabol mo ba ako?”

“Hinahabol na ano? Saan Babe? Hindi kita maintindihan.”

“Itong tiyan mo kasi, lumalaki na. Nakikisabay ka yata sa akin eh, nawawala na ang abs mo.” Pilya kong sabi sa kanya.

“Iyan ang uso ngayon Babe.” Katwiran niya pa na ikinailing ko na lang.

“Sabagay, gusto ko ito. Para ka na kasing marshmallow.” Nakangiti ko pang sabi at muli akong umangat para kurutin siya sa magkabila niyang pisngi na napapansin kong umuumbok na rin.

Bilang sagot ay kinabig niya naman ako at saka hinalikan ng mariin sa labi. Pagkatapos ay iniangat niya ang mukha ko at pinakatitigan. Nagawa niya pang ipitin sa tenga ko ang buhok kong tumatabing sa mukha ko.

“I love you, Babe.” Iyon lang at niyakap niya ako ng mahigpit.

“Pero hindi pa ako tapos.” Sa gitna ng pagyakap niya ay nagawa kong sabihin sa kanya.

“Tama na Babe, payakap na lang. Kuntento na ako na kayakap ka sa pagtulog hanggang sa paggising ko. Masaya na ako roon. Sapat na sa akin ang mahigpit na yakap.”

Napaisip tuloy ako, ilang santo ba ang dapat kong pasalamatan dahil ibinigay niya sa akin ang lalaking ito? Anong kabutihan ang nagawa ko para mapangasawa ko ang lalaking ito?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status