“Girl!!! True ba ang tsismis mo?” bungad agad ni Amirah pagkarating n'ya sa Casa de Cafe kung saan kanina pa ako naghihintay.
“Tss. Ang tagal mo! Kanina pa ko rito!” naiiritang sabi ko naman sa kaibigan.“Ito naman! End of the world na ba dahil naghintay ka nang matagal? Ilang taon ka bang naghintay?”“Ewan ko sa iyo!”“So, ano nga? True ba? Magpapakasal kayo ng crush mo?” ngiting-ngiting tanong nito, parang may kislap pa sa mga mata niya.“Oo,” walang gana kong sagot bago bumuntonghininga.“Oh my gosh! Malandi ka! Usapan, gagahasain mo lang, girl! Grabe ka! Nagahasa mo na, pakakasalan mo pa?! Prayer reveal naman diyan!” Sobrang saya ng mukha n'ya. Siguro, kung tulad lamang noon. Baka kinikilig na rin ako, kaya lang, may buhay na nasira. Buhay naming pareho, at relasyon nila ng dyowa niya.Unti-unting nabura ang masayang awra ng kaibigan ko nang mapansin niyang problemado ako.“B, may problema ba?”Ikinuwento ko ang buong pangyayari, pati na rin ang galit sa akin nina Mommy at Daddy. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mga mata.“I'm sorry… Sana pala hinintay na lamang kita,” malungkot nitong saad sabay hawak sa kamay ko na nasa ibabaw ng mesa.“A, hindi mo kasalanan, wala kang kasalanan… Pagkakamali ko 'yon, choice ko 'yon kaya 'wag kang mag-sorry.”“Sabi mo, may girlfriend si Steve, 'di ba?” Tumango naman ako. “Paano na? Paano sila?”“Iyon na nga, nakakahiya sa dyowa ni Steve. Siguradong iisipin noon na pinikot ko ang boyfriend n'ya para pakasalan ako.”“Girl, may problema rin kay Steve. Hello?! S'ya ang lalaki, dapat s'ya ang nagkontrol! Pero dahil nga lasing kayo pareho, wala na… Naghubaran kahit hindi nagkakakitaan. Iba rin si Architect Steve ha! Magilas!”“Hayyss... Ewan. Hindi rin naman puwedeng suwayin si Daddy. Siguradong idedemenda noon si Steve. Lalong malaking problema,” saad ko at napasandal na lamang sa sandalan ng inuupuan ko.“You know what, girl, don't stress yourself too much. Wala pa naman, at hindi pa naman siguro sigurado kaya kalma ka muna.”“How can I calm down, A? I'm totally mess! Nagtapos ako bilang Architect para sa company namin. Tapos ano? Magiging asawa lang ng lalaki na hindi naman ako mahal?”“Hey... Alam mo, iyong issue noong magdyowa, magagawan naman siguro nila ng paraan. About naman sa inyo ng future husband mo, malay mo naman, kapag tumagal kayong kasal ay matutuhan ka niyang mahalin? Hindi naman malabong mangyari 'yon, B,” mahabang litanya nito.Matutuhang mahalin? Ako? Parang malabo pa sa mata ni Daddy na mangyari 'yon, ah! Mukhang mahal na mahal noon ang girlfriend niya, e. Tss.“Hindi ko na alam ang gagawin! Hindi ko rin naman mapipigilan si Daddy.”Hindi ko na talaga alam ang dapat gawin o kung may dapat pa ba akong gawin. Ayokong makasira ng relasyon, pero nangyari na. Nang araw na magdesisyon si Daddy na ipakasal kaming dalawa, nakasira na ako ng relasyon. Nakasira pa ako ng tiwala ng magulang ko. Isang gabing pagkakamali, napakaraming kapalit.Matapos naming mag-usap ni Amirah ay nagkaniya-kaniya na rin kami nang uwi.Habang nagmamaneho ako pauwi ng subdivisiom namin, napansin ko ang dalawang tao na naglalakad habang tumatawa. Kitang-kita ang saya sa kanilang mga mukha habang magkahawak ang kamay na naglalakad.Lalo lamang ako nakaramdam ng guilt, dahil siguradong wala pang alam ang babae. Sa ganda ng ngiti nito, sino’ng maglalakas-loob na sabihing ikakasal ang boyfriend niya sa iba?Babae rin ako, kaya alam ko kung ano ang mararamdaman niya kung sakali. Bilang babae, ayokong maranasan ang gano'n. Pero magagawa ko nang hindi sinasadya sa ibang tao ng dahil sa isang gabing pagkakamali.I'm sorry…Bigla na lamang tumulo ang luha ko habang tinatanaw sila papalayo sa gawi ko. Doon ko lang napansin na napatigil pala ako sa tabi.Sumubsob ako sa manibela at doon umiyak nang tahimik.“I'm sorry… Sorry kung masisira ang masaya n'yong relasyon. Sorry kung mapapalitan ng sakit ang mga mata n'yong puno ng pagmamahal sa isa't isa. I'm really sorry… Sorry...”Humagulhol ako nang iyak sa loob ng aking sasakyan. Makakasakit ako ng iba, habang nasasaktan din.Why? Why do we have to suffer just because of one wrong night? Kung maibabalik ko lamang ang gabing 'yon…Ikinalma ko ang sarili matapos ko ilabas ang bigat sa dibdib ko. Kahit papaano ay nakagagaan ng pakiramdam ang pag-iyak. Umuwi ako matapos kong kalmahin ang sarili. Hindi ko naabuta ang magulang, as usual ay puro katulong lamang.Lumaki akong laging mga katulong ang kasama sa bahay.Nagkulong lamang ako sa kwarto ko, at nilunod ang sarili sa pag-iisip. Parang akong walang buhay na nakahiga sa kama, at nakatingin lamang sa kisame. Agad pumasok sa isip ko na mag-stalk sa account ni Steve, para mas makilala pa ito at kung gaano na sila katagal ng girlfriend n'ya.Kinuha ko agad ang laptop ko bago bumalik sa kama at sumandal sa headboard. Agad akong nag punta sa profile ni Steve sa I*.Sa pag-i-stalk ko, lalo akong nanlambot. Lalo akong na-guilty, at nakaramdam ng panghihinayang para sa dalawa. Lalo akong naawa sa babae, lalo akong naguluhan kung itutuloy pa ba na maikasal kay Steve.Ang post noong September 2, kung kailan ang gabing nangyari ang hindi dapat nangyari. Ang araw kung kailan ang pangarap ng mga kababaihan. Ang pinakamasayang araw para sa kanilang dalawa bago pumunta sa birthday ni Rose si Steve.@steve_a She finally said YES! Happy 5th anniversary, Baby!❤Posted September 2, 2021Ang araw kung kailan sila na-engage; ang araw ng anniversary nila, ay ang gabi naman ng pagkakasala sa kaniya ni Steve. Isang gabi ng pagkakamali ang sisira sa limang taon, at sa relasyong nakatakdang maging isa.Ang bigat-bigat sa dibdib.Ang hirap. Ang sakit. Paano ko maaatim maikasal sa lalaking pinapangarap ko kung sa kabilang banda ay may magdurusa? Paano ko matatanggap na maikasal sa taong nangako ng kasal sa iba? Ang masakit, sa taong totoo niyang mahal.I ruined everything, I ruined their happily ever after.Tatlong katok ang nagpabalik sa wisyo ko. Agad ko namang isinara ang aking laptop at pinunasan ang aking mukha na basa na ng luha.“Ma'am Czes, dinner na raw po…” tawag ng katulong mula sa labas ng pinto matapos nitong kumatok.“Susunod na po, Manang!” malakas kong sagot pabalik.Nagpunta ako sa banyo at naghilamos para hindi mahalata ang kanina ko pang pag-iyak. Pero hindi rin nito naalis ang pamumugto ng aking mga mata. Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin.“I'm really tired, but I need to pretend again to face my Dad.”Matapos kong ayusin ang sarili ay lumabas na ako ng kwarto pababa sa dining.Nakaramdam na naman ako ng kaba, ng bigat sa dibdib. Magulang ko ang haharapin ko, pero may takot sa loob ko. Takot na baka hindi nila magustuhan ang Brianna na kaharap nila. Na baka kulang na naman… Maingat akong naupo sa pwesto ko, pagkaupo ko ay saka pa lamang sila nagsimulang kumain.Tahimik lamang ang buong dinner naming tatlo. Hindi pa rin nila ako pinapansin o tinitingnan. Pakiramdam ko ay ibang tao ang kasama ko. Pakiramdam ko, kailangan kong makisama sa bagong kakilala. Masakit lang na naging ganito na kami sa isa't isa.“Prepare yourself tomorrow,” maawtoridad na sabi sa akin ni Daddy pagkatapos kumain. Nakaupo pa rin kami sa dining area.“P-para po saan?” kinakabahan kong tanong.“I invited your fiancé and his family for lunch tomorrow. We will talk about the wedding, the date and all.”“D-dad…”“What? You're thinking about his girlfriend?” Bigla itong umismid, “I don't care about their relationships. Just marry him. You don't have to worry about someone's problem. Is that clear?”“But, Dad... They're—”“Stop, Czes. I don't want to talk about them. Just do what I said.”What now, Brianna? How can you stop this wedding?Bumalik ako sa kwarto ko na lutang, wala sa sarili. Binuksan ko muli ang huling post ni Steve. Ito na siguro ang pinakamasayang araw nila sa limang taon nila. Tapos masisira lamang ng isang tulad ko na matagal nang may gusto sa kaniya.Kung wala lang sigurong masasaktan na girlfriend, okay lang maikasal sa kaniya dahil matagal ko na s'yang gusto. Pero kung ganito naman, siguradong isusumpa nila ako pareho.Ngayon pa lang, nai-imagine ko na ang sakit na maidudulot ng kasal namin ni Steve para sa babae. Na ang lalaking nangako sa kaniya ng kasal, ay iba ang ihaharap sa altar.Ngayon ang araw kung kailan ang lunch kasama ang family ni Steve. Kinakabahan ako sa maaaring sabihin sa'kin ng parents niya. Malamang alam nila na hindi naman ako 'yong inalok niya ng kasal, pero ako ang pakakasalan. Kahit na labag sa loob ko ay naligo at nag-ayos pa rin ako ng akibg sarili. I'm dressed in a black bodycon dress and black pumps. I simply pinned a cute hairpin near my ear to the side of my hair. I look like I'm on my way to a funeral. However, the reality is, pinagluluksaan ko na ang mga natitirang sandali ng buhay pagkadalaga ko.Bumaba ako sa sala at doon naabutang naghihintay sina Mommy at Daddy. Tumaas ang isang kilay ni Daddy habang tinitignan ang kabuuan ko na nababa ng hagdanan. Pagkarating ko sa gawi nila ay bigla itong umismid.“Hindi masyadong halata na nagluluksa ka sa pagpapakasal, Czes. Let's go...” ani Daddy.Sumunod lamang ako sa kanila palabas. Gustuhin ko man na kausapin si Mommy, hindi ko magawa. Ito na agad ang naiwas kapag malapit na ako sa gawi ni
Sumakay ako ng taxi papuntang mall, habang nasa taxi ay pinunasan ko ang aking mukha. Pagkarating ko ay pumasok ako sa loob at naghanap ng coffee shop. Hindi naman ako nahirapan maghanap, umorder agad ako at tinawagan ang aking kaibigan.“Amirah...” Basag na boses kong tawag sa pangalan niya. Nagsisimula na naman manubig ang aking mga mata.[B! Hey... Are you crying? Where are you? Are you okay? Please tell me where are you, I'm coming.]Napangiti naman ako sa sunod-sunod nitong tanong sa'kin. Pangalan pa lamang niya ang sinasabi ko, sobrang nagaalala na s'ya.“A-Are you free today?” Tanong ko habang nagpipigil na maiyak dahil ibinaba na ang order kong coffee at bread.[I'm always free for you B, you know that...] Oo, ni minsan hindi niya ko tinanggihan. We're best friends since ten years old kami. Bagong lipat sila sa subdivision namin noon dahil friends pala ang mga parents namin. “Can you pick me up?”[Of course! Where?] Mabilis nitong sagot.“Mall, I'll text you where exactly I
Ilang araw na akong namamalagi sa rest house ni Amirah. Pareho naming pinatay ang mga phone namin para walang istorbo. So far, I feel relax because of the ambiance and because of the sea. Pero, hindi naman ako gano'n kasama para hindi isipin kung nagaalala ba sila sa'kin. Lalo na si Mommy, baka nai-istress na. Pero kay Daddy? Alam ko namang hahanapin n'ya lamang ako dahil sa pag merge ng company nila ni Mr. Harrison.“Girl! Halika rito dali!!!” Sigaw ni Amirah mula sa baba, dahil nakatambay ako sa veranda ay nakatingala ito sa'kin.“Bakit?” “Basta! Ngalay na batok ko pisti ka! Bumaba ka na lang!!” Tinawanan ko naman ito bago napag pasyahan na bumaba.Pagkababa ko ay may mga kasama na ito. “Come here B, I want you to meet this beautiful family!” Masiglang sabi ni Amirah at hinila ako palapit sa pamilyang tinutukoy nito.“A... Baka mamaya maisumbong tayo n'yan kina Daddy...” Bulong ko rito.“Gaga! Hindi nila kilala 'yon!” Nakangiti na ang mga ito sa'min, mag-asawa ito na may dalawan
Kanina pa ako sa harap ng salamin, kanina pa ako nakaayos. Pero, ang sarili ko ay hindi pa rin handa. Magkikita na naman kami, ngayong gabi ang plano nilang pag set kung kailan ang kasal na magaganap.Nakatingin lamang ako sa sarili, walang emosyon, pero pagod na pagod ang pakiramdam. Nagising ang diwa ko sa katok na nagmumula sa labas ng kwarto ko. Hindi ko na pinansin ito at hindi na rin nag abala pang buksan ito.Mommy....Naglakad ito nang mabagal papunta sa kinauupuan ko. Pinanood ko lamang siya sa salamin, gano'n din naman ang kan'yang ginawa. Pumwesto ito sa likod ko habang hindi kami nag-aalis nang tingin sa isa't isa.“I hope, you wouldn't hate us for doing this, Czes.” “You want me to marry that guy who really hates me to death, and you expecting me not to hate you? Mom, this is torture. Is that how Dad really hates me?” Nagyuko ito ng kaniyang ulo, ako naman ay nagsisimula na naman manubig ang mga mata.“I'm sorry, no. He didn't hate you,” my Mom said.“He didn't? I doubt.
Imbes na maglibang para sa natitira kong araw bilang malaya, eto ako at nagmumukmok sa kwarto ko. Walang lakas na lumabas o mamasyal para malibang. Kahit anong gawin ko, nasa isip ko pa rin ang mga nangyayari.Paano ako maglilibang, kung ang bigat-bigat ng pakiramdam ko dahil sa sama ng loob?Nakasandal lamang ako sa headboard ng kama habang naka earphones. Kung pwede lang na hindi na lang ako lumabas, ginawa ko na. Pero, sabi ni Daddy ay darating ang may dala ng gown ko para isukat sa'kin. Bumili raw sila ng yare na, ire-repair na lang daw kung may problema. Tss.Before, I'm dreaming about wearing a beautiful white gown walking down the aisle. But now, I'm hoping it won't happen... Not like this...Nang marinig ko na ang katok mula sa labas ng kwarto ko ay tumayo na ako. Inilapag ko muna ang phone at earphones ko sa kama bago pumunta sa pinto para buksan.Magandang ngiti ng dalawang bakla ang bumungad sa'kin, kasama ng mga ito si Mommy na seryoso lamang ang mukha.“Good morning ma'a
Dumating na ang araw na pinakahihintay ng magulang ko. Pero hindi ako, kung kailan hindi ko hinihintay ang araw ay s'ya namang bilis nitong dumating.Suot ang napakagandang gown, naka make-up at nakaayos ng maganda ang buhok. Walang emosyon kong tinitignan ang aking sarili sa harapan ng salamin. Ilang minuto na lamang at aalis na kami papuntang simbahan. Wala manlang akong maramdamang excitement, pakiramdam ko lamay ang pupuntahan ko. Gano'n kabigat ang pakiramdam ko sa mga oras na 'to.Napabalik ako sa sarili dahil sa katok ng nasa labas."Czes! Come out now, we're heading to church!" Sigaw ni Daddy mula sa labas.Isang malalim na buntong hininga muna ang aking pinakawalan bago tumayo at tumungo sa pinto. Pagbukas ko ay nag-aabang na si Daddy, suot ang kan'yang black tuxedo. Gwapong-gwapo itong matikas na nakatayo at naghihintay sa'kin.Kung totoong kasal ko lang 'to, sa taong mahal ko at mahal ako, pupurihin ko sana si Daddy, kaya lang... Parang lamay ko 'tong magaganap na kasal.In
Nakatayo kami ngayon sa tapat ng isang malaking bahay sa subdivision na pagmamay-ari nina Steve. Ang bahay na ito ay regalo sa'min ng mga parents niya. Meron sana kaming dalawang maids pero tinanggihan ni Steve. Ang dahilan niya sa mga magulang namin ay para raw matuto kami. Pero, alam ko naman talaga ang totoo kaya ayaw niya.Pumasok kami sa loob ng bahay, malinis ito at kumpleto na rin ang gamit.“Dalawa ang kwarto rito, kaya tig-isa tayo. Ayoko ng may kasama sa kwarto.” Sabi ni Steve at iniwan na ako. Umakyat na ito sa kwarto niya dala ang gamit niya.Napatingin ako sa maleta ko, tapos ay sa hagdan na aakyatan ko dala ang maleta. Napabuntong hininga na lamang ako sa kawalan ng choice. Iaakyat ko mag-isa ang maleta ko.Nahirapan man, at natagalan ay na i-akyat ko pa rin ang mga gamit ko. Pagkapasok ko sa kwarto ko ay ibinagsak ko ang sarili sa kama dahil sa pagod. Muntik na akong makatulog kung hindi lamang kumatok si Steve.“Hoy! Magluto ka na ng tanghalian! Gutom na ko!” Sigaw nit
WARNING!! RATED SPG!_______________________Napapansin ko na ilang araw na umaalis si Steve. Hindi s'ya rito kumakain, kaya naman mag-isa palagi akong kumakain.Hindi ko alam kung saan ba s'ya napunta, pero umuuwi s'ya na nakainom. Hindi man lasing na lasing dahil nakakapag maneho pa ito pauwi. Madalas akong nasisigawan nito sa tuwing may inom s'ya. Pero lahat 'yon ay binalewala ko kahit na nasasaktan ako. Inintindi ko na lamang.At ngayon nga ay naghihintay na naman ako sa kaniyang pag-uwi. Kahit ilang beses niya akong ipagtabuyan, wala akong pakialam. Hindi ko alam kung kailan nagsimula, pero...'yong crush ko lang sa kaniya noon ay biglang lumala. Bigla na lamang akong nagising na gusto ko s'yang alagaan, na gusto kong matanggap n'ya rin ako.Gusto ko rin tuparin ang hiniling ni Nicole na h'wag kong sukuan si Steve. Dahil gusto kong maniwala na, matututuhan din ako nitong mahalin.Agad akong tumayo sa pagbukas ng pinto. Hindi ako magtataka kung isang araw ay sira na ang aming pint