Share

Chapter Four

Ngayon ang araw kung kailan ang lunch kasama ang family ni Steve. Kinakabahan ako sa maaaring sabihin sa'kin ng parents niya. Malamang alam nila na hindi naman ako 'yong inalok niya ng kasal, pero ako ang pakakasalan.

Kahit na labag sa loob ko ay naligo at nag-ayos pa rin ako ng akibg sarili. I'm dressed in a black bodycon dress and black pumps. I simply pinned a cute hairpin near my ear to the side of my hair. I look like I'm on my way to a funeral. However, the reality is, pinagluluksaan ko na ang mga natitirang sandali ng buhay pagkadalaga ko.

Bumaba ako sa sala at doon naabutang naghihintay sina Mommy at Daddy. Tumaas ang isang kilay ni Daddy habang tinitignan ang kabuuan ko na nababa ng hagdanan. Pagkarating ko sa gawi nila ay bigla itong umismid.

“Hindi masyadong halata na nagluluksa ka sa pagpapakasal, Czes. Let's go...” ani Daddy.

Sumunod lamang ako sa kanila palabas. Gustuhin ko man na kausapin si Mommy, hindi ko magawa. Ito na agad ang naiwas kapag malapit na ako sa gawi niya.

Aaminin ko, ang sakit sa pakiramdam na ganito na kaming dalawa. Sobrang close ako kay mommy, bine-baby niya ako kapag kaming dalawa lamang. Ngayon, I feel as if I don't exist because she never takes the time to give me a glimpse. And it's excruciating. Her actions are excruciating. And I despise myself as a result.

Habang nagmamaneho si Daddy, nasa driver seat naman si Mommy. Walang kahit sino sa'min ang nagsasalita. Ako naman ay nakatingin lamang sa dinadaanan namin.

Nakarating kami sa Delux Resto, isang mamahaling Resto rito sa Batangas. Ang kaba sa dibdib ko ay lalo lamang tumindi sa mga minutong nalalapit naming pagkikita. Hindi ko alam kung paano s'ya haharapin, sa tuwing makikita ko s'ya, nakikita ko ang nasasaktang mukha ng girlfriend niya.

Apat na tao ang naghihintay sa'min sa isang mahabang mesa. Tingin pa lamang ay masasabi mong mayaman ang pamilya nina Steve. Tumayo ang mga ito nang makita kaming paparating. Si Steve ay hindi sana tatayo kung hindi pa tinignan ng kan'yang ama.

“Pleasure to finally meet you Mr. And Mrs. Dela Cruz,” nakangiting bati ng Daddy ni Steve kina Mommy at Daddy. Tinanggap naman nila ang pakikipag kamay nito.

“So do I Mr. Harisson, and to your wife too,” ani Daddy.

“Oh, by the way, my eldest, Lincoln Asher.”

“Nice to meet you sir,” nakipag kamay din ang Lincoln kay Daddy.

“Nice to meet you iho,”

Samantala, si Steve naman ay parang walang pakialam sa paligid. Parang tamad na tamad ito sa nangyayari.

Ilang segundo lamang ay nagpahanda na ang mga matatanda ng pananghalian naming lahat. Habang kumakain ay nag-uusap usap din ang mga ito.

“So, Mr. Dela Cruz, how's business world? We didn't have a chance to meet,” paunang tanong ng Daddy ni Steve.

“So far, getting better, there's so much in our plate. You know, buildings and houses.”

“Oh, yeah. Construction firm is not easy, but worth to have, right?”

“Yeah,”

Puro business lamang ang pinag-uusapan nila, kami naman ay tahimik na kumakain. Nang matapos na kumain, hindi talaga nila pinalampas ang usapan pagdating sa kasal.

“So, kailan ang kasal?” Tanong agad ng Mommy ni Steve.

“Mom!” Agad namang sabi ni Steve.

“What? The main purpose of this lunch is because of your wedding.”

“She's not my fiance!”

“Oh, you mean, your girlfriend, Nicole?” Her mom asked him.

“Yeah, she's my fiance and not her.” Tinignan pa ako nito ng masama, agad naman akong napayuko.

“Well, not now.” His Dad said.

“What?” Salubong na salubong na ang kilay ni Steve.

“You're not going to marry Nicole, because you're marrying Ms. Dela Cruz.” Sinulyapan ako ng Daddy niya sabay ngiti, gano'n din ang ginawa ng kaniyang Mommy.

“But Dad... That's not what you promised! You told me, you're going to do something to stop this nonesense marriage!” He exclaimed, his brother hold him to his shoulder to calm him down.

“I changed my mind, you will marry their daughter. In fact, Nicole is not suit to our family. She's poor, and came from a broken family. While here, Brianna, beautiful, kind, and rich as we. See the big difference?”

Tumango-tango naman ang Mommy nito, samantala ang kuya niya ay walang emosyon na nakikinig. Si Steve ay umiigting na ang panga sa galit.

“You wanna know the real difference?” Seryosong tanong nito sa kan'yang ama at tinignan isa-isa ang mga kasama namin sa mesa. Tumigil ang paningin nito sa'kin, mata sa mata, seryosong seryoso.

“Nicole is the one I love, only Nicole can complete me. Yes, they different, but the best difference is. I love Nicole, and I hate you...” Tumalim ang tingin nito sa'kin.

“Steve!” Saway sa kaniya ng Daddy niya. Bigla akong napahiya dahil sa kan'yang mga sinabi. Pakiramdam ko ay sinaksak ako nang paulit-ulit. Sobrang pagpipigil ng luha ang ginawa ko.

“What? I just saying the truth here, what the essence of marrying her if I don't love her?”

“So, what is your girlfriend's reaction about that night with my daughter?” Tanong bigla ni Daddy na nagpatigil kay Steve. “I bet, you didn't tell her that you made sex with my daughter, after proposing to her? Am I right?” Biglang ngumisi si Daddy.

Shit! Daddy! What are you thinking?

“Don't you dare.” Matigas na sabi ni Steve kay Daddy.

“Sure, because I don't need to tell her. She already heared it all...” Tumingin ito sa kabilang mesa, sa isang babaeng nakatalikod sa'min. Agad naman nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko na ito.

No!

Mabagal na tumayo ang babae sa isang mesa, at mabagal din itong lumingon sa gawi namin. Ang mga mata nito ay puno na ng luha, kagat kagat na nito ang kan'yang labi na nangangatal na.

Ang sakit! I'm sorry...

“C-Congrats...” Basag na boses na sabi nito kay Steve, “W-Wala ka pa lang balak sabihin sa'kin ang lahat. P-Pero, salamat na rin at narinig ko lahat...” Hindi na niya napigilan ang mga luha nito na nag-unahan na sa pagpatak. Kahit anong punas niya, at kahit halata mong pinipilit niyang pigilan, wala rin.

“B-Baby...” Tumayo si Steve, kitang kita sa mata niya ang takot. Ang galit at maangas niyang mukha kanina ay biglang nawala pagkakita niya sa umiiyak na Nicole.

Sobrang mahal talaga niya...

Ngumiti si Nicole kay Steve, sa pagngiti nito ay ang pagpatak ng luha niya.

“Tama naman Daddy mo, hindi ako bagay sa pamilya mo.” Tumingin ito sa Daddy ni Steve, “Maaaring mahirap lang po ako, pero hindi ako masamang tao.” Inalis nito ang singsing sa kaniyang daliri na nagpalaki sa mata ni Steve.

“N-No... B-Baby no...” Akmang lalapitan s'ya ni Steve pero pinigilan s'ya ng kuya niya. “Let me go Kuya, please...” Pagmamakaawa nito sa kuya niya.

Umiling ang kuya nito, “Huwag mo nang gawing komplikado ang lahat, madadamay lang siya...” Mahinang sabi nito sa huling salita pero rinig ko pa rin.

Madadamay??

Nagsusumamong tumingin ito kay Nicole, awang-awa na ako sa kanilang dalawa pero wala akong magawa. Wala kaming magawa...

Ibinaba ni Nicole ang singsing sa dulo ng lamesa namin.

“C-Congrats.... I w-wish you the best... Reach our dream.... With her..” Tumingin ito sa'kin saglit bago tumingin muli kay Steve. “M-Maging mabuti kang asawa, g-gaya ng pangako mo sa'kin.... Kahit na...hindi na  a-ako ang misis mo...” Umiling-iling naman si Steve habang isa-isang pumapatak ang kan'yang mga luha. Pigil-pigil pa rin ito ng kuya niya.

Ang sakit....

Sa pagtalikod ni Nicole, doon na nagpiglas ng sobra si Steve. Galit na galit ito hanggang sa hindi na s'ya kaya pang pigilan ng kuya niya. Mabuti na lamang at kakaunti ang tao sa resto.

Tumakbo ito patungo kay Nicole na nakalabas na ng pinto. Nang maabutan niya ito ay bigla na lamang niya ito niyakap mula sa likod.

Tangina! Ang sakit!

Umiiling-iling ito habang nakayakap kay Nicole, lahat kami ay pinapanood lamang sila. Umaalog na ang balikat ni Steve habang nagsasalita si Nicole, pareho silang umiiyak sa labas ng resto. Pinilit ni Nicole na alisin ang pagkakayakap ni Steve. At nang mai-alis niya ito ay tumakbo na ito palayo.

Hindi man namin rinig, pero kitang kita ang pagsigaw ni Steve sa pangalan ni Nicole na tumatakbo palayo sa kan'ya. Napaluhod pa ito sa daan at napasabunot sa kaniyang buhok.

Hindi ko na mapigilan ang aking luha dahil sa sakit na nasaksihan.

“Puntahan mo kapatid mo Asher,” utos ng kanilang ama. Ang ina nito ay nagpupunas na ng gilid ng kanyang mata. Ganoon din si Mommy, pero sina Daddy ay parang wala lang.

Pilit na pinapatayo ng kapatid niya si Steve na nakalupagi na sa daan.  Kitang kita mo ang sakit na nararamdaman niya mula rito.

“Daddy....” Tawag ko kay Daddy, tumingin silang lahat sa'kin. “T-Tama na po... A-Ayoko pong magpakasal...” Pagmamakaawa ko.

“No, huwag kang maawa sa kanila. Isipin mo ang sarili mo.”

“Pero Dad... Please...”

“No! And that's final!”

Tumayo ako at tumakbo palabas ng resto, rinig ko pa ang tawag sa'kin ni Daddy. Naabutan ko pang katatayo lamang ni Steve, nakaalalay ang kan'yang kapatid. At nang makita niya ako ay agad nagdilim ang tingin nito.

“Are you happy now? You ruined us, iniwan na ako ng taong sobrang mahal ko! Iniwan ako ng nag-iisang tao na nakakaintindi sa'kin! Lahat 'yon ay dahil sa'yo at sa pamilya mo!” Galit na galit na sigaw nito sa'kin habang dinuduro ako. Napatakip ako sa aking bibig habang nagpipigil na mapahagulhol.

Kung hindi ito hawak ng kuya niya ay malamang nasaktan na ako nito sa sobrang galit.

“Kasal?” Tanong nito at biglang ngumisi na ikinatakot ko. “Sige, ibibigay ko ang kasal na gustong gusto ng parents mo. At ipararanas ko sa'yo ang impyerno! Kung paano niyo kami sinira ni Nicole! Kung paano niyo sinira ang buhay ko, gagawin ko rin sa buhay mo! Tandaan mo 'yan!” Sigaw nito sa'kin.

“Steve!” Saway ng kan'yang kuya.

Aaminin ko, sobrang kinabahan ako sa kan'yang sinabi. Dahil sa halo-halong nararamdaman ay tinalikuran ko na sila at tumakbo palayo.

Palayo sa mapanakit na mundong meron ako.

Palayo sa mga taong nasasaktan ng dahil sa'kin at sa pamilya ko.

Away from him... Even just for a day... Without pain...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status