Share

Chapter 4

“Stacy!” Halos mabingi ako sa ginawang pag sigaw ni ate Raq sa pangalan ko. Nagkataon kasing malapit lang ang location nila ngayon kaya umuwi sa bahay ang asawa ko para sabay kaming kumain ng lunch. Pagkatapos naming kumain at kinakailangan na niyang bumalik sa set ay naglambing ako kung pwede ba akong sumama pero ipapahatid niya rin ako sa hapon. 

Hindi ko alam kung sa paglalambing ko bang talaga kaya pumayag siya na sumama ako ngayon o sadyang nakulitan na lang siya sa akin. Alam niya naman kasi na hindi ko siya titigilan hangga’t hindi niya ako pagbigyan.

Dali-dali naman akong nilapitan ni kuya Mike at inalalayan akong makalapit sa mesa. Ang asawa ko ay naharang kasi noong isang artista at may kailangan rin siyang balikan sa kotse, ayaw niya nga sana akong paunahin pero dahil makulit nga ako kaya narito na ako ngayon.

“Ano ka ba namang buntis ka, gala ka naman ng gala. Baka mamaya nito ay kung mapaano ka na naman.” Kunwari ay sermon sa akin ni kuya pero abot tenga naman ang pagkakangiti.

“Nasaan ba si Rekdi, bakit ikaw lang ang nandito?” Tanong naman sa akin ni kuya Eric.

“May binalikan lang po sa kotse, kuya.” Nakangiti kong imporma sa kanila. Pagkatapos ay iginala ko ang paningin sa kanilang lahat at ngumiti ng matamis. “Na-miss ko po kayong lahat.” Totoo sa loob na sabi ko, isang buwan rin akong hindi nakadalaw rito kaya hindi ko sila nakita. Parati ko man silang kausap sa group chat ay iba pa rin na nakikita ko sila ng personal.

“Naku ha, puro drama na ang kinunan naming eksena ngayong araw pagkatapos ay dadagdagan mo pa niyang drama mo.” Si kuya Sam naman. “Pinapaiyak mo naman kami eh pero na-miss ka rin naming ng sobra, loka loka ka!” Natatawa niya pang sabi. “Nakakamiss rin pala ang pagiging loka loka mo.” 

Natawa naman ako habang si ate Raq naman ay napaismid kaya pinansin ko siya. “Ate, nakataas na naman ang kilay mo.”

“Wala lang ito, huwag mo akong pansinin.” Maya maya ay sumeryoso siya, “Pasensya ka na at hindi ka naming nadadalaw ha. Kasi nam-”

“Kasi ano?” Kunwari ay nagtatampong pinutol ko ang sasabihin niya. “Na sina Apz at Ida lang ang dumadalaw sa akin sa bahay?” Sa totoo lang at nagtatampo naman akong talaga sa kanila, parati na lang kasi na sa chat lang kami magkakausap, minsan ay video call pero hindi pa rin sapat iyon eh.

“Kasi ay pinagbawalan ko sila, misis.” Sabad ng asawa ko na hindi ko namalayan na  nakalapit na pala sa amin. Ibinaba niya ang mga eco bag sa mesa. “Alam ko aksi na kapag dinalaw ka nila o kapag nagkita kita kayo  ay susumpungin ka na naman ng pagiging loka loka mo.” Natatawa niya pang sabi. “Sigurado ako na magpupumilit ka na naman na pumunta rito o kaya naman ay magbabad sa mall buong araw.”

Nakatikim tuloy siya ng irap mula sa akin dahil sa mga sinabi niya.

“Tama naman kasi si Rekdi, buntis. Hindi pwede sa atin iyong isang oras lang na kwentuhan eh, ayaw ka namin na masyadong mapagod at ma-stress.” dagdag paliwanag naman ni kuya Sam sa akin o baka naman pinagtatangol niya lang ang bestfriend niya?

“Rekdi, ano naman iyang mga dala mo?” Tukoy naman ni direk Juls na napansin pala ang mga dala ng asawa ko.

Kaya naman ay inilabas ni Richard ang mga laman ng eco bag na dala dala niya kanina, mga brownies at cupcakes na ginawa ko.

“Wow!” Halos sabay sabay nilang sambit  nang tumambad sa paningin nila ang pagkain at nagkanya kanya ng dampot at kagat habang ako naman ay nangingiti lang.

“Twenty five pesos iyong cupcake then twenty pesos naman iyong brownies.” Sabi ko bigla habang nakikita kong nag eenjoy sila sa pagkain.

Bigla tuloy nailayo ni kuya Sam ang cupcake na kinagatan na niya. “Hala, may bayad pala? Akala ko pa naman ay libre.” Pumalatak pa siya pagkatapos niyang sbaihin iyon.

“Oo nga, akala ko naman ay may pakain ka Stacy.” Pagkatapos ay si Richard namana ng binalingan ni kuya Eric. “Rekdi naman…” Kunwari ay reklamo niya sa asawa ko.

“Rekdi, ang dami mo nang raket, pati si misis rumaraket rin?”

“Yayaman na kayo masyado nito eh.”

Sunod sunod ang ginawa nilang kunwaring pagrereklamo sa asawa ko pero sunod sunod din ang ginagawa nilang pagkagat at pagnguya sa mga dala ko.

Nagkibit balikat lang si Richard. “Naku, wala akong kinalaman diyan. Kay misis kayo umapela.” Itinaas pa niya ang dalawang kamay habang tatawa tawa kaya naman lahat sila ay napatingin sa akin.

“Joke lang, libre lang iyan ngayon…” Pambibitin ko pa.

“Ngayon? So, meaning may bayad na talaga next time?”

“Aba, syempre naman po. Ang lagay ay panay libre na lang? Order po kayo sa akin ha.”

“Stacy, hindi ba masama sa kalagayan mo ang magbake ng magbake?” Nag aalala namang sabi sa akin ni kuya Eric.

“Oo nga. Si misis, kapag nagbe-bake minsan ng meryenda ay parating d*******g na masakit ang balakang. Paano ka pa eh buntis ka?” Dagdag naman ni direk Juls.

“Rekdi, pinapayagan mo?” Halos hindi makapaniwala na tanong ni ate Raq.

“Makulit eh, ayaw paawat.” Tila sumusukong sagot ng asawa ko. “Nangako naman siya na hindi siya masyadong magpapagod. Besides, tinutulungan naman siya ni Manang, kumbaga tagamando na lang siya ngayon ng gagawin at si Manang talaga ang nagtatrabaho.”

“Oy babae, basta huwag masyadong magpakapagod ha.” Si ate Raq naman ngayon. “Huwag mong gayahin iyang si Sam na alipin ng salapi. Hindi na iyan halos nagpapahinga.”

Nagtatakang napatingin ako kay kuya Sam

“May mga offer kasi na raket, hindi naman tatamaan ang oras ng trabaho ko rito. Sayang ang kwarta.” Huminto siya pasumandali na tila may iniisip. “Isa pa, mukha kasing nanganganib ang sampung libo ko.”

“Sampung libo?” Ang hirap ng nawawala sa sirkulasyon, ang dami kong hindi alam na ganap.

“Ang taas na kasi ng pustahan namin.”

“Pustahan na naman? Ng ano?”

Pero hindi siya agad sumagot, bagkus ay tumingin muna siya sa direksyon ng asawa ko na ngayon ay kausap na si direk Juls at mukhang may pinagdidiskusyunan.

“Pinagpustahan kasi namin kayo eh.” Bulong sa akin ni ate Raq.

“Na naman?” Gulat kong sabi. Mukhang wala na namang magawa ang mga taong ito kaya kami na naman ni Richard ang napagtripan. Pagkatapos kasi naming ikasal ay pinagpustahan jila kaming dalawa.

“Oy, wag ka. Mas malaki na ngayon ang bigayan. Mukha ngang talo na kami ni Sam sa guapito boys.”

“Bakit? Mukha naman kayong panalo, nakakatiis naman ang mister ko eh.”

“Iyon nga ang problema girl, sa kabilang side kami ngayon pumusta.” Last time ay team tiis sila kaya nanalo silang dalawa. “Ang sabi kasi nina kuya Eric ay kayang kaya raw uli magtiis ni Rekdi dahil nakita niya ang takot sa mukha ni Rekdi noong dinugo ka at dalhin sa ospital, akay naman doon kami sa kabilang side ngayon.” Paliwanag pa ni ate.

“Over acting naman kasi itong si Rekdi. Wala naman sinabi ang doktor na totally bawal, ang sabi lang ay bawas bawasan, ‘di ba?” si kuya Sam naman ngayon na ramdam ko ang tinitimping pagkabadtrip sa asawa ko.

Sa totoo lang ay naguguluhan pa ako sa ginawa nilang pustahan. “Wait lang, at paano n’yo naman malalaman kung sino ang nanalo, aber?” Pinamaywangan ko pa ang dalawa habang nakataas ang kilay ko.

“Girl, titigan mo ang asawa mo.” Turo ni kuya Sam kay Richard. “Sobrang transparent ng lalaking iyan. Kahit super happy siya ay alam namin kapag hindi iyan nakakapag dilig.” Tumawa pa silang dalawa after ng sinabing iyon ni kuya.

Napaisip tuloy ako, pagkatapos ay muling tumingin sa direksyon ng asawa ko. Sakto naman na lumingon siya sa gawi ko at agad akong binigyan ng matamis na ngiti. Narealize ko, oo nga. Parang may kulang sa ngiti ng asawa ko. May kulang sa glow ng mukha niya.

Muli kong binalingan ang dalawang kausap ko. “Isipin na ninyo kung ano ang bibilhin ninyo sa sampung libo ninyo.” Puno ng kahulugang sabi ko kaya naman ay napatitig sila sa akin at napamaang.

“Don’t tell me…”.

“Basta order kayo sa akin ng cupcake at brownies ha.” Kinindatan ko pa sila saka buong yabang na tinanguan.

Sabay silang tumango sa akin pagkatapos ay nag apir.

“Alright!” Masaya nilang bulalas na ikinalingon ng iba pa naming kasama pero nagtawanan lang kaming tatlo.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status