Share

Kabanata 3

Kabanata 3

Bitin

"Hinatid ka na naman ni West, ate? Aminin mo nga sa akin, anong mayro'n sa inyong dalawa?" bungad sa akin ni Skyler, bunso kong kapatid.

"We're just teaming up. I want Callum back kaya tinutulungan niya ako. Gano'n din naman siya kay Camilla," maikling sagot ko habang hinuhubad ang stilletos na suot ko.

"Hindi kailanman naghabol ang isang Murillo, ate," kunot noong aniya.

"Well then surprise, Skyler! May isang Murillo na ang naghabol," I said languidly.

"Magresign ka na kasi sa Pub. May sarili naman tayong family business, tulungan mo na lang ako." Umirap ako dahil ito na naman kami sa pamimilit niya sa akin na magtrabaho na lang sa shopping center na pagmamay-ari ng pamilya namin.

"Mas gusto ko ang trabaho ko roon, Skyler. Pagod ako ngayon kaya huwag muna tayong mag-away tungkol diyan."

Hindi ko na hinintay pang makasagot si Skyler, naglakad na ako diretso sa kwarto ko. Gusto ko ng mahiga sa kama ko at magpahinga, ang kaso kailangan ko pang mag-empake ng mga gamit na dadalhin ko sa cruise. Nag-i-isip na rin ako ng magandang dahilan para makapagpaalam ako kay Skyler na isang linggo akong mawawala.

Papikit-pikit na ako pero sinubukan ko pa ring ayusin ang mga damit na dadalhin ko. I even brought four pairs of swimsuits just in case. Malaki maleta na ang pinaglagyan ko ng mga damit ko pero kulang pa rin.

Magdadala na rin ako ng isa pang bagpack para sa mga essentials, skincare at make-up na rin. Sa dami niyon ay hindi ko alam kung paano kong napagkasya sa bag lahat.

At bukod pa ang bag na pinaglagyan ko ng mga art materials na binili ko kanina. I wonder, paano ko kaya mabibitbit bukas ang mga canvas?

Alas-diyes na ako nakatulog kaya naman kinabukasan ay tanghali na akong nagising. Thirty minutes before seven. Nasa kitchen na si Skyler at nag-a-almusal ng nadatnan ko.

May toasted bread at kape ng nakahanda roon para sa akin. Inaantok na kinagatan ko ang toasted bread ko.

"I saw your luggage, ate. Saan ka pupunta?" si Skyler.

"I'll be gone for a week," simpleng sagot ko.

"Why?"

"It's for work. Visit dad for me, please. Babawi ako kapag nakauwi na ako."

Tango lang ang sagot sa akin ni Skyler. Nagmadali na rin ako sa pagkain dahil paniguradong malalate na ako sa call time namin ni West.

Eksaktong pagkatapos kong maligo at magbihis ay nakatanggap ako ng mensahe galing kay West.

West:

We're here.

Nangunot ang noo ko sa nabasa. May kasama siya? Wala na rin si Skyler sa condo nang umalis ako. Ibinilin ko na lang sa staff sa baba ang condo namin. Binayaran ko pa ang isang guard na staff din dito sa condominium para tignan-tignan ang condo namin ni Skyler. Nakiusap na rin akong bantayan ang kapatid ko.

Pareho kami ni Skyler na mas maraming inilalaging oras sa trabaho kaysa oras na nasa condo lang kami.

Kapag wala kaming ginagawa o may free time kami ay magkasabay naming binibisita ang daddy namin sa rehabilitation center. Pagkatapos kasing mamatay ng mommy, paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang naging kakampi ni dad. Last month lang namin iyon nalaman ni Skyler dahil matagal na panahong itinago iyon sa amin ni daddy.

Nang mamatay sa mommy, si daddy ang naging sandalan naming pareho ni Skyler. Sa kan'ya kami kumukuha ng lakas at tapang para magpatuloy sa agos ng buhay. Ang akala namin ay ayos lang ang lahat. Dahil buwan matapos mamatay si mommy ay mukhang ayos naman si daddy. He looks fine and strong. Akala lang pala namin. He is weak. The death of my mother caused him too much pain and the only solution he knows to stop the pain is using illegal drugs.

Awang-awa ako noon kay daddy kasi noong mga panahong kailangan namin ni Skyler ng makakapitan at masasandalan si daddy ang nandyan para sa amin pero si daddy wala. Hindi man lang namin napansin na kailangan din pala kami ni daddy.

"Mornin'" West greet me.

"Good morning," I greet back.

"Let's go. Sa pier tayo."

Tumango lang ako. West opened the car door for me. Nagulat pa ako ng makita ko si Callum at Camilla sa backseat. Masayang binati ako ni Camilla. Nanatiling tahimik naman si Callum.

Si West na ang nag-ayos ng luggage ko sa back compartment niya.

Matapos naming magbatian ni Camilla, ibinalik ko sa unahan ang paningin ko. Ang sabi ni West ay isang oras mahigit ang byahe bago namin marating ang pier na pinagdadaungan ng cruise ship na pagmamay-ari ng lolo at lola nila ni Callum. Sa sobrang boredom ko habang nasa byahe ay kung ano-ano ng pinakialaman ko sa mustang ni West. Mukhang wala namang pakialam ang hombre kaya ipinagpatuloy ko ang ginagawa.

Nang walang ng makalikot, I turned on his stereo. Pareho kaming napatingin sa iTouch niyang nasa harapan namin.

"May I?"

Tumango si West at kaagad kong kinuha ang iTouch niya. Napalabi ako ng makitang may password. I showed it to him.

"Type 381463."

Namilog ang mata ko ng marealize kung anong ibig sabihin ng password niya.

"Your password is fuck me? Weird. We have the same password," I commented.

Hindi niya ako pinansin kaya nagsimula na akong kalikutin ang iTouch niya. Ang kanta niya ay puro alternative rock song, lumabi ako. Pinindot ko na lang ang isang pamilyar sa akin na kanta. It's yellow of coldplay.

This song hits different lalo na when you realize that we have no control over anything. Just gotta appreciate every moment, cause you never know when it may become a memory.

This is the sad reality, I didn't appreciate the moments I have with Callum before now I regret it, or maybe I did appreciate it? I just forgot to cherish all our memories when I still had him.

It's scary to think about how things can change with time.

I tried to sing the song even I could feel a bile in my throat. Kakatuwang maging si Camilla ay sinasabayan din ako sa pagkanta. Tuloy ay hindi namin napansin na nasa pier na pala kami.

Ang mga tauhan ni West ay naglapitan kaagad sa likod ng kotse niya para kuhanin ang mga gamit namin doon. Hawak-hawak ni West ang kamay ko habang paakyat kami sa cruise ship nila.

Unang bumati sa amin ay si tita Cassandra, sa tabi nito ay tito Leandro na may maliit na ngiti sa kan'yang mga labi.

"Mabuti naman at mukhang natuto ka ng magseryoso, West Gabrielle," puna ni tito Leandro. Nasa akin ngayon ang paningin niya.

"Pa," West called his father in an alarming voice.

"Sana hindi ka magsawa, hija." Mukhang hindi na talaga napigilan ni tito Leandro na hindi magkomento.

Naramdaman ko kaagad ang pamumula ng pisngi ko. Kung alam niyo lang po tito.

"How's your father, by the way."

"Ayos lang po though may isang buwan pa po bago siya makalabas sa rehabilitation."

"May progress ba?"

"Opo unlike months ago na illegal drugs lang po ang solusyon niya sa pagkawala ni mommy."

Ginusto man naming itago ang nangyari kay daddy ay napaka-imposible namang walang ibang makaalam niyon.

"I understand he mourns for his beloved wife but I couldn't understand how he ended up taking illegal drugs."

"We are too, tito Leandro. Kay daddy po kami kumukuha ng lakas ni Skyler noon. It was really tough for us three nang mamatay si mommy. Hindi nga lang po namin napansin na hirap na hirap din si daddy. Partly, may kasalanan din po kami ng kapatid ko."

"It is no one's fault, Astrid. Don't blame yourself please," ani tita Cassandra. Tumango at ngumiti na lang ako kay tita Cassandra.

Natapos ang usapan namin tungkol kay daddy nang lumapit sa amin si lola Josefa at lolo Isidro. Marahan akong bumati sa kanilang dalawa.

"Lola, lolo, Astrid will paint your portrait as our gift to you," ani West. Nakita kasi naming ibinigay na ni Callum at Camilla ang regalo nila para kina lolo at lola.

"Oh, wow! I'm so excited and I love paintings," ani lola Josefa. Natawa ako sa naging reaksyon niya.

"Ma, after lunch na lang po iyan. Hayaan na lang po natin na magsettle muna ang mga bata sa cabins nila," ani tita Mariana. Kapatid siya ni tito Leandro.

Lahat ay sumang-ayon sa sinabing iyon ni tita Mariana. Nang makapagpaalam kami sa lahat ay iginiya na ako ni West papunta sa cabin.

"We'll share the same cabin," imporma ni West.

Ang sabi ni West gabi pa raw ang party para sa anniversary ni lola Josefa at lolo Isidro. I prepared a cocktail dress for it pero itong si West hindi man lang nagsabi sa akin na binilhan niya ako ng gown na isusuot ko para mamaya. Nagulat na lang ako ng iabot niya iyon sa akin.

"Do you know my size?" I asked.

"Yup," he answered simply.

He opened the closet inside our cabin. Napanganga ako ng makita ang gown na binili niya para sa akin. It's an a-line mini sleeveless dress, mas'yadong mahaba ang cut niyon sa may bahaging dibdib. Sa pang itaas na bahagi naman hanggang gitna ay may design na floral lace. Nakalagay pa iyon sa isang mannequin. Katabi niyon ay ang para naman kay West. It's a three piece khaki business suit.

Matapos makita iyon ay inabala ko naman ang sarili ko sa pagsasalansan ng mga damit na dala ko sa closet niya. Si West naman ay nakita kong kumuha ng damit niya at nagpalit na sa cr.

I unpacked his clothes as well. Iyong mga formal wear niya ay inilagay ko sa hanger. Iyong mga casual clothes niya ay itinabi ko na lang sa akin.

Nang matapos ako ay iyong mga essentials ko naman ang inayos ko. Iyong mga skincare ko ay maayos kong ipinatong sa vanity table, pati ang lotion at pabango ko. Mamaya ko na lang siguro aayusin ang shampoo, sabon, tootbrush at toothpaste ko sa cr pagkatapos doon ni West.

Ang mga art materials naman ay inilagay ko na lang muna sa isa sa mga drawers malapit sa vanity table. Inilagay ko na lang sa gilid ang canvas para hindi makalat.

Nang matapos ako ay nabaling naman sa kama ang atensyon ko. Oh God! Isang kama lang! So magtatabi kami? Ngayon pa ba talaga ako macoconcious? King size bed naman iyon kaya kahit magtabi kami ay ayos lang naman?

"I want to fuck," ani West. Nagulat ako sa biglaang pagsasalita niya sa likuran ko. Hindi ko man lang narinig na lumabas siya ng cr.

"Nakakagulat ka naman," I commented, hawak ko pa ang dibdib.

"Let's fuck."

"N-ngayon na ba?"

He didn't answer me. Instead, West pulled me towards the bed. Abala naman ako sa pakikipaghalikan sa kan'ya. Marahang akong ibinaba ni West sa kama. Pilit niya akong inihihiga sa kama pero hindi ako pumapayag.

Nang hindi magtagumpay ay hinayaan na ni West na m********n kami habang nakaupo ako sa kama at nakatayo naman siya sa harapan ko. Hindi napuputol ang halikan namin, halos hindi na kami humihinga pareho.

I thrusted my tongue on his mouth. I heard him groaned dahil sa ginawa ko. Mas naging mapangahas at mapaghanap ang mga halik niya. I couldn't breathe. Ramdam ko na ang init, kirot at pagkabasa ng nasa pagitan ng aking mga hita.

Inilayo ko ang mukha ko sa kan'ya nang may kapilyuhang maisip.

"I want to give you a blow," I said. Hindi ko alam kung saan nanggaling 'yan. Bigla na lang pumasok sa isip ko. This is my first time pero gusto kong matutunan at gawin sa kan'ya.

Isa sa mga article na binasa ko noon ay kung gaano kagusto ng mga lalaki kapag binibigyan sila ng gano'n. At gusto kong matutunan iyon para kung dumating man ang oras na makuha ko ulit si Callum, alam ko na kung paano ko siya mapapasaya.

"You are?" kuryosong tanong sa akin ni West.

"Choose one, I'll stroke your shaft while giving you a head, or I'll cradle your testicles while licking you?" I asked curiously. I saw him gulped.

"The latter," he answered.

Bumaba na ako sa kama. Lumuhod ako sa kan'yang harapan, ngayon ay kalevel ko na ang kan'ya. This is my first time to kneel in front of a man.

"This serves as your second lesson," ani West.

Tumango naman ako at sinimulan ng buksan ang pants niya. Nangangatal pa ang kamay ko habang ginagawa ko iyon.

Kaya lang nang nasa kalagitnaan na ako ng ginagawa biglang bumakas ang pinto at pumasok si Camilla.

"Oh, shit! Sorry! I'm sorry," aniya. Nahihiyang tumayo ako. Si West naman ay tumalikod at inayos ang pants niya. Damn!

"I'm sorry, Camilla," hinging paumanhin ko rin.

Narinig ko ang sunod-sunod na pagmumura ni West sa likuran. Umirap ako at hindi na lang siya pinansin. Kung bitin siya, ako rin naman!

"Lunch is ready. Pinapatawag kayo sa akin ni tita Cassandra. Hindi naman kasi nakalock ang pintuan ng cabin niyo kaya nagtuloy-tuloy lang ako. I'm sorry, again," paliwanag niya.

"Let's go, Camilla. Magsabay na tayo," ani ko.

Iginiya ko na palabas ng cabin si Camilla. Hinayaan ko na lang muna roon si West. Bahala na kung magalit siya.

"I'm sorry talaga Astrid. Hindi ko sinasadya."

"Kalimutan mo na lang 'yong nakita mo, please?"

"Sure."

Pagdating namin sa top deck, kumpleto na ang lahat. Nakaset-up na rin ang lunch namin. Magkatabi kami ni Camilla sa upuan. She seem nice naman kaya hinayaan ko na lang.

Maya-maya lang ay dumating na rin si West. Si West na nakasambakol ang mukha. Bitin na bitin lang? I sighed.

"Mukhang galit si West," bulong sa akin ni Camilla, nag-a-alala. Natawa naman ako.

"Nabitin kasi, hayaan mo na lang," payo ko sa kan'ya habang may ngiti sa mga labi. Nahihiya pa siya sa pagtango niya sa akin bilang sagot.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status